Chapter 39 - 37

"Please do everything," sabi ko sa nurse na sumalubong. "Please," pagmamakaawa ko. Hindi pwedeng mawala si Davon. Hindi ko kaya at hindi ko kakayanin.

Sabihin lang saaking ligtas sya at makita lang sya na humihinga, yun lang. Ayos na.

Tumango saakin ang nurse at nagpatuloy sa ICU. Ako naman ay naandon lang sa waiting area. Nang mabagot at magsawa kakaiyak ay nagpunta ako sa chapel ng ospital at nagdasal. Pero nang makalabas ako sa chapel ay unti-unting nagging malabo ang paningin ko. Nakaramdam ako ng matinding hilo kaya bigla akong napahawak sya tiyan ko.

-

Nasaan ako? Tanong ko yan sa sarili ko nang magising ako sa isang room na puro puti. I can't be dead. Kinapa ko ang sa puso ko at napapikit ako sa saya at napahawak sa baby bump ko nang maramdamang tumitibok pa ang puso ko. Buhay pa ako. Buhay pa kami.

"Ate," napatingin ako sa bandang kaliwa ko at nakita doon si Keana na ngayon ay umiiyak, si Zach ay nasa tabi't nakatingin saakin nang puno ang pag-aalala.

"Are you okay?" tanong nya. Tumango ako at bahagyang ngumiti. "Fuck those assholes." sabi nya, sa tingin ko'y tinutukoy yung mga nanghaharang.

"Si Davon, okay na ba sya? Ano, kumusta ang lagay nya?" sunod-sunod na tanong ko sakanila.

"Ate," muling tawag ni Keana. "Okay na raw sya," sabi ni Keana kaya napangiti ako. He's okay, my husband is alive! "He's...." napatingin ako kay Keana at napakunot ang noo ko. ".. still u-unconscious though." sabi nya at umiwas ng tingin.

"H-huh? K-kailangan ko syang makita kung gano'n." tarantang sambit ko. Maging ang dalawa ay nataranta.

"A-ate, may dinadala ka, please, kalma ka lang," si Keana.

"Ana's right," sabi ni Zach. Tiningnan sya ni Keana nang masama.

"Stop the Ana, will you?" bulong ni Keana.

"What?" bulong naman pabalik nitong si Zach. Bumaling sya saakin at ngumiti. "'Wag kang magpadalos-dalos. May bata sa sinapupunan mo," sabi nya.

Napailing-iling ako agad. "N-no," sabi ko at dahan-dahan na bumangon, mas nataranta silang dalawa. "Y-you don't understand," sabi ko at lumabas ng room.

"Selena, wait!" dinig ko pang sabi ni Zach. "Leivon's gonna kill me,"

Tumakbo ako papuntang elevator habang hawak ang tiyan ko. Nang makapasok ay pinindot ko ang sa ground floor button. Nang mapunta doon ay agad akong lumapit sa nurse na alam ko'ng pwedeng pagtanungan. "Miss, where's Damarcus Lopez's room? I'm his wife," mahinahong sabi ko.

"Wait lang po, Mam." anito at may hinanap. Ilang saglit pa ay bumaling ito saakin. "Room 56, Mam. Third floor po, head right after going out of the elevator, Mam." napatingin ito sa suot ko't magsasalita sana nang unahan ko ito.

"Salamat, Miss." sabi ko at dahan-dahang naglakad papunta sa elevator.

"Ate!" Keana's call made me run towards the elevator. I immediately pressed 2 and waited patiently. Nang bumukas ang elevator ay dali-dali kong hinanap ang room 56 na nasa right wing. Nang mahanap ko iyon ay binuksan ko ang room at pumasok. Lumapit ako kay Davon na ngayon ay hindi pa raw nagigising.

"Davon," sambit ko, agad akong pinanggiliran ng luha sa pagtingin lamang sa kabuuan nya. May benda sa ulo, may arm sling din sya, may sugat sa labi at may dextrose pa na nakakabit at nakakonekta sa kaliwang kamay nya. "Davon, I'm here," sabi ko at hinawakan ang kamay ni Davon.

"I'm here, Davon," mahinang sambit ko. I wiped off my tears and guided Davon's hands to my baby bump. "Davon, we're here." sabi ko at ngumti. Yumuko ako nang bahagya para mahalikan ang kamay nya.

"B-baby?"

Napatingin ako kay Davon na ngayon ay nakapikit parin. But I'm sure I heard his voice!

Dahan-dahang bumukas ang mga mata nya kaya napangiti ako. "Davon," tawag ko.

"H-hey there, baby," sabi nya at marahang ngumiti. Napatingin ako sa pinto na bumukas, Keana, Zach, and a nurse stood there. Nang makita ng nurse na gising na si Davon ay umalis ito, marahil ay para tumawag ng doktor.

Sina Keana ay lumapit saamin. Tumayo ako upang yumakap sakanya. "Shh, he's awake now, he's okay, Ate." sabi nya, tumango-tango ako. Ilang saglit pa ay pumasok na ang ilang doktor at nagcheck ng kung ano-ano kay Davon. Vital signs yata.

Tinurukan nila si Davon ng pampatulog pagkatapos dahil makulit pa ito at ayaw matulog dahil daw buntis ako. Natawa tuloy ako sakanya. Nang maayos naman sya ng isang doktor ay lumabas ang isa at hinarap kami ng nagcheck kay Davon. "He is okay now, Mrs. Lopez, right?" tanong nito.

"O-opo," sabi ko.

"Well, his head was badly hit, good thing his hair is the thickest of the thick." the doctor chuckled, maging kami ay nahawa.

"However, a small crack was found on the occipital bone of his skull, and it stretches down to his external occipital protuberance, it's a good thing the patient still remembers everything, well, maybe." sabi pa ng doktor kaya kinabahan ako. Saglitan pa nitong idiniscuss saamin ang mga kailangan ni Davon, kasali doon ang pahinga at mga gamot.

"Leivon's gonna pay me big after this," sabi ni Zach matapos nyang ipakita saakin ang biniling maliit na bottle na naglalaman ng gamot ni Davon.

Alendronic Acid.

It's been three weeks and Davon continued resting. Ginigising lang sya pag iinom ng gamot and it's a good thing he still wakes up everytime. Sila Zach ang nagbabantay sakanya pag gabi at ako naman pag umaga.

Nasa bahay lang ako ngayon, nakaupo. Bukas nga ay magdadala ako ng basahin sa room ni Davon upang hindi ako mabagot.

Iyon nga ang nangyari kinabukasan. Nagpunta ako ng ospital, mamaya pa ay gigisingin ko na si Davon para uminom sya noong alendronic acid na gamot.

Nang mapagod sa pagbabasa ay nagpunta muna ako sa restroom ng kwarto ni Davon. Pagkalabas ko ay napakunot ang noo ko nang mapansin ang isang maliit na bote sa maliit na table katabi ng ulo ni Davon. Kinuha ko ang bote na walang ibang nakalagay.

Isa lang ang nakasulat. 

Placebo pills.

Tumunog ang cellphone ni Davon, hudyat na kailangan ko na syang gisingin. Binitawan ko ang maliit na lalagyan at bahagya syang tinapik-tapik sa balikat. "Davon, hey," nagpatuloy ako sa pagtapik sa balikat nya. "Wake up," sabi ko.

Nakita kong dahan-dahang dumilat ang mata nya kaya ngumiti ako at binindot ang button na magtatawag ng nurse papunta dito. Napabaling ako kay Davon na ngayon ay walang mababakas na emosyon sa mukha.

"Hi there, baby. Good morning." sabi ko at ngumiti. It hurt me when he didn't even smiled back. "It's t-time for your medicine." nautal pa ako. Is something wrong with him? "Hey, anything wrong?" tanong ko at lumapit sakanya.

Nang tuluyang makalapit ay hinawakan ko ang kamay nya. Napakunot ang noo nya at mas kumunot iyon nang mapansin ang baby bump ko. "Woah, congratulations." mahinang sambit nya. Noo ko naman ang napakunot. Davon and his jokes.

"Shut up, Davon. What are you talking about?" naguguluhang tanong ko.

Kumunot muli ang noo nya, his adams apple moved up and down aggressively. "I'm sorry. And I've noticed that you know my name," he smiled.

I gulped. Knives started stabbing my chest and my eyes started to heat up.

"Do I know you, pregnant woman?"