Chereads / Sol at Luna / Chapter 24 - Kabanata 22: Sol at Luna

Chapter 24 - Kabanata 22: Sol at Luna

Nandiyan lang siya. Konting hakbang na lang. Malalapitan ko na siya.

Parehas lang kaming nakatingin sa isa't isa. Wala sa'min ang naglalakad palapit. Para bang, parehas kami ng iniisip.

Unting-unti ako lumapit sa kaniya. Ganu'n din ang ginagawa niya. Hanggang sa, parehas na namin kaharap ang isa't isa. Kumunot ang noo niya,

"Ayos ka lang?" tanong niya.

Ang tanong na una niyang sinabi sa'kin.

10 years ago...

"Ayos ka lang?" bungad niya sa akin.

Dinilat ko ang aking mga mata. Hindi ko man lang namalayan nakapikit pala ako. Tinignan ko siya, "Ha?"

Umirap siya nang bahagya at tumingin sa malayo. "Sabi ko, ayos ka lang ba?"

"Oo, bakit?"

"Mukha ka kasing constipated." ngumisi siya sa akin.

Napakamot na lang ako sa batok ko, nakakahiya naman. "Sorry, natakot lang saglit."

Tumango siya at ako naman ang napatingin sa kaniya. Napa-iling na lang ako, "Mukhang ikaw yata ang hindi okay diyan?"

Hindi ko alam kung narinig niya ang sinabi ko. Pero, maya-maya ay sinagot na rin niya ito, "Pa'no mo nasabi?" parehas kaming natawa sa tono ng kaniyang pananalita.

"Eh kesye nemen eng lelem neng eneesep me." umirap siya muli pero huling - huli ko ang pag ngisi niya.

Tumingin siya sa akin, ngunit hindi diretso sa mga mata ko. "Hindi ko kasi alam kung dapat ba kitang pagkatiwalaan." bigla naging seryoso ang kaniyang aura. Nilaliman ko ang boses ko at kinapalan.

"Alam mo sabi nila, mas okay magkuwento sa strangers kasi no judgment. Stranger ako."

Napangiti siya. "Parang line 'yan sa pelikula, ah?"

"Ayos lang naman kung 'di ka magsabi, maiintindihan ko." nginitian ko siya at tinanggal ang beanie ko.

"Hindi ka ba naiinitan?" tanong niya, napansin niya pala 'tong suot ko.

"Hindi, sanay na'ko. Bigay kasi 'to ni Mama, kaso, ayun." sinuot ko muli ito matapos ayusin ang aking buhok.

"Anong nangyari?"

"Sumakabilang bahay," ngumiti ako sa kaniya. Wala naman kasing kaso sa'kin, naiintindihan ko kung bakit niya ginawa 'yon. "Sinasaktan kasi siya ni Tatay, ayon."

"Paano ka? Kanino ka naka-tira?"

"May sarili kaming apartment ng Ate ko, pinapadalhan na lang kami. Tapos, si Ate kong 'yon, nagpa-part time job sa mga fast food chains. Minsan, naglalako ng pagkain. Kung ano - ano," halos maiyak na'ko nang na-kuwento ko si Ate.

Ang hirap kasi na broken family kayo tapos wala ka pang silbi sa bahay. Tanging magagawa mo lang ay mag - aral at kumilos sa bahay. "Ikaw? Kwento ka naman diyan. Ako, nag-kuwento na."

"Hindi kami broken family, hindi rin kami tag-hirap. To be entirely honest with you," kinuha niya ang cellphone niya. Iphone. Pang-mayaman. Nagpakita siya ng litrato sa'kin. "CEO ng Real Estate ang Tatay ko, while si Mama ay isang flight attendant."

Tumango ako, tinago na niya ang phone niya. "Yeah, may kaya kami, masaya naman kaso...ewan." kinuyakoy niya ang kaniyang mga paa saglit, "Napaka- restricted."

"Restricted?" ang lalim naman ng english nitong babaeng 'to. Kung sabagay, mayaman sila e.

"Yeah, everything is controlled. Kilos ko, pangarap ko, lahat." bumuntong hininga rin siya.

"Saklap naman nu'n."

"I know," hinawi niya ang kaniyang buhok. "Ba't ka pala tumabi?"

"Dehins ba epeds?" hala, nanaig na naman pagka - weirdo ko.

Tumawa siya, "Wala akong sinabi na dehins epeds."

Tumayo siya at pumunta sa harap ko. "Hindi ko alam bakit ang gaan ng pakiramdam ko sa'yo..."

Tumingin ako sa kaniya. Simple lang siya manamit pero, ang ganda niya. Hindi rin siya gaano maputi pero mapapansin mo na agad na mayaman siya. "Pero, I got to go na, Kuya. Thanks for listening to my story. Sana makita pa kita ulit." inabot niya ang kaniyang kamay.

Nakaramdam ako ng kaba. Tinitigan ko lang ang kamay niya. Baka madumi, kaso madumi rin kamay ko. Humawak ako sa lubid e. Kinaway niya ito sa mukha ko. "Huy! Okay ka lang? You zoned - out."

Napatayo ako at natawa siya sa akin. Nawala na ang kaba ko nang tignan ko siya muli. Inabot ko rin ang kamay ko. Ang lambot ng kamay niya. "Salamat din. Ingat ka."

Ngumiti siya sa akin at umalis na. Tinignan ko lang ang kaniyang likod papaalis. Tinignan ko ang kamay ko. Bakit gano'n? Parang gusto ko pa siya makita? Kaso...

'Di ko alam pangalan niya. At ito pa lang naman ang unang araw na nakilala ko siya.

Present

Tinignan ko lang siya sa mga magaganda niyang mata. Agad kong nilagay ang kamay ko sa bulsa ko at hinawakan ang kuwintas. "Sab..."

Tiniginan ko muli siya at halata sa kaniya na nagtataka siya kung ano ba gagawin ko.

"What's going on—"

Inangat ko ang kuwintas sa harapan niya.

"Luna..."

* * *

S A B R I N A

Oh my fucking gosh.

I can't believe it.

I fucking can't believe it.

"Fuck." was all I could muster.

"Uhm, sorry, hindi—"

"Sol." ngumisi ako, "Ikaw si Sol."

I can't explain what I'm feeling right now. For 10 years, I waited for this moment.

Dumukot ako sa bag ko at nilabas din ang kuwintas kong hugis araw. Inangat ko rin 'to at parehas kaming napangiti, pinagdugtong ni Mavy ang dalawa.

"Perfect fit." sabi ko.

"Sab," tinignan niya ko direkta sa aking mga mata. Kita ko ang saya na kaniyang nadarama. Nakakalasing. "Ikaw nga siya." bigla siyang ngumiti na napaka lawak.

Hindi na niya napigilan pa ang sarili niya at niyakap niya ko. Niyakap niya ko nang sobrang higpit. Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko at yumakap ako pabalik.

It's too good to be true. Mind-blowing. Un-fucking-believable.

Siya talaga 'to. Buhay siya. Nakikilala niya ko. Isang magandang pangyayari na naman ito sa buhay ko.

Binuhat niya ako paikot-ikot. Nagulat ako samantalang siya ay tuwang - tuwa pa rin.

"Hoy! Ibaba mo ko!" ngunit, natawa na lang din ako. Kitang - kita ko sa kilos niya kung gaano siya ka-saya.

Ibinibaba niya na'ko. Napatigil ako nang nakatitig muli siya sa akin. Kaniyang hininga ay tuloy-tuloy na para bang walang bukas. Mga mata ay halos naningkit na, kasabay ng kaniyang ngiti na abot langit. Inilahad niya ang kaniyang kamay at ipinwesto sa aking mga pisngi. Iniligay niya ang isang hibla ng aking buhok sa likod ng aking tenga.

"Hindi ako makapaniwala." bulong niya.

Hinimas niya ang aking buhok. Then, he used his thumb to feel my heated cheeks— Taas, baba, pa-ikot. Napapikit na lamang ako sa aking nararamdaman. Nakakalasing. Nakakabaliw. Nakakapanibago.

Naramdaman ko na lamang ang kaniyang noo ay nakalapat na rin sa akin. "Kay tagal kong hinintay 'tong araw na 'to, Sab. Araw- araw, gabi- gabi. Pumupunta ako rito para lang makita kita muli."

"Ako rin, Mavy... Ako rin." sabi ko. "You're all I could think of."

"Akala ko... nakalimutan mo na'ko. Hindi man lang kita nakilala." tawa niya, "Pero nu'ng nag-kuwento ka na sa'kin. Nagkaroon na'ko ng ideya."

I held his hand, cupping my cheeks, "I've waited for this moment for 10 fucking years. Only to know na... si Sol, ikaw—Mavy... ay iisa." I stared into his eyes. "Akala ko wala ka na talaga."

"Ikaw naman kasi, hindi mo pa sinabi pangalan mo nu'ng bata pa tayo."

"You already know the reason why, right?"

Tumango siya. "Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon, Luna."

My heart was beating faster. The way he talked to me felt surreal. It made me shiver. "Me too, Mavy. Me too."

Inangat na niya ang ulo niya at niyakap muli ako. Tila sabik na sabik, parang ayaw na niya 'kong pakawalan. "Huwag ka na umalis."

"I need to." sabi ko, "It's for our family."

"Ba't 'di mo sinabi sa'kin?"

I sighed, "Feel ko kasi pipigilan mo'ko."

Humiwalay siya sa yakap. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko, "Hinding - hindi kita pipigilan sa kung ano man ang gusto mo. Wala ako sa lugar para gawin 'yon. Isa pa..."

He once again looked into my eyes. "Aantayin kita ulit."

Hinalikan niya ang noo ko. I smiled, "I knew you'd understand. I'm sorry."

"Ayos lang. Sa ngayon," bigla niyang hinawakan ang kamay ko. "Lalasapin ko ang mga huling araw mo rito."

Ngumiti ako at niyakap siya muli. I never thought I'd met someone like Mavy, sobrang caring, sobrang understanding. I don't think I could ever find anyone like him. He's so freaking rare and I'm dying to know him more. Hindi ko talaga maipaliwanag ang nararamdaman ko.

Pero isa lang ang alam ko.

Gusto ko siya.

Gustong - gusto ko si Mavy.

Kumawala na'ko sa yakap at napansin ko na nagbago ang kulay ng langit. Mas lalo akong hindi makapaniwala sa natutuklasan ko ngayon.

"Eclipse..." sambit niya.

Nagkatinginan kami. "Sa ilalim ng Eclipse..."

"Ako ang iyong Luna at ikaw ang aking Sol." sabi ko, "Kaya na sa'yo ang buwan, at na sa'kin ang araw. Kasi balang araw—"

"Magkikita ta'yo muli." sabay namin sinabi.

"You're both my Sol and my Luna, Mavy..." I told him, "You bring light to my darkest days."

"And I will always light up your world." dugtong niya.

At wala na'kong hihilingin pa.