Chereads / Sol at Luna / Chapter 14 - Kabanata 12: Bakit ka Ganiyan?

Chapter 14 - Kabanata 12: Bakit ka Ganiyan?

S A B R I N A

Hindi ako makatulog.

"Ughhh putaaaaa." I rolled to the other side of my bed. I can't get him out of my mind.

Chat ko kaya? Baka gising pa 'yon.

Kinuha ko phone ko at nag-contemplate kung icha-chat ko ba siya o hindi. Tama ba 'tong ginagawa ko? Bakit ko ba siya naiisip masyado? Gosh, may gusto ba 'ko kay Mavy?

Umikot muli ako sa kama, ganito 'yong mga nababasa ko e. Kapag hindi ka makatulog tapos iniisip mo lang 'yong taong kasama buong maghapon. Am I falling for him? Shit, hindi 'to puwede. Napahawak ako sa kuwintas ko, kumakapit pa rin kasi ako sa kaniya e. Kay Sol. Isa pa 'yong gagong 'yon. Hindi man lang nagpaparamdam sa park. Wala man lang kahit sino naglalakas loob na lumapit sa'kin. Bigla akong napa-bangon. And my eyes widened.

BAKA PATAY NA SIYA!

Bumagsak muli ako sa kama, ang gaga mo. I sighed, sa dinami - rami kong puwedeng isipin 'yong patay pa siya. Hold on, hindi kaya si Sol si Mavy? E, malabo. Hindi na niya sinusuot 'yung beanie. Baka coincidence lang. Wala rin naman nabanggit sa'kin si Sol na broken family siya. Bumangon uli ako, and sat at the edge of my bed.

Have I forgotten something?

Ang daming pumapasok sa isip ko and it's 1 in the fucking morning. I stared at the darkness. And my eyes drifted towards the silhouette of my portfolios on my side table. I rubbed my forehead. May meeting pa 'ko with my employees later. Since when have I been like this? Anong oras na, Sab. Ganito ba talaga kapag sobrang occupied ka sa mga nangyayari sa buhay mo? Sa bagay, I've been focusing too much on the bad side of things. Graduate na dapat ako do'n.

I sighed heavily as I remembered my father's rage, those words, na hindi man lang pinag isipan kung ano ang magiging impact sa akin. I never would've thought my Father would leave me hanging.

Am I really that easy to let go?

Natawa na lang ako. Siyempre, para sa kaniya madali lang 'yon. Hindi naman talaga niya kami mahal e. It sucks to think about it, 'yung kawalan niya ng malasakit sa'kin, kahit kay Mama. I just wish he wasn't my Father.

Naiyak na naman ako. Nakakaputangina talaga. Sayang e. Sayang lahat ng pinaghirapan ko. Lahat ng events na dinatnan ko, lahat ng mga taong nakilala ko, sayang lahat. Ta's babawiin niya lang? Ayaw ko na talaga harapin ang employees ko. But to leave them be would be selfish, at hindi ako ganu'n. Hindi ako katulad ng Tatay ko.

I remembered Mavy's words again. He really listened. May disagreement man, hindi niya ako kinakalaban at mage-explain lang siya. Sobrang inintindi niya, maybe because he also felt the same. The resentment, the loneliness, the will to fulfil your purpose. Kaya hanga ako sa kaniya. He's so strong and compassionate, never thinks twice when helping someone. Napapansin din niya agad kapag hindi ako okay. Humiga muli ako at pinunasan ang luha.

I'm actually thankful for his existence. Kahit iilang araw pa lang kaming close. Plus, pinsan siya ni Carlos. If he were a bad person, Carlos would've warned me. Hay, ang sarap jowain ni Mavy.

Wait what?! Did I just—

I slapped my forehead.

Hindi puwede. Hindi puwede. Hindi puwede. Bawal ma-fall, Sabrina! Huwag kang marupok!

Umayos na'ko ng pagkakahiga nang makaramdam ako ng antok. Inabot ko ang kuwintas ko sa side table grasped onto it with my fist. Why do I feel the urge of letting him go? Of letting myself go?

Humarap ako sa bintana. Ang ganda ng buwan. I tightened my clutch to my necklace at huminga ako nang malalim at pumikit.

Sol, if you're out there. Please visit me. Paramdam ka naman, magpakita ka. Are you still holding on? Kakalimutan na ba kita? It's been years. Naka-ilang eclipse na, ilang paalala na sa akin na maging hopeful ako. You're the only person who ever understood me...

Until now, I guess...

- - -

M A V Y

Agad akong bumaba sa kusina para uminom ng kape at maghanda ng tanghalian sa'min ni Ate. Hindi ako nakatulog kagabi, wala naman ako iniisip. Ang dami kong kailangan gawin ngayong araw na 'to.

Pinakain ko muna si Potchi bago ako nagprito ng luncheon meat at itlog. Sinangag na lang din ang tirang kanin kagabi. Karaniwan sa mga uwi kong gabi na, may kadugtong na tanong sa kapatid ko. Tulad ng uwi ko noong isang gabi.

***

"Oh, ang late mo na ah?" bungad niya agad sa'kin pagpasok ko sa loob ng bahay.

"Nakapagluto ka na ba?" tanong ko dahil parang hindi siya umalis sa upuan niya.

Umiwas siya ng tingin.

"Huwag mo na sagutin. Pa-deliver na lang tayo." Tumayo siya at lumakad papuntang kusina.

"Sorry, nadala ako masyado sa pinapanood ko." Tinapik niya ako sa balikat pagdaan sa akin. "Sorry ang pabigat ko na." Binuksan niya ang cabinet namin ng mga de-lata. Naghahanap ata ng puwedeng prituhin agad.

Umiling ako, "Hindi. Huwag ka mag - isip nang ganiyan."

"Don't worry, may in-applyan ako kahapon. Chinecheck pa nila schedule nila kung kailan ako puwede ma-interview." Bigla akong napangiti.

"Oh, Mabuti naman. Saan 'yan?"

"Medyo malayo e, sa BGC pa." Bumalik siya sa sofa at pinakita sa'kin ang link ng kumpanya sa phone niya. "Pero kayang - kaya naman mag-commute."

"Huy, maganda raw diyan! Galingan mo ah!" Sabi ko at naupo sa sofa. Napagod ako.

"Si Sabrina rin maganda," biglang banggit niya.

Alam ko.

"Type mo? Ligawan mo," pagsusungit ko sa kaniya.

"Bitter? Kakaantay kay Luna?"

Bigla akong napatingin sa kaniya. Naaalala niya pa 'yon? Iniyakan ko kasi si Luna no'ng umalis na siya papuntang America.

"Oh, joke lang, huwag ka umiyak."

"Baliw, 'di ako iiyak. Dami mo na naman alam, Ate. Umorder na tayo. Gutom na'ko. Ano ba, cellphone mo na lang?"

"Gusto mo ba siya?" Napabagsak ako ng ulo sa sandalan ng sofa, sabay hinga nang malalim. "Hindi naman siguro magagalit 'yang Luna mo kung sakaling magkagusto ka sa iba. Hindi naman naging kayo 'di ba?"

Tinignan ko siya. Hindi ko alam sasabihin ko.

***

Nakakainis alahanin. Hindi ko rin kasi alam gagawin ko. Ilang araw ko pa lang naman nakilala si Sabrina pero ewan ko ba kung lagi ko siytang nakukumpara kay Luna. Natatakot ako. Pero, kahapon? Parang ang dami talagang tumugma. Ayaw ko lang magpadalos-dalos sa mga naiisip ko.

Nakakabaliw.

Di bale, kapag nagkaroon na'ko ng lakas ng loob at sigurado na kong siya talaga si Luna, saka ko lang i-aangat 'yong kuwintas na binigay niya sa'kin.

Natapos akong magluto at ginising ko na si Ate. Kumakain kami nang tahimik hanggang sa tumunog ang cellphone ko, sino kaya 'tong tumatawag sa'kin? Nagkatinginan pa kami ni Ate.

"Sagutin mo na baka si Sabrina 'yan."

Kinuha ko ang cellphone ko sa sala at sinagot ito, "Hello?"

"Hi, Mavy! Si Sab 'to!" Tama nga si Ate.

"Kumusta? Ayos ka lang?"

"Oo naman, ayain sana kita."

"Saan? At bakit ako?"

"Tara inom tayo, treat kita." Inom? Bakit siya iinom?

"Ha? Bakit? Akala ko ba okay ka na? Bakit ka iinom? Sino kasama mo? May kasama ka ba?

Gumaralgal sa speaker ang buntong-hininga niya. Masyado ba 'kong OA? Pero kasi kaya lang umiinom ang mga tao ay dahil nasasaktan sila, may birthday, o pampalipas oras. O baka boring lang ako masiyadong tao?

"Alam mo, Mavy. Okay lang ako. Baka kung ano maisip mo diyan." Natawa kami parehas.

"E ano? Trip mo lang?"

"Well, yeah. Is it a bad thing? Busy ka ba though? Sorry sa istorbo."

"Medyo. May tatapusin kasi ako e. Sorry, Sab." Parang nagu-guilty ako. "Hindi rin kasi ako mahilig uminom." Nahihiya akong sabihin na allergic ako.

"Ah sige, it's fine. Ako na lang mag-isa."

"Teka, teka—"

"Ano?"

Samahan ko ba 'to? Kaso puno na schedule ko. Ay alam ko na, "Si Carlos? Ayaw mo ayain?"

Bigla siyang natahimik.

"Hello?"

Hala, naoffend ko ba siya? May sinabi ba'kong masama? Hindi ba sila good terms ni Carlos?

"Ba't 'di na lang ikaw."

Tila nawalan ako ng boses sa kaniyang sinabi. Ano ang ibig sabihin niya rito? Mukhang nagiging komprtable na siya masyado sa akin. Pero... Bakit ako?

"Charot lang, huy. Are you dead over there? Huwag masyado kiligin, ako lang 'to." Natawa na naman siya. Samantalang, para akong ewan rito isip nang isip ano ibig sabihin no'ng sinabi niya.

"Basta hoy! Isama mo na pinsan ko. Baka mamaya mapano ka pa diyan."

"Psh, kaya ko sarili ko, 'no." Yabang talaga nito kahit kailan.

"Dali na, Sab. Ipasama mo na si Carlos sa'yo, jusme ka."

"Oo na sige na, pakita mo sa'kin next time 'yong webtoon mo ha! Byeeeeeeee!" End Call.

Nakatitig na lamang ako sa cellphone ko. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin sinabi niya.

Ba't 'di na lang ikaw?

Masiyado ka nanamang nagbibigay ng kahulugan, Mavy. Ganiyan siya sa lahat. Kakakilala mo lang sa kaniya.

Bumuntong - hininga ako at inilapag na ang cellphone ko. Bumalik ako sa kusina para ituloy ang pagkain ko. Kaso, parang may mali.

Tahimik lang ulit kami ni Ate na kumakain. Lumipas ang ilang mga minuto at natapos na kaming kumain. Si Ate na ang naghugas ng pinggan at aakyat na'ko sa kwarto ko para masimulan ko na mga gagawin ko. Hanggang sa natigilan ako sa sinabi ni Ate.

"It's now or never."

Nadinig niya yata boses ko kanina pagtawag ni Sab.

Hindi ko na siya pinansin at dumeretso na sa kwarto ko. Sinara ko ang pinto at bumungad sa aking hindi ko pala naayos na mga papel sa mesa. Bumuntong hininga ako at nagsimula muling mag-ayos.

Lumipas ang anim na oras at marami na'kong nagawa at na-scan na sketches. Kukulayan ko na lang mamayang gabi sa laptop para ma-send ko na siya sa editor ko next week. Nang matapos ang huling sketch ay biglang nag-ring ang cellphone ko. Si Sabrina kaya ulit 'to?

Calling: Carlos Bautista

Oo nga pala, sinabi ko kay Sabrina na kay Carlos siya magpasama. Nakapagusap na kaya sila nang maayos?

Sinagot ko ito. "Tol."

"P're, tulong. Si Sabrina."

"Anong nangyari?" Bumilis ang tibok ng puso ko.

"Lasing. Hindi pa'ko nakakapunta sa bahay niya tapos—"

"SI MAVY GUSTO KO—"

Naririnig ko ang si Sabrina sa background.

"P're, dalian mo na. Dito kami sa food park sa tabi ng mall."

Dali - dali akong nagbihis ng pang-alis. Naririnig ko pa rin ang pagsasalita ni Sab sa telepono. Bakit ba siya nagpapakalasing? Anong mayroon? Kala ko ba okay na siya?

Inisa isa ko gamit ko. Alcohol, payong, phone—

"Huwag ka na mag-ayos pre dali hindi ko talaga 'to kaya mag-is—

"SI MAVY BA 'YAN?? MAVVYYYYYYY HEELLLOOOOOO KUMUS—"

Nabagsak ko ang phone ko sa sigaw niya. Pinulot ko ito agad at hindi na dinala ang bag ko. Kinuha ko na lang ang wallet at lumabas na ng bahay. Sinubukan kong tawagan ulit si Carlos kaso hindi na niya sinasagot.

Ano na naman ba trip nitong babaeng 'to?

Sumakay na agad ako ng FX, buti na lang may naligaw agad sa may kalsada namin. Ginagawa kasi nilang shortcut dito.

Bumababa na ako ng FX. Ang tagal ko ring bumiyahe dahil traffic. Sinubukan kong tawagan si Carlos. Ang daming inuman doon. Alangang hulaan ko kung nasaan sila.

Carlos, Carlos, Carlos, Carlos... Sumagot ka... Carlos, Carlos—"P'RE SAAN KAYO?"

"Putangina p're sa dulo, 'yung seafood grill. Sabrina, nandito na si Mav—"

"OH MY GOD NANDIYAN NA SIYA! BABY HALIKA NAAAA." Natawa ako sa boses bata ni Sabrina.

"Putcha, Mavy, bilisan mo na. Pinagtitinginan na kami ng tao."

End call. Sa mall ako dumaan. Nakipagpatintero na ako sa mga taong pumapasok. Pagkaka-alam ko, sa may seaside 'yon. Patay, sobrang layo ko pa. Mukha akong ewan na tumatakbo sa mall. Ano ba kasing pinag-iisip ni Sab? Anong gusto niya sa akin? Dahil ba 'to sa Tatay niya ulit?

Paglabas ay tinawid ko na ang food park sa may seaside. Asan na ba 'yon, Asan, Asan, Asan...

Ayon! Nakikita ko na sila Carlos.

Lasing nga. Kumaway ako hanggang sa makita ako ni Carlos. Kanina pa siya aligaga. Kawawa naman 'tong pinsan kong 'to. Bakit ba kasi niya dinala rito si Sab? Ay mali, ako nga pala nagsabi kay Sab na magpasama siya kay Carlos. Mukhang made-deds ako ah?

"Mavy!" tinawag ako ni Carlos at napatingin agad si Sabrina sa'kin. Nagmamadaling kumawala si Sabrina kay Carlos at tumakbo siya papunta sa'kin. Malayo pa lang siya, amoy ko na ang alak. Kinabahan ako nang papapalit na siya nang papalapit. Hindi ko kaya 'to. Hindi ako marunong kumausap sa lasing. Alis na kaya ako? Baka ako 'yong mapahamak at hindi si—

"MAVYYYYYYYYYYYY!"

Payakap niyang ibinagsak niya ang katawan niya sa akin. Parehas kaming natumba sa lapag. Sumakit likod ko. Nasa ibabaw niya ko at ang gaan niya. Tawa lang siya nang tawa hanggang sa, bigla niya 'kong tinitigan.

Ano gagawin mo, Sabrina?

Unting-unti niya nilalapit ang mukha niya sa'kin. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Napaka baliw ng babaeng 'to. Gusto ko siyang itulak, gusto ko siyang ilayo, pero—

"CRUSH MO'KO 'NO?!"

Tumawa siya nang tumawa at tumayo. Pakiramdam ko nawala lahat ng dugo sa katawan ko. Sobrang kinabahan ako do'n. Ganito pala malasing si Sabrina. Hindi ako makagalaw. Buti na lang tinayo ako ni Carlos samantalang si Sabrina ay tawa pa rin nang tawa.

"Ayos ka lang?" tanong sa'kin ni Carlos.

Pinagpag ko ang damit ko, nadumihan na naman ako.

"Nasa'n na ba 'yung alcohol ko?"

Sinilip pa ni Carlos ang likod ko. "Hindi naman madumi."

Bumuntong hininga ako. "Ba't daw uminom 'yan?"

"Ewan ko ba. Kanina pa siya sorry nang sorry sa'kin tapos kung ano - ano sinasabi. " bumuntong hininga siya. "Siraulo ka rin ako pa pinasama mo rito, alam mong may raket ako ngayon."

Tumayo si Sab at isinandal ang balikat niya sa akin, sabay tingin sa mukha ko habang iniikot ikot ng daliri ang buhok niya.

"Mavyyyy kain tayo ice cream..."

"Ikaw na bahala diyan, I'm out," sabi ni Carlos at naglakad na palayo.

"Huy, teka!" sigaw ko pero hindi na'ko pinansin ni Carlos. Kahit kailan talaga mang - iiwan 'tong pinsan ko. Kaya hindi nagkakajowa e.

"Where is he going?" Umakbay sa akin si Sabrina.

Parang may mali talaga.

"May raket daw," sagot ko at tinignan ko siya. Amoy na amoy ang ininom niyang alak.

"Raket? What is raket?" nagtatakang tanong niya.

Bakit ang conyo bigla ni Sabrina? Mukhang mano-nose bleed ako ah?

"Huwag mo na intindihin. Tara na." Hinila ko ang braso niya pero pumiglas siya.

"Where are we going?"

Bumuntong-hininga ako, "Dala mo ba kotse mo?"

"Yes, why? ARE YOU GOING TO KIDNAP ME?!"

Lord, tulungan mo 'ko.

"Hindi. I-uuwi na kita," sabi ko at hinila na siya paalis.

***

"Oh my gooooood marunong ka mag-drive??" Nakabagsak ang ulo niya sa headrest ng passenger seat. Mga limang beses na niyang tinanong sa akin 'yan.

"Oo. Naisip ko baka kailanganin ko e. Government ID rin kasi 'yung lisensiya," sagot ko. Pawala nang pawala ang tono ng boses ko kada ulit ng sagot. Isinabay ko ang mga labi ko sa sunod niyang sinabi, na paulit - ulit lang din mula kanina pa.

"Alam mo, mga ten times kang pumogi nu'ng nag-drive ka."

Buti na lang naaalala ko pa ang address niya at nasa wisyo pa siyang sabihin sa'kin kung sa'n naka-park ang kotse niya kanina. Huminto ako at tiningala mula sa bintana ang unit niya, napakasimpleng two-story apartment, pero mukhang mahal rin.

Tinignan ko siya. "Tara na."

Namumula pa rin siya, sobrang sigla pero hirap nang gumalaw nang hindi gumegewang.

"YAY! ICE CREAM!" sigaw niya at agad - agad siyang bumaba sa kotse niya.

Binuksan niya ang switch ng ilaw sa loob at bumungad sa akin ang sobrang gulong lungga. 'Yung coffee table niya sa tapat ng TV, may nakalapag pang tasa na may bakat ng tulo ng kapeng natuyo na. Mukhang ilang araw na siya du'n. Sa lababo, tambak ang mga plato at parang naghuhugas lang siya kapag may kailangan nang pinggan o kutsara. Nakakalat ang kumpot kumpol na alikabok sa mga sulok, at may unan sa dining table. Parang itinutulog na lang niya kung saan man siya sa bahay datnan ng antok.

Tinignan ko lang si Sabrina na dire-diretsong lumakad at walang pakielam kung saan niya ibinagsak ang bag niya.

Umiling ako at susubukan kong magpaalam kay Sabrina kung puwede kong ayusin mga gamit niya. Sobrang nababahala ako, ang ganda sana ng loob ng bahay niya kung matuto lang siya magligpit.

Sinundan ko siya sa kusina at tinitigan siya sa pagbukas niya ng ref. Nakakita rin ako ng ipis sa counter pero parang wala lang kay Sabrina lahat ng 'to. Okay lang ba talaga siya? Parang hindi na normal ang ganitong tirahan.

"Ughhhhh, I ran out of ice cream..." biglang sabi niya pero may inilabas siyang isang bote ulit ng beer.

"Huy, nakaka-ilan ka na!" sabi ko at sinubukang kunin sa kaniya 'yong bote. Inilag niya.

"So what?!"

Binagsak niya ang katawan niya sa sofa sa sala at tumingin sa kisame habang umiinom. Tumayo lang ako sa gilid, tinitignan siya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tinanong ko na siya, "Bakit ang gulo ng bahay mo?"

* * *

A/N: The following dialogues/scenes talks about mental illness that may not be suitable for everyone. Read at your own risk. I'm advancing my apologies if I ever trigger you while reading this part. Thank you.

* * *

Bigla siyang lumingon sa'kin at tinalasan ako ng mata. Biglang nagbago ang aura niya. "Why? Are you disgusted? Are you telling me that I'm a disgusting woman?"

Nanigas ako bigla. Nilapag niya ang bote sa sahig at unti-unti siyang naglakad papalapit sa'kin. "Answer me, you bastard."

Napalunok ako, at dahan dahang napaatras mula sa kaniya. Hindi ko pa nakikita ang ganitong ugali ni Sab. Dahan dahan akong umiling at napatitig lang sa kaniya, mabigat ang hinga.

Biglang nanlumo ang mukha niya. Nabigla din ata siya sa sarili niya. Napaupo siya uli sa kanto ng sofa at inilibing ang mukha niya sa mga kamay.

"Sorry. Nakielam ako masiyado sa personal na buhay mo."

"I'm a fucking mess, Mavy. Leave me alone."

"Kailangan mo lang ng tubig. Ikukuha kita."

"You've done enough for me today."

Naglakad ako papuntang ref. "Baka ma-dehydrate ka rin sa dami ng nainom mo."

"I said I don't need anything."

Hindi ako nakinig. Wasak na wasak siya. Binuksan ko ang pinto ng ref, nag-squat sa likod nito, at dumungaw sa loob para maghanap ng pitsel o bote man lang ng tubig. Ang dami niya ring tira ng kung anu - anong take out dito. Lumingon ako sa kanan at nakitang nakahanay kasama ang mga bote ng tira - tirang juice at softdrinks ang isang transparent na tumbler na puno ng tubig.

Kukuhanin ko na sana ang tumbler nang mapansin ang shelf sa ibabaw nu'n na lagayan dapat ng itlog. May nakabolang papel sa sulok nito. Hanggang dito ba naman, may kalat 'tong babaeng 'to? Kinuha ko ang papel para maitapon na lang din pero paghablot ko rito ay naramdaman kong parang may laman siya.

Tumayo ako nang bahagya para silipin si Sab sa gilid. Nakabagsak pa rin ang mukha niya sa mga kamay. Nagtago muli ako sa likuran ng pinto, dahang binuklat ang papel. Dalawa pala sila na naka-staple. At sa loob, nakita ko ang maliliit na tablet ng gamot, kalahating banig. Nang tinignan ko ang mukha ng papel sa harap ay mayroong napakapamilyar na print. Ito ang nasa header:

A.B. Dimatulac, M.D.

Neurology – Psychiatry

May mga ibang label pa sa ilalim nito tulad ng patient name, age, sex, at date. At may magulong sulat sa gitna. Matagal na rin mula nung huling beses na nakakita ako ng ganito, pero siguradong sigurado pa rin ako...

Reseta 'to.

At 'yung nasa likod, kahit hindi ko pa nakikita, sigurado ako diagnosis.

Balak ko na sana tignan pero sinilip ko muna uli si Sab, na nakaupo pa rin sa kanto ng sofa, pero nakatingin na sa akin. Teka, du'n pala siya nakatingin sa hawak ko.

"Don't you fucking touch that."

"Sab..."

Tumayo siya at naglakad papunta sa akin. Napatayo ako, napaatras papunta sa counter, at dalian sinilip ang likurang papel para ma-scan ko lang. Sa iilang segundo, Mabilis na lumibot ang mga mata ko sa kulu-kulubot na sulat kamay para maghanap man lang ng keyword, hanggang sa napatigil ako nang mabasa ang tatlong salitang nagpapaliwanag ng lahat.

Major Depressive Disorder

'Yun na ang mga huli kong nabasa bago hampasin ni Sab ang kamay ko. Bumagsak sa sahig ang gamot at mga papel. Tinulak niya ako at napasandal ako sa counter. Kaliwa't kanan kong sinalag ang braso ko sa mga hampas niya. Nakayuko na lang ako para hindi ako tamaan sa mukha, habang pinakikinggan ang mga sigaw niya.

"What the fuck is wrong with you!? Bakit ba ang hilig mo makielam!"

Inangat ko ang mga mata at natanaw ang mga balikat niya. Tinutok ko lang ang paningin ko du'n, inatras ang dalawang braso para makabuwelo, sabay tulak.

Nang mawalan siya ng balanse ay hinawakan ko siya sa pulso ng magkabilang kamay para matigil siya. Nagtitigan kami, magkaharap ang mga mukha sa tunog ng mabibigat niyang mga hinga.

"Teka lang! Sab... huminahon ka muna, Sab."

Sa gitna ng mga hingal ay siningit niya isa isa ang mga salita.

"I don't know... what you saw or read in those fucking papers... Pero OO NA! I'M CLINICALLY DEPRESSED!"

Tila tumigil ang mundo ko nang marinig sa kaniya ang mga salitang 'yan. Hindi ko siya mabitiwan, nakakatakot. Hingal na hingal siya at patuloy pa rin siyang umiiyak.

"AND I DON'T NEED YOUR HELP 'CAUSE I'M ALREADY BROKEN AND BROKEN THINGS CAN NEVER BE FIXED. SO PLEASE? STOP TRYING TO HELP ME!"

Nagtitigan lang kami, ang gulo na ng itsura niya, sabog sabog ang buhok, 'yung t-shirt, jeans, at mukha niya niya puro mantsa. Nanginig ang mga braso niyang hawak ko pa rin, at nilibing niya ang mukha niya sa dibdib ko. Hindi ko siya binitiwan. Naramdaman ko ang hagulgol niya sa akin.

"Let go of me. Let go of me please." Napayuko siya at nang tumingin siya sa'kin ay naluluha na ang kaniyang mga mata.

Bumitiw ako. Lumakad siya pabalik ng sofa para pulutin ang natitira niyang beer. Ininuman niya ang bote habang nakatayo at tumingin lang sa bintana.

"Get out."

"Ha?"

Bigla siyang lumingon at binato sa akin ang bote. Umilag ako at nabasag ito sa lapag. Mavy, kumalma ka.

"I said get out of my house."

"Sab, mas mabuti siguro kung may kasama ka muna—"

"WHAT THE FUCK DO YOU WANT, MAVY? WHY WON'T YOU LEAVE? I'M NOT YOUR GIRLFRIEND—"

"AYOKONG MAY MANGYARING MASAMA SA'YO, SABRINA. IKAMAMATAY KO KAPAG MAY NANGYARI SA'YO."

Pareho kaming nanlaki ang mata. Kahit ako nagulat nang bigla ko siyang sinigawan. Ayaw na ayaw kong nagagalit ako sa ibang tao, pero nakakaubos naman kasi ng pasensiya 'yung ginawa niya.

Naglaban ang mabibigat naming hinga. Huminahon ako at kinalmahan ang boses ko.

"Sorry, pero ayoko sa lahat ay ang sinisigawan ako. Ayoko kasi talagang dinadaan sa galit ang mga bagay, lalo na kung hindi kailangan."

Dahan siyang tumango at napaiwas ng tingin. Na-guilty yata sa mga ginawa niya.

"Ako na dito sa hinagis mo. Kailangan mo munang mahimasmasan, Sab. Mag ayos ka na muna. Maghilamos, mag-toothbrush."

Hindi pa rin siya makatingin nang diretso. "Pagbukas mo ng screen sa likod, may dirty kitchen. Andiyan 'yung walis ko." Dahan niyang tinutok ang mga mata sa akin at naglakad na siya paakyat.

Nang napunasan na ang sahig at naitapon na ang mga bubog ng bote, kinuha ko ang tubig sa ref, kumuha ng isang baso mula sa iilan lang na malinis, at inakyat si Sab.

Pagtuntong ko sa second floor ay may isang diretsong hallway. Sa dulo nito ay ang banyo na nakabukaka lang ang pinto. May pinto rin sa kaliwa na kuwarto niya yata kasi may lumalabas na mahinang ilaw mula sa ilalim na mukhang galing sa night lamp. Kinatok ko siya.

"Sab, puwede ba akong pumasok?"

"Go."

Nakaupo siya sa kanto ng kama niya, naka maluwang na t-shirt 'saka pambahay na short. Nakakatitig lang siya sa bentilador. Mukhang nag-shower siya, basa pa ang buhok na sinusuklay pa rin, wala na rin ang dumi sa katawan niya mula sa mga nangyari kanina. Hindi na rin siya malagkit tignan.

Ngunit kahit malinis na, bakas na bakas pa rin sa mga mata niya ang pagod at lungkot. Nakabagsak na pisngi na panlabas lang ang naayos niya sa ngayon.

Ang kalat din ng kuwarto niya. Kung saan saan may nakasabit at nakalapag na damit. 'Yung working desk niya, kalat kalat 'yung mga papel at litrato. Humuhubad na ang bedsheet ng kama at sumisilip na ang mattress sa ilalim. At sa side table, may pinagkainang mangkok na kutsara na lang ang laman.

Nilapag ko sa side table ang baso at tumbler. At umupo sa tabi niya.

"Kumusta?"

"I still feel like shit." Nanatili ang mukha niya sa bentilador.

"Gusto mo ba... tulungan kitang mag-ayos?"

Bumuntong hininga lang siya. Isa-isa kong pinulot ang mga damit na nakakumpol sa isang upuan sa tabi. Kumuha ako ng hanger sa wardrobe niya at isa - isang sinampay.

"Hayaan mo na lang 'yan diyan."

Hindi ko siya pinakinggan at inumpisahang tignan ang mga papeles sa parang working desk niya. Ang ganda niya talaga kumuha ng litrato. Pinatong patong ko ito nang maayos hanggang sa nagsalita muli siya.

"Huwag mo na galawin, Mavy. Please. I wouldn't know where the fuck my stuff are kung hindi ako ang naglagay."

"Inaayos ko lang para hindi ka magulo rito. Humiga ka na lang diyan. Ibababa ko na rin yang pinagkainan mo para—"

"Sinabi ko ngang ayoko, e! Bakit ba ayaw mong makinig sa'kin?" Tumaas na naman ang boses niya, parang pinipigilan ang sariling sumigaw. Nagtinginan kami at napansin kong bumibigat na naman ang paghinga niya. Hinilamos niya ang mukha niya matapos ay nilibing na naman ang mukha sa mga kamay.

"Why do you guys keep telling me what to do?" Nanatiling nakabagsak ang mukha niya, tumatagos ang boses sa mga palad. "Bakit ba ayaw niyo kong pakinggan? Lagi na lang kayo nasusunod. Paano naman 'yung gusto ko?" Tumigil ako sa pag-ayos at tinabihan uli siya.

"Pagod na'ko, Mavy. Pagod na pagod na." Bumangon siya at tinititigan ako.

"Alam mo, Sab, may kuwento ako." Nanatili siyang tahimik.

"Nu'ng finals ko sa first sem noong third year college, sabay sabay ang deadlines namin. Doon ko lubos na naramdaman ang dami ng plates saka papers na kailangan ipasa kasi lahat halos ng kinukuha namin, major. Tapos sabay pa nu'n, may interschool competition kaming pinaghahandaan sa grupo, nataong ginawa pa 'kong team captain. Napaka competitive at grade conscious ko. At pati sa bahay, dahil ang dalas ng overtime ni Ate, ako na lang ang nag aayos, naglilinis, gumagawa ng karamihan sa mga gawaing bahay. Wala akong ni isang mapabayaan sa lahat ng responsibilidad ko kasi ang lakas ko ma-anxious nu'n na sumablay man lang ako sa isa du'n, dire - diretso na 'kong babagsak."

Taimtim lang niya akong pinapakinggan. Tinuloy ko muli ang kuwento ko,

"Pakiramdam ko nu'n, kapag hindi ko na-maintain grades ko, hindi ako makakakuha nang maayos na trabaho, hindi ako makakatulong sa pagtaguyod sa amin ni Ate. Kapag pumalya kami sa dance compet, pumalya na ako bilang captain, bilang kaibigan, bilang taong pinahawakan ng responsibilidad. Pinaka malala 'yung sa bahay. Pakiramdam ko, kapag mukha nang napapabayaan 'yung bahay namin, hindi na kami magmumukhang maayos na pamilya ni Ate. Magmumukha na uli kaming abandonado, pabaya, hindi napalaki nang maayos. At ayoko nu'n," Umiling ako, sa tuwing naalala ko hindi ko mapigilan ang sarili kong maapektuhan nang sobra. "Ayokong magkaroon ng bakas na napabayaan na kami. Hanggang sa, sa kasagsagan ng lahat nu'n, isang tanghali nang kakain na ako sa lobby ng school, nag palpitate ako at hinimatay." Nararamdaman ko ang mga hinga ni Sab.

"Gumising ako sa clinic. Sabi ng doktor, stable naman daw ako, walang problema sa kalusugan. At kahit medyo nagpupuyat ako nu'n, binibilang at binabawi ko pa rin ang oras ng tulog kung kailan kaya. Nag-alala ako masiyado sa insidenteng 'yun at naisip na baka neural o mental ang sanhi. Ayun, nagpatingin ako sa Psychiatrist. Tama ako, OCD. At hindi siya 'yung OCD na basta bastang maarte lang. Totoong OCD. Kailangang gamutin na OCD."

Wala akong naramdaman o nadinig na reaksyon sa kaniya. Hindi ko kailanman naisip na masasabi ko ang sakit ko sa iba, lalo na sa isang babae na halos kakakilala ko lang, at lasing pa. Alam kong hindi ko dapat isinasama ang sarili ko lalo na't may problema si Sab, pero gusto ko lang din ipahayag na, kung nakaya ko lahat ng pagsubok ko sa buhay—siya rin. Kakayanin niya.

"Hindi ka nag-iisa, Sab. Hindi lang ikaw ang may binibitbit na problema sa mundo. Hindi mo 'to kailangang haraping mag isa."

Huminga lang siya nang malalim.

"Inom ka muna."

Tumango lang siya, at tumingin siya sa kawalan at kinapa ang inaabot kong tumbler at baso. Sana alam ko kung ano naiisip niya. Ang hirap magkunwari na naiintindihan mo ang isang tao, lalo na kung hindi siya nagsasalita.

"When I got back in the Philippines, saka ko lang naranasang mamuhay mag-isa. And since wala nang bantay, I decided to finally have myself checked with a Psychiatrist. Alam ko kasi dati makaka trigger 'to kay Mama kung nalaman niyang nagpatingin ako. Ayon, since my teenage years, nagma-manifest na raw pala 'yung signs. I felt twice broken ever since, mas nag-compensate lang din ako with how I look on the outside."

Narinig ko siyang humikbi, at kita kong nanginginig na naman ang mga kamay niya. Hinawakan ko siya sa braso.

"Sab, nandito ako. Makikinig ako. Ilabas mo lang saloobin mo."

Hinimas-himas ko ang kaniyang likod.

"Lagi na lang ako kinokontrol ng mga tao. They put so much responsibility on me kahit hindi ko alam kung kaya ko. I'm literally a piece of shit. Hell, I don't even know what I really want for myself."

Bumuntong hininga ako. "Huwag mong sabihing shit ka. Sa totoo lang, bilib nga ako sa layo ng narating mo. Hindi ka lang nila maintindihan, Sab. Ang importante, sumusunod ka kung sa'n ka masaya at nakakahanap ng saysay."

Inangat na niya ang ulo niya at tinignan ako sa'king mga mata, "Bakit kapag sinusunod ko, ang daming napapahamak? Ang daming nadadamay? Hindi ko magawang sumaya, Mavy! Malaya na'ko sa Tatay ko. Nakapagpaalam na 'ko sa mga employees ko pero bakit parang may mali pa rin?"

"Hindi ko rin alam ang sagot diyan. Kasi ako rin, napalaya ko na ang pamilya ko sa Tatay ko noon." Nagulat siya sa aking sinabi, kahit pangalawang beses ko na 'to binanggit. "Alam kong masakit, alam kong mahirap. Pero, mas malakas tayo kaysa sa nakaraan natin. 'Di naman natin kasalanan kung 'di nila tayo matanggap. Wala tayong ginagawang mali."

Hindi siya umimik.

"Oo, kamag-anak natin sila, mahirap pakawalan dahil kadugo. Pero, ibig sabihin ba nu'n tama sila lagi? Sasabihin nila 'yung mga ginagawa at hinahangad nila para sa ikakabuti natin, pero ang totoo—"

"Ginagawa nila 'yon para sa sarili nila." napahawak siya sa braso ko, "Most of the time, they really just care about themselves... Tama ka nga, bakit ba 'ko umiiyak sa gago kong Tatay na never ako pinaniniwalaan at pinakikinggan? No one deserves to be treated the way we were."

"Alam mo, Mavy..." Napatingin ako sa kaniya.

"I am thankful that you're here, Mavy... Sobrang rare mo... niyo ni Carlos. I know I'm a burden and I'm sorry..." Nagtutubig na naman ang mga mata niya at niyakap ko na lang siya nang mahigpit.

"Tahan na, Sab. Hindi ka pabigat. Nandito naman kami palagi para sa'yo." sabi ko at niyakap na rin niya ko pabalik, "Magiging masaya ka rin."

"Pa'no mo nasabi?"

"Sa layo ng narating mo, mukhang hindi ka talaga susuko sa mga pangarap mo eh. Alam kong kaya mo lampasan lahat ng 'to. Matuto lang din tayo tumingin sa mga magagandang alaala."

"I can't help it, Mavy. I can't just tell my mind to stop—"

"Natural naman 'yan, at naiintindihan ko. Mahabang proseso ang pag-recover sa ganiyan at may kaniya kaniya tayong paraan. Nakakatulong na rin kung iisipin mo 'yung mga taong nagmamahal sa'yo. Pa'no na lang kung nawala ka? Pa'no sila?"

Tinignan lang niya ko. Agad ko namang pinunasan ang kaniyang pisngi na nangingislap sa luha, "Mahalaga ka sa'min, Sab. Bahagi talaga ng buhay ang sakit. Bata pa tayo. Ang dami pa nating magagawa para sa sarili natin at para sa iba. Nandito lang ako, kami ni Carlos. 'Yong nanay mo... Mahal na mahal ka namin."

Mahal na mahal din kita. Ako 'yong nasasaktan ngayon para sa'yo. Lumaban ka, please.

"Salamat, Mavy. You don't know how much you mean to me right now. Thank you."

Tumahimik na kami pareho, hanggang sa unti-unti na siyang bumibigat.

"Huy, Sab!" Tinignan ko ang mukha niya at nakatulog na pala siya.

Ihiniga ko na siya nang maayos.

"Sol... Mavy... Thank you... Uwi na..."

Sol? Tama ba ang rinig ko?

Pinagmasdan ko lang siya habang natutulog. Ang ganda niya. Kung alam lang sana niya kung gaano siya kalakas, ka-ganda at ka-swerte. No'ng sinabi niya na ang rare ko, 'di hamak na mas kakaiba siya. Malawak mag-isip, marunong lumaban, at alam niya ang halaga niya. Winasak lang siya masiyado ng mga napagdaanan niya.

Pero nandito ako. Nagkatagpo tayo. At mas lalo akong panatag na...

Ikaw si Luna.

Hinimas ko ang kaniyang buhok, at hindi ko na pinigilan ang sarili kong halikan siya sa noo. Pagkatayo ko ay biglang may kumatok sa pinto. Sino 'yon?

Hindi kaya Tatay niya? O Nanay? Pero wala Nanay niya rito sa Pilipinas. Gabi na. Sino pang bibisita kay Sabrina?

Dahan-dahan akong pumunta sa pinto. Pagbukas ko ay isang matangkad at maputing lalaki ang bumungad sa'kin.

"Is Sabrina inside?" Pamilyar ang boses. Siya ba 'yung humila kay Sab nu'ng contest?

"Sino ka? Ano ginagawa mo rito?"

"I think I should be asking that. Who are you?"

Ang presko niya masyado ha. Kapal ng mukha? Gabi na? Wala din namang kapatid si Sabrina. Sino ba 'tong mokong na 'to?

"Ako si Mavy, tropa ni Sabrina. Ikaw? Sino ka ba?"

Tumawa siya, anong nakakatawa sa sinabi ko?

"I'm Ely and I'm Mikaela's boyfriend."