Chapter 23 - 21

A typical day inside the LPC building. I'm doing my job while Davon is away. He's in Russia to visit his Mom, as his mother and also as his business partner. Gusto nya nga na isama ako eh, kaya lang walang maiiwan dito sa company. Mataas na kasi ang sales ayon sa CFO ng kompanya. Kaya ayon at katatapos lang ng meeting. Lahat ng napag-usapan kanina ay sina-summarize ko na para basahin nalang ni Davon pagdating nya.

Also, he told me that his Mom will visit next week, here in the company. Kinakabahan tuloy ako. Paano kung hindi nya ako gusto para kay Davon? Pano kung palayuin nya ako sa anak nya? Nako, ayoko.

Nagbeep ang cellphone ko kaya chineck ko ito at bumungad sakin ang message ni Davon.

Just finished lunch, how's my girlfriend?

Napangiti ako nang mabasa ang message nya. This man really knows how to make me smile. Nagtype ako ng message bilang pang-reply sa message nya.

Okay lang naman, inaayos ang mga dapat ayusin. Tinatapos ang mga dapat tapusin. Pauwi na ako.

Nang ma-send ko 'yon ay napatingin ako sa wall clock. 5:35 pm. Dapat matapos ko na 'to. Bumuntong hininga ako saka dali-daling nagsulat. Pero siniguro ko naman na mababasa iyon ni Davon. Nang matapos ay inayos ko ang mga gamit ko saka lumakad pauwi.

Kinabukasan naman ay nanibago ako sa mga pangyayari sa company. Parang eksena dati sa university, yung Dean kasi don, nakakatakot talaga. Mababalisa ka't kung hindi ka mag-iingat, mamamalayan mo nalang na sinisigawa ka na ni Dean. Ganon na ganon sila ngayon. Naisipan kong tanungin ang isang nakasalubong ko.

"Good morning, what's happening?" tanong ko sa isang batang lalaki, kaedad yata ni Alistair.

"Good morning po. Parating daw po si Ma'am Ighes, ang business partner ni Sir Lopez. Excuse me po." magalang na sagot naman nya. Tumango ako at kinakabahan man ay tinahak ko ang daan papunta sa sa office.

Nang buksan ko ang cellphone ko ay nakita ko ang message sakin ni Davon kaninang 5:00 am. Hindi ko iyon nakita! Hindi ko naman kasi masyadong chinecheck ang cellphone ko kaya ganon.

Baby, Mom and I are going back. A meeting will be held later. I miss you. 12:00 am in here. Good morning.

Napatampal ako sa noo ko, malalaman ko sana nang mas maaga kung chineck ko lang ang cellphone ko kanina. Ano ba naman yan. Kaasar!

May kumatok sa pinto kaya napabaling ako ng tingin doon. "Miss, hinahanap ka na po sa meeting room, ikaw nalang po ang hinihintay." nang sabihin iyon ng isang babae ay isinara nya na ang pinto at agad akong kinabahan doon! Napatingin ako sa salamin na nasa desk ko, ayos na ang mukha ko. Ang damit ko naman ay ayos lang. Bumuntong hininga ako saka tumayo.

Kaya ko 'to.

Bumuntong hininga ulit ako saka lumabas ng office. Tinahak ko naman ang daan papunta sa lift, nang bumukas iyon ay nagulat ako nang makita ko si Davon doon habang humihigop sa kape na malamang ay galing sa cafeteria sa baba. Pumasok ako sa elevator at inilipat nya naman sa isang kamay nya ang kapeng binili. "Baby!" he immediately smiled when he called me. Lumapit ako lalo at niyakap sya.

Oh, his scent! How I miss him, all of him.

"How are you, baby? Did you miss me? I miss you so much." sabi nya kaya natawa ako.

"Of course I missed my boyfriend, duh?" sabi ko kaya natawa sya. Tumingkayan naman ako para halikan sya nang mabilisan sa labi. Agad din akong lumayo.

Nang bumukas ang elevator ay nauna akong lumabas pero narinig ko pa ang bulong ni Davon. "Fuck, mamaya ka sakin, Selena." agad akong kinabahan doon kaya binilisan ko ang lakad papunta sa meeting room. Nang makarating sa labas noon ay muli akong bumuntong hininga saka marahang pinihit ang door knob. Lahat sila sa loob ay tahimik kahit nang buksan ko iyon.

I looked at the woman standing infront of everyone here. She's wearing a black dress and a pink blazer. She looks like she's in her early 20s. But I kinda know that this is Davon's Mom. Kinabahan tuloy ako. "Good morning everyone, thank you for waiting for me." yumuko ako nang bahagya saka tinungo ang bakanteng upuan. Napadako ang paningin ko kay Mrs. Ighes, at nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakangiti sya sakin, nao-awkwardan man ay ngumiti rin ako nang alanganin.

"Hello everyone." si Davon. Aba't iba naman talaga pag CEO ka e. Pwede ka malate-late lang. Pero hayaan na't nalate din naman ako diba? Secretary ako hindi CEO, 'no?

The meeting was adjourned after an hour. Wala naman actually'ng pinag-usapan, mga chitchat lang ang narinig sa buong meeting room habang nakangiting nag-uusap si Davon at si Mrs. Ighes. Dumeretso ako sa office at nagulantang ako sa naabutan.

Andon si Davon at si Mrs. Ighes! Nako, lumabas kaya muna ako? Tatalikod na sana ako pero huli na. Nasa harap ko na si Mrs. Ighes at hindi ko inasahang yayakapin nya ako! I awkwardly looked at Davon who's smiling while looking at us. I mouthed "what's happening?" but he just shrugged!

"Dear, you're really beautiful! If only I knew earlier!" cheerful na sabi ni Mrs. Ighes sakin habang confused na confused ako sa inaakto nya. "Damon told me A LOT about you and I saw that he's really happy with you, dear." sabi pa nito habang nakangiti sakin.

Nakita kong napailing-iling si Davon bago sya tumayo at nagpaalam na lumabas. Mas lalo tuloy akong natakot, pano kung palabas lang 'yon habang andon si Davon? Pero ba't nya ako nginingitian kanina sa meeting room?

"So, you're my son's girlfriend, huh?" nakakatakot na sabi ng katapat ko. Sabi ko na eh! "Gosh, dear you're so cute! Come on give me a hug." anito saka niyakap ako. Mam, ano po ba talaga? "I was just joking. Come on. Talk. Ooh, by the way, I'm Anastasia Leina Ighes, but you can call me Mom, is that fine, dear?" tanong nito.

"Uh...." I gave her an awkward smile. "S-sige po. Ako po pala si-"

"Selena Aiah Tuazon, 24. Finished BS Management and many more. Come on, Damon told me almost all about you! And I must say that, I love you for my son." napangiti ako doon.

"Salamat po, M-mom." sabi ko. Nagulat naman si Mom- si Mrs. Ighes, ano ba, Selena?

"Aww, ang cute mo talaga!" eh? Nag-Tagalog sya? "Yes, dear. Marunong ako mag-Tagalog-" naputol sya sa sasabihin nang may kumatok at pumasok ang babae na kumatok din kanina. "Oh, hi Athena! Athena come here." lumapit naman ang babae. "Ito si Selena, ang secretary ni Damon. Selena, ito naman si Athena, secretary ko." sani ni Mrs. Ighes.

"Hi po. I'm Athena Reese." sabi ng babae. She's so cute. No, mahinhin? I don't know but she's like, she's so soft. Naglahad sya ng kamay kaya tinanggap ko 'yon. Nagpakilala naman ako at ayon nga. Hinarap nya naman si Mrs. Ighes at sinabi ang pakay. Maghahanda na pala sila sa flight nila pabalik ng Russia.

"Dear, shopping tayo next time?" tanong sakin ni Mrs. Ighes nang makalabas ang sekretarya nya.

"Uh, sige po." ngumiti sya at niyakap ako. Niyakap ko rin sya. "Ingat po kayo." sabi ko.

"I will. Take care of my son, Selena, okay?" habilin nito kaya tumango nalang ako. Bumeso sya sakin kaya ganon din ang ginawa ko. "You're so adorable, dear. Sya sya, mauuna na ako." sabi nya. Tumalikod na sya pero humarap ulit.

"I really want you for my son. He's never been like this before." aniya kaya napangiti ako. Salamat naman po kung ganon. "I'm expecting to recieve an invitation, my dear. Send me one, okay? Bye." anito saka lumabas ng office. I was left dumbfounded.

Send her an invitation? Para saan?