Chereads / Sol at Luna / Chapter 17 - Kabanata 15: Self - Love

Chapter 17 - Kabanata 15: Self - Love

S A B R I N A

I woke up to the usual morning heat. I took a deep breath, at pinunasan ang laway sa gilid ng bibig ko.

Teka, ano ba 'yan nakakahiya!

I turned to the other side of the bed. Nasaan si Mavy? My eyes roamed around the room, at dahan-dahan akong bumangon as I started to look both surprised and impressed. Si Mavy lang naman ang puwedeng gumawa nito sa kuwarto ko.

'Yung wardrobe ko, iniwan niyang bukas. Though, 'yung mga damit kong nakakalat kung saan saan kagabi, natapos na niyang isabit doon. At nilagyan niya pa ng space sa gitna to separate it from the clothes that were already hangered there before.

My workstation was suddenly organized. 'Yung mga papeles at pictures na pinaglalapag ko lang du'n kagabi, naka-stack in two piles sa gitna. And my portfolios, nakalatag according to the date indicated.

I moved to sit at the edge of my bed and as my bare feet touched the floor, I can tell na nabawasan 'yung alikabok sa sahig. Nagwalis siya, nag-mop pa ata.

This all looks fresh. In fairness.

Without noticing it, nakangiti na pala ako. Ibang klase naman 'to si Mavy. Tumayo na'ko at bigla akong nahilo, ugh hangover. Paglingon ko sa side table, wala na 'yung pinagkainan kong bowl na magma-monthsary na yata du'n. It was replaced by a mug of water, and beside it, two tablets of painkillers. One thing's for sure, Mavy is really doing a great job taking care of me. Jowain ko na kaya? Char.

Pumunta ako sa banyo at nag-toothbrush, while observing my reflection. Nag-flash bigla sa isip ko 'yung mga nangyari kagabi. Grabe, hindi ko akalain na magagawa ni Elias 'yon. I caressed my neck. He really... touched me. The last time na nagkita kami, he was saying something about a plan and he even bribed me. Does he really have a valid reason for all of that? Galit ako sa kaniya pero, parang may mali. Alam kong hindi siya gano'ng klaseng tao. Nu'ng friends pa lang kami, he never tried to do anything against my will. Nagbago na nga ba 'yong Elias na kilala ko? o baka naman...

God, what the fuck is happening?

Nagmumog ako and closed my eyes to clear off my thoughts. Ang aga pa. Naghilamos ako at nag-apply ng facial toner. Ayoko naman bumungad kay Mavy na mukhang dugyot, if ever nandiyan pa siya. Nagsuklay ako saglit then, suddenly twitched my head nang may naalala.

Binuksan ko ang coin purse sa kuwarto ko, and pulled out Sol's sun necklace. I never leave home without it, hindi ko man siya isuot. Ang lagkit niya. Sabi ko na nadamay siya nung natapunan ko ng beer ang sarili ko kagabi. I closed my purse and brought the necklace to the bathroom. I clutched it tight with my fist. Iniisip ko kung... Pabayaan ko na kaya siya sa drawer ko, at huwag nang isuot?

I sighed, should I really hold on to Sol? It seems like he's not coming back to meet me again. Susuko na ba talaga ako? Ako 'tong nangako sa kaniya. Tinignan ko muli ang sarili ko sa salamin, agad kong naisip 'yung naging impact namin ni Sol sa isa't isa. Pero, ang tagal na nu'n. It's possible na wala na lang ako sa kaniya.

God, why do I suddenly want to give up?

Oh, right...

Si Mavy.

Umiling ako at nilapag ang kuwintas sa lababo. I'll clean that up later. Bahala na kung maalala ko 'tong suotin. Besides, I'm not the one who needs to bring up the other half of this necklace, right? Kung magkikita kami, magkikita kami. Pero for now? Kailangan ko muna i-sort out 'tong nararamdaman ko.

I think I'm falling for Mavy and I don't know why it's so sudden.

I washed the sticky feeling off my hands, then began drying with my towel habang bumababa. At bumungad sa'kin ang isang maaliwalas na living room. Nakabukas na ang mga kurtina, kita kong sa labas ng bintana 'yung unan ko sa dining table, nakapatong sa upuan at binibilad sa araw. 'Yung coffee table ko sa tapat ng TV, napunasan na at remote na lang ang nakalapag. Malinis na rin ang lababo, 'yung mga nakatambak na plato kagabi, nakaayos na sa dish rack. Wala na ring dust bunnies sa mga sulok. I heard popping, mantika ata 'yun, at agad akong pumunta sa dirty kitchen.

There he is.

"So, akala ko sobrang lasing ko lang kagabi... pero mukhang totoo pala 'yung inamin mong may OCD ka?" Why the hell was that the first thing I said?

Nagulat siya at napalingon sa'kin. He smiled. "Gising ka na pala."

I rolled my eyes. "No. I'm sleep-walking."

Natawa siya at lumakad papunta sa dining table, kumuha ng dalawang plato sa dish rack, at nilapag sa dining table. "Kain tayo."

Okay, this is a bit new and a bit... awkward.

"Anong kakainin ko?" sabi ko at umupo.

Natawa ako nang kinindatan niya 'ko at bumalik sa dirty kitchen. Coming back, sunod-sunod lumapag sa tabletop ang isang plate ng scrambled eggs, isang plate ng toasted bread, at tig-isang bowl ng sinangag at corned beef.

"Baka may gayuma 'to ah," asar ko. Hindi na niya kailangan ng gayuma dahil mukhang nahulog na talaga ako.

"Hindi mo na kailangan 'yon, sa pogi kong 'to?" hinawi pa niya ang buhok niya.

Binato ko siya ng tuwalya ko. "Panget mo!"

"Ano ba! Pasalamat ka ginawan pa kita ng breakfast," sabi niya at naupo na sa tapat ko.

I smiled, "Thank you. For fixing my stuff and for making me breakfast." I looked at him and I felt my cheeks heat up as I saw his hair sticking up into different places. Ang hot, shet.

"Wala 'yon. Gaya nga ng sabi ko, nandito lang ako para sa'yo. Basta maayos ang kalagayan mo at masaya ka." sabi niya at tinikman ang niluto niya.

Hindi lang siya hot. Sweet and caring din.

Hindi ko talaga akalain na aabot kami sa ganito. It's too good to be true. Hanggang ngayon, feeling ko hindi ko deserve 'tong treatment na binibigay sa'kin ni Mavy. I'm just his friend pero, daig pa yata namin magjowa sa lahat ng nangyayari.

"Huy, kumain ka na," sabi niya at tumango lang ako.

Tinikman ko ang luto niya at napatingin ako sa kaniya. "Ang sarap, infairness! Mag-chef ka na lang kaya," biro ko at sumubo pa ulit.

"Siyempre masarap 'yung may gawa." nabulunan ako sa sinabi niya at agad siyang nataranta. "Sorry! Teka, tubig!"

Inabutan niya 'ko ng tubig at agad ko 'tong ininom. Parang nao-obvious na yata na may gusto ako kay Mavy? Everytimme he lets out a flirty quip, kahit subtle lang, o kaya nata-topic ang lovelife, nacho-choke ako. Okay pa ba 'ko?

"Siraulo ka!"

"Malay ko bang sumasang-ayon kang masarap ako!" nang - asar pa talaga.

"Ewan ko sa'yo! Panget mo!" tawa pa rin siya nang tawa. Since when did he start making green jokes?

"Ikaw, maganda ka." bigla siyang nag-seryoso.

Why are you doing this to me? Feeling ko namumula na naman ako.

Hindi ako nagsalita at kumain na lang. He felt the same. Tahimik lang kami until I felt a cloud of darkness shroud my mind. Thoughts of my Father, Ely, Sol, and Carlos crossed. I felt as if I'm in a secluded room, with negative voices overpowering me. Fuck, I can't think straight.

What if biglang pumunta rito si Papa? Ipapakuha niya si Mavy? What if nagkuwento si Ely at baliktarin niya ang kuwento? What if—Agad akong napatingin kay Mavy, what if siya si Sol? Pero teka, si Carlos... Ano na nangyari sa kaniya? Iniisip ba niya na pinagpalit ko siya sa pinsan niya? Fuck, 'yong studio ko! 'Yong mga employees ko! Pa'no 'yong mga pending naming—"SAB!"

Nanlaki ang mata ko at hindi ko napansin na hirap na pala ako huminga. Tinignan ko si Mavy at kitang-kita ko ang pag-aalala niya, "Ayos ka lang? Ano nangyari sa'yo?"

I was panting, I can't speak. I felt like my rationality left me. Nanginig ang baba ko at nagtubig ang mga mata. Mavy stood up to help.

"I'm sorry... I'm sorry... I'm sorry," I whimpered. Ayoko maging pabigat sa kaniya, ayoko na rin mag-isip. Ayoko na mag-mess up. Bakit ganito? Ang daming tumatakbo sa isip ko, hindi ko alam kung ano uunahin ko. Kung ano gagawin ko.

I'm so messed up.

"Sab... nandito ako. Magsalita ka naman, please? Ano ba naiisip mo." Inangat niya ang ulo ko para tumingin ako sa kaniya, "Huy."

And Mavy doesn't deserve a friend like me.

Pinunasan niya ang luha kong sunod-sunod na pala. Ayoko, ayokong mawala 'to. Ayokong mawala si Mavy. Pero, ayoko rin maging pabigat sa kaniya. Bakit ba'ko nandito? Bakit ba siya nandito?

"Just leave..." Please don't.

"Ano?"

Huwag kang aalis. Hindi ko kaya. Baka sirain ko uli ang sarili ko. Iligtas mo 'ko sa Tatay ko. Huwag mo 'ko iwan, please.

"Sab...? Huy, magsalita ka naman, ano ba—"

Pumiglas ako sa mga kamay niya. "I don't need you. Please, just go."

Hindi ko siya matignan sa mata. "Ano ba pinagsasabi mo?"

"Huwag mo na'kong kaawaan, Mavy. Can't you see? I'm a mess. Naging pabigat ako sa'yo. Simula pa kagabi. Wala ka dapat dito, na sa bahay ka dapat at ginagawa kung ano man 'yong gagawin mo. You're doing this just because you feel obliged. Nakaka-guilty na." hingal na hingal na naman ako.

Tama ako. He sees me just as an obligation. I don't want that. Fuck, ano nga ba ang gusto ko?

"Hindi kita maintindihan, ano bang—"

"Tangina, Mavy. Pakinggan mo naman ako! 'Pag sinabi kong umalis ka na, umalis ka—"

"Paano ako aalis kung nagkaka-ganiyan ka? Paano ako aalis kung pilit mo 'kong nilalayo pero alam ko, sa loob-loob mo, kailangan mo ng tulong? Ano bang problema, Sab?"

"Problema ko? Ikaw! Ikaw ang problema ko! Bakit ba gustong-gusto mo 'kong tulungan? Bakit ba pinipilit mo ang sarili mo sa'kin? Sino ba 'ko sa'yo, Mavy? KAIBIGAN MO LANG AKO 'DI BA? I DON'T NEED YOU TO PITY ME PERO KUNG UMASTA KA PARA KANG—"

"OO KAIBIGAN LANG KITA PERO TIGNAN MO NGA 'YANG SARILI MO? HINDI KA BA NAAWA SA SARILI MO KAKAISIP NA HINDI MO DESERVE LAHAT NG GINAGAWA NAMIN SA'YO? GANIYAN KA BA TALAGA KABABAW—"

"AKO? MABABAW? SINO BA KASING MAY SABI NA TULUNGAN MO'KO? SINO BANG MAY SABI NA BUMALIK KA? MAY GUSTO KA BA SA'KIN? PERA?" agad akong pumunta sa kwarto ko para kunin ang wallet ko. Buti naman at hindi ako sinundan ni Mavy.

Bumalik ako sa kusina, "AYAN! PERA! BILHIN MO 'YONG PAKE KO, BILHIN MO KUNG ANONG GUSTO MO!"

He looked at me sharply. I saw his jaw clench as we stare at each other in silence. Ang bigat na pala ng hinga ko. But no, I can't seem to tone myself down. Gigil na gigil ako, sa mundo, sa sarili ko, sa lahat. Mavy kept the tension in his face, but lowered his voice, calm, but still firm. Halatang pigil na pigil siya, while rage inside me was keeping on.

"Putang ina, Sabrina. Ganiyan ba talaga tingin mo sa'kin? Sa tingin mo, kaya ako nandito para sa pera mo? Hindi lahat nakukuha ng pera na 'yan, Sab!"

"SO ANONG GUSTO MO?? BAKIT BA AYAW MO MAKINIG SA'K—"

"IKAW ANG GUSTO KO, SAB! KAYA AKO NANDITO KASI GUSTO KITA. GUSTO KITANG TULUNGAN. GUSTO KITANG DAMAYAN. GUSTONG-GUSTO KO IPARAMDAM SA'YO NA MAY NAGMAMAHAL SA'YO! PAKINGGAN MO RIN SANA AKO! TANGINA, HINDI MO MAN LANG BA NARARAMDAMAN 'YON?"

Gusto niya 'ko. Gusto ako ni Mavy.

Pero teka, ilang araw pa lang kami nagkakakilala?

Hindi ako umiimik dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Ito na 'yon. Ang tagal ko 'tong inaabangan. Pero bakit, parang may mali?

"SABRINA KUNG ALAM MO LANG, KUNG ALAM MO LANG KUNG GAANO AKO—KAMI, NASASAKTAN SA TUWING NALULUNGKOT KA, SA TUWING GINAGAGO KA NG MUNDO. TINGIN MO BA, HINDI NAMIN NAKIKITA? TINGIN MO BA WALA KAMING PAKIELAM SA'YO? PARA SA'N PA'T KAIBIGAN MO KAMI, SAB? HINDI MO BA NAIISIP KUNG ANO MARARAMDAMAN NAMIN KAPAG NAWALA KA? KAPAG TULUYAN KANG NILAMON NG SAKIT MO? JUSKO, SABRINA." He took a deep breath. His eyes watered. "Isipin mo 'yung nanay mo. Ano iisipin niya kapag nakita ka niyang ganito?"

Tinuluan na rin siya ng luha. Sobra-sobra 'to.

But my fist was still clenching hard. Kasalanan ko na naman na nagagalit si Mavy? Lahat naman kasalanan ko 'di ba?

"EDI SORRY! ILANG ARAW PA LANG TAYO NAGKAKAKILALA AH? TANGINA, MALAY KO BA? WELL, I'M FUCKING SORRY KUNG GANITO AKO! SORRY AH? SORRY KUNG ITO LANG AKO. SORRY HINDI AKO MENTALLY STABLE TULAD NIYO! SORRY! PUTANGINA SORRY." Hikbi na'ko nang hikbi. Pakiramdam ko mauubusan ako ng hininga. Napa-upo na lang ako sa upuan at pinunasan ang mukha ko.

"Tingin mo ba, hindi ako nahihirapan? Nahihirapan din ako, Mavy. Hirap na hirap ako pero sinusubukan ko. Sinusubukan kong maging okay. Kasi, ayoko pang mawala. Ayoko kayong mawala. Pero, kasalanan ko rin e. Kasalanan ko kung bakit lagi akong iniiwan ng tao kasi—"

"Binibigyan mo kasi sila ng rason para iwan ka. Putcha, kung alam mo lang kung gaano ka kahalaga sa'min. Oo, ilang araw pa lang tayo nagkakakilala pero jusko, hindi mo alam kung gaano ka-kalakas. Kung gaano kita hinahangaan," tinignan ko lang si Mavy, medyo humihanahon na rin siya.

"Wala kang kasalanan dahil hindi mo naman ginugusto lahat ng 'to. Pero, please? Tanggalin mo na sa utak mo na wala kaming pakielam sa'yo, na inoobliga namin ang mga sarili namin sa'yo, kasi hindi. Nandito kami kasi mahal ka namin. Nandito kami kasi nag-aalala kami sa'yo. Nandito kami kasi kailangan ka rin namin, Sab... Nandito kami kasi importante ka sa'min. Kaya kahit ngayon o nu'ng isang buwan, o kahit dalawang oras pa lang kita nakikilala, wala akong pakielam. Kasi ang alam ko, kailangan mo'ko at nandito ako para sa'yo."

Mas lalo lang akong naiyak sa sinasabi niya. Totoo e. Alam ko, alam ko kung bakit sila nandito. Ako lang 'tong nag-iisip na hindi ko sila kailangan, na hindi sila importante sa'kin. Ayoko lang talagang maging pabigat. Ayokong isipin nila na mahina ako, na wala akong kuwenta dahil sa simpleng mga bagay, hindi ko kayang labanan. Ayokong isipin nila na wala akong kakayahang bumangon. Ayoko rin na madamay pa sila sa mga problema ko. Ayokong makita nila ang isang tulad ko na walang ibang ginawa kung hindi tumakbo nang tumakbo papalayo sa mga problema.

"I'm sorry... I'm sorry, Mavy. Hindi ko na alam e. Hindi ko na alam gagawin ko. I'm tired, and I'm weak. Hindi ko na alam..." Yinuko ko ang ulo ko sa mesa, my fists clenching hard and shaking on the tabletop.

"Sab, napag-usapan na natin 'to 'di ba? Parehas nating alam na kaya mo 'yan. Alam nating malalapagsan mo kung ano man 'tong pinagdadaanan mo. Mas malaki ka pa sa mga naiisip mo. At saka, ilang beses ko bang sasabihin sa'yo?" Naramdaman kong pinatong niya ang kamay niya sa ibabaw ng kamay ko.

I lifted my head up, looked on his hand holding mine. "Nandito ako. I'll do anything just to make you happy. Kaya please? Hayaan mo lang ako. Wala akong hinihiling na kapalit, basta ipangako mo lang sa'kin na aalagaan mo na ang sarili mo at subukang mong mahalin 'yang sarili mo."

Is this what happiness feels like? Genuine happiness? Ito 'yong matagal ko nang hinahanap. Na may isang taong handang sabihin sa'kin na mali ako and help me save myself from drowning. Even if, we've only known each other in less than a week.

Parang si Sol lang noon.

Does time really measure everything? Parang hindi.

What matters is how you use it, spending time with the people who count, showing them how you love, appreciating them, and being there for them. It's using time to let everything fall into place. Masiyado akong tumitingin sa harap dahil sa mga pangarap ko, dahil sa mga tinatakasan ko. I forgot how to just simply... live in the moment.

"I'm sorry, Mavy. I'm sorry for the noise, sorry sa lahat ng sinabi ko. Hindi ko sinasadya," sabi ko at sa wakas, nakita ko na rin siyang ngumiti.

"Ayos lang, gano'n talaga kapag galit. Hindi na natin nalalaman kung ano sinasabi natin. Sorry rin sa mga nasabi ko."

Naalala ko 'yong pag-amin niya sa'kin kanina. Pero, saka ko na lang ipapaalala. Sa ngayon, lalasapin ko muna 'tong araw na 'to. Ang araw kung saan, nagbago ang pag-iisip ko dahil sa lalaking 'to. Ang araw kung saan, mas nare-realize ko na importante ang bawat moment na kasama mo ang mga taong importante sa'yo.

Biglang nag-ring ang cellphone ni Mavy at napabitiw siya sa kamay ko. I suddenly felt empty and cold. I looked up at him, mesmerized by his charm and wit. Teka, ba't bigla akong—

"Sabrina, kailangan ko nang umalis. Ayoko man pero, hinahanap na talaga ako ni Ate." sabi niya at tinago ang cellphone.

It's fine. I'm not his priority anyway.

Sino ba naman ako to intervene with his personal life? I'm fine with what he can offer me. Hindi lang naman sa ibang tao umiikot ang mundo natin.

And I'm happy with that.

"Sure, go ahead. Thanks for everything, Mavy. Sobra-sobra 'to," nginitian ko siya at tumayo.

"Sigurado ka bang okay ka lang mag-isa?" tanong niya.

"Ano ka ba, kaya ko na 'to. It's just an episode. I can handle it." I smiled at him, trying to look like I really am capable of helping myself.

I guess I just needed someone to call out on me.

Kakayanin. Hindi rin naman kasi sa lahat ng oras, matutulungan ka ng iba't ibang tao. Minsan, kailangan mo rin matutunang tulungan ang sarili mo.

"Sige, tawagan mo na lang ako kung may kailangan ka," sabi niya at lumabas na ng bahay ko.

Sinara ko ang pinto at napaupo, "Hay, Mavy..."

Kaya ko nga ba sarili ko?

Nag-ring ang cellphone ko, tumayo ako para kunin ito. Si Mama.

Bumuntong hininga ako, tama si Mavy. Kung hindi ko aalagaan sarili ko, pa'no sila? si Mama? Ayokong iwan si Mama.

Ngumiti ako sa sarili ko at sinagot tawag ni Mama.

I guess, I need to love myself more.

To rest.

To stay alive.

***

C A R L O S

"O, nauna ka pa kay Mavy. Una ko siyang tinawagan, ha," bati sa'kin ni Ate Malaya habang inaayos ang pinagkainan niya.

"Nag ayos na lang ako agad. Shookt ako sa balita mo, 'te. Asan na raw ba siya?"

"Ewan. Basta, alam niyang urgent 'to. Ay ayan! Kakatext lang, nakasakay na."

Tinulungan ko muna si Ate sa pagliligpit, at nagchikahan kami habang naghihintay. Nagpalitan kami ng mga alam namin tungkol sa mga nangyari kagabi. Nagpasama pala si Sabrina matulog. Shet, hindi ko alam kung ano mararamdaman ko para kay Mavy ngayon.

"Carlos, sa tingin mo alam na ni Mavy at Sab?"

"'Yung tungkol sa past nila? Deins ko lang sure."

"Ano balak mo?" Napabuntong hininga lang ako, ta's iling at kibit balikat.

"Nase-stress ako para kay Mavy, Ate. Hindi ko alam kung gets na niya kung gaano kagulo ang buhay ni Sabrina. Kaya lang, ang saya niya rin kasi kapag nakikita ko sila, na parang, ngayon lang bumalik 'yung purpose na hinahanap niya dati."

Sakto, bumukas ang pinto. Nanlaki ang mata ko kay Mavy. Tang ina, damit ni Sabrina 'yang suot mo, Pare. Binati ko siya. Sana mukha akong kalmado.

"'Musta?"

"P're, ang gulo ni Sabrina. 'Yung balita mo, Ate, ano na nangyari?" Nagpahid siya ng alcohol sa kamay.

"Tatawag daw siya uli."

"Kapal ng mukha," dinig kong bulong ni Mavy. Naglapag siya ng gamit sa sofa at umupo. Ang wrecked ng itsura ni gago.

Sakto, may nag-ring na phone.