Chereads / Sol at Luna / Chapter 22 - Kabanata 20: Ang Pag - Alis

Chapter 22 - Kabanata 20: Ang Pag - Alis

S A B R I N A

Wednesday evening was heavy. Nasa hospital ako tonight, nagbabantay kay Papa. Like Tito's funeral last weekend, we all felt dead this week. The only good thing that happened so far is 'yung pag uwi ni Ely from confinement kahapon. The wound's not that fully healed, but he's fine now.

I stared at the TV as it beamed against me in the darkness. Walang pumapasok sa utak ko, actually. Gusto ko lang magfocus sa kung ano.

Then my phone rang. Carlos.

"Uy!"

"Uy. Napatawag ka?"

"Ngayong gabi lang ako hindi naging busy. And since the last few days, sa text lang tayo nakakapagkumustahan, I decided to call. Kumusta si Tito?"

"Well, his body's healing. Kaya lang unconscious pa rin talaga. Ikaw, kumusta?"

"Nakitira muna ako sa magkapatid. Gusto ko sana sila tulungan mag-cope." I heard his deep breath from the speaker. He went on.

"Si Mavy, pinipilit pumasok at gumawa ng strips para lang maklaro ang utak niya. Ako, isa-isa nang inuuwi ang mga gamit ko sa studio, hinahabol lahat ng mga huling kailangang ipasa bago magsara. Kay Ate Malaya lang yata speed ang usad ng oras ngayon, and that's because nagpapakalunod lang siya sa K-drama. Ayun, andito ako ngayon sa terrace nila, pinipilit mag-unwind with a beer."

"That's nice," matamlay kong sagot, then an awkward silence. I kind of feel uncomfortable talking all the shit recently. Buti na lang binago ni Carlos ang topic.

"Kumusta application mo for graduate school?"

"Wala pang update si Mama kung enrolled na ako. Pero wala eh. Either way, gusto kong sumunod na lang din kay Papa para walang gulo. Hindi man ako mag-MA, I'm sure Papa will enroll me in a business school sa New York, para makapag-prepare naman ako to take over as CEO."

"So tuloy na tuloy na ang pag alis mo?"

"Mm hm." Carlos' sharp sigh pierced through my end of the call, "Huy, Carlos. Bakit para namang mas problemado ka pa kaysa sa akin?"

Pinilit niyang matawa. "Ganu'n lang? Aalis ka lang? Ta's hindi ka na magpaparamdam?"

Silence again, a little off. I can feel my hands shake again. Then I raised my voice. "Tingin mo ba madali lang din sa'kin ang iwan lahat kayo? Sobrang frustrated ko ngayon, Carlos. You have no idea how guilty I feel right now. Kung tutuusin, 'yung studio, mapopondohan ko na uli kapag sumunod ako kay Da—"

"This isn't about the studio, Sab!"

"Look, babalik ako, ok? I don't know when or how pero babalik ako. Sumusunod na'ko sa yapak ni Papa and... I don't know what to expect, but it just feels right. I chose this. I'm also not having regrets about it." I sighed, "I prayed for him to stay alive. Besides, I can visit you guys from time to time to run workshops."

I forced a laugh, and tried to calm down. Things are supposed to be better now. "Carlos, mamimiss kitang hayop ka."

He sighed and laughed back. Kinda forced, but it worked.

"Sino mag-aalaga sa'yo du'n? Sino tatawagan mo kapag iinom ka? Kapag gagala ka? Sino kasama mo?"

O, ngayon nakakaaliw na lang siya. "Si Mavy ka ba ha? Dami mong tanong."

"Concerned lang ako."

"Grabe naman pala mag - alala kaibigan ko."

"Letche!" tawa niya, silence... "I'll miss you too, Sab..."

We talked for about another hour, checking on how we cope sa mga nangyari. It's been a while since ma-relieve ako nang ganito. 'Di man ako Bautista, dalang dala rin ako sa lamay. Then pag-uwi ko, si Papa naman. Being with Carlos felt like home, you're free to do what you want. He supports you and he's always there for you. Minsan iniisip ko hindi ko siya deserve kasi sobrang bait nitong taong 'to. Pero, sabi nga nila... There are two reasons why you meet someone:

It's either, you change their lives or you change theirs.

As for me and Carlos, the impact was mutual. We met at the most unexpected time, kung hindi dahil sa kaniya, wala akong best friend ngayon. At kung hindi dahil sa'kin, hindi siya makakahanap ng stable ng trabaho noon. It was give and take.

"Tingin ko kailangan lang din natin ng break ngayon mula sa lahat," banggit niya.

"Ano iniisip mo, Carlos?"

"Layas sana tayo sa weekend. Sama natin 'yung magkapatid. Si Tita na rin bago umalis pabalik ng Japan."

"Shouldn't you wait forty days before doing that? Nagluluksa kayo 'di ba?"

"Hindi naman walwal o bakasyon ang balak ko, Sab... retreat sana, ganu'n. Pampatahimik ng isipan."

"Any place you have in mind?"

"Actually... naalala ko lang kasi nung college. Alam mo 'yung Caleruega?"

"Huy, I've heard about that! Retreat spot? Maganda raw ang view diyan. Though, di ko pa nata-try."

"E di ayan. Swak lang layo nu'n mula sa lahat ng ito, kalmado pa. Kaya mo naman na siguro hanapin sa gps 'yun?"

"Easy. Grabe, push na push ka dito, ha." Natawa siya.

"Para bago ka umalis dito sa Pilipinas, may memory ka namin."

I laughed back. "You're really just finding ways to make me miss you more."

"Medyo agahan natin para sakto ang dating du'n, ala una o alas dos. Maganda dun 'yung sunset!" Natatawa ako dahil parang bata 'tong si Carlos.

"Okay fine. Saturday morning mag-aayos lang muna ako dito ta's deretso na tayo kayla Mavy?" tanong ko.

"Yes! Nice one! Sasabihan ko na lang din sila. Sure ako g lang 'yung mga 'yun." Binaba niya ang phone.

I sighed. I'll get to see Mavy again. Everytime I see him, there's a spark igniting inside me. Nakakainis isipin na may gusto talaga ako sa kaniya. Akalain mo 'yon, 'no? Ang bilis na panahon lang namin nagkakilala pero na-fall na'ko sa kaniya. Although, it still bugs me every night thinking about Sol.

Siguro, naisasantabi ko siya kasi wala naman na'kong magagawa kung hindi na kami magkikita ulit. Ayoko rin naman i-assume na si Sol si Mavy dahil lang sa kung anu - anong minor inconveniences. Isa pa, it's best to enjoy what I have right now. Hindi naman siguro mawawala friendship namin ni Sol kung sakaling magkikita pa kami. 'Yon nga lang, hindi na reciprocated ang feelings. Mas okay na rin siguro 'yon.

Saturday morning. It's great that Tito Rodriguez was more than willing to look after Papa. As per Mavy's mom, hindi rin daw siya makakasama kasi may lakad siya.

Bumusina na ako as I park by the sidewalk sa tapat ng bahay nila Mavy. Dala-dala ko ang camera ko. Kakatapos lang namin ni Carlos bumili ng mga pagkain na puwedeng dalhin atsaka tubig. Bumaba kami sa kotse at dumiretso sa bahay. Nasa sala si ate Malaya.

"Si Mavy?" bati ni Carlos sa kaniya.

"Sa Taas, Papaala lang ako mga pagkain saka damit."

"Puntahan mo na, Sab." sabi sa'kin ni Carlos.

Tumango ako at umakyat sa kuwarto niya. Kumatok muna ako at binuksan niya ang pinto. Nagulat ako nang basa ang buhok niya at naka tuwalya lang siya. Oh my fucking gosh.

"Uh..." lumunok ako at tila hindi ko maalis ang tingin ko sa kaniya.

Ang payat ni Mavy. He's got a flat stomach and tho hindi siya sobrang ripped, medyo bakat 'yung abs niya, not to mention the v-line he's got. And shit, 'yung cuts niye sa chest and arms...

SINCE WHEN DID HE BECOME SO FUCKING HOT.

I'm going to hell for this.

"Tuwa ka?" tinapik niya ang baba ko. "Papalit lang ako, diyan ka muna."

Sinara niya ang pinto at huminga ako nang malalim. Huminga ako nang malalim paulit-ulit.

Layuan mo'ko demonyo.

Hinawakan ko ang pisngi ko at hiyang-hiya ako sa sarili ko. Ba't kasi hindi sinabi ni Ate na kakatapos lang pala niya maligo? And screw Mavy too. Bubuksan niya, nakatuwalya lang siya. Nakakainis.

Namumula yata ako, shit.

Maya-maya ay bumukas na ang pinto and he let me in. He's still topless

"May balak ka pa bang magsuot ng t-shirt?"

"Mayroon. Hindi ko kasi mahanap 'yong favorite ko." Ang arte talaga kahit kailan.

"Hurry up," irap ko at humiga sa kama niya. Baka mamaya isipin nito pinagpapantansyahan ko katawan niya kapag nakaharap pa'ko sa kaniya.

Narinig ko siyang tumawa at matapos ang ilang minuto ay nagsalita na siya. "Puwede ka na tumingin."

"You're clearly seducing me, aren't you?" sabi ko at umupo nang maayos.

"Sinabi ko bang titigan mo 'ko?" natawa siya at inirapan ko siya ulit. "Aminin mo na kasi."

"Ewan ko sa'yo." Tumayo na'ko at lumabas.

I tried hard to muffle my shrieks as I walked away. Gosh, ang hilig na niya mang-asar. Baka siya naman 'tong may gusto sa'kin.

Bumababa na rin siya at tapos na mag-ayos sila Ate Malaya. Pumunta na kami sa kotse ko at si Mavy ay agad na umupo sa shotgun seat.

This'll be fun.

~~~

C A R L O S

Totoo naman talagang gusto kong lumubay muna kaming lahat sa mga kaniya-kaniyang ingay kaya ako nag ayang magpakalayo. Pero actually, naisip kong baka makatulong 'to kay Sab at Mavy. I've been both nervous and happy for the both of them so far. I hope Mavy knows by now how complicated Sab's life is.

Nakarating na kami sa Caleruega. Walastik talaga navigation skills ni Sab. Busog kaming dumating dun, kaya medyo naantok din pagtapos magbaba ng gamit. Nasagad ata ng pag-enjoy kasi puro pics kami sa pinagkainang may overview mula sa itaas. Deins ako magsasawa sa Tagaytay.

Wala halos nagbago rito mula nung huling punta ko back in college. Paglabas namin ng entrance hall, andito uli 'yung malawak at preskong scenery kung saan nag aagaw ang green, violet, yellow, white sa dami ng halaman. Paangat ang lupa, one side of a wide hill. At sa di kalayuan, kita agad ang maliit na lecture hall na walang laman sa ngayon. Sa kanan nun, 'yung dorms para sa mga nanunuluyang turista. Sa kaliwa, 'yung dining hall. Sa kabilang side nung paangat na field, may maliit na bangin na mapuno ang kanto at may iilang benches. Medyo konti lang ang mga tao and mostly, tourists. Hindi pa ata season ng mga retreat.

May isang route na mas lumalayo pa pataas, na alam kong papunta sa Church. At may isang route na dumadaan sa gilid nung paangat na field, pababa naman ito. Hindi na rin kita kung saan 'yun patungo pero sa pagkakaalala ko, dun 'yung isa pang mas maliit na hill na may stations ng cross na nakapaligid paakyat, may preskong outdoor chapel sa tuktok.

It's a breath of fresh air, apaka-immaculate. Mukhang sureball ang mga plano ko kayla Mavy.

Binigyan kami ng papel ng isang tourist guide.

"Sa'n tayo?" tanong ni Ate Malaya. "Ano oras na ba?"

"Quarter after 2," sagot ni Sab.

"Kaniya-kaniya muna tayo, ta's around 5 magkita tayo sa simbahan," sabi ko. Tumango sila lahat.

Inaya ako ni Ate Malaya mag-pictorial kung sa'n sa'n. Iwan si Sab at Mavy kasama ang bagahe. Habang papalayo kami ni Ate, dinig ko ang eme ni Sab kay Mavy.

"So? Sa'n mo gusto?" banggit niya.

Ikaw. Ikaw gusto niyan gaga. Shit, naalala ko na naman 'yung tinatago nila sa isa't isa.

"Kahit sa'n. Sa gitna siguro muna tayo." Nilingon ko sila at nakitang lumalakad na rin, pataas sila papunta sa church. Mag eenjoy si Sab dun, maraming puwedeng angles at subjects.

Apaka solid ng Caleruega kahit kailan. everything is all green and you get a taste of scenery. Lumakad kami ni Ate sa pababang route. Papunta sa stations, may hanging bridge na napapalibutan ng malalaking puno at sa dulo may pababang railing na napapalibutan ng fish ponds. Natagalan kami ng lakad kasi panay tigil at pa-picture ni Ate sa akin.

It's almost golden hour. Nasa tuktok ng hill na kami ni Ate, ine-enjoy ang sariwang hangin sa outdoor chapel. Nag-stay kami sa mga upuan malapit sa isang cliff at maya maya, dinig ko na ang boses nung dalawa. Tumayo ako para silipin ang mga stations pababa. Sumunod si Ate.

Ayun si Sab, panay ang kuha sa tukmol na model niya. Ngayon ko lang nakitang ganito ka-confident si Mavy. Parang dapat masaya ako habang tinitignan ang harutan nila, pero hindi ko talaga magawang ngumiti.

"Nag - aalala ka na naman," banggit ni Ate sa akin.

Natawa ako at tumingin sa kaniya. "Ate kasi, napapaisip ako kung ano na bang mangyayari pag nagising na tatay ni Sab." Huminga ako nang malalim at tumuloy.

"Ever since nakilala ko 'yan si Sab, ayaw na patinag niyang tatay niya. What happened recently was just another failed attempt. Malamang, kapag nagising na 'yun, maghigpit lang siya lalo. 'Pag nakita niya kung gaano kaclose na sila ni Mavy..." My voice faded away. Baka nag-aalala lang ako masiyado. Hinimas ni Ate ang likod ko.

After a while, napansin nilang nakatingin na pala kami ni Ate at umakyat na rin sila. They took a couple of shots, ta's inaya kami pabalik sa church. Mahaba-habang lakaran, pero baka 'yun lang din ang kailangan ko para makalma.

The church exterior is mainly made of bricks Ang authentic tignan, tapos napapalibutan pa ng mga bulaklak. Sabay kaming kumuha ng pics ni Sab, sunod lang din nang sunod ang mga model namin.

Habang kinukunan ko si Ate sa isang brick wall, ngumuso siya sa may likuran ko. Sinusuotan ni Sab ng bulaklak sa tenga si Mavy. Napangiti ako at natawa si Ate. Lumapit kami sa kanila.

"Ang cute mo!" asar ni Sab.

Inirapan siya ni Mavy pero nag-kikay pose bigla ang gago.

"Para kayong bata." I scoffed. Nginitian lang nila ako.

"Ang galing mo talaga," sabi ni Mavy habang tinitignan ang shots.

"Thank you," Ngiti ni Sab at nagtinginan sila sa mata. Hay, Lord. Saan ba 'to patungo?

"Easy ka laaang," bulong sa'kin ni Ate matapos ako banggain sa balikat.

Nag aasaran ang dalawa gamit ang bulaklak. Hanggang sa kinu'nan ni Mavy si Sab gamit ang phone niya at pinakita.

"Pang wallpaper oh," tawa ni Mavy.

Tinaasan siya ng kilay ni Sab "Sige nga! Dare kitang gawing wallpaper 'yan!"

"Game."

Ihinarap ni Mavy ang screen ng phone sa aming lahat, at harap harapang binago ang wallpaper. Natawa lang si Sab, hanggang sa napansin niya yatang hindi ako komportable.

Habang lumalakad kami pabalik sa, hinatak ako ni Sabrina. Pinauna namin 'yung magkapatid.

"Grabe na attachment niyo ni Mavy sa isa't isa, ano?"

"Yeah. Nakakagulat ding naging ganito kami ka-close."

"Sure ako, mami-miss ka niyan."

"Actually... about that, Carlos... hindi ko pa nasabi sa kaniya."

"Ha!?"

"Ang alam niya lang, isasara 'yung studio."

Magsasalita pa sana ako, nang tinawag ako ni Ate.

"Carlos! Du'n tayo sa hilltop! 'Di ko pa napupuntahan 'yon."

Napatango na lang ako. "Mavy, dun na tayo magkita-kita sa dining hall mamaya para sakto hapunan na."

"Sige p're." Umupo sila ni Sab sa isang bench sa kanto ng maliit na bangin para pagmasdan ang sunset.

Habang naglalakad kami ni Ate, nilingon ko uli sila. Ang chill nilang magkatabi, ang sweet.

Knowing Sab, ayaw niya lang ma-trigger si Mavy kapag nalamang aalis na siya.

Kaya siguro maski ako, natatakot nang malaman niya.

Lumingon na ako pabalik kay Ate at hinayaan na lang lamunin ng dumidilim na langit ang lahat.

Doon na rin kami naghapunan, at dahil hindi masiyadong matao, inalok na rin kami ng isang pari na dun na muna tumuloy kung hindi naman kami uuwi agad. Pilit ko mang itago, medyo tuliro ako kakaasa na makatulog ang trip namin na gabayan si Sab at Mavy. Ironically, sila chill lang.

Pinayuhan kaming mag sharing session ni Father para kahit papano makapaglabas ng mga hinanakit. Sunod kong namalayan, tulala na lang ako habang nakabilog kami sa damuhan sa tapat ng hall, lahat nakapaghilamos na.

"... kaya siguro ganu'n na lang din ako mag sarili kadalasan. Naiintindihan niyo naman siguro." Bigla akong napalingon nang matapos magsalita si Mavy. Dahan ko siyang pinagmasdan habang hinahawakan si Sab sa braso.

"Dagdag ko na lang din... Sab, salamat talaga." Bigla niyang inabot ang kamay ni Sab. "Sa pagsama sa'min sa burol ni Papa tapos, nu'ng nagkuwento ka sa'kin tungkol sa pamilya mo. Salamat sa tiwala, Sab. Ang laking bagay nu'n sa'kin."

"Thank you rin. For waking me up from my bad reality. Mas marami kang nagawa para sa'kin. Kulang pa nga mga ginagawa ko for you."

Sa dami nu'n, the least you can do is say goodbye properly. Nagpatuloy si Mavy.

"Ang gara nga kasi bigla na lang tayo nagkasundo. Buti na lang pala. Sinunod ko ang sinasabi ng utak ko na puntahan ka nu'ng umiiyak ka." Nakatitig pa rin ako kay Sab. Mukha na ata akong nanlulumo kasi panay lihis na rin ng mga mata niya sa akin, nakakaramdam. Ngumiti pa rin siya.

"Akala ko nga ikaw si Carlos, e. You were great, though."

"Magaling sa'n?"

Nagtinginan sila. "Sa pag-comfort at pag-sayaw."

Sumulyap pa ng isang beses si Sab sa akin, mukhang iritable na. Napalunok siya at nilawakan ang ngiti.

"So, ok ka na Mavy?" Tumango si Mavy sa kaniya. "I think it's my turn to share."

"First of all, I've been thinking since Papa's accident. And I think it's just right na sundan ko na siya sa pagiging CEO."

Nakatitig lang kami sa kaniya. Ako lang ang hindi mukhang nagulat. Binasag ni Mavy ang tahimik.

"Teka, sigurado ka?" Tumango si Sab. "Hindi ba't parang ang layo naman nito sa mga plano mo sa buhay?" Biglang nawala 'yung ngiting kanina pa sinu-sustain ni Sab.

"Actually, a part of me is still afraid. Pero feeling ko kasi ito na lang 'yung paraan para makabawi at maging ok kami." Napahinga siya nang malalim. "The accident made me think na baka ang selfish ko na nga masiyado, to the point na kung sino-sino na ang napapahamak."

Parang nabuhusan ng malamig na tubig ang itsura ni Mavy. Nakita kong medyo nanggigil ang braso niya at bumuka ang bibig.

Inunahan ko siya. "Pero Sab, kumusta na raw ba si Tito? May update ba ang doktor?"

"Well..." Biglang may tumunog na tatlong ping. Inabot ni Sab ang cellphone sa bulsa at tinignan niya. Pinagmasdan lang namin siya, nag aabang na ituloy ang sasabihin. Hanggang sa dahan dahan siyang napanganga.

"Gising na siya. Ngayon lang."

* * *

S A B R I N A

It was some minutes past noon when I got to the hospital. Hinatid ko muna pauwi sina Mavy and immediately went back to finally check on Papa. Pagkatapos magpark, dumiretso agad ako sa room 109.

The sight of Papa on the hospital bed slowly emerged as I opened the door. At dahan-dahan ko rin 'tong inabsorb. His face was thin, but he looked younger, fuller. Hindi na tuyot tignan ang balat niya, and I think that's because he hasn't had alcohol for quite some time. For the first time, my Papa looked weak, but very warm.

Nakatunganga siya sa TV. Nakaupo si Tito Rodriguez sa isang bench sa may pader, nakasandal at mukhang pinipigil ang antok. He faintly smiled and nodded at me. Dahang lumingon si Papa sa'kin. Mukhang hindi pa gano'n kalakas ang reflexes niya. He let out a weak warm smile.

"Mika, you're finally here."

Napangisi ako. "At gising ka na."

Naiyak na naman ako. Buti at nagising siya agad. This is too good to be true. Hininaan niya 'yung TV to let his soft voice be audible.

"They told me everything that happened that night. Most of it is all still a haze in my head. Sorry, anak. Napaka unhealthy ng pag-cope ko with all the stress. I deserve all of this."

Hinawakan ko ang kamay niya. Nakatingin lang siya sa'kin.

Umiling siya. "Whatever I said or did, I didn't mean any of those, Mikaela. Please believe me."

Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko. Hinimas ko 'to to force him to let go. "Papa, naka dextrose ka pa.

"I'm sorry, Mika. Sa inyong lahat... I'm sorry."

I can clearly see his guilt. "Kaya ko lang... Naman nagawa 'yon kasi para sa'yo. I trusted you, Mikaela. You're—you're my only daughter."

I nodded and wiped off my tears. "I'm sorry too, Papa."

"I promise... I'll be better. I'll be a good father to you. I'm really sorry." Dumadaloy na ang mga luha niya.

Nagkatinginan kami ni Tito. He's now sitting upright, mukhang nagising sa mga nangyari. Ngumiti lang siya sa'kin. I looked back at my Father.

"Papa, gagawin ko na."

"What?"

"You can no longer work with your situation right now. I'll take your place. Mag-aaral ako ng business."

"But... You told me—"

I sighed, "I know what I said, Pa. Pero, I prayed for you. This is the only thing I can do to repay you."

Papa let out a sigh, then he looked at me. "Alam mo Mika, I think it's about time na maiparamdam ko naman sa'yo ang pagiging Ama ko."

Tinitigan ko lang siya. What does he mean by that?

"They told me it's been a week since the accident. But it feels longer. It may be because ngayon lang uli ako naging sober. It may be because I feel like an entirely different version of myself back then." His stare faded away into the walls.

"Last night, hindi ako makatulog. Well, maybe I've had too much sleep recently." He let out a faint laugh. "Pero siguro it's because ngayon lang din uli ako nakapag-isip nang maayos. And I reflected from everything that happened." He looked at me.

"Matagal na kitang pinipilit to take over sa posisyon ko, even if it's clear that this is entirely different from how you want your life to go. Sobrang dami kong pinanghahawakan, from my properties, status, my investments, the legacy I want to keep sa kumpanya. And I realized na kahit sobrang dami kong pinanghahawakan, sa isang bagay lang naman talaga ako nakatingin—" He looked down then stared at me—"Sa sarili ko."

"And through these series of selfish acts and incidents, dahan-dahan kong nasaksihang nawala na rin ang sarili ko sa lahat ng pinanghahawakan ko. So, I think it's about time na tumingin naman ako sa iba, simula sa mga taong mahalaga sa akin." I looked at him in confusion. Anong gusto niya?

"Mika, I'm stepping down as CEO. And you don't have to follow my footsteps if you don't want to." He smiled, looking finally enlightened. "Milyon na rin ang naipon ko para sa'king sarili. I need to stop acting like my power stays forever. Besides, after what happened, I don't think I have the strength to keep working. Tumatanda na ang Papa mo." He snickered.

"Papa, I'm still taking over. Kailangan may—"

"Shhh." He caressed my shoulder. "Tapatin mo ako, Mika. Gusto mo ba talaga 'yung posisyon na 'yun? Fulfilled ka ba talaga kapag naging CEO ka?"

Napatahimik ako sa tanong niya. I gulped and began to look a little embarrassed. Nakangiti pa rin siya. Why does this all feel so weird?

"I need to stop making you do things for me, and to start making you do things for yourself. I hope it's not too late na ngayon ko lang narealize 'yan."

"But Papa—"

"Finish your master's, Sabrina."

Naluluha na naman ako. He called me 'Sabrina', for the first time in my entire life. Nauutal ako. Grabe totoo ba 'tong mga sinasabi ng Tatay ko?

"Papa... p—pa'no 'yung company mo?" Natawa na naman siya, then he looked at Tito Rodriguez. They smiled at each other.

"Napag-usapan na naming tatlo 'yan, actually."

"Papa? Tatlo?"

Tito cleared his throat, then spoke. "I'm temporarily taking over as CEO. Temporary because Elias already agreed to be trained for the job. So sa paghahanda niya, siya ang magiging secretary ko."

"Ely agreed?? How?"

Tito answered. "Well, almost all his life, Elias enjoyed the thrill of chasing after you. And according to him, na-realize niya lang din na baka iba pala 'yung gap sa loob niya na ipinipilit niyang ikaw ang pupuno. This time around, Elias wants to go after his own purpose, establishing fulfilment within himself at hindi mula sa ibang tao."

"I guess pareho lang din kaming natuto mula sa incident," said Papa.

Tuloy tuloy na ang daloy ng mga luha ko. But this time around, nakangiti na ako. My tears are finally coming from something great.

I stayed for a bit. Papa's not due to come home until after a couple of days. Nag-catch up kami sa mga nangyari, and nag-usap pa sila ni Tito about further plans on the company. He also gave me great news tungkol sa kanila ni Mama.

***

Gabi na nang makauwi ako pero kailangan ko pa rin mag-ayos ng gamit sa bahay. Ipapa-rent ko 'to habang wala ako rito sa Pilipinas. Inayos ko ang closet ko and removed all the clothes I don't wear often. Ido-dodonate ko 'yong iba. Some, ibebenta. Tinawagan ko si Mama.

"Mama?"

"Musta Tatay mong panot?" Natawa ako.

"He's fine. Okay na kami. Hindi na siya makikipag-divorce. He loves you. Sobrang nahirapan lang siya mag-cope sa lahat."

"It's good to hear na okay na kayo. I love you, pasabi na rin sa kaniya 'yan."

"I will." ngiti ko, "Ay oo nga pala, kumusta na 'yung para sa master's ko?"

"Nakapag-enroll na'ko para sa'yo. Pa'no 'yan? Susunod ka pa rin ba sa Tatay mo as CEO?"

Napangiti ako bigla. "They're training Ely for it, Ma. At si Papa, magpapahinga na rin."

"Ely?? 'Yung gago mong ex?"

"A lot has happened, Ma. I think kahit ako nagtitiwala nang kaya niya na. Sabi mo nga dati, gago lang talaga siya, pero hindi siya bobo."

"It's nice to hear that everything's settled, anak. Mag-ayos ka na ha? Uuwi ako a few days prior para masundo na rin kita. Mag-iingat ka."

"Thank you, Ma. I love you."

I never thought I'd end up like this. Sobrang, nakakapanibago. I felt at ease. Para akong nakaramdam ng fulfillment sa sarili ko. Kasi, sa wakas, na-solve na ang issues ko with the people close to me. I'm slowly feeling less of the resentment, the hate, all of the grudges I've had with everyone. Communication is really the answer to everything.

Lahat kami, nagkulang, pero lahat kami, willing magbago. Salamat na rin kay Lord dahil dininig niya ang prayers ko. Time really heals everything.

And this time around—we'll make things work.