Chapter 24 - 22

"Aaaaaaah!"

It goes back and forth, hindi ko na kaya.

"Chill, baby. It's gonna be finished already." natatawang sabi ni Davon na katabi ko. Nasa Enchanted Kingdom kami ngayon, inaya nya ako dito sa Anchor's away. Nagpapalitan kasi kami. Inaya ko sya sa Carousel pero nabagot lamang sya doon. Para makabawi ay pumayag ako na dito kami sumakay sa Anchor's Away. Malay ko ba na ganito ang feeling 'pag nakasakay dito.

Pinigilan ko ang sarili ko na sumigaw dahil malaki naman na ako lalo pa't pahina naman na ang andar nito. Agad akong kumalma dahil do'n. Nang makababa kami ni Davon ay medyo nanginginig parin ako at napansin nya 'yon kaya niyakap nya ako kahit maraming tao. Wala nga naman akong pakialam kung meron. "There, baby." sabi ni Davon nang kumalas sya sa pagkakayakap.

"Thanks." tumingkayad ako nang kaunti para mahalikan sya sa pisngi. "Let's go na." sabi ko at tumango naman sya. 

Ayon nga ang ginawa namin ni Davon. Kung saan-saan kami sumakay na EXTREME rides. Oo. Pag si Davon ang mag-aaya, extreme ride yan. Pag ako nga hindi naman. Gusto ko pa tuloy bumalik sa Carousel. Parang namilipit ang mga laman loob ko sa mga pinipili ni Davon. Roller coaster, yung mataas na tower, mga bumabaliktad na eroplano, at marami pa'ng extreme rides. Sinama nya narin yung Rio Grande, basang basa ako doon habang tinatawanan nya lang ako, pati tuloy yung mga kasama namin don, natawa. At nang oras na para sa fireworks display ay sa Wheel of Fate kami sumakay. Pagkalabas namin sa Enchanted Kingdom ay naghanap si Davon ng makakainan, ayaw nya kasi kaninang kumain at baka raw masuka sya o ako, naintindihan ko naman 'yon at ayos lang dahil marami akong kinain kaninang umaga. As in. I had a heavy breakfast.

Nang matapos naman kami ni Davon ay ihinatid nya na ako pauwi. Nagpasalamat ako sakanya at hinalikan nya pa ako bago nya ako pinapasok. Sabi nya nya, "Saka na ako aalis 'pag nakapasok ka na." kaya ayon. Pagkarating sa bahay ay tulog na sila lahat. Maging si Keana. 

Hindi pa naman ako inaantok kaya kinuha ko muna ang cellphone ko no'ng tumuntong ako sa kolehiyo na nakatago sa damitan ko. Hindi naman ito low-bat kaya binuksan ko nalang. Andito sa cellphone na ito ang mga naganap noong first-year college student palang ako. Natatawa nga ako sa mga katangahan ko na nakatype talaga dito at naiiyak naman ako bigla 'pag nakalagay doon na nagka mental breakdown ako, ganyan. Wala, naalala ko ulit e. Pero agad ko namang tinitigil ang pag-iyak dahil nalampasan ko na. Eto na nga't secretary na ako sa isang kompanya, diba?

Nakangiti nalang tuloy ako sa pagbabasa. Hanggang sa may mabasa ako na nagbalik ng napakaraming ala-ala.

Nasa isang bench ako ng university nitong araw na 'to. Valentine's Day kasi. Nag-aaral ako para bukas, may isasagot ako sa recitation, ang higpit ng professor namin sa History. Parang nung umulan ng kasungitan, sinalo nya lahat. Marami ang lalaki na nagpupunta pa doon sa pwesto ko para mabigyan ako ng bouquet ng bulaklak, chocolates, letters, o kung ano pa man na balak nilang ibigay. Hinayaan ko lamang sila. Nang makatagal naman ako sa pagrereview ay iniangat ko ang paningin ko at nagtama ang paningin namin ng isang lalaking may asul na mga mata. Agad kong iniwas ang paningin ko. Pero alam mo ba? Tumabi sakin ang lalaki at nagbigay ng chocolates, bouquet ng tulips, isang letter. Parang lahat na pwedeng ibigay sa Valentine's Day e binigay nya na. Ang sungit nya rin. Sabihan ba naman ako na, "Hi. I am Marcus, fourth year na ako. At liligawan kita. With or without your consent." as in. Yan na yan yung sinabi nya. Sinabi ko naman na hindi pwede yun, pero ayaw nya talaga. Kaya hinayaan ko nalang, inisip ko kasi na magsasawa rin sya sakin at kusang lalayo. Pero nagkamali ako. He's the sweet type and he's somewhat clingy. Medyo lang. Napakasweet nya sakin pero masungit naman minsan. May mga banat sya sakin at kinikilig naman ako agad. Feeling ko nahulog na ako sa lalaki'ng 'yon e. Wala, ang saya nya kasama. We've been into cinemas, amusement parks, beaches, or just simple dinner as our date. Basta. After two months of being with him, I found out that I've fallen for him. Mahal ko na sya. At balak ko sana syang sagutin kinagabihan. Inalok nya ako papunta sa SM by the Bay, ang dami rin naming pinag-usapan. Nanood kami ng sine, kumain, naglaro. Overall, nag-enjoy ako. Pero nang makalabas kami ay naging balisa si Marcus, tinatago nya iyon 'pag tumitingin sakin pero nahalata ko iyon. Hanggang sa bigla nya nalang akong niyakap. Nagulat ako doon. At biglang may narinig na putok ng baril. Napayakap din ako kay Marcus dahil sa takot, pero naramdaman ko'ng basa sa dinapuan ng kamay ko. Nang tingnan ko iyon ay bumungad sakin ang dugo. Sa kabilang kamay ko naman ay maraming dugo. Nang tingnan ko si Marcus ay tila nanghihina sya. Andon lang ako't umiiyak pero natandaan ko pa ang huling sinabi nya bago dumating ang ambulansya at isinakay sya. "Whatever happens, I will find you." ramdam ko ang diin sa will. "I will find you wherever you go. I'm damn inlove with you. I love you, Selena." yan ang sinabi nya bago sya umubo nang umubo ng dugo, dumating ang ambulansya at dali-dali nitong kinuha at inilayo si Marcus sakin.

Namalayan ko nalang na grabe na pala ang luha ko. Iniyakan ko ulit si Marcus. Andyan na si Davon, Marcus. Hindi mo parin ako nahahanap. Nakakainis ka, Marcus! Nakakainis ka! Sana kung makaramdam ka, hindi ka pagbigyan ng girlfriend mo, o kung meron man. Isinara ko nalang ang cellphone ko at napatingin ako sa orasan.

12:58 am.

Lumabas muna ako para gawin ang routine ko sa gabi kahit umaga na. Wala, umaga na talaga. Pero hayaan na. Nang matapos ako ay pumasok na ako ulit sa kwarto at nahiga sa kama.

Pinikit ko nalang ang mata ko. Maaga pa kami bukas sa building at may meeting pa. Pero bago ako tuluyang makatulog, may isa pa akong nasabi sa isip ko.

It's been so long, Marcus. I love my Davon right now but I just want to see you, and be friends with you. Kahit pinagtagpo pero hindi tinadhana tayo, ayos lang basta't magkita na tayo. If you can't find me, I'll try to find you then. I hope to see you soon, Marcus.