Chereads / Sol at Luna / Chapter 16 - Kabanata 14: Ang Pagmumura ni Mavy

Chapter 16 - Kabanata 14: Ang Pagmumura ni Mavy

M A V Y

"I'm Ely and I'm Mikaela's boyfriend." sabi ni Ely.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Parang may mali. Bakit siya nandito? Wala namang binanggit sa'kin na may naging boyfriend si Sabrina...

"Are you going to leave?" tanong niya sa'kin.

Ako? Ba't ako aalis? "Bakit ka nandito?"

"I want to visit my girlfriend. Hindi pa ba niya nasabi sa'yo?"

Magkasama kami kahapon at wala namang tumawag sa kaniya kanina. Dapat ba 'kong maniwala?

"Hindi. Tulog na si Sabrina, lasing siya. Pero okay na siya ngayon."

"What? She's drunk? Bakit hindi ka man lang tumawag sa'kin?" sabi niya at bigla na lang siya pumasok sa loob. "Disgusting..."

Siraulo pala 'to eh. Tatawag? Hindi nga kita kilala. Bigla-biglang pumapasok? Pinapasok ko ba siya?

"Okay na si Sabrina. Hindi ko rin naman siya pinabayaan."

"Well, leave. I'm her boyfriend. Mas may karapatan ako kaysa sa'yo." Ang sama ng tingin niya sa'kin.

"Pinagkatiwalaan din kasi ako ni Sab na bantayan siya."

"So? Just leave, dude. I mean no harm. Gusto ko, paggising niya, ako 'yong na sa tabi niya."

Bumuntong hininga ako. Nang iniwan ko si Sabrina sa taas, ang himbing na ng tulog niya. Ayoko rin naman nang gisingin siya para sana malaman ko kung sino ba 'tong Ely na 'to. Kaso, boyfriend daw siya e. Grabe, hindi man lang sinabi sa'kin ni Sab.

"Sige, aalis na'ko. Ingatan mo siya, ha."

Ngumiti siya."Just lock the door when you leave."

Tinanguan ko siya bago siya naglakad paakyat. Lumabas ako, dahan-dahang sinara ang pintuan, pero parang ayaw ko pang umalis? Hindi ko mabitiwan ang doorknob. Ila-lock ko ba talaga? Paano kung may gawin 'yong Ely na 'yon kay Sabrina? Hindi ako makakapasok. Pero pa'no rin kung pasukin sila ng magnanakaw? Kaya ba 'yon ni Ely nang mag-isa?

Huminga ako nang malalim. Ba't ba 'ko hindi mapakali? Boyfriend siya 'di ba? Mas kailangan siya ni Sabrina. Sino nga naman ako para pigilan siya?

Bumitiw na ako sa pinto, at lumingon na sa kalye. Huminga ka nang malalim. Kumalma ka, Mavy. Dahan akong naglahad habang ikinakalma ang sarili para makapag-isip uli nang tuwid.

Teka.

Ely... Siya 'yung Elias nanabanggit noon. Naalala ko rin nu'ng inasar nila Karen si Sabrina, sinabi niya na wala siyang boyfriend. Maaaring nagsinungaling si Sab sa akin, pero... gagawin niya ba talaga 'yun?

Nasa sidewalk na ko nang lumingon pabalik, sabay takbo. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Ayan na 'yung pinto. Hindi ako makampante. Sinabi ko rin kay Sabrina na hindi ko siya iiwan, pero ano 'to? Parang ang bilis ko lang nagpa-uto.

Pasok, ito na, paakyat na. Mavy, dalian mo Mavy! May mangyayaring masama! May mangyayaring masama!

Nanginginig ako, hindi ko alam kung tama bang nakielam pa ako.

Binuksan ko ang pinto sa kuwarto.

"HOY! PUTANG INA ANONG GINAGAWA MO!?"

Nahuli ko siyang nakaupo sa kama, nakapasok ang isang kamay sa sando at nakahalik sa labi ng isang tulog na Sab. Dali-dali kong hinila palayo si Ely at agad ko siyang sinapak. "Tarantado ka! Walang malay 'yung tao!"

Tinulak ko siya papunta sa workstation ni Sab. Humampas ang likuran niya sa kanto ng mesa. Bakit parang wala siyang balak pumalag?

"Siraulo ka ba?! Lumaban ka! Ang tapang mo halikan si Sabrina pero—" Sinapak na rin niya 'ko pabalik.

"You have no idea why I did that! Wala kang alam!" Sumugod siya at inabot ang isang niyang kamay sa mukha ko. Dali-dali akong nakaatras. Ramdam kong nadaplisan ng kuko niya ang noo ko.

Umamba na siyang aabante. Hinablot ng mga kamay ko ang steel chair sa gilid. Nagtalsikan ang mga damit na nakapatong dito. Humampas ang bakal sa mukha ni Elias.

"Wala akong pake sa dahilan mo!" Idinuldol ko ang nakatiklop na upuan sa sikmura niya. "Alam mo naman sigurong mali!" Napayuko siya at namilipit. Binatukan ko. "'Di ba?"

"Demonyo ka. Wala kang respeto! Lasing at tulog si Sab! Harapin mo 'kong hayop ka."

Hinablot ko ang kwelyo niya para iharap ang mukha niya sa'kin. Umamba ako ng isa pang sapak. Pero may pumigil sa'kin.

"Mavy... Tama na..."

Nakatingin sa amin si Sab. Wasak pa rin ang mukha at nagtutubig na naman ang mata. Lumapit siya sa akin at nakita kong tumulo ang luha niya. Hinaplos niya ang braso ko

"Kaya ko na 'to... Tama na..."

Hingal na hingal kaming nagtinginan ni Ely. napakasama ng ugali niya. Ang kapal ng mukha niyang magsinungaling sa harap ko at sabihin—

"I'm sorry, Mika. Please, makinig ka sa'kin—"

"UMALIS KA NA DAHIL HINDI KA NIYA PAPAKINGGAN."

"Ikaw ba kausap ko? Si Mikaela—"

"PUTANG INA MO GAGO RAPIST KA! WALA KANG KARAPATAN MAGSALITA O MAG-EXPLAIN, UMALIS KA NA BAKA MAPATAY KITA!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Sobrang nanggagalaiti ako sa galit. Isa siyang walang kuwentang tao.

"Mavy, kumalma ka, please..." bulong sa'kin ni Sabrina. "Elias, puwede ba? Umalis ka na."

Tinignan ko lang siya sa kaniyang mga mata. Hindi ko alam kung paano niya nagagawang magmukhang kaawa-awa matapos niyang pagtangkaang samantalahin si Sabrina. Siraulo ba siya? Ganiyan ba siya pinalaki ng magulang niya? Kahit ano man ang rason na mayroon siya, hindi pa rin tama na gawin niya 'yun. Wala ba siyang nanay? Kapatid na babae? Nakakahiya.

Maledukado.

"I'll leave pero, please remember that I loved you, Mikaela. I hope you'll forgive me, ginawa ko lang 'yon dahil kailang—"

"I don't need your explanation. Just go, Ely." Hinigpitan ni Sabrina ang pagkakahawak sa braso ko. "Just. Fucking. Go."

Iniwan na niya kaming dalawa ni Sabrina. Hanggang ngayon, nagdidilim ang paligid ko. Hindi ako makapag-isip nang maayos. Sobra-sobra akong nag-aalala sa kalagayan ni Sabrina at natatakot na'kong iwan siya at pabayaang mag-isa.

Hinarap ko siya, "Ayos ka lang? Wala ka bang nararamdaman na kahit ano?" hinawi ko ang gulo-gulo niyang buhok.

"Ayos lang ako. Nagmumura ka pala?" Napalihis ako ng tingin. Sa lahat ng puwede niyang mapansin, 'yon pa talaga?

"Nadala lang ako. Ngayon lang ako nagalit nang ganito," Napaupo ako sa kama niya.

Tinignan ko ang kamao ko. Ramdam ko pa rin ang puwersa ng pagtama nito sa buto ni Elias sa muka. Nilibot ng mga mata ko ang kuwarto. Nagkalat lalo ang gamit ni Sab pagkatapos ng away.

"Are you okay?"

Tumango ako. "Pero nagagalit talaga ako sa ginawa niya. Tulog ka, Sab! Duda na ko sa kaniya nu'ng bigla siyang pumasok. Kung hindi ko pala sinunod 'yong mga nag-trigger sa'kin kanina, baka kung ano na nangyari sa'yo. Ayokong mapahamak ka, Sab." gigil na gigil pa rin talaga ako kay Ely.

Sinong matinong lalaki ang gagawa ng gan'on?

"Enough na bumalik ka at naabutan mo siya. I'm sorry you have to deal with him at dahil sa'kin napahamak kita," sabi niya at naupo sa tabi ko.

"Napagtanggol naman kita. Hindi talaga ako mapanatag kanina hangga't hindi ko alam kung maayos ba kalagayan mo o hindi. Dapat talaga hindi na kita iniwan kanina. Sana pala hindi ko na binuksan 'yong pinto, sana pala—"

"Shh..." Pinunasan niya ang luha sa mga mata ko. Umiiyak ako? Nadadala ako masiyado sa nangyari. Ganu'n lang ba talaga ako mag-alala kay Sabrina? O mas malalim na 'tong nararamdaman ko? Kahit sino naman makakita nu'n, magagalit talaga 'di ba? Hindi naman siguro sila—

"Sabi ko tahan na, Mavy. Huwag ka na mag - isip. Nandito na'ko, I'm safe. I'm fine. Don't worry anymore, please? Sige ka papanget ka niyan."

Natawa ako nang bahagya, "Ipangako mo sa'kin na aalagaan mo sarili mo. Hindi ko talaga kakayanin 'pag may nangyaring masama sa'yo."

Tinataga ko sa buwan na hinding-hindi ko iiwan si Sabrina. Kahit ano pa ang mangyari. Nandito lang ako sa tabi niya, kahit bilang kaibigan niya.

"I promise. Pero, ipangako mo rin sa'kin na kakalma ka lang. Ibang side mo 'yung nakita ko kanina." tumango ako, "Thank you, Mavy. For being there. Ang dami ko nang utang sa'yo."

Kumunot ang noo ko, "Hindi 'yon utang. It's my duty to keep you safe from now on, kaya matulog ka na. Babantayan kita at uuwi na lang ako bukas ng umaga."

"Since when did you start speaking in English? Nakakapanibago ah?" ngisi niya. "Huwag ka na mag-stay. Kaya ko na."

"No, ayoko. Dito lang ako. Baka mamaya bumalik 'yong gagong 'yon tapos kung ano na naman mangyari sa'yo tapos tulog mantika ka pa naman." Hinampas niya 'ko sa braso.

"Grabe ka! Lasing ako 'di ba? So, siyempre, malalim talaga tulog ko."

"At dahil diyan, matulog ka na—"

"May sugat ka!" bigla siyang napasigaw, nakaturo sa noo ko. Agad naman akong humawak sa mukha ko pero tinapik niya ito palayo, "Huwag mong hawakan! Tara, let's clean that up."

Hinila niya 'ko papunta sa cr at pinaupo sa counter. Binuksan niya ang salamin sa tabi ko at sa loob ay may iba't ibang klaseng gamot at sabon. Sinara niya, at nag-antay lang ako sa susunod na gagawin. "Marunong ka ba?"

"Gago ka ba? Shut up ka na lang diyan." Agad niyang pinisil ang bulak na may alcohol sa noo ko.

"Aray! Easy ka lang!" napaangal ako sa sakit. Hindi ko man lang naramdaman na may sugat pala ako kanina.

"Sorry, sorry. I'll be gentle, just don't move." seryosong sabi niya at hinawakan niya ang mukha ko.

Pakiramdam ko mamumula ako sa ginawa niyang 'yon. Teka, kinikilig ba 'ko?

"Ah—" napaangal muli ako sa hapdi.

"Tiisin mo lang, besh. Lilinisin lang natin then, cover it with a bandaid."

Besh.

Oo nga pala, magkaibigan lang kami.

Tahimik lang kaming dalawa at pinagmamasdan ko lang siyang gumalaw. Ang ganda niya talaga kahit kailan. Parang ang sarap lang magpakalunod habang tinitignan siya. Alam kong minsan sadista at parang lalaki kumilos 'tong si Sab pero, sa kabila ng lahat ng 'yon, iba siya mag asikaso sa mga malapit sa kaniya. Isa pa, nakakatuwa siyang kasama dahil nag-aalala rin siya sa'yo at hindi ka niya hinuhusgahan.

Nafa-fall na nga yata ako.

"Patapos na'ko," sabi niya at naghalungkat uli ng gamit sa loob ng salamin.

Napansin ko sa may pader sa gilid ng lababo ay may sabitan siya ng mga kuwintas. Iba-ibang uri ng mga borloloy na magkakasabit lang sa isang kahoy na hook. Parang may hinahanap akong isang partikular na kuwintas.

Wala namang gold plated na may araw sa dulo.

Itatago at aalagaan kaya ni Luna 'yung kuwintas hanggang ngayon? Ang lakas ng kutob ko. Nararamdaman ko, iisang tao lang sila. Natatakot pa rin akong mahulog nang husto.

"Are you alright?"

"Oo, bakit?" ba't bigla niya 'kong tinanong?

"Parang ang lalim kasi ng iniisip mo..." Binuksan na niya ang band aid at nilagay sa sugat ko, "Ayan, you're done."

"Salamat," nginitian ko siya.

"Hugasan mo na lang kamay mo. Tapos 'wag mo na muna galawin masyado. Kanina mo pa hinihimas, eh." Lumabas na siya ng banyo. Tapos sumilip muli, "Kung gusto mo maligo, buksan mo na lang 'yong heater. Aabutan kita ng damit ha? I have loads of men's clothes so, don't worry."

Umalis na siya at naiwan akong hindi alam ang gagawin sa banyo. Nakakahiyang maki-ligo, Pero wala akong magagawa dahil diring-diri na'ko sa sarili ko. Pakiramdam ko rin, magkakasakit ako.

Sinara ko nang konti ang pintuan para makapaghubad. Tinanggal ko muna ang relos ko at sunod ang t-shirt ko ngunit, bigla na namang pumasok si Sabrina. "SORRY!"

Natawa ako. "Ayos lang."

Naningkit ang mga mata niya nang i-abot niya sa'kin ang damit niya, "Here."

Lumingon ako at tinignan siya sa reflection ng salamin. Hindi pa rin siya umaalis at pinagmamasdan ako. "Yes? Bakit naman ganiyan ang tingin? Sexy ko ba?"

"Letche! Ang landi mo!" sabi niya at agad na siyang lumabas sa banyo.

Natawa ako pero agad na 'kong naligo para mahimasmasan ang aking pakiramdam. Nang ako'y matapos ay sinuot ko agad ang damit ni Sab. Inamoy ko ito, mukhang hindi pa niya nasusuot. Mahilig pala siya sa mga malalaking damit? Ang cute naman.

Lumabas ako at nakita ko siyang nakaupo sa kama niya at nakapatong na sa mesa ang mga papel na nahulog sa lapag.

"Sorry nga pala nagulo lalo kwarto mo." bungad ko.

"It's fine. I'm the one who should say sorry, ang kalat-kalat ng bahay ko kumpara sa bahay niyo." Bahay namin. Teka lang, hala.

"Patay! Si Ate!" sabi ko at dali-dali siyang tinawagan.

"NASAAN KANG BATA KA? KANINA PA'KO TAWAG NANG TAWAG SA'YO! KASAMA MO PA BA SI SABRINA? HA? SABI NI CARLOS MAGKASAMA KAYO! ASAAN KA NA? UUWI KA PA BA?" Nilayo ko ang cellphone sa tenga ko dahil daig pa niya ang naka-speaker sa lakas ng boses niya.

"Okay lang ako, 'te. Sorry hindi ako agad naka-tawag. Nandito ako sa bahay ni Sabrina, kailangan ko kasing samahan. May nakawan sa kabilang bahay ngayon ngayon lang. Baka dito muna ako makitulog kasi baka mamaya pasukin siya." nagsinungaling na lang ako para hindi awkward kapag nagtanong si Ate kung bakit ako mananatili pa rito sa bahay ni Sab.

"OA mo pero sige, malaki ka na. Kaya mo na 'yan. Ingat kayo ni Sabrina. Huwag kang gagawa ng kung ano-ano! Papalayasin kita sa pamamahay ko!"

"Kilala mo 'ko, Ate. Hindi ako gagawa ng kung ano-ano." Umirap ako dahil mas OA pa yata si Ate kaysa sa'kin.

"O sige, goodbye. Mag-text ka kung uuwi ka na." End call.

"Musta? Galit na galit yata si Ate Malaya, uwi ka na kaya?" sabi ni Sabrina. Aba, nagpulot at nagligpit siya ng kalat.

"Hindi naman siya galit. Dito muna 'ko. Hindi talaga ako nakakampante e," sabi ko at umupo sa tabi niya.

"Sure? Sabi mo marami kang tatapusin."

Oo nga pala.

"Hayaan mo na, may bukas pa naman," sabi ko at tumango lang siya.

"'Nga pala, sino ba 'yon?" tanong ko.

"Elias. He's the guy who keeps ruining my life. Gusto kasi siya ni Papa sa'kin pero ayoko naman sa kaniya. It's all business and I hate it."

Tatay na naman niya ang dahilan.

"Alam mo, mukhang madadala na 'yong Ely na 'yon. Sana ma-realize niya na mali ang ginagawa niya."

"Pero iniisip ko, what if he really does have a deeper reason?" tumingin sa'kin si Sabrina. "What if may iba siyang intensyon? Knowing him, he'll never rape a girl. Oo, dati fuckboy siya. Pero kahit noon, mautak siya sa pambababae niya. He knows that he'll only really be in trouble once he messes with consent. Also, never niya 'kong hinawakan nang mahalay, except nu'ng..."

"May ginawa siya sa'yo?"

Tumango si Sab. "Sinapak ko siya for that."

Natawa ako pero, napaisip din ako sa sinabi ni Sab. Baka mamaya nakatali ang kamay ni Elias ngayon.

"I'll kill him kung siya nga may dahilan ba't nangyayari lahat ng 'to." dugtong niya.

Bumuntong hininga ako, "Hindi ko alam, pero mali pa rin. "

"I know and I really thank you for coming back." Nginitian niya 'ko.

"Wala 'yon. Tulog ka na, gabi na." sabi ko at agad naman siyang humiga sa kama niya.

"Tatabi ka ba? Lagyan ko na lang ng unan sa pagitan na'tin."

Kami? Tatabi? Hindi ba... bawal 'yon?

"Ikaw bahala, okay lang ako sa sofa mo." sabi ko, kahit alam kong medyo madumi do'n.

"No, it's fine. Dito ka na, madumi do'n. Baka hindi ka makatulog." Agad siyang naglagay ng unan sa tabi niya, "I'm trusting you after what you did earlier."

Napangiti na lang ako. Maski naman ako, hindi ko kayang gawin sa kaniya 'yon o sa kahit sinong babae pa. Respeto na lang.

"Goodnight, Mavy." sabi niya.

"Goodnight..." sagot ko at napatitig sa bintana kung saan kitang-kita ko ang liwanag ng buwan.