"Selena, dear, this looks good on you. Go on and try it."
Andito kami sa kalapit na mall. Nag-aya kasi si Mrs. Ighes since sinabi nya bago sya umalis na magsha-shopping daw kami next time, at ito ang tinutukoy nya na next time
Si Mrs. Ighes ang namimili ng mga damit na isukat ko raw e andami ko na ngang hawak, maging si Davon na prenteng nakatayo ay may mga dala na rin. He gave me an apologetic smile and I smiled back before I mouthed it's okay.
"I guess that's enough?" ani Mrs. Ighes nang matapos sa pamimili. Humarap sya saamin at agad na ngumiwi. "Kakaunti palang pala yan. Sandali't maghanap pa tayo ng iba." aniya saka nagsimula ulit maghanap ng ipapasukat saakin. Hinayaan lang namin sya ni Davon since hindi naman sigurado kung bibilhin, kaya nga isusukat ko muna.
-
"That looks good! Akin na't isasali natin sa babayaran." tumingin ito kay Davon na ngayon ay wala na ang mga hawak na damit. Pumasok nalang ako ulit sa fitting room at hinubad ang isinukat. Isiunot kong muli ang mga damit ko at lumabas. Ibinigay ko kay Mrs. Ighes ang damit at sya ang nagbayad noon.
Pumila kami sa cashier kahit si Mrs. Ighes lang naman ang may hawak ng mga damit.
"That would be 16,529 pesos, Mam." halos lumuwa ang mga mata ko sa narinig. Alam kong dapat mag-expect ako ng mahal na bayaran pero hindi ganito kalaki ang inexpect ko!
"H-hindi ko naman po kailangan ang ganyan kadaming damit—"
"No, hija. Let Mom buy them, please." anito at ngumiti saakin kaya wala nalang akong nagawa kundi ngumiti pabalik at tumango nang marahan. Lumawak ang pagkakangiti nya at nakita kong nag-abot si Mrs. Ighes ng isang card sa cashier at nang matapos ay ibinigay nya kay Davon ang mga paper bag na naglalaman ng lahat na pinili nya para saakin kanina, na lahat din ay binili nya.
"Where should we go next? Damon, lead the way anak. Go on." excited na sabi ni Mrs. Ighes kay Davon at nauna nga si Davon pero sumusulyap-sulyap pa sya saamin.
"Salamat po, M-mom." mahinang sabi ko sakanya.
Ngumit sya saakin at hinigit ako palapit. "Anything for my new daughter." aniya kaya nagulat ako roon. A lone tear escaped my eye kaya napayuko ako. "Bozhe moy, have I said something wrong?" nagulantang ang ginang at pilit akong tinago lalo na nang sumulyap saamin si Davon. Agad na lumapit sya saamin at iniangat ang paningin ko.
With worry in his eyes, he held my chin. "Baby, what's wrong?" he asked softly. Umiling-iling ako at niyakap pa ako ni Mrs. Ighes
"I'm sorry for whatever I have said, dear. Mom didn't mean to." anito kaya napangiti ako. Iba talaga 'pag tanggap. Ang saya sa pakiramdam.
"Baby, you sure it's nothing?" malumanay pang tanong ni Davon kaya pinunasan ko ang pisngi ko gamit ang likod ng palad ko at ngumiti sakanya. Ngumiti rin sya. "Okay then. Let's eat now, I'm hungry." aniya kaya mahina kaming natawa ni Mrs. Ighes.
Lumapit ako lalo sakanya at bumulong. "Thank you po for accepting me for your son." bulong ko kaya nginitian nya ako. Ngumiti rin ako sakanya at lumakad na nga kami pasunod kay Davon na ngayon ay nasa harap na ng isang Italian restaurant.
-
Matapos kumain ay dumeretso kami sa supermarket. Halos paubos na raw kasi ang laman ng ref ni Davon kahit nakita kong kalahating puno at kalahating wala iyon. Baka iyon nga ang definition nya ng ubos kaya hinayaan na lamang namin ni Mrs. Ighes.
Si Davon lang ang kumukuha ng mga pagkain o iba pa at paminsan-minsan ay tinatanong nya rin kami. Habang nasa likod lang kami ni Mrs. Ighes ay nagkekwento sya saakin.
"Hija, did you know that we only use the last name Ighes when it's business matters?" tanong nya kaya napakunot ang noo ko. "Yeah. Whenever it's not business matters, we use the last name Cohen. I mean, Cohen is our real last name, the Ighes was just a made-up one so that our last name would sound more Russian." she explained.
Mind blown.
"Totoo po?" tanong ko. Cohen? Ang galing no'n ah?
"Yes! Ask him." aniya at itinuro ang anak na ngayon ay kumukuha ng Oreos. Naisipan ko na itanong nalang kay Davon iyon mamaya. Natahimik naman kami ni Mrs. Igh— Cohen. Natahimik kami ni Mrs. Cohen matapos no'n pero minsan minsan din ay nagsasalita sya.
Nang makauwi kami ay sandaling nanatili si Mrs. Cohen sa unit ni Davon at nagluto si Davon ng kakainin namin para sa hapunan. Nang matapos naman kami kumain ay nagkwento muna si Mrs. Cohen saakin tungkol sa ama ni Davon. Ikwinento nya rin saakin kung paano sila nagkakilala, kung paano sila nag-ibigan, hindi ko tuloy maiwasan na pamulahan ng pisngi lalo pa't parang ganon din kami ni Davon!
Nang magpaalam sya ay may iba pa syang ibinilin saakin at nagpasalamat ako ulti sakanya. May unit din daw na para sakanya dito at inayos na iyon ni Davon. Nang makalabas sya ay naghintay muna ako ng ilang minuto bago ko maisipang magshower.
Nang makatapos ay agad akong nagbihis. Ngayon ay nakasuot ako ng light blue pajamas na bigay ni Davon saakin. Nagbiro pa nga ako noon na hindi ko kailangan pero agad ko namang binawi.
Habang nakahiga sa kama ay naisip kong muli ang mga sinabi saakin ni Mrs. Cohen kanina. Ang tungkol sa ama ni Davon, ang mga ugali nito.
Napangiti ako nang maisip na halos kaparehong-kapareho ni Davon ang ama sa ugali, at pareho naman ang love story ng ina at ama nya at kami. Napabuntong-hininga ako. Kung ako'y mananatili ako sa tabi ni Davon, kahit pa mayroong isa pang magmamahal saakin. Pero alam ko na may dahilan si Mrs. Cohen sa pagpili at pagsama sa ama ni Dailon, hindi ko nga lang alam kung ano
Bigla tuloy ay naalala ko ang pag-uusap ng mag-ina kanina na isinawalang bahala ko lang since hindi ko naman sila naintindihan pareho. Hayaan ko nalang kung ano man iyon.
Blangko akong napatingin sa kisame at muling inisip ang lalakin hinahanap ko. Si Marcus.
Napatingin ako sa telepono ko at kinuha iyon. Hinanap ko ang account ni Marcus L. Alam ko na may posibilidad na hindi sya iyon pero dapat lang na subukan ko. Nagtipa ako ng mensahe. Dapat ko na syang pakawalan, dapat ko na syang palayain sapagkat ngayo'y alam kong hindi sya saakin.
Kasabay ng pagbuntong hininga ko ay ang pagpindot ko sa send button. Itinabi ko ang cellphone ko at maya-maya pa'y dumating si Davon. Nginitian nya ako at nginitian ko rin sya pabalik. Lumabas muna sya ng kwarto at nang bumalik ay nag-aya na syang matulog, ganon nga ang nangyari. Hinayaan ko lang na mahulog ako sa kailaliman ng pagtulog ko, hinihintay na sumikat ang araw at magpatuloy sa buhay.
Marcus, kung ikaw yan, pwes ako ito. Si Selena Aiah. Iyong niligtas mo, yung nililigawan mo dati. Nagpapasalamat ako sa ginawa mong pagligtas saakin. Sayang, hindi kita makita. Sasagutin na sana kita.
Biro lang. Masaya na ako ngayon kasama ng isang lalaking wala akong balak na iwanan mag-isa, dahil mahal na mahal ko sya, akin na akin lang sya. Alam ko na ganon din sya sa akin, Marcus.
Sana'y masaya ka kung nasaan ka man, kung gusto mo akong makita, sabihin mo lang. Yun lamang, salamat ulit. Magandang gabi. Malaya ka na, Marcus. Hindi ka saakin pero pinapakawalan na kita.