Chereads / Sol at Luna / Chapter 12 - Kabanata 10: Happy Place

Chapter 12 - Kabanata 10: Happy Place

One week later...

I opened my eyes to the blur of blue from the walls of my unit, swirled with random colors from my stuff lying around. Oo, malagkit ako, kahit 'yung electric fan nakatutok na lang sa'kin on full blast. My hand reached out to my side table at kinapa 'yung phone ko. Unlocked the screen, checked it without lifting my head.

2:12 in the afternoon.

I lied on my back, at pinunasan ang laway sa gilid ng bibig ko, sabay pahid sa tank top ko na tatlong araw ko na yata suot. I stared at the ceiling.

Ang bigat ng ulo ko.

Wala akong gana sa lahat. Wala akong kinakausap. Hindi ako nagpaparamdam. Hindi rin ako lumalabas ng bahay ko.

Sirang - sira na naman ako.

I turned off airplane mode. Nag-ping ang email sa banko na kalahati ng inipon ko ubos na. Kinuha kasi ni Papa— ni Mr. Madrid. Hindi ko na siya Tatay dahil tinaboy na niya ko. Tinext din ako ng may-ari ng building na pinauupahan ko. Binawi raw ni Mr. Madrid ang kalahating pera na ipinambayad niya. Kailangan ko raw bayaran 'yong kalahating halaga in less than 3 months, kung hindi, wala na'kong sariling studio.

Nagkanda-letche letche na naman buhay ko at dahil na naman sa Tatay ko.

Ilang araw na'kong tinatawagan at tinetext ni Carlos. Hindi ko siya sinasagot. Sinabi na rin pala sa kaniya ng may-ari 'yong tungkol sa bayad ng upa. As usual, magiging superhero na naman si Carlos at papautangin niya ko. Nope, not this time.

Kailangan kong patunayan sarili ko sa Tatay ko na may kaya akong gawin. Na kahit wala siya, kaya kong mabuhay nang mag - isa. Isa pa, ayoko rin maging pabigat sa mga kaibigan ko. Mahirap na, baka gamitin nila 'to against me.

Here we go with the trust issues again. Nakakabaliw.

Ganito na 'yung routine ko since I got home that night, hilata na lang. Kung hindi ako umiiyak, nag - iisip. Baka hindi ko na bayaran 'yong upa, hindi na rin naman ako magtatagal dito sa Pilipinas. I'll be outta here and I'll be with my mother.

'Yon nga lang, maiiwan ko mga ka-trabaho ko rito. Mawawalan sila ng trabaho. Si Carlos ang pinakamahirap iwanan. 2 years ko siyang nakasama at hindi ko alam kung kaya ko pa siyang harapin sa lahat ng nangyari. Nahihiya ako.

Nag-ring muli ang cellphone ko at si Mama na ang tumatawag, "Hello, Ma?"

"Kumusta ka?"

"I'm not fine, ikaw?" Gumasgas 'yung tunog ng buntong hininga niya sa speaker ng phone.

"Nag-file na nga ng divorce Tatay mo. Ano bang nangyari? Sinabi mo lang sa'kin nag - away kayo ta's hindi na kayo magkakaayos."

I tear escaped my eyes again, my jaw shaking. "Tinaboy na niya ko, Ma. Sinabi rin niya na ang liit ng utak natin. Sinabi rin niya na patayin ko na sarili ko. Sinabi ko na rin lahat sa kaniya, Ma..."

"Ano?! Sinabi niya 'yon sa'yo? Gago talaga 'yong putang 'yon. Teka, lahat? So tama tayo? Hindi niya tinanggap?"

Humikbi ako. "Binawasan niya laman ng bank account ko. Binawi rin niya 'yong—'yong pinang-upa ko sa studio." I feel my tears slowly draining out of me again. "Ma, hindi ko na alam gagawin ko. Nadamay ko pa relasyon niyo ni Papa, come home with me, please?"

"Tahan na, Anak. Gagawan ko ng paraan. Parehas naman nating alam na aabot tayo sa ganitong punto. Kaya rin kita buhayin," sabi niya. "Huwag mo na bayaran 'yong sa studio mo, itutuloy mo Masters mo sa New York 'di ba? Ako na bahala doon. Mag - ipon ka na lang sa natitirang mong raket sa studio mo."

She really knows what to say. "Okay, Ma."

"Besides, Madrid Photo kayo 'di ba? Palitan mo 'yan. Huwag mo i-inherit apelyido ng Tatay mo. Kapal ng mukha." Natawa kami parehas.

"Isipin mo na lang, challenge 'to para mas maging maayos ang buhay mo. You still have a lot to experience, Sabrina. Alam kong kaya mo 'yan. You've been through a lot. Nandito lang ako for you, hindi man ako lagi nakakatawag pero I always try my best. I love you, 'Nak."

Mas lalo akong naiyak sa sinabi ni Mama. Napakasuwerte ko dahil siya Nanay ko, sobrang caring niya at kahit malayo siya sa'kin, tina-try niya 'yong best niya na makipag - usap sa'kin.

"I love you too, Ma. Thank you. Sana nayayakap kita ngayon."

"Soon, 'Nak. Sige na, kailangan ko na bumalik. Tapos na break ko. Ingat ka ha? Huwag kang gagawa ng ikasasama mo. I love you. Ako na bahala sa Tatay mong panot." natawa na naman ako.

"Okay, Ma. I love you. I miss you. Ingat ka palagi." sabi ko at binaba na ni Mama ang telepono.

I won't lie when I say na napagaan ni Mama loob ko. By all means, kailangan ko na maligo at kumain. I need to pick myself back up, kahit mahirap.

Kailangan ko na rin harapin sila Carlos. I can't just run away and avoid them, magmumukha akong walang pakialam sa kanila. Sana nga lang, maintindihan nila ako.

Lumabas na'ko ng bahay at sumakay sa kotse ko.

Pero to be entirely honest?

I don't really know what to do next.

- - -

M A V Y

"Ate, sama ka ba sa'kin?" sabi ko nang bumaba ako sa hagdan.

"Bakit? Saan?" sabi niya sa'kin habang nanonood ng K-drama sa t.v. at nakaupo sa sofa. Nakahiga si Potchi sa hita niya.

"Wala lang, gala tayo?" sabi ko at tumayo malapit sa kaniya.

Hininto niya 'yong palabas at tumingin sa'kin. "Sa'n ba punta mo?"

"Kung saan - saan. Nagdra-drawing lang ganu'n," sabi ko at umupo sa tabi niya. "G ba?"

"Tinatamad ako," tumawa siya. "Ay alam ko na!"

"Ano?"

"Bili mo 'ko frappe! Diyan lang 'yun, sa may kanto." Tumayo siya at sinundan ko siya, "Caramel Macchiato, venti."

Kumuha siya ng pera sa wallet niya pero pinigilan ko siya, "Ate..."

Kumunot ang noo niya, "Bakit? Nagpapabili ako sa'yo."

"Kahit huwag kana mag-abot. Libre ko na. "nginitian ko siya, "Isa pa, ipunin mo muna 'yan. Wala ka pang trabaho."

"KJ mo naman," ngisi niya.

"Ayaw mo ba ng libre? 'Di 'wag, akin na 'yan—" bumelat siya sa'kin at inilagay ang wallet niya muli sa bag.

"Sige na, sige na. Sino ba naman ako para tumanggi sa libre ng kapatid ko?" natawa kami parehas at ginulo ko lang buhok niya. "Ako Ate pero ba't mas matangkad ka sa'kin?"

Nagkunwari akong babae at inilagay ang buhok ko sa likod ng tenga ko, "Kasi mas maganda ako sa'yo," sabay labas ng dila.

Tinulak ni Ate mukha ko, "Panget mo, buwisit!"

"Pa'no ka pa?" sabi ko at hinampas ako ni Ate sa braso, "Aray! Malamang kung panget ako edi panget ka rin!"

"Alam mo ikaw—"

"Ano, ano, ano, ano, ano, ano," binatukan naman ako ni Ate, Amazona. "MASAKIT!"

"LETCHE!" sigaw niya at sinabunutan naman ako.

Minsan iniisip ko kung kapatid ba talaga turing nito sa'kin.

"ARAY! AMAZONA KA TALAGA! 'YONG BUHOK KO MAGUGULO!" sabi ko at sinubukan kong kilitiin si Ate.

"ARTE MO UMALIS KA NA NGA!" sabi niya at binitiwan na rin ako.

Sinamaan ko siya ng tingin, "Pasalamat ka..."

"ANO?!" tinignan niya ko nang masama at umamba ang kamay niya ng sapak.

"WALA! Panget mo, Ate."

"Aba—" umakma siyang lumapit sa'kin at ako na mismo ang lumayo.

"JOKE LANG! Ito naman, o." Natawa na naman siya sa'kin at tinulak na'ko papunta sa pinto.

"Layas na, frappe ko ah! Istorbo ka sa K-drama ko!" sabi niya at hinampas ang bag ko.

"Hoy! 'Yung drawings ko!" sabi ko at chineck agad bag ko kung may nalukot.

"Ay sorry, sorry..." sabi niya at ngumisi na naman sa'kin. "Hoy, libre mo ha?"

"Oo na! Bye, Ate!" sabi ko at lumabas na ng pinto.

"Ingat ka!"

Namiss ko siya.

Natawa na lang din ako sa pinaggagawa namin ni Ate. Bihira na lang kami mag-harutan lalo na nu'ng lagi siyang graveyard shift. Tuwing umuuwi ako, tulog na siya. Pero, kahit ganu'n, ayos lang sa'kin. Basta maayos ang kalagayan niya. Kung tutuusin ayoko nga siyang napupuyat. Kaso sabi nga niya, 'night owl ako'. Kaya, hinayaan ko na lang siya sa gusto niya.

Sumakay na'ko ng jeep papunta sa mall. Sakto na lang din na nagpapabili si Ate ng frappe dahil sa café din ako tatambay. Nandoon din kasi nagpa-part time si Prince 'saka si Karen. Maaari akong magpadagdag ng whipped cream.

Nakarating na'ko sa SM at nakatanggap ako ng text kay Carlos.

***

Carlos TM

Pst, san ka?

Mall, baket?

Daanan mo ko mamaya may kkuwento ako

o sige, sa tayuman ka ba o sa st. ana?

Tayuman

***

Ano kaya iku-kuwento ni Carlos? Nakakapagtaka naman. Sana hindi ganu'n kalala.

Bumungad sa akin ang amoy ng arabica, suwabeng instrumental na tugtog, malakas na aircon, at dim lights pagpasok ko ng café. Sakto, si Prince at Karen ang nasa counter. Buti na lang din at wala masyadong tao. Napansin ako agad ni Prince at kumaway siya sa'kin, "MAVY!"

Natawa ako dahil ang lakas ng boses nitong gagang 'to. Sorry, gago na pala. Medyo kumakapal na ngunit mataas pa rin na boses niya. Bukod dun, ang macho na ng kaniyang tindig at itsura. Mabuti at gumagana ang pills.

Walang pila kaya agad akong umorder, "Kumusta, Mavy?" tanong sa'kin ni Karen.

"Sakto lang, walang bago. Kayo?"

"Ito, nauurat." irap ni Prince, "Sakit din ng dibdib ko," hinimas-himas pa niya.

"Nakakahiya kang lalaki ka! Huwag ka nga sa public gumanyan, " suway sa kaniya ni Karen. "Nga pala, gagawin ko na ba 'yong order mo o mamaya na?" sabi niya sa'kin.

"Ngayon na, nauuhaw na'ko." sabi ko at nagkatinginan silang dalawa, "Bakit?"

Ngumuso sila sa taong na sa likod ko, "Kilala mo 'yon 'di ba?" tanong ni Prince.

"Sino?" lumingon ako at nakita ko siya.

Si Sabrina.

"Magkasama ba kayo?" tanong ni Prince at binatukan siya ni Karen. "Aray!"

"Gaga ka, mag-isa nga lang si Mavy pumasok kanina. Bulag ka, 'te?"

"Malay ko ba!"Hinampas siya ulit ni Karen, "Shuta ka masakit katawan ko!"

Paasar na nilambingan ni Karen ang boses niya at hinimas-himas ang braso ni Prince. "Ay oo nga pala! Sorry!"

Ako lang ba pero bagay sila? Lumingon ako muli kay Sabrina at napansin kong medyo malungkot ang aura niya. Okay lang kaya siya? Naalala ko kasi huli naming kita ay nu'ng dance contest pa. Binisita siya ng Tatay niya, na medyo pinakaba kami ni Carlos nang gabing 'yan kasi mukhang mangangain.

Napansin yata ni Prince na nakatitig lang ako kay Sabrina, "Oh... baka matunaw."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi ba puwedeng nag-aalala lang?"

Tinaasan ako ng kilay ni Karen, "Aysus? Ba't ka concerned? May something?"

Umiling lang ako, kailangan ba maging jowa mo ang isang tao para lang maging concerned ka? Hindi na ba dahilan ngayon na mabait ka lang o 'di kaya kaibigan mo 'yong tao kaya ka nag-aalala? Grabe naman 'yon kung ganu'n.

"Puntahan mo na kaya! Sabihin mo libre na namin inumin niya." sambit ni Prince.

"Kanina pa ba siya du'n?" tanong ko.

"Parang? Si Karen unang nakapansin e."

"Oo kanina pa 'yun, Prince. Nag-order siya ng cake ta's mga two hours na siya diyan."

"Sige, pupuntahan ko. Huwag kayong magulo ah! Subukan niyo lang talaga mag-ingay sa gc," sabi ko at natawa na naman silang dalawa, "Bakit na naman?"

"Wala lang. Ang kulit mo kasi magka-crush," sabi ni Prince.

Crush? Hindi ko naman crush si Sabrina...

"Don't deny it, sis. Kita pa lang sa mukha mo," aniya ni Karen. "Sige na kami na bahala sa inumin niyo."

Tumango ako naglakad papunta kay Sabrina. Gagawin ko ba talaga 'to? Pa'no kung ayaw niya ng kausap?

Puntahan mo na.

Nahihiya talaga ako. Nakatayo lang ako na parang ewan dito, nakatingin pa'ko sa kaniya. Kung tutuusin dapat mapapansin na niya 'ko e. Pero, mukhang malalim talaga iniisip niya. Pero sige, ito na nga.

"Sabrina?" tinawag ko siya. Nakita kong kumunot ang noo niya saka siya tumingin sa'kin.

"Mavy?" Biglang bumuka sa isang ngiti ang mga labi niya, pero pansin kong namumugto ang mga mata niya. Nagpapanggap ba 'to?

"Kumusta," kaway ko. "Puwede tumabi?"

Tumango siya. "Sure, have a seat."

Sinara niya nang bahagya pero pinanatili ang ngiti niya. Dahan-dahang lumutang papalayo sa aking ang tingin niya at bumalik sa malayo. Paglapit ko sa kaniya ay saka ko nasuri nang maayos 'yung postura niya, bagsak ang balikat at medyo nakayuko. Saka... parang namumula ang mga mata niya. Umiyak na naman ba 'to?

"Um-order ka na?" tanong ko. Saka ko na lang siya tatanungin kapag may iba na kaming napag-usapan.

"Yup, cake." Ang tipid niyang sumagot ngayon.

"Huy, sabihin mo lang kung ayaw mo ng kausap. Lilipat na lang ako ng puwesto." Bigla siyang napatingin sa'kin.

May na-trigger ba'ko? Baka magalit 'to bigla. Mali yata na lumapit pa'ko sa kaniya baka may bodyguard siya na nagbabantay sa malapit tapos isu-sumbong—"Huy! Mavy! Are you okay? Narinig mo ba sinabi ko?"

Napadpad nanaman ako sa kawalan. "Ha? Sorry. Ano uli 'yun?"

Natawa siya, "Sabi ko, okay lang. It's nice to have some company once in a while. Nataranta ka yata sa reaction ko."

"Hehe, medyo? Baka kasi may nasabi akong mali..." madalas kasi sa sobrang pagtatanong ko, naiisip nila na nakikielam ako. Ganu'n lang talaga ako. "Nu'ng huli kasi tayong nagkita..." Teka, ano nga ba 'yung nagyari sa amin nun?

"No, wala. Don't worry, moody talaga ako nu'ng panahon na 'yon. But, you were right. May reason naman yata talaga lahat..." Dahan na naman siyang umiwas ng tingin. Napansin kong bahagyang umangat at bumagsak ang dibdib niya. Parang bumuntong hininga siya, pero pigil.

"Kung kailangan mo ng kausap, nandito ako ha? Hindi kita huhusgahan." nginitian ko siya, tumingin siya muli sa'kin.

"Thank you..."

"Nga pala," panimula ko. "Libre ka raw nu'ng mga kaibigan ko ng inumin. Ano gusto mo?"

Nanlaki mga mata niya, "Hala? Bakit? Huwag na! Nakakahiya..."

"Okay lang, napansin kasi namin na parang ang lungkot mo. Gusto lang sana namin makatulong gumaan nang onti pakiramdam mo, at saka makipag-kaibigan na rin." sagot ko.

Pinaglaruan niya mga daliri niya at yumuko, "Halata pala ako..."bulong niya sa sarili niya at huminga siya nang malalim, "Sabihin mo babayaran ko."

Tumingin siya kela Karen, "Ate! Babayaran ko kayo!"

"Hindi na! Treat namin! Pramis!" Nilingon niya uli ako at tinignan niya 'ko na parang nasisiraan ako ng ulo. "Seryoso!"

"Nakakahiya, Mavy!" sabi niya at bigla siyang may kinalikot sa may dibdib niya. Kwintas yata 'yon.

"Para 'yon lang? Kami na bahala. Mga kaibigan mo naman na kami." sabi ko at sakto, pinuntahan na kami ni Karen at Prince.

"Java chip para sa bebe ko, charot." Nilapag ni Prince ang inumin sa harapan ko. "Ate, okay lang po ba sa'yo 'yong Chocolate Chip?"

Ngumiti siya, "Hala, seryoso ba talaga 'to?" tumingin siya sa'kin. Tumango lang kami nila Karen. "Oo, okay lang 'yan. Thank you! Babawi ako sa inyo."

"Hay nako, huwag na, girl. Sa kaibigan ka na lang namin bumawi." nguso sa'kin ni Karen.

"Hoy! Huwag ka ngang ano..." Sabi ko at bigla na lang ako nahiya. Napansin kong nakatingin sa'kin si Sabrina na parang natutuwa siya.

"Anyway, mga dude. Babalik na kami ha? Ako nga pala si Prince. Kung gusto mo Princess ok lang din, 'yun naman nakalagay sa birth cert ko." Kumindat siya. Nanlaki mga mata ni Sabrina.

"Oh my gosh. Trans?"

Pinanghahawakan ni Prince ang ngiti sa mukha niya, at nagpakawala siya ng maikli at pilit na tawa. Pero kita ko sa mata niyang nag aabang siya ng negatibong puwedeng masabi ni Sab.

"Yes po, bakit?"

Mula ulo hanggang paa, dalian siyang sinuri ng mga mata ni Sab, sabay ngiti. "Girl, guwapo mo! Type kita." tumawa siya.

Natawa kaming tatlo nina Karen at Prince. Nakahinga nang maluwang si Prince at mukhang nakuha uli ang confidence niya.

"Siyempre!" Inabutan niya ng fistbump si Sab, na sinagot naman. "Baby na kita ha?"

Natawa si Sab, "I'm Sabrina by the way. Sab na lang for short."

"Ako si Karen, ang cute mo, sis. Bagay kayo ni Mavy." nang - asar pa siya.

"Karen!" hindi ko na napigilan sarili ko, "Baka may boyfriend 'yong tao..."

"Huy wala." sagot ni Sab. "Nice meeting you, babes."

Ngumiti sila parehas at nagkatinginan kami ni Sab pati na rin si Karen at Prince.

"O, bakla pinaringgan ka na, ha," asar ni Karen sa akin. Pumuwesto si Prince sa likuran ng balikat ko, tumingin kay Sab, at nang-asar.

"Ship! Ship! Ship! Ship!"

Tumayo ako at tinulak na sila palayo, "Magtrabaho na nga kayo!"

"ASUS! GUSTO MO LANG MA-SOLO, EH!" asar ni Karen.

"Ship. Ship. Ship. Ship..." Dinig ko pa ring bumubulong si Prince habang naglalakad sila palayo.

Naiwan kami ni Sabrina. Hindi ko alam kung nawe-weirduhan siya sa'min o natatawa. Ang lakas kasi ng topak ng mga kaibigan ko.

"Sorry sa mga 'yon." sambit ko.

"Ayos lang," sabi niya at hindi na niya napigilan tumawa.

Ang cute niyang tumawa.

"Grabe, Ang kulit ni Prince, ano?" Iniba niya ang topic.

"Oo. Kuwela lang 'yun lagi. Pero nakita ko na rin 'yun na lugmok. Sabay kami halos noong hindi pa siya nag-out. May problema din ako nu'n eh pero mas dinamayan ko siya."

"Guess we each have a battle to fight."

"Ganu'n na nga. Iniisip ko na lang mas madali kasi kapag naaalalayan ko mga kaibigan ko sa mga dinadaanan nila."

"Sana all katulad mo. Some people disregard the struggles of others," sabi niya at uminom ng frappe.

Oo nga pala, may inumin din ako. Natuwa ako nang hawakan ko ang frappe ko, ang daming whipped cream. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at ginamit ko ang straw pang-scoop dito saka ito dinalaan.

"Ginagawa mo rin pala 'yan?" ngisi ni Sabrina.

Napahinto ako sa pagdila at natawa siya sa'kin. Nahiya tuloy ako, "Sorry!"

Binaba ko na ang straw at humigop na lang, "Don't be. Ganiyan din ako, to be honest." sabi niya, sabay gaya sa akin.

Mukhang magkakasundo talaga kami nito.

"Pahingi pa ba tayo ng whipped cream kela Prince?" bungad ko.

"Huy! Adik ka!" Umamba siyang papalo sa akin.

"Oo, ang sarap e." Humigop uli ako.

Parehas kaming tahimik na umiinom ng frappe. Hanggang sa nanlaki ang mata ko nang maalala kung bakit ako pumunta rito.

"Hala!"

Nagulat si Sab, "Ha? Ha? Bakit?"

"Sorry, magdo-drawing nga pala ako..." Pinatong ko ang bag sa mesa. Naalala ko rin na nagpapabili nga pala si Ate ng frappe niya.

"Artist ka?!" tumango ako, "Part time mo or full job?"

"Full job. Webtoon," ngiti kong sabi. "Nagbabasa ka ba ng comics?"

"Yep! I'm a fangirl. Nabasa mo ba 'yong Let's Play? Kay Mongie? Ang cute nu'n."

"Oo, wala nga akong coins e." sabi ko at nilabas ang file holder ko.

"Same, pero mostly, book reader ako. I love almost every genre, speculative fic, crime, erotic fiction..." Natawa ako sa huli niyang sinabi.

Nalingat siya bigla na parang nagtaka kung bakit niya nasabi 'yun.

"Huwag kang mahiya. Minsan ko na rin sinubukan basahin 'yon."

Natawa na naman siya. Ang cute niya talaga.

Hala, ano 'tong naiisip ko? Crush ko ba si Sabrina? Ganito ba feeling nu'n?

Habang gumuguhit, naramdaman kong nakatitig lang sa akin si Sabrina. Hanggang sa nagsalita siya. "Puwede bang...patingin ako?"

Napahinto ako nang nagtanong siya. Para bang, bigla siyang sumigla nang nalaman niya na nagdra-drawing ako.

"If ayaw mo, it's fine. I have a friend din kasi na ayaw magpakita ng drawings niya."

Umiling ako, "Sige papakita ko sa'yo. 'Wag ka mag-expect ha? Hindi ako magaling."

Tinaasan niya 'ko ng kilay, "Luh? Nagwo-work ka nga sa Webtoon tapos hindi magaling?"

Natawa na lang ako at bigla akong sinaniban ng takot nang maisip kong baka malukot niya ang mga drawings ko. Pa'no rin pala kung matapon niya frappe niya ta's madamay 'yong papel ko? Uulit na naman ako? Teka, ba't ko ba iniisip 'yon? Mag - iingat naman si Sab, 'di ba? Pero malay ko ba kasi kung—

"HUY MAVY!" napatalon ako sa upuan ko.

"Ha? Ay, oo... Teka..." nakakahiya, bigla - bigla na lang ako napapaisip.

"Are you okay?" bigla niya kong tinanong.

Hindi ba dapat ako nagtatanong sa kaniya niyan? Kaya ako lumapit kasi siya 'tong hindi okay.

Ngumiti ako, "Oo naman, ikaw ba?"

Bigla siyang natahimik. Mukhang tama talaga ako na may problema siya. Hindi rin naman niya ko dineny no'ng sinabi kong nakita namin siya na hindi siya okay. Ano kaya naiisip niya? Sana naman may nakausap na siya tungkol sa problema niya, ang hirap din kasi na sinasarili mo lang 'yong problema mo.

"If I were to be really honest? Hindi. I got a lot in my head right now. Kaso, bigla kang tumabi so medyo naisantabi ko siya."

Bumuntong hininga ako, "Puwede ka mag-kuwento sa'kin. Kung, handa ka na..." sabi ko at tumingin nang diretso sa kaniyang mga mata.

Pakiramdam ko maiiyak na naman siya, "Hindi kita pipilitin. Pero, lagi mo tatandaan na may mga nagmamahal sa'yo at hindi ka nag-iisa. Andito ako, si Carlos, sila Karen at Prince madali naman lapitan 'yang mga 'yan, magulang mo..."

"Si Papa may dahilan ba't ako ganito..." pagputol niya sa'kin. Napansin kong nanginginig 'yung dalawang kamay niyang nakahawak sa baso sa mesa. "He disowned me."

"Ano? Ginawa niya 'yon? Bakit naman?" nakakapagtaka bakit naman siya ipagtatabuyan ng Tatay niya?

Kung sabagay, si Tatay rin naman.

"Baka naman ako sisihin mo," Ngumisi siya. Halatang pilit. "It's my fault anyway."

"Pa'no?" bumuntong hininga siya.

"Is it okay if we move to another place? Na sa public place tayo, ayoko magmukhang tanga."

Mukhang kailangan niya ng karamay ngayon. Tinignan ko ang relo ko at medyo maaga pa. Kailangan ko na lang muna puntahan si Ate, baka mamaya magtampo na naman 'yon.

"Sige, pero okay lang ba na may puntahan muna tayo?"

"Saan?"

"Sa bahay ko. Isang FX lang naman, kung ayos lang sa'yo?"

Natawa siya, "Sure. I have a car, turo mo na lang sa'kin pa'no pumunta ro'n."

- - -

Pumayag si Sabrina na dumaan muna sa bahay namin para maibigay ko kay Ate 'yong frappe niya. Buti na lang at napagkatiwalaan ako ni Sabrina na hindi ko siya dadalhin kung saan - saan. Kung sabagay, kotse naman niya ang sinasakyan namin. Nagpapasalamat na lang din ako at magaan na ang loob niya sa'kin.

'Yon nga lang, kailangan ko i-cancel 'yong pagpunta ko kay Carlos. Pero, sinabi ko naman sa kaniya kung bakit. Sakto, si Sabrina rin pala ang dahilan bakit niya ko pinapapunta. Ilang araw nang hindi siya kinakausap Sabi naman niya, pinapaubaya na niya muna sa'kin ang kaibigan niya.

Sana nga lang, makapag - open up sa'kin si Sabrina tungkol sa nararamdaman niya at matulungan ko siya.

Iba kasi talaga 'yung koneksyon na nadama ko nung umiyak siya sa akin pagkatapos nung competition, na parang pamilyar na ako sa mga pinagdaanan niya, at naiintindihan ko 'yung bigat.

Ewan ko ba, hindi ko rin alam bakit ko nararamdaman 'to.

Hindi ko pa rin nga sigurado kung siya si Luna, nakakabaliw. Ang lakas lang ng kutob ko, pero ayokong umasa. Isa pa, hindi ko pa matugma ang pagkatao ni Luna at ni Sabrina.

Teka, ba't ko ba sila kinukumpara? Matagal - tagal pa ang panahon. Marami pang mga araw para alamin. Pero, minsan iniisip ko, subukan ko kaya? Kaso, mukha talaga akong tanga kung mali ang kutob ko.

Nang bumabiyahe na kami, marami na rin kaming napag - usapan. Na-kuwento na niya na nakapag - aral siya America at iba pang mga bagay tungkol sa kaniya. Napansin ko rin na ang hilig niya magbanggit ng dark jokes, sa puntong parang may sumasalamin nang karamdaman sa mga biro niya. Ayoko pangunahan ng mga naiisip ko. Pero, ang pinaka napansin ko ay 'yong mga pananaw niya sa buhay. Ang lalim ng inabot ng pinag-uusapan namin. Napansin ko rin na ang hilig niya magmura ngunit, wala namang kaso sa'kin 'yon.

Pumarada kami sa labas ng gate, mabilis lang naman. Bihira lang din may dumaang kotse rito.

"Sorry ito lang bahay namin," sabi ko nang bumaba na kami sa kotse niya.

Kumunot noo niya, sabay ngiti. "Don't be, Mavy. Kahit nakapag - aral ako sa America, hindi naman ako nangju-judge sa kung anong mayroon mga kaibigan ko. If may kaya sila, o hindi. Buti nga may bahay ka 'di ba? unlike others, wala talaga."

Bigla akong napangiti. Masyado ko siyang nahusgahan agad. Sobrang open - minded niya at walang isyu sa kaniya kung ano ba estado mo. Nakakagulat 'yung ganitong mindset sa kaniya. Marami kasi sa mga mayayamang nakilala ko, maaarte. Binago ni Sabrina ang pagtingin ko sa kanila.

"Salamat, teka, buksan ko lang 'yong gate." sabi ko at binuksan ito.

Bumungad agad sa'kin si Potchi.

"OH MY GOD MAY ASO KA!" Yumuko bigla si Sabrina at nilapitan siya agad ni Potchi.

"Ano pangalan?" tanong niya.

"Potchi," yumuko rin ako at hinaplos ang balahibo niya.

"Hi, Potchi! Ang cute cute mo! Uwi na kita, dali!" naglakad na kami papasok.

Natawa ako sa reaksiyon ni Sabrina. "Mahilig ka rin sa aso?"

Nilingon ko siya at nagulat ako karga-karga na niya.

"Ang fluffy mo! Cute ka, baby? Cute ka? Wushu wushu—" natawa ako sa sinasabi niya. Agad din siyang napatingin sa'kin, at napangisi "Obvious ba?"

Natawa kami parehas at binuksan ko na rin ang pinto sa mismong bahay. Si Ate, nakadapa sa sofa at busy pa rin sa panonood. Dinaanan niya lang kami ng mata.

"Ate, ito na frappe mo..." Itinuro niya lang 'yung mesa at hindi lumingon sa'kin.

Umiiyak dahil yata sa K-drama. Kitang - kita ko rito na kumikislap pisngi niya.

Nagpahid ako ng alcohol malapit sa pinto, pati baso ng frappe pinahiran ko. "Lika, Sab. Pasok ka."

Pagpasok ni Sabrina ay saka bumangon si Ate. "Aba, aba."

Natawa ako. "Ang busy mo. Ate, si Sabrina."

"Hi, Ate Malaya." nginitian siya ni Sab.

"Close na kayo?" tinignan ko sila parehas.

"Outdated bitch," asar sa'kin ni Ate. Tumayo na siya at inagaw sa'kin 'yong frappe pero hindi niya 'to nakuha sa'kin.

"Akin na!" nilayo ko lalo sa kaniya 'yong frappe.

"Kiss muna." Nguso ko.

Narinig kong natawa si Sabrina, "Panget mo!" tinulak na naman ni Ate mukha ko.

"MADUMI KAMAY MO!" iwas ko at sinamaan siya ng tingin, "Oh!"

Inabot ko na sa kaniya 'yong frappe at dumeretso ako agad sa kusina. Naririnig ko pa sila nag - uusap ni Sabrina.

Kasama ko nga pala siya! Nakakahiya! Baka isipin niya ang arte ko!

"Sorry sa'min ni Mavy ha? Ang kulit e," rinig kong sabi ni Ate.

"It's alright, Ate. Ang cute niyo nga pong dalawa."

"Wala ka bang kapatid?"

Natapos na'kong maghilamos at bumalik sa Sala. Lumapit ulit sa'kin si Potchi, nagsawa na yata kay Sabrina.

"Wala po eh."

"Ay only child ka lang pala?" sabi ko at tumango lang sa'kin si Sabrina.

Tinignan ako ni Sabrina na para bang nag-aantay kung ano nang gagawin. Oo nga pala, aalis pa kami.

"Ba't ang aga mo yata umuwi?" tanong ni Ate.

"Hindi pa talaga ako uuwi, may lakad pa kami."

"May date kayo?" biglang na-ubo si Sabrina kaya dali-dali kong hinimas likod niya.

"Ayos ka lang?" tanong ko, bigla siyang namula pero natigil sa pag-ubo. Tumahol si Potchi.

"Sorry, Sabrina. Nabigla ka yata," tawa ni Ate.

"O—kay lang, Ate." hiningal siya.

"Gusto mo tubig, teka, kuhanan kita." sabi ni Ate at dumeresto na siya sa kusina.

Pinaupo ko si Sabrina sa sofa, medyo umayos naman na paghinga niya. Si Potchi naman ay sinisingit ang ulo niya sa binti ni Sabrina. Nararamdaman kasi nitong aso ko kapag may masamang nangyayari.

Bumalik na si Ate na may dalang isang basong tubig. Kinuha ko ito at binigay kay Sab, "Oh inom ka muna..."

Tinignan ko nang masama si Ate, "Yan! Kasi! Daming ebas nasamid tuloy 'yong tao!"

"Aba malay ko ba? Nagtatanong lang naman ako."

Umiling lang ako at binatukan na naman ako ni Ate, "Aray! Nakakailan ka na, Ate ah!"

Tinarayan lang niya ko. "SORRY AH!" sabay hampas sa akin.

"Ang galing mo mag-sorry, ha. Namamalo."

Hay, kahit kailan talaga napaka- sadista ng Ate ko. Mahal ba ko nito?

"Thanks, Mavy. Okay na'ko." Binalik sa'kin ni Sabrina 'yong baso.

Kinuha ko sa kaniya ang baso at parehas kaming napahawak sa daliri ng isa't isa. Nagulat ako at napabitiw agad. Namula rin siya at hadan uling inabot ang baso.

Bakit may naramdaman akong kakaiba?

"Ate, oh." Kinuha sa'kin ni Ate at sinoli na niya sa kusina.

Tumayo na kami parehas ni Sabrina, "Tara na ba?" tanong niya.

Inantay ko muna bumalik si Ate para makapagpaalam. "Alis na muna kami ha? Magluluto ka ba?"

"Sige, tawagan na lang kita 'pag tinamad ako," sabi niya at naupo na sa sofa. "Ingat, manonood na'ko. Salamat nga pala sa frappe."

Umirap ako, hindi ko alam ba't ang bilis ng mood swings ni Ate. "Sige, enjoy sa panonood."

"Bye, Potchi!" yumuko si Sab at bigla siyang niyakap nito.

Nagkatinginan kami ni Ate. Nangyayakap si Potchi kapag alam niyang malungkot ka.

Tinignan naming dalawa si Sabrina habang niyayakap pabalik si Potchi.

"Ang lambing naman ng aso mo."

"Therapy dog 'yan e," sambit ko.

Nanlaki mga mata niya. Napa -buntong hininga siya ngunit di nawala ang ngiti, sabay tingin kay Potchi.

"Kaya naman pala baby!" at mas hinigpitan ang yakap sa aso ko. Hanggang sa si Potchi na mismo ang kumawala sa kaniya.

"Tara na?" sabi ko.

"Uwi ko na aso mo, she's so cute!" sabi niya at sa huling sandali ay hinalikan niya ito sa ulo. "Bye, Potchi!"

Tumayo na siya at tumango ako uli kay Ate. Nang nakalabas na kami sa pinto ay bigla kong napagtanto kung ano pa bang gagawin namin.

"Sa'n na ba punta natin?"

Ngumiti siya sa'kin.

"Sa happy place."