"Okay lang ang Papa nyo." kalmadong sabi ni Mama. Si Keana'y kalmado rin samantalang si Alistair ay tulala parin. Alam naming sa aming apat ay sya ang pinakamalapit kay Papa, alam namin yun.
"Hey, dude. Calm down, Papa's okay, haven't you heard?" siraulo talaga to si Davon.
"Okay na po." si Alistair saka pinunasan ang mga luhang tumutulo gamit ang likod ng palad. Oo nga't malaki na si Alistair pero mahina sya 'pag mga gantong sitwasyon.
Matapos noon ay napuntahan na namin si Papa sa hospital room nya at okay na nga sya. Heart attack nga raw, sabi nya. Natawa pa nga sya samantalang nalungkot kaming lahat. Nagkakasakit na si Papa, pano na 'yan?
Hinayaan ko na lang at maaari namang gumaling si Papa sa ganon. Kinabukasan din ay nadischarge na si Papa sa ospital. Pinagbawalan muna sya nina Mama na pumunta sa taniman namin dahil kailangan nya munang magpahinga. Kailangan na kailangan.
-
"Baby, the week's schedule, please?" si Davon.
"Sandali lang, mamaya ka." sabi ko. Hindi pa ako tapos sa pag-aayos ng schedule nya sa linggo ngayon. Mamaya nyan mali-mali ang maibigay ko sakanya saakin pa sya magalit. Hindi pwede't magdadalawang taon na kami, hindi pwede!
Bumalik nalang sya sa desk nya't kinalikot ang laptop. Ngayon na matagal-tagal na ako'y napagtanto ko na hindi dapat ganito ang secretary, diba?
Naalala ko tuloy ang mga pinaggagagawa namin last week. Nagparesort, nagenjoy-enjoy, sinama nya pa ako dun sa zipline at malala ay dun sa magba-bike ka sa wire!
"Eto na, boss." pabirong sabi ko kay Davon at inilahad ang bond paper kung saan naka-print ang schedule nya sa buong week. Ayos na yun, ah? Inayos ko na yun sa maayos. Kasama na ang mga nagpa-appoint ng meeting, mga ganyan.
"Thanks, Ms. Secretary." pabiro ring sabi ni Davon saakin. Hinayaan ko nalang sya at nagpatuloy sa trabaho.
Lumipas ang isang araw, dalawang araw, tatlong araw, isang linggo, dalawang linggo, at isang buwan. It's supposed to be our vacation now but Davon just became grumpy while walking towards the meeting room kaya natawa ako. May nagpa-appoint kasi pala ng meeting at tungkol sa important business matters ang pag-uusapan.
Hinintay ko nang ilang oras si Davon at natawa pa ako nang makita ang mukha nya pagkarating. "Napano ka?" natatawa paring tanong ko.
"They said that it was fucking important but they wasted my three fucking hours with those morons." inis na sabi nya kaya mas lalo akong natawa. Nangunot ang noo nya nang pagmasdan ako at nang sulyapan ko na sya ulit ay nakangiti na sya. Sira ba talaga ulo nito o slight lang?
"You're smiling like crazy, boss." sabi ko sakanya.
"Crazily inlove with you, baby." aniya at mas lalo pang lumawak ang ngiti nya.
Kinuha ko nalang ang mga gamit ko't nauna palabas. "Mag-isa ka dyan." sabi ko sakanya. Agad nya namang inayos ang mga gamit nya't sumunod sakin palabas. Dumaan muna kami sa unit nya para kunin ang mga dadalhin at tumulak na kami papunta sa destinasyon namin.
Davon booked a flight for us yesterday and I didn't know! It was to El Nido, Palawan. Nang makarating doon ay kumain muna kami sa isang restaurant.
Nang matapos ay nagbook si Davon ng isang VIP room nanaman sa isang hotel. Aniya'y mananatili kami doon ng limang gabi lang kaya medyo ayos na iyon saakin. The next day, a private boat was there and according to Davon, it was waiting for us. We hopped onboard and the boat's engine started.
"Where are we going?" tanong ko kay Davon. Ang mga gamit namin ay iniwan na doon sa hotel room, babalik naman kami doon kaya ayos lang.
Napatingin saakin si Davon na may hawak na camera. "To Bacuit Bay, baby." aniya at nanguha ulit ng mga larawan. Paminsan-minsan ay tinututok nya saakin ang camera kaya napapose ako. "Look at you here." sabi nya kaya lumapit ako't nakita ang stolen picture ko na nakalean sa railings at nakatitig sa view. "You're damn hot, baby." he said and chuckled kaya napaiwas ako ng tingin.
"Davon mamaya na. Tigilan mo ako." sabi ko kaya natigil naman sya at tumingin nalang din sa view. Nang makarating kami doon sa Bacuit Bay ay namangha ako doon. Large rock formations are all over the place ang white sands give more beauty to the place. Saglitan kaming naglakad-lakad doon sa may buhangin, paminsan-minsan ay kinukunan nya ako ng larawan kaya hinahayaan ko nalang sya.
Nang matapos sa paglakd-lakad ay dumeretso kami sa Small Lagoon. We swam for a few minutes before I told Davon to go. "Let's go, please." sabi ko sakanya kaya lumapit sya saakin. "Davon, I'm cold." sabi ko sakanya.
He immediately hugged me, his large body's warmth spread like wildfire, consuming my body. I hugged him back and he pulled away after a few minutes. "Feeling better, baby?" tanong nya tumango ako. He smiled at me and plunged deep into the water. Nagpanic ako't pinagtatawag ko sya pero hindi sya umaahon. Malipas ang ilang segundo'y paiyak na ako, bigla namang may umahon mula sa tubig sa likod ko't pagharap ko'y si Davon iyon. He smirked at me and I was about to slap his chest but he captured my waist in an instant and planted a soft kiss on my lips.
After that, we went to canoe the still waters of the Big Lagoon. Nang matapos doon ay napunta kami sa Shimizu Island at doon nagmukbang. Seafoods ang mga naroon at masasabi kong napakasarap ng mga iyon!
Pakatapos doon ay pumunta kami sa Commando Beach, sabi ko kay Davon ay pagabi na. "That's why we're here." sabi nya.
Biningyan ko sya ng naguguluhang tingin. "We're here to watch the sunset, baby." aniya kaya namilog ang mga mata ko. TInanguan ko sya't nginitian. Matapos ang ilang minutong paghihintay ay ayon na nga ang napakagandang sunset.
"Ang ganda." tanging nasabi ko habang nakatitig sa papalubog na araw na dahilan ng pagkulay kahel ng paligid.
"Ang ganda nga." narinig kong bulong ni Davon kaya napatingin ako sakanya't nagulat ako nang makitang saakin sya nakatingin. Napayuko tuloy ako. Davon chuckled at my reaction. He leaned in to kiss my forehead.
Ibinalik nya ang tingin sa sunset at ganoon din ako. Napakaganda talaga.
"Baby, I want you to know that my love for you will never set. With you, everytime is daytime, so please," napatingin ako sakanya. Bumuntong hininga sya saka ngumiti nang malungkot.
"Please don't leave me, baby." aniya, nakaramdam agad ako ng mainit sa mga mata ko. Yumuko agad ako para malaglag na ang mga luha na sunod-sunod na nagsituluan.
"I won't leave you." sabi ko at ngumiti.
"Promise?" malungkot na tanong nya at inilahad ang pinky finger.
Inilagay ko rin doon ang pinky finger ko at ngumiti bago tumingin sakanya.
"Promise." I said, not minding a thought that's bothering me.
Why does it feel like I'm going to lose him?