Chapter 27 - 25

"Happy birthday!" 

Nagulat ako nang may pa-confetti pa sila. Grabe nagulat ako. 

Napatingin ako sakanila. Si Mama, si Papa, si Alistair, at si Davon. Wala pa si Keana, hayaan na't nagdedate yata sila ni Zach. 

Lumapit ako sakanila at niyakap sila isa-isa kasabay ng pagpapasalamat ko sakanila. Nang mayakap ko si Davon ay mas lalo lang akong sumaya. "Happy birthday, baby." napangiti tuloy ako nang malawak kaya umalingawngaw ang mga pang-aasar ni Alistair saamin.

"Sana all!"

Andito kami sa bagong bahay, yep, tapos na sya kaya nga andito na kami, diba? 

Napatingin ako sa decorations na panigurado'y gawa ni Alistair at Davon. Sina Mama at Papa sa handa kaya sila naman sa dekorasyon, na hindi naman yata ganon kakailangan. Muli akong nagpasalamat sakanila at sabay-sabay kaming kumain. Napangiti ako nang mabasa ang nasa cake.

Happy 25th birthday, Keana and Selena!

Kumain nalang ako saka umiling-iling nang maisip kung andito ba si Keana. Paniguradong iingay lalo. Maingay na kasi't nag-uusap si Davon at Alistair, excited masyado si Alistair kakakwento. Kilala ko to e. Basta't excited to, malilimutan nya kung ano ang salitang tahimik.

Si Mama naman ay tumatawa sa mga biro ni Papa na hindi ko narinig. May katandaan na silang dalawa, nasa early 50s na si Papa at si Mama naman ay nasa kanyang late 40s.

Napawi tuloy ang ngiti ko'ng kanina ko pa suot nang maisip na tumatanda na ang dalawa. Pero bumuntong-hininga na lamang ako. It's not good to think about what will happen tomorrow. I'll just focus on today. Tomorrow will happen and I can do nothing to stop it.

Nang matapos sa kainan ay busy pa si Alistair sa pakikipagdaldalan kay Davon, kaya nagprisinta si Mama na sya na raw ang maghuhugas kahit sabi ko'y kaya ko naman. Inulit-ulit nya sakin na sya nalang kaya pumayag na ako. Habang bored na nakaupo ay narinig ko ang kinikwento ni Alistair.

"..... hindi ko alam Kuya pero tinamaan yata ako sakanya." sabi ni Alistair saka umiling-iling. "Baka nga sya na ang maging karma ko, Kuya." dagdag nya pa.

"You've really fallen for that girl, what's the name again?" si Davon naman. Tinanong pa ang pangalan, chismoso.

"Esther Lyndsey po, Kuya." mahinang sabi ng kapatid ko pero sapat na ang pagkakasabi noon para marinig ko. I-search ko kaya mamaya. Esther Lyndsey, hmm.

Matapos ang ilang oras ay pagabi na. Nagpaalam sakin si Davon at ganon din ako sakanya. Nagpasalamat narin ako. Hinalikan nya pa ako bago sya tuluyang sumakay sa BMW nya.

-

"Happy New Year, baby." si Davon kaya napangiti ako. 

"Excited ka masyado. 11:57 pm palang." sabi ko kaya bahagya syang napanguso. Andito kami sa labas ng bahay, hinihintay ang countdown at ang fireworks display. Si Alistair ay tulog, napagod sa date daw nila nung Esther Lyndsey. Ngiting-aso nga kanina pagkarating, pinagkakandalakan saamin na nakuha na raw ang first kiss nya. Syempre hindi ako naniwala. Ang dami nyang kahalikan dati tapos yun yung first kiss? Ayoko maniwala, never.

Sabi naman nya'y yung mga kahalikan nya dati ang may gusto. Gusto nya rin daw, pero nang mahalikan nya kanina ang ka-date nya'y iba raw sa pakiramdam. Nagbiro nga ako. Sabi ko, baka pakiramdam na nakahanap ka ng karma mo kaya ayon sya't nagdabog na parang bata bago pumasok sa kwarto.

"Baby, here's the countdown." si Davon.

"10!" 

"9!"

"8!"

"7!"

"6!"

"5!"

"4!"

"3!"

"2!"

"1!"

"Happy New Year!" nakisabay kami ni Davon sa pagsigaw noon. At kasabay naman ng pagputukan ng mga makukulay na fireworks ay ang biglang paghawak ni Davon sa panga ko at marahas akong hinalikan. Nasa madilim na parte naman kami kaya paniguradong walang makakakita samin dito. Davon drank some wine earlier so I tasted it when his tongue entered my mouth. I encircled my arms around his nape and he held my waists and pulled me closer to him.

"Go, Ate!" sigaw ng kung sino sa likod. Napatingin naman ako't andon si Alistair na nakangisi habang nakatingin saakin kaya agad akong lumayo at naglakad papasok ng bahay, bwisit sila.

Pumasok ako sa kwarto matapos batiin sina Mama at Papa. Kinuha ko ang laptop ko ay nagtipa ng kung ano. Binati ko rin sina Keana at Zach na nasa Boracay daw. Magsa-sana all sana ako kaya lang galing pala kami ng Aklan last year kaya 'wag nalang.

Pinatuloy ko naman ang kwentong sinusulat ko sa Wattpad, horror story ito. Kaya lang pinagtatawanan ako ng mga readers ko kaya bahagya akong nalungkot. Pumasok naman si Davon sa kwarto at nag-aya na kumain. Pinabasa ko muna sakanya ang isinulat ko para malaman kung ano ang nakakatawa.

Papasok ako sa bathroom pero may kung ano doon na kinatatakutan ko. Pero naisip ko na hindi naman totoo ang mga multo kaya nagpatuloy ako. Halos isang linggo na kaya akong walang ligo!

Napatingin ako kay Davon na nakakunot ang noo habang nagbabasa.

Bagaman nanginginig ang kamay ay nagawa kong pihitin ang doorknob. Nang hawiin ko naman ang bathroom curtain ay napasigaw ako nang may makita akong babaeng may mahabang buhok at nakaputing damit na may mga bahid ng dugo.

Lalabas na sana ako dahil sa takot pero nagsalita ang babae. "Ang baho! Bahala ka nga!" anito saka nawalang parang bula.

Humagalpak sa tawa si Davon kaya kumunot ang noo ko. Ang tagal din nyang tumawa kaya medyo nainip ako. "Seriously, baby. Try comedy." natatawa paring sabi nya kaya napanguso ako. Ang mga mata nyang kanina'y nakatuon sa mga mata ko'y lumipat sa mga labi ko.

Since Alistair cut our kiss earlier, it's me who leaned to give Davon a kiss. He immediately responded and pulled me closer. His tongue entered and fought with mine. In an instant, Davon was already lying down the bed while I'm on top of him. He kissed me again, not minding our position. 

My hand crept towards his chest, it went down to his hardness. "Fuck." he whispered. 

He's damn hard!

He kissed me again but softly. I started rubbing his pants and he stopped. "Fuck it." he gently pushed me and stood up. He fixed his clothes and sighed. "Let's just eat, baby." sabi nya.

Tumango ako. "S-susunod ako."

Ngumiti sya saka lumabas. Napaisip naman ako.

Hindi nya ba gusto ang ginawa ko?

Tumayo nalang ako't lalabas na sana nang maisipan kong icheck ang Facebook ko. Nang buksan ko naman iyon ay nagulat ako nang aksidente ko iyong na-scroll.

PEOPLE YOU MAY KNOW:

Marcus L.

Works at LPC