Hey."
Napalingon ako kay Davon na kanina pa pala ako tinatawag. My mind's flying and I don't know where it just brought me.
"Ano?" tanong ko. Mamaya nyan magalit sya sakin. E isang taon palang kami. Saka na sya magalit pag mag-asawa na kami, tanggalin ko pa galit nya sa paraang alam ko.
"I've noticed that we didn't celebrate your birthday last year. Why is that?" tanong nya. Napansin ko nga rin.
"Ikaw, Davon. Ask yourself. Why is that?" tanong ko pabalik kaya bahagya syang napanguso. Bakit nga ba? Sino ba ang nagpapabusy sakin? Pero syempre joke lang yun. Alangan naman na hindi ako magtrabaho? Nako, hindi yun pwede! Lalo pa't matatapos na yung bahay na pinapagawa. As in, pintura nalang, and we can go there and live happily ever after.
"Nevermind. But let's celebrate this time, okay?" tanong ni Davon kaya tumango ako. Ano nanaman kayang pasabog nito? Baka kaya kunwari magkaka-lindol pero sinet-up nya at magtatakbuhan kami palabas? Tapos sa labas sya maghihintay habang may dalang cake at bouquet ng bulaklak? Feeling ko talaga pang high school student palang ang utak ko. Kung saan saan napapadpad e.
Nagpatuloy ako sa trabaho at ganon din si Davon. Isang linggo na ang nakalipas mula nang anniversary namin ni Davon, at eto kami't busy nanaman sa trabaho. Lopez Painting Company is one of the country's best company. Kasali rin sya sa World Class Companies. Isa lang ang branch ng kompanya dito sa Pilipinas at kalat naman sa buong mundo. Tinanong ko nga si Davon kung bakit andito lang sya sa Pilipinas, wala e gusto nya raw dito at andito ako.
Kahit busy ako sa trabaho ay hindi ko parin tinantanan ang paghahanap kay Marcus. Hinanap ko rin ang lapida ng mga kalapit na sementeryo na may Marcus sa pangalan, sinakto ko rin ang sa date of birth pero wala. Pero hindi ako titigil hanggat hindi ko nahahanap si Marcus. Sigurado ako na mahahanap ko sya. Dahil malakas ang kutob ko..... malakas na malakas.....
Na buhay pa ang taong hinahanap ko...
-
"That's all for today. The meeting's adjourned." bored na sabi ni Davon na nasa harap naming lahat. Eto nga't katatapos lang ng meeting.
Nagpaalam ang mga kasama namin at nahuli kaming lumabas ni Davon. He snaked his arms around my waist as we walked along the path towards the elevator. Employees eyed us and smiled at us before greeting us. I sometimes greet them because sometimes, I was just about to open my mouth but Davon speaks even before I got to utter a word.
Nang makapasok kami sa lift ay lumuwag ang hawak ni Davon saakin. "Why did you hold me like that?" tanong ko.
"I don't want to lose my only world." sagot nya. Corny.
"I'm not your Earth, Davon." sabi ko. Totoo naman a? "Besides, anong connect?" tanong ko. Walang connection yun.
"Walang connection. Pero tayo, meron." sabi nya kaya napaiwas ako ng tingin. Inaatake ako ng pagkaisip-bata. Ewan. Nagaganto nalang ako minsan e. Hinabol nya ang paningin ko at nang maharap ako ay pumantay sya sakin at pinagtaasan nya ako ng kilay. "And who told you that Earth is my world?" tanong nya. Wala namang nagsabi na- ooh. Ako pala.
"Ako. Kasasabi ko lang diba? Pero Davon, seryoso, hindi ako ang Earth, kaya tigilan mo 'ko dyan." sabi ko sakanya. Napailing-iling nalang sya saka mahinang natawa.
"Sa tingin mo, tama ba na i-trade ang lahat para sa isang bagay na sa tingin mo lang ay worth it?" tanong ko out of nowhere. Naisip ko yung pinag-usapan sa meeting. May mga painting daw na itetrade para sa isang napakagandang painting, pero ayon lang iyon kay Davon. Hindi pa namin nakikita ang painting.
Napabaling sya saakin. Bumukas ang lift at lumabas kaming sabay. Sabay din kaming nakapasok sa opisina at dahil sa gutom ay nilantakan ko agad ang ice cream na andoon. Lumapit si Davon saakin kaya itinaas ko ang kutsara na may ice cream at lumapit sya para tikman iyon. Nang matikman nya ay tumungo sya sa desk nya at kinalikot ang laptop.
Sinimulan ko nalang na ubusin ang isang litro ng ice cream at nang makontento ay nagpahinga muna ako.
Kinalikot ko naman ang laptop ko at inasikaso ang mga dapat kong asikasuhin. Ganto na ako hangga't secretary pa ako ng magaling, matalino, at gwapong Damarcus Leivon. Ay ano ba yan, Selena.
"Baby?" si Davon.
"What?" tanong ko habang hindi inaalis ang paningin sa laptop. May ginagawa kaya ako. Mamaya nyan bigla syang bumanat. Pero ayos dahil hindi nya ako makikita incase bumanat nga sya at mamula ako.
"Can you stay with me tonight?" tanong nya kaya bigla akong napatingin sakanya. Hindi naman ako masyadong kailangan sa bahay. Okay lang doon sina Mama, Papa, at Alistair. Sure yan. Katatawag lang kaninang umaga dahil naiwan ko raw ang telepono ko e kay Keana yun. Natawagan nga ako e. Minsan talaga nagtataka ako kung bakit parang nahahawa ako kay Mama o si Mama ang nahawa sakin? Pero imposible naman na ako. Si Davon nga hindi ko nahawahan e.
"Yep, sure." sagot ko. And there I saw the glint in his eyes from my peripheral vision. I smiled secretly while finishing my task.
Gaya nga ng napag-usapan ay sumama ako kay Davon sa unit nya. Pinagluto nya nanaman ako. Ganon lang. Kaya ayon at nasa kama na ako ngayon, handa nang matulog. Kalalabas ko lang ng bathroom ni Davon. Ang tagal ko na doon kaya lumabas na ako, mamaya hindi na talaga ako makalabas sa sobrang bango.
Habang naghihintay kay Davon na kanina pa pumasok sa bathroom ay napabuntong hininga ako. Sakto namang bumukas ang pinto ng bathroom at kumalat ang mabangong amoy ni Davon. Lumabas doon si Davon na naka black boxers lang, may tuwalya'ng nakasabit sa balikat nya.
My gaze drifted on his wet body. Droplets of water continued rolling down on Davon's hot abs- what the heck am I thinking?! Napalunok ako't nag-iwas ng tingin. I saw his lips' side rose.
I just lied down the soft bed, staring at the ceiling, later on, Davon joined me, the both of us in a dead person position while staring blankly at the ceiling. I felt his gaze turning to me. He removed some hair strands slightly covering my face. He smiled. "Can you stop being beautiful, baby?" tanong nya kaya napangiti ako.
Agad akong bumangon at walang ano-anong pumaibabaw sakanya. I am now on top of him, and I remembered what he said earlier, that I'm his world, I smiled. I hugged him while still being on top of him. I heard him chuckle before he hugged me back.
"And can you stop being handsome and hot?" I asked out of nowhere. Nanlaki ang mga mata ko nang marealize ang sinabi ko. Shoot, nadulas!
"Baby, I'm just like this, okay?" sabi nya kaya napatingin ako sakanya. "I love you." sabi nya kaya napangiti ako.
"I love you, Davon." sabi ko rin.
"Baby, let's have a date tomorrow." sabi nya kaya tumango-tango ako habang nakayakap parin sakanya.
It felt good being on his top and hugging him. Now I got his point.
If I'm his world, then he's my world too. Not because I'm repaying what he gave me, but because that's what he deserves. To be someone's world. And I'm happy to say that,
I'm on top of the world.
"Baby, I own a company of paintings with branches all around the world. And you're a very beautiful painting. And you see, Selena....." napatingin ako sa kanya. "I'll trade everything for you." he said before he kissed me softly.