Chereads / Sol at Luna / Chapter 13 - Kabanata 11: Safe Haven

Chapter 13 - Kabanata 11: Safe Haven

Dinala niya ko sa park kung saan ako madalas tumambay. Aba, gusto ko mga tipong tambayan nito, ha.

"Madalas ka bang tumambay dito?"

"Back then, oo. Ngayon, not so much, pero na-miss ko kasi."

Teka, mukhang siya nga talaga 'yung nakabangga ko dito nung isang araw. Hindi ko lang namukhaan agad kasi hindi ko na rin masyado maalala ang itsura niya dala na rin siguro ng pagmamadali.

Signos ba 'to, Lord? Naguguluhan ako.

Hinila ako ni Sabrina. At pagtigil niya, bumungad sa akin ang isang sobrang pamilyar na bahagi ng park. Malilim, mapayapa, sapat lang ang sinag ng araw. Sa may kalayuan ay may dalawang matanda akong nakikitang nagja-jogging, at may asong tulog sa tabi, at may swing na may dalawang bata na nag - uusap...

Luna?

Kinakabahan ako. Dahan uli siyang naglakad papunta sa isang sulok, malapit lang din sa may swing para makaupo. Sumunod ako.

Hindi ko mapigilan mag-isip na baka si Luna at Sabrina ay iisa. Magmula pa lang sa nag-aaral siya sa America hanggang sa paghilig niya kumuha ng litrato, gano'n na gano'n din si Luna. Hindi ko naman siya mamukhaan dahil ang tagal na nu'ng panahon na 'yon.

Ba't ba ko nag-iisip masyado? Gano'n na ba kalala 'yong kagustuhan kong makita ulit si Luna?

Bahala na. Ang importante, matulungan ko 'tong babaeng 'to. Napatingin ako sa kaniya at naramdaman ang sobrang lakas ng simoy ng hangin. Nililipad-lipad ang buhok niya, agad niya naman itong tinali. At ako naman 'tong nawalan ng hangin.

Crush ko nga ba si Sabrina?

Pinagmamasdan ko lang siya habang sarap na sarap siya sa hangin. Kitang-kita ko ngayon 'yong ngiti niya na abot 'gang mata. Ang sarap lang niya pagmasdan. Pero ang pinaka gusto ko?

'Yong mga mata niya.

Tumigil ka, Mavy. Huwag kang magpapahulog. May mga dahilan ka kung bakit bawal.

Tumigil siya sa ilalim ng isang malaking puno, at umupo. "So, this is it. My happy place."

Happy place ko rin 'to.

"Minsan na rin ako pumunta rito para mag-drawing." banggit ko.

"Really?" Inabot niya ang bukas niyang kamay sa akin. "Dala mo? Patingin nga! Hindi mo pa napakita sa'kin kanina."

Gusto ko na sana ipakita kaso hindi ko na dala ang bag ko.

Teka, hindi ko dala bag ko? Bigla kong kinapa ang katawan ko at wala nga akong dala kun'di ang cellphone ko at wallet. Napatitig ako kay Sabrina at buti na lang nakapikit siyang nilalasap ang hangin. Bihira kong iwan bag ko. Bakit magmula nu'ng nagkausap kami ni Sabrina, naging bara-bara na'ko. Wala na'kong iba pang naiisip.

Hindi ko na ba namamalayan ang oras? Humaling na ba ako masyado kay Sabrina?

"Sa susunod," ngisi ko. "Search mo na lang sa Webtoon."

"Okay." tipid niyang sagot at ngumiti siya sa'kin. Ibinaba niya ang kamay niya.

Parehas kaming natahimik hanggang sa, naglatag na rin ako ng panyo sa damuhan, at umupo. Bigla ko tuloy naalala nu'ng kasama ko si Luna. Kung ano-ano lang ang pinag-uusapan namin. Minsan na rin niya kong inaalaska o inaasar. Gayunpaman, hindi kami nag-aaway. Isang buong linggo rin kami nakikipagkita sa isa't isa. Tamang tiyempuhan lang ng oras.

"Alam mo..." banggit ni Sabrina na napatigil sa'king mga iniisip. "Ikaw lang dinala ko rito."

Pakiramdam ko bigla akong namula, "Ako? Bakit?"

"Ewan, I guess, I have trust issues..." sagot niya. "Pero ikaw kasi, iba e."

Parehas pala kami ng nararamdaman. "Parang ang gaan gaan ng loob ko sa'yo, sa inyo ni Carlos."

"Gano'n rin naman pakiramdam namin sa'yo," tinignan ko siya at nakatingin siya sa malayo.

"Minsan iniisip ko, hindi ko kayo deserve. Kasi, ang bait niyo e. Sobrang understanding at open-minded,"

"Bakit naman? Mabait ka naman ah? Isa pa, tulad namin, malawak ka rin mag-isip. Bilib nga ko sa'yo e."

"Why? Ano ba mayroon sa'kin?" Bigla niya kong tinignan. Tila hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

Ano mayroon sa'yo? Ang aliwalas mo lagi. Ang dali dali mo lang makaunawa. May malasakit sa iba, pero sa likod nu'n, mukhang ikaw pa pala ang mas nangangailangan ng tulong. Gayunpaman, hindi ka tumitigil, hindi mo inaalis ang pake mo.

"Ang lakas mo. Tulad ngayon, may iniinda kang problema pero nagagawan mo pa rin ng paraan ngumiti, makisama, at umintindi. At sobrang hinahanggan kita do'n," banggit ko pero parang nalungkot siya lalo.

"Nasanay kasi ako na sinasarili problema ko. I don't want others to pity me, it makes me weak. Feel ko wala akong kuwenta kasi ako gumagawa ng sarili kong problema. Besides, no one's there for me bukod kay Mama and maybe si Carlos."

"Ano bang mayroon, Sab?" tanong ko, "I-kuwento mo sa'kin, para maintindihan kita. Gusto kitang tulungan kung alam mo lang."

Ang hirap tignan na nahihirapan siya. Kahit ngayon lang kami nagka-usap nang masinsinan, gustong-gusto ko siya mapakinggan.

"Magiging pabigat naman ako sa'yo, huwag na. Baka mag-iba rin tingin mo sa'kin." Bumuntong hininga siya.

Umiling ako, "Wala ka pa ngang naku-kuwento e. 'Saka, hindi ka magiging pabigat. Kaibigan mo na'ko, maasahan mo 'ko."

Tumingin siya muli sa'kin. Sana sabihin na niya. Hindi naman sa pinipilit ko siya. "It's my dad. Nabanggit ko kanina sa'yo na tinakwil na niya ko 'di ba?"

Tumango ako, "Tinakwil niya ko kasi hindi ko ginawa gusto niya. My father is a CEO and he wants me to take over his place. Pero, ayoko. Hindi niya ko pinapakinggan, sa mga pangarap ko, sa mga gusto ko, wala. Kaya aaminin ko, galit na galit ako sa kaniya."

"Sinubukan ko naman e. I really tried to reason out and understand him. Minsan naman na'kong pumayag pero, paano naman ako 'di ba?" tumingin siya sa'kin, "Ni minsan ba tinanong niya ko kung ano gusto ko? Hindi. Sobrang alalang-alala lang siya sa pesteng kumpanya niya. He rarely goes home and he keeps on saying na pinalaki niya ko. Pero all my life? All I really had is me."

Tinakpan niya ang mukha niya at narinig ko siyang humikbi, umiiyak na siya. "Ang sakit, Mavy. Wala akong kasama. Si Mama nasa iba't ibang bansa, bihira lang siya tumawag. Oo, gets niya ko, pero 'yung tatay ko? 'Yung tataya ko na nandito? Ni minsan hindi ako tinawagan para mangumusta. Tumatawag lang siya sa tuwing nalalaman niya na may ginagawa akong kalokohan."

"Anong kalokohan?"

Pinunasan niya ang mga luha niya. Hindi ko alam kung yayakapin ko ba siya, mag-aalok ng panyo, o titinignan lang siya. Aaminin ko, hindi ako magaling sa ganito.

"I don't know. Lagi niyang nakikita ang mga mali ko. Kaya feeling ko, wala na'kong nagagawang maganda. I don't deserve any of this. Minsan, nagi-guilty na ako masiyado sa pag-pursue ko sa mga sarili kong pangarap. Masiyado na ba akong makasarili? Siya ba talaga ang hindi makaintindi sa mga pangarap ko, o ako na ang gusto lang sayangin ang buhay ko sa pag-picture at pag-film? I have no friends, no life, and now..."

Umiling siya at mas bumuhos ang luha. Ang gaspang na ng boses niya. "My work is gone. I was supposed to heal, to make changes in my life no'ng umuwi ako rito. Kaso wala e, kinontrol ako ng Tatay ko. I know I had to speak out my thoughts, pero hindi naman siya makikinig. Kaya ito, ito na inabot ko."

Bigla siyang natawa at tumingin sa'kin, "Wala na'kong kuwenta. Hindi ko na alam gagaw'in ko. Hindi ko alam paano ko kakausapin si Carlos kasi, wala na 'yong studio ko. In less than 3 months, mawawala na lahat ng pinaghirapan ko. And it's all my fault. Ang bobo ko 'di ba?"

Umiwas na siya ng tingin at umiyak nang tahimik. Hindi ko alam sasabihin ko. Sobrang nabibigla ako sa mga sinabi niya sa'kin.

Sa likod ng kaniyang magandang mukha at mga ngiti, may umaapoy na galit at pagsisisi ang bumabalot sa puso't isipan niya.

Hindi ko na napigilan ang sarili kong tumayo. Natawa siya. "You can go. Guess I'm not the kind of person you're aiming for, huh?" sabi niya.

Napa-iling ako at tumayo sa harapan niya, "Hindi ko gagawin 'yon."

Hinila ko siya patayo at niyakap ko siya.

Wala na'kong pakielam kung ano iisipin niya, kung ano gagawin niya. Ang mahalaga para sa'kin, maramdaman niya na may nakikinig sa kaniya—na nandito ako para tumulong. Hindi ko siya iiwan. Hindi ko siya huhusgahan. Gusto kong iparamdam sa kaniya; sa yakap ko, na hindi ako tulad ng iba.

Kalaunan ay niyakap niya rin ako pabalik at mas lalo lang siya naiyak.

"Alam ko ang pakiramdam na itakwil ka ng sarili mong Ama. Kasi ako rin, itinakwil ako."

Inangat niya ang ulo niya para tignan ako, pinunasan ko ang mga luha niya. Bigla naman siyang namula at lumayo na sa'kin. "Anong nangyari sa Papa mo?"

Nagkibit-balikat ako, "Sinasaktan niya Mama ko e."

Nanlaki ulit mga mata niya, "What?!"

"Bata pa'ko nu'n pero nasaksihan kong ginugulpi ni Tatay si Mama. Alam kong mali pero, wala akong nagawa. Minsan na rin niya kong sinaktan. Lalo na sa tuwing..." Napapikit na lang ako nang maalala ko 'yong pangyayaring 'yon.

"Okay lang 'yan..." biglang hinaplos ni Sab ang braso ko. "Hindi mo kailangan i-kuwento."

Huminga ako nang malalim, "Lumayas kami nila Mama at iniwan namin siya. Hanggang sa, nakulong siya. 'Yon nga lang, si Mama... lumisan din."

"Lumisan?"

"Sumakabilang bahay. Sabi niya sa'min, hahanap lang siya ng trabaho. Pumunta siya sa ibang bansa at nakapag-asawa ng Hapon. Ayon, hindi na siya parating umuuwi. Buti graduate na si Ate nung panahon na 'yun. Pinapadalhan na lang niya kami ng pera at hindi namin alam kung kumusta siya doon o kung ano ginagawa niya." Napaupo uli ako sa lapag, ni hindi ko man lang tinignan kung nakatpat pa rin ba ako sa panyong nilatag ko.

Umupo sa tabi ko si Sab, taimtim na nakikinig. "Masakit, oo. Pero kailangan kong tanggapin. Kung tutuusin, wala na talaga akong pakielam kung umuwi pa siya o hindi. Masaya na'kong nabubuhay niya kami sa paraan ng alam niya. At simula no'n, si Ate na talaga ang nag-aalaga sa'kin."

"E pa'no si Papa mo? Binibisita niyo ba?" tanong niya.

"Hindi. Para sa'n pa, 'di ba? Gaya nga ng nararamdaman mo, may pakielam ba siya sa'min? Minsan ba naisip niya kung bakit niya ginagawa 'yon sa'min? Nag-asawa at anak ka pa kung hindi mo naman kayang ayusin sarili mo at tratuhin sila nang maayos. Aaminin ko, hindi ko pa siya lubusang napapatawad. Pero sa tuwing naiisip ko?"

"Nakakagago." dugtong ni Sabrina. "Ang unfair lang. We deserve better."

Tama siya. "You ever wonder why shit like these happens to us? Lalo na sa'yo, ang bait mo. Hindi ka nagtatanim ng galit, di tulad ko. Pero naranasan mo pa rin 'yan. Hindi mo deserve."

"Siguro kasi, makakatulong siya sa pagkatao ko. Nasa tao naman kung paano mo tatanggapin ang mga nangyayari sa'yo. Ako, ginamit ko ang mga pagsubok para ipagbuti ang sarili. Ayokong maging katulad ni Tatay dahil alam ko kung ano pakiramdam na makasakit ng taong mahal mo."

"You're right. I hate to tell this pero, sobrang nagdu-dwell ako sa past. Sa mga masasakit na nangyari sa'kin. Hanggang sa, natutunan ko na lang mawalan ng pake. Kasi para sa'n pa? Mamamatay naman tayong lahat. Then again, as you said, everything happens for a reason. I guess we just need time to process everything and heal."

"Tama ka, panahon lang 'yan. Isa pa, tignan mo, nagbago na pananaw mo. Kung dati, masyado mo tinitignan 'yong nakaraan. Ngayon, natuto kang bumangon. Natututo ka sa kung anong nangyari sa'yo at hindi mo hinahayaan na hanggang ganito lang nagagawa mo."

Nginitian niya ko.

"Saka bilib ako sa'yo kasi ang lakas mo. Ang dami mo na napagdaanan 'di ba? Siguro naisip mo na hindi mo malalapagsan 'yong mga 'yon. Pero nandito ka na. Ang dami mo nang nagawa at nakakatulong ka sa iba. Nag-aalala ka sa mga ka-trabaho mo, sa kinabukasan mo, at sobrang laking achievement no'n."

"Siguro nga..."

Umiling ako at ginulo buhok niya.

"Kaya huwag na huwag mo sasabihin na hindi mo deserve lahat ng mayroon ka ngayon. Nakapagtapos ka, may trabaho ka, may bahay, pera, at pagkain ka. Lahat 'yan mayroon ka kasi malakas ka at hindi ka sumusuko. Tao ka lang din at nasasaktan pero huwag na huwag mong hahayaan na lamunin ka ng galit sa puso mo."

Bigla muli siyang naiyak at niyakap ako. Parang nawalan ako ng hininga. Ang lakas ng tibok ng puso ko.

"Kaya mo 'yan, Sab. Aahon ka rin sa dagat na akala mo kinalulunod mo na. Nandiyan lang naman Mama mo, si Carlos, ako para tulungan ka. Laging may makikinig. Kaya huwag na huwag kang mag-iisip na hindi ka importante."

Inangat na niya ang ulo niya. At hindi na nakapagpigil, hinawakan ang kaniyang magkabilang pisngi. Tinitigan ko siya sa kaniyang mga mata, at hinayaan munang malunod siya sa payapang tahimik.

Biglang tinaasan ko at nilandian ang boses ko. "Ganda ganda mo, girl. Ngiti na, kaya mo 'yan."

Natawa siya at inalis ang mukha niya sa mga kamay ko. Bigla akong nahiya sa ginawa ko pero hindi ko ipagkakaila na nagustuhan kong tumitig sa mga mata niya. Hindi ko alam ba't ako nagkakaganito.

"Baks ka ba, ha?" asar niya sa'kin. "Kung hindi, touchy ka! Crush mo'ko, 'no?"

"Hala, asa ka?" asar ko pabalik, "Baka ako 'tong crush mo."

Umirap siya, "Panget mo."

"Ganda mo." Ngumiti ako.

Namula siya habang tinititigan ko. Parang tama na nga siya 'pag sinasabing gusto ko siya.

"Landi mo!" Natawa na lang kami parehas, hanggang sa lumaho nanaman sa katahimikan.

Nasa langit na naman ang mga mata niya.

"Ayos ka lang? Ano naisip mo?"

"Look up." Sinunod ko siya at nakita ko ang araw na papalubog na.

Nakakarelax. Sa buong araw na pag-uusap namin tungkol sa kaniya-kaniyang buhay, nadatnan pa namin 'tong isang magandang tanawin.

Hindi niya inalis sa langit ang mga mata niya nang kinausap ako.

"Ang ganda, 'no?"

"Oo." Nanatili akong nakatitig sa kaniya. Ang ganda nga.

Yumuko siya at nilabas ang nakatagong kuwintas sa leeg niya—kuwintas na kalahating hugis ng araw.

Luna?

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Tama ba 'ko? Siya nga ba si Luna? 'Yong kuwintas, 'yong pag-aral sa America, 'yong pagiging photographer? Kontrolado ng Tatay? Teka, teka lang Mavy.

"You alright?" Natawa siya. "Mukha kang unsettled bigla."

'Yong litrato!

Umiwas ako ng tingin. Ang dami kong naiisip, paano kung siya nga si Luna tapos hindi ko man lang tinanong? Paano kung hindi siya edi napahiya ako? Magbabago ba paningin niya sa'kin? Ni Luna? Ni Sabrina? Ano naiisip niya? Bakit ganito, ang bigat ng hininga ko, sino ba 'tong kaharap—"MAVY!"

Kinapos ako nang hininga at hindi ko na alam kung anong nangyayari, "Huy!" niyugyog ako ni Sabrina.

"Okay ka lang? Ito, tubig, teka." dali-dali niyang binuksan bag niya at napatingin ako sa lapag kung saan kami nakaupo.

Lupa.

Bakit hindi ako makahinga? Anong nangyayari? Ang dami nang mikrobyo na lalapit sa'kin tapos magkakasakit ako tapos mahahawaan ko si Sabrina tapos maiirita siya sa'kin tapos hindi na niya 'ko papansinin kasi maiisip niya na—"Uminom ka!"

Inabot niya sa'kin ang tubig niya at agad ko itong ininom. Hinaplos-haplos niya ang likod ko, hinawi niya rin ang buhok ko.

"What happened to you? Mavy?" inilapat niya ang mga kamay niya sa pisngi ko.

Kailangan kong kumalma. Hindi ako mamatay. May kaibigan akong nandito. Kumalma ka, Mavy. Hinga ka lang nang malalim.

Pumikit ako at binagalan ang paghinga ko. Kaya ko 'to. "Huy, sumagot ka naman. Kinakabahan ako. Are you having a seizure?"

Dinilat ko na mga mata ko at medyo nakakahinga na nang maayos. Tinitignan ko siya sa kaniyang mga mata na bakas ng pag-aalala. Tumayo ako at hinarap ko siya sa'kin, "Mavy? Magsalita ka naman..."

Niyakap ko siya nang mahigpit. Hindi pa oras para tanungin ko kung siya ba si Luna. Masyado akong makasarili kung gano'n. Sumandal ako sa balikat niya at nagsalita siya.

"I'm your safe haven."

Safe haven? Ano 'to, teleserye?

Sinubukan ko pigilin ang pagtawa, pero pumutok na ang tiyan ko at naramdaman niya 'yun sa pagsandal ko sa kaniya, hanggang sa tuloy tuloy na akong natawa.

"What's funny?"

"Sobrang baduy ng safe haven," singit ko sa mga halakhak. "Saka ang cute mo mag-alala."

Umirap siya at binatukan niya ko, "Gago ka! Pinag-alala mo ko do'n! I thought you were dying! Shuta ka! Natakot talaga ako sa'yo! Hindi magandang biro 'yon ah!"

"Hindi. Hindi 'yon biro." seryoso kong sabi.

Bigla siyang natahimik. "E bakit ka nawala sa sarili? Ang lakas din ng tibok ng puso mo. It seemed like you were having a panic attack or something. May sakit ka ba sa puso? Did I trigger you?" Ang dami niyang tinanong.

Saka ko na sasagutin'yun. "Hayaan mo na 'yon. Okay na'ko, salamat at nandiyan ka lang." nginitian ko siya.

"Alam mo ikaw..." panimula niya.

"Ano?"

"Gusto mo lang chumansing sa'kin e."

"Bakit ako? Baka ikaw. Sino kaya rito sobrang concerned? Hinawi mo pa buhok ko? Gwapong-gwapo ka sa'kin, 'no?" ngumisi ako sa kaniya.

Parang kumakapal na mukha ko, ha. Pero ang saya kasi asarin ni Sabrina, sumasakay lang.

"Fuck you, then. Ampanget mo! Pasalamat ka, I saved your goddamn life." Inirapan niya ko at inayos ang bag niya.

"Galit na galit?" Hinampas na naman niya ko, "Parehas kayo ng Ate ko! Sadista!"

"Ewan ko sa'yo!"

Natawa na lang ako sa inasal niya at ginulo ang buhok niya, "Pero seryoso, salamat."

Umirap siya pero ngumiti rin, "You're welcome. Thanks din for listening sa mga kuwento ko. I really appreciate it."

Tinignan ko ang relo ko. Mag-aala sais. Kailangan ko nang umuwi para makatapos ako ng sketches ko.

"Uwi na tayo?"

"Sige, next time ulit?" Tumayo na kami at naglakad papunta sa sakayan.

"Sige ba, hatid na kita sa inyo." Gabi na rin baka mapano pa 'tong babaeng 'to.

"Huy, no need! I can handle myself."

"Dali na, hindi ako makakapampante kapag hindi ko alam na nakauwi ka nang ligtas." natawa siya sa sinabi ko.

Nag - aalala lang ako. Baka mamaya may humila na naman sa kaniya na lalaki tulad no'ng dance contest. Tapos kung ano pa mangyari sakaniya, makonsensiya pa'ko kasi hindi ko siya hinatid tapos baka mamaya—"Sige na nga, gusto mo lang yata ako kasama pa e."

Nang - asar pa talaga. Medyo, totoo naman.

Ano ba, Mavy. Huwag ka ngang ganiyan mag - isip. "Ikaw rin naman, 'sus. Ayaw pa aminin."

"Letche! Pero wait, pa'no ka uuwi?"

"Kaya ko na 'yan. Hindi naman ako ligawin," sabi ko at nginitian ko siya.

"Okay, sabi mo e." Nagkibit - balikat siya.

Bigla akong natawa. May naisip lang.

"Ano na namang nakakatawa?"

"Hindi ako ligawin 'di ba? Kung ligawan kaya kita, maliligaw ba'ko?" Parang walang sense 'yong sinabi ko.

Tinignan niya 'ko na parang nasisiraan ako ng bait, "ANG LANDI MO! Hindi ko nagets pero, ANG LANDI MO!"

Natawa na naman ako at hinampas na naman niya 'ko sa braso.

"Aray! Crush mo lang ako, e!" Ang sarap talaga niya asarin.

"YOU WISH!"

Baka nga hilingin kong magustuhan mo 'ko...