"C-come again?" sa wakas ay nagsalita na si Davon. Inayos nya ako't inilayo sakanya, hawak nya ngayon ang magkabilang balikat ko. "Come again, Selena," bulong nya pa.
Napayuko nalang ako sa takot. Kung hindi nya tatanggapin ang bata, pwes mag-isa sya dito. Kahit pa asawa ko na sya. A tear fell from my eye. Nakakatakot.
"Hey, please just... say it again." bulong ulit ni Davon.
"I-I'm pregnant." mahinang sambit ko, nakayuko parin. Hinihintay ko lang na sabihin nyang hindi pa sya handa para makaalis na ako dito.
I was hoping for him to tell me he's not yet ready, but oh how wrong I was. Davon immediately hugged me, tears fell from his eyes. "For real, baby?" tanong nya habang nakayakap parin. Tumango-tango nalang ako bilang pagsagot. "Fuck." bulong nya at kumalas sa yakap, napatingin sya sa may tiyan ko kaya natawa ako.
Lumuhod si Davon at inilapit ang tainga sa may tiyan ko. Nang ilayo nya ang tainga nya ay tumingin sya saakin at ngumiti. He then stood up and kissed me softly. "What I always wanted." he said and smiled again.
"A family with you, Davon. Just nine months from now, or less." sabi ko at natawa nang yakapin nya ako't dahan-dahang binuhat pahiga sa kama.
"Anything you want, baby?" tanong nya. Naramdaman ko namang gutom ako kaya ibinalita ko kay Mama na buntis nga ako at nagtanong ng pwedeng kainin, hindi pa kasi kami nakakabisita sa ob-gyne. Mamaya raw.
Maging kay Mrs. Cohen ay ibinalita ni Davon kaya agad na nagbook ito ng flight at sinabing bukas na raw kami magpunta sa OB at sasama raw sya. Si Mama ay medyo mahina na kaya gusto nya man ay tumanggi ako. Sabi ko'y bukas kami bibisita pagkatapos magpatingin.
Kinagabihan ay dumating na si Mrs. Cohen ay ang daming ibinilin saakin. Kaya naman kinabukasan ay alam ko na ang mga sinabi saakin, mga dapat at hindi dapat kainin at gawin, ganyan. Dapat maging mas maingat ako lalo pa't may bata sa sinapupunan ko. Bumisita na rin kami kila Mama pagkatapos, naroon din si Alistair na ngayon ay ganap nang Engineer. Matagal-tagal na rin. Eto nga ngayon at nagtatrabaho na.
Lumipas ang ilan pang buwan ay malaki na ang tiyan ko. Wala si Davon ngayon, ayon at lumabas. Naiinis kasi ako, sabi ko kasi'y gusto ko ng pakwan e nakipagtalo pa saakin dahil hindi raw buwan ng mga pakwan ngayon. Pero ayon na't naghahanap sya, naiwan tuloy akong mag-isa dito sa bahay namin. Oo, matagal na kaming lumipat dito pero hindi pa katagalan. Nung isang buwan lang kami lumipat, actually.
Dahil sa pagkabagot ay naisipan ko na maglibot-libot dito sa bahay namin. Wala, pupunta lang ako ng library. Nadaanan ko naman ang mga larawan namin ni Davon. Ang larawan namin noong manliligaw pa lamang sya, na itinago nya pa at ginamit para hanapin ako. Natandaan ko pang sinabi ko sakanya na kung hindi ko naisipang mag-apply sa kompanya nya'y hindi nya ako makikita ulit, hindi sya nakapagsalita. Natawa tuloy ako. Napadako ang paningin ko sa wedding pictures namin. Davon looks so hot and handsome.
Ano, pagkatapos ng 2L, 2H naman?
Napangiti ako nang mapansing nakatitig pala ako sa gwapong mukha ni Davon. Napailing-iling ako't marahang hinaplos ang tiyan ko. "Ang gwapo-gwapo ng tatay mo, anak." sabi ko at ngumiti. Napatingin naman ako sa larawan ni Davon na nakatalikod saakin, walang suot na pantaas. Isa 'to sa mga larawan nyang kinuha ko noong magpunta kami ng Palawan. Wala, ito pinakagusto ko e.
Ilang minuto pa ay dumating na si Davon. Ang daya, kasisimula ko nga lang magbasa, dumating na agad. Napatingin ako sa mga dala nya. Tatlong malalaking pakwan. Agad akong nanakam sa mga iyon.
My gaze drifted to his flexed biceps. I gulped. Damn it, I miss him burried deep inside me.
Napailing-iling ako sa naisip. "Ano, buksan mo na yan at kakain ako, aba." sabi ko sakanya.
Davon chuckled at that. "Baby, chill. Wait for me there, I'll open one for you." sabi nya at tumalikod. Ibinalik ko ang paningin sa binabasa at nang marinig ang pagsara ng pinto ay napabulong ako.
"Baby mo mukha mo." sabi ko at natawa sa sariling salita.
"Congratulations, it's a boy!" sabi saamin ng obstetrician. Napaawang ang labi ko't nagsituluan ang mga luha. Davon cried a little too. I reached for his hand and held it tightly and smiled at him. "Your due is two months from now, Mrs. Lopez. I'm happy for you." sabi saakin ni doktora at nginitian ako. Nginitian ko rin sya. Muling nagtuluan ang mga luha mula sa mga mata ko nang maisip ang mangyayari. Napahawak ako sa ngayon ay malaki na'ng tiyan ko. Malapit na, anak.
Makalipas pa ang ilang minuto ng pakikipag-usap kay doktora ay naghanda na kami sa pag-alis namin para bumili ng mga gamit ng bata. Namili rin kami ng pagkain dahil wala nang pagkain sa bahay. Nakatapos kami sa pamimili at lumabas ng supermarket. Nang malapit na sa labasan ay nakita kong nabalisa si Davon pero hindi nya sinabi saakin kung may mali. Kaya naman nagulat ako nang makarating kami sa open space na parking lot ng mall na pinuntahan namin ay may dalawang lalaking natatakpan ang mukha na humarang sa daraanan namin.
Kinakabahan man ay pinilit kong kumalma. Napahawak ako sa tyan ko at tumingin kay Davon na ngayon ay umiigting ang panga. "Long time no see, Lopez." may nagsalita sa kanan ko kaya napatingin ako at nagulat nang may dalawa ulit na lalaking may takip sa mukha. Agad na pumunta sa harap ko si Davon.
May naramdaman akong tumatapik sa likod ko ay napasigaw ako kaya naalarma si Davon. "Don't you fucking touch my wife!" sigaw nya. Natawa naman ang tumapik saakin at ang katabi nya.
"Why are you so mad, Lopez? Has she brought the weak out of you, huh?" may nagsalita sa kaliwa namin at napatingin ako doon. Napalunok ako nang mariin nang makita ang lalaking may malaking katawan at may hawak na makapal na tubo. Napatingin ako sa anim pa na nakapalibot saakin at nanlaki ang mga mata ko nang makitang hinahanda nila ang kamay at sarili upang makipaglaban o ano.
"She's my wife, stupid. You have a wife but you won't care for her, Adrile." seryosong sabi ni Davon saka tumingin sakin. "Baby, proceed to the car." he held my cheek and caressed my tummy. "Please be safe." he smiled at me. Naluha ako bigla sa paraan ng pagtingin nya saakin. "Go." aniya at marahan akong itinulak. Wala naman akong magawa dahil may bata sa loob ko. Gustuhin ko mang manatili ay pwede.
Nang makapasok ako sa kotse ni Davon ay agad akong tumawag ng mga pulis. Napatingin ako kay Davon na ngayon ay suntok dito, suntok doon. Iwas dito, iwas doon. Ganoon ang ginagawa nya habang ako'y kinakabahan, umaasang sana ay andyan na ang mga pulis.
Kalahati na sa bilang nila ang wala nang malay. Ang dalawa'y sinipa at sinuntok ni Davon kaya ayon, wala na. Panalo si Davon. Naiyak ako muli sa tuwa at napahawak sya tiyan. Ligtas ang tatay mo, anak.
Magsisisigaw na sana ako sa tuwa nang may mapagtanto ako. May mali. Luminga-linga ako sa paligid habang naglalakad na si Davon papunta dito, may dugo sa labi at nanghihina nang kaunti.
Nanlaki ang mga mata ko nang biglang natumba si Davon. Napahawak ako sa bibig ko nang makita yung lalaking malaki ang katawan, ando'n parin ang hawak nyang makapal na tubo na ngayon ay may kaunting dugo. "Davon!" sigaw ko at lalabas na sana ng kotse nang dumating ang mga pulis.
Saktong pagkalabas ko ay ngumisi saakin ang lalaki na sigurado ako na syang pumalo sa ulo ni Davon. Humabol sakanya ang mga pulis nang tumakbo sya pero... napakabilis nya lang tumakbo.
Lumapit ako kay Davon na ngayon ay walang malay, patuloy ang padugo ng ulo nya. "D-Davon," tawag ko. "Davon please," umiyak ako sa tabi ni Davon habang hawak ang tiyan ko. Ilang sandali pa ay ayon na naman ang tunog ng ambulansya. Hinawakan ko ang kamay ni Davon at ang aking tiyan. "M-magiging okay din ang lahat," sabi ko at mapait na ngumiti.
Ngumiti ako kahit masakit na. Ngumiti ako dahil umaasa ako.
Na baka pwedeng magkatotoo ang sinabi ko ngayon lang.