Chapter 34 - 32

Shoot, the meeting!" sigaw ko. "Davo—" napatigil ako nang ma-realize na wala pala sya dito. Ayon, wala nanaman. Pangatlo na 'tong araw. 

Napabuntong-hininga ako. Tumayo ako at inayos ang desk ko bago pumunta sa meeting room. 

Wala naman masyadong tinalakay. Actually, hindi ako nakinig. Buti nalang at hindi ako tinawag para magbigay ng opinion. Iniisip ko lang naman kung bakit simula noong inamin ni Davon saakin na sya si Marcus ay hindi na sya masyadong lumalapit saakin. Hindi na rin sya nangyayakap o nanghahalik, kahit sa noo man lang o sa pisngi. Isang gabi, narinig ko rin syang kausap yung Helena na ex-girlfriend nya. 

Dapat ay magalit ako. Dapat sana. Kaso alam ko na may dahilan si Davon sa ganito. Kaya pagkauwi ko sa unit ni Davon ay nagulat ako nang makitang may babae roon! 

Napalunok ako at akmang magsasalita na sana nang mapansing hindi man lang nila naramdaman na andito ako. Probably because malayo sila saakin. 

Pumasok nalang ako sa kwarto at nagpahinga. Nang makaramdam ako ng gutom ay nagluluto na pala si Davon. "Hey." tawag nya. "Let's eat." sabi nya na hindi inaalis ang paningin sa pagkain. Agad akong nalungkot pero sinasabi ko lang sa sarili ko na he has his reasons. At aalamin ko yun.

Ilang linggo pa ang nakalipas at ganoon parin saakin si Davon, kapag magtatanong naman ako ay sasabihin nya'ng not now. 

Kaya naman, nang tanungin nya ako ay nagulat ako. "How do you want our wedding to be?" biglang tanong nya kaya napaangat ako ng tingin sakanya. He's looking seriously at me. 

"I d-don't know. B-beach wedding?" utal-utal na sabi ko. You can't blame me! Naiilang ako sa titig nya!

"Beach wedding it is." sabi nya at nagtipa sa laptop. "How about your wedding gown?" dagdag na tanong nya pa na mas nagpagulat saakin.

Is he planning for our wedding right now? He didn't even proposed to me! Napanguso ako sa naisip. Totoo iyon. Paano naman nya ako mabibigyan ng engagement ring e hindi nya nga ako masyadong kinakausap?

"J-just a simple one." I said, a tear fell from my right eye.

Nagtipa ulit sya sa laptop nya at nang mapansing umiiyak ako ay nagsalita sya ulit. "Why are you crying?" tanong nya sa seryosong tono. Pero hindi nakatakas sa pandinig ko ang pag-aalala doon.

Umiling agad ako at yumuko. It's because it seems like you're planning for our wedding when you haven't even gave me an engagement ring yet! Muli akong napailing sa naisip. 

Okay na na pakakasalan nya ako. Selena, 'wag kang choosy.

The day went at lutang ako pauwi. Davon continued asking me things related to a wedding so I just answered while my mind was drifting away. Natapos ang araw na iyon at nagsimula ang bagong araw.

Isang buwan na ang nakalipas ay napapalagi naman na ang pagkausap saakin ni Davon. Masaya na ako doon. Niyayakap nya na rin ako, pero hindi hinahalikan. Magtatampo na talaga ako. February na kaya. Tapos miss na miss ko narin sya. Hindi sya mismo. Kundi sya.

"Baby," si Davon yan. See? May improvement na. "Pack your things." sabi nya at ngumiti. Hindi na ako nagtanong pa dahil alam ko na bakasyon 'to. Hindi ko na rin inalam kung saan.

Umuwi ako saglit saamin para magpaalam pero wala sila doon. Tinawagan ko sila Mama pero hindi nila sinasagot ang mga tawag ko. "Baby, I told them already." sabi ni Davon kaya medyo nakampante ako. Lumakad na nga kami at nagpa-airport. Nagulat ako nang malaman kung saan kami papunta. 

"M-Maldives?" tanong ko sakanya. He grinned at me and pulled me into the plane.

It was a smooth flight. Pagkarating namin doon ay nakaset na ang room na binook ni Davon para saamin. Gabi narin kaya hindi ko masyado na-admire ang paligid. Nang makarating ay kumain lang kami saglit at agad akong natulog.

Nang magising naman ako ay wala si Davon dito! Hinayaan ko na muna iyon dahil baka namasyal lang. Alas-tres narin kasi ng hapon. Gutom na gutom ako at buti nalang ay may pagkain sa dining table. Isinalang ko iyon sa microwave oven at nagshower. Nang lumakad naman ako para buksan ang maleta ko ay wala iyong laman! Naisip ko na baka nasa walk-in closet pero wala rin doon. 

Tanging isang floral wedding dress ang naroon, tutal walang damit na iba, naisipan ko na subukan iyon. At ang ganda! Lalo pa't suot ko.

Huhubarin ko na sana iyon nang magbeep ang phone ko. It's Davon.

"Wear the floral wedding gown and walk along the wooden aisle." sabi sa text. Kinakabahan man ay sinunod ko iyon. Nakakain naman ako't lahat, okay na 'to. Pero kinakabahan ako dahil pinasuot nya ako ng wedding gown, baka ipakasal nya ako sa pangit na business partner kapalit ng marami pang malalagong kompanya! Pero naisip ko rin na baka trip nya magkasal-kasalan.

May ilan pang wooden house na nadaanan ko pero walang tao doon. Habang naglalakad ay mas na-admire ko ang paligid. Ang ganda. Para tuloy gusto kong magswimming ngayon.

Sa magkabilang side naman ng wooden aisle ay may pillars na may isang paso na naglalaman ng mga bulaklak na baka ay violet at tawag, nagadahan ako kaya hinawakan ko iyon. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Naisipan ko na i-trace ang wooden aisle at nang matapos iyon sa white sand ay napaawang ang labi ko nang makita si Davon doon.

Nagsimula akong tumakbo pero dahil sa suot ay nahirapan ako. Nang makalapit naman ay nadapa ako nang matapakan ko ang hem ng gown ko. Nasalo naman ako nii Davon kaya natawa sya.

Nang makaayos ako ng tayo ay natatawa parin sya. "Davon, ano 'to? Bakit nakasuot tayo ng pangkasal?" tanong ko. Nakasuot kasi si Davon ng white tuxedo. 

"Uh, nothing." sabi nya. Hinigit nya ang palapulsuhan ko, ngayon ay tinatahak namin ang daan palapit sa isang maliit na wooden house. "Baby?" tawag nya kaya nilingon ko sya. Napaawang ang labi ko nang bigla syang lumuhod, nanlaki naman ang mga mata ko nang may hawak na syang maliit na box ngayon! "Would you mind if I add a ring on your bare ring finger? Will you marry me, baby?" tanong nya kaya agad akong pinanggiliran ng luha. "Please don't cry baby." sabi nya."I'll repeat, would you mind if I add a ring on your—"

"I won't mind, Davon! Yes, I'd marry you!" sigaw ko kahit tinatanong nya para magpropose. Malamang kasi ikakasal 'pag may nagpropose sayo. Tumayo si Davon sa pagkakaluhod. He held my left hand and kissed the back of my palm. Tears fell again so I used my right hand's back to wipe them off. I glanced at Davon who's now slowly putting the ring on my left ring finger. 

The ring looks beautiful. As far as I know, it's an amethyst ring. 

He looked up and smiled at me. I smiled back, not minding the tears that continued falling. "Damn, I love you, beautiful." sabi nya. 

"I love you, Davon." I said, he held my face and planted a kiss on my forehead. 

"Yeah, I know. Now, go inside that house," itinuro nya ang wooden house na di kalayuan sa pwesto namin ngayon. "and when you come out, follow the path with violet petals." sabi nya. Tumango naman ako. He pulled me gently and kissed my lips softly.

"And please hurry up, I can't wait to marry you."