Chereads / Sol at Luna / Chapter 11 - Kabanata 9: Kadena

Chapter 11 - Kabanata 9: Kadena

* * *

S A B R I N A

"Pa..."

Tila tumigil ang tibok ng puso ko nang makita ko siya, still in his work clothes, amerikano na may maroon na necktie. "Bakit nandito ka?"

Tinignan niya parehas si Carlos at si Mavy. I recognize those eyes of his, 'yung parang onti na lang papatay bigla. He kept his eyes on Mavy and Carlos. Ramdam ko pa rin 'yung kaba nung dalawa. "Sumunod ka sa'kin sa kotse. May pupuntahan tayo."

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Something's wrong, sa tono pa lang ng boses ni Papa.

Something's wrong.

Hindi ko na napansin na umalis siya sa harapan namin. Naramdaman ko na lang ang paghawak sa'kin ni Carlos sa aking braso. "Sab..."

"O-okay lang ako. Sige, mauuna na'ko." sabi ko at nginitian sila parehas.

Inabot ko na kay Carlos ang bag niya at ang mga gamit ko. Supposedly, may thank you dinner pa dapat si Sir De Vegas para sa organizers at staff. Looks like I'll be ditching that. I don't want to hear Papa complaining. Ayaw kasi niya na pinaghihintay siya.

I checked my watch, quarter past seven. What the fuck does he want? Dali-dali akong pumunta sa parking lot. Hinanap ko ang mga bodyguards niya na panigurado, naka-bantay na naman sa labas ng kotse niya. Naglakad pa'ko nang naglakad hanggang sa nakita ko ang isang bodyguard na nakasama ko noon. "Ma'am Mikae— Sabrina."

"Hi, Kuya Edward." nginitian ko siya at binuksan niya ang pinto sa passenger's seat.

Nakita ko si Papa na hawak ang kaniyang cellphone. Rinig na rinig mo ang takatak ng keyboard sa kaka-type niya. He slowly tilted his head to me, tapos balik sa phone.

Tinanggal ko ang bag sa aking katawan at inilagay sa pagitan namin ni Papa.

"Balik tayo sa office," sabi niya sa driver at itinago na ang kaniyang cellphone. "Mikaela, I have someone to meet us once we reach our destination, behave, alright?"

Tumango ako at tumingin sa labas. Na-sulyapan ng mga mata ko si Mavy. Napatingin din siya sa kotse namin at kumaway. Napangiti ako ngunit, naalala kong kasama ko pala ang Papa ko. Mahirap na. Iba na naman maiisip niya.

Umayos na'ko ng pagkakaupo at may paper bag na color blue sa may paanan ko.

"Pick that up, Mikaela." Tinuro ni papa 'yung paper bag.

"Suotin mo 'yan pagdating natin doon," tinignan niya ko mula ulo hanggang paa. "Masiyado kang... informal ngayon."

I looked down on my skinny jeans and long sleeve plaid polo na nakabukas lang, along with the black sando na panloob ko. What's wrong with this?

"Maayos naman damit ko, Pa. Who are we gonna meet anyway?" Binuklat ko ang paper bag at sumilip.

"What the hell, Pa? Ano 'to?" Inilabas ko ang isang color white na long dress, slim fit, may glitter accents. "I don't like this."

"Well, you should. You're my only daughter. Trust me, mas kaaya-aya 'yan."

"It doesn't look comfortable."

"Disente siya. Besides, anak, you need to look more... feminine."

I scoffed but I tried to hide it. Feminine? Tangina, anong alam niya sa pagiging feminine?

"Papa. Clothes are unisex." Pa-dabog kong binalik ang damit sa paper bag at ibinagsak ito. "You can't impose such a thing on me, especially about what I wear."

I saw his jaw clenched, at inayos 'yung necktie niya. Parang pinagpapawisan siya sa may leeg, kahit aircon dito. He's uncomfortable.

"You talk too much, Mikaela. Just wear the damn dress!"

I flinched as he raised his voice. Shuta. I won't wear this piece of shit, Papa!

* * *

"Ang ganda, Mikaela! Sabi ko sa'yo it looks good. Now I see why Elias likes you."

Ayun, sinuot ko pa rin. Last na 'to, Sab. Sumunod ka na lang muna para masabi mo na sa kaniya ang totoo mong nararamdaman.

"Thanks, Pa. Pero, si Ely? God, why do you keep on insisting that he likes me? He's a cheater and a pervert, mind you."

Naalala ko na naman ginawa niya sa'kin kanina. If I told Papa about it, kakampihan lang niya si Elias.

Tinignan ko muli ang sarili ko sa salamin. I'll never have the courage to wear such thing. I pulled it off, of course, ganda ko eh. But wearing this in public, kung saan maraming manyak? Maraming magju-judge? No. Fucking. Thanks.

"Cheater? Mukhang hindi naman. He already proved himself to me."

Hindi sincere 'yong putanginang 'yon. He grabbed my ass the last time I saw him! He even cornered me! Nakakasira ng bait.

Siyempre, hindi ako papakinggan ng Tatay ko. "Pa, I know him better than you do. 'Saka, hindi ko talaga siya gusto. Don't push me."

"It takes time to love someone, Mikaela."

"Yeah, how much? 8-9 years?"

"Puwede naman. Basta, I believe in Elias."

Umirap ako. Konting pigil na lang, Sab. Konti na lang talaga.

"Ang sikip, Pa. Wala ka bang blazer diyan?"

Tinignan ko muli ang sarili ko. Hapit na hapit sa bewang ko 'tong damit na 'to. Kalahati ng boobs ko, kita. "I feel so exposed, Pa. Bakit ganito 'to?"

"Don't you like it? It suits you. Learn how to wear dresses. Sooner or later—" tumabi siya sa'kin at tumingin din sa salamin—"You'll be the CEO of this company."

Ngumiti siya sa'kin at pinisil ang kanang braso ko. Kailangan ko na sabihin sa kaniya na wala akong pake sa kumpanya niya.

I never will. I wasn't born to be like him.

"Pa..." tumalikod ako at wala na siya sa desk niya. Nagmasid ako at na sa pintuan na pala siya.

"Be ready in 5 minutes. May blazer diyan sa cabinet, sa Mama mo yata 'yon." tumingin siya muli sa'kin, "Be nice and confident, Mikaela."

Lumabas siya at napa-buntong hininga na lang ako. Ang hirap kumilos nang maayos kapag kasama ko siya. Everything is calculated, as if I have no right to do what I want. Nakakabaliw siyang kasama.

Binuksan ko ang cabinet at tama siya, kay Mama nga ang ka-isa isang blazer na 'to. God, at least I like navy blue. Sinuot ko ito at hinimas, sakto lang siya sa'kin.

I miss you, Mama. Uwi ka na, please.

I sighed, matagal pa bago uuwi si Mama. Pero, ilang months na lang, makakaalis na'ko rito sa Pilipinas. I'll be living my own life kung sakaling payagan ako ng Tatay ko. Tutal, buong buhay ko sumusunod lang ako sa kaniya. Ni hindi man lang niya ko pinakikinggan. At least, kay Mama, she'll be supportive. Hahayaan niya kong ituloy MA ko sa New York and by then, I know I'll be extremely happy.

Umalis na'ko sa office ni Papa and nakita ko siyang may kausap sa hallway. Lumapit ako and tumabi kay Papa.

"I see... I see, Ah! The young Madrid is here." isang kalbong may makapal na kilay ang nakakita sa akin. May kahawig siyang comedian sa isang noontime show pero times twenty sa ka-guwapuhan. Tumingin siya nang malagkit sa akin and gave a half smile. "My, Mr. Madrid. You have a lovely daughter."

Creep. "Well, I raised her well. She's independent, though she needs more improvement sa pananamit." sagot ni Papa at nagtawanan sila.

He didn't raise me well, Sir, if you'll ask me.

"Ano name mo, Hija?" He lightly touched my right arm.

Iniwas ko ito at kumapit sa braso ng Tatay ko, "Sab."

Pinagpag ni papa ang balikat niya at napabitiw ako."Mikaela," he warned me.

Bakit? Hindi ko rin ba pangalan ang Sab?

I sighed, "Mikaela Sabrina. Nice to meet you." inabot ko ang kamay ko kahit labag sa kalooban ko.

Kinuha niya ito and I struggled to not cringe habang hinihimas niya ito gamit ang hinlalaki niya. Bumitiw ka tangina mo. "Nice to meet you, Mikaela. I'm Mr. David."

I withdrew my hand. That smile of his, tumatayo balahibo ko. "Ilang taon na siya?"

"She's 24. Anyway, let's go meet our other members." sabi ni Papa at hinila ako.

"Umayos ka." bulong niya sa'kin.

Ako? Aayos? Sila ang dapat umayos. Ganito ba lahat ng partners ng Tatay ko? They might be rich as hell but they need a course on not creeping people out. Kung gago sila, mas gago ako.

Pumasok kami sa isang conference room. It's a good thing I wore a blazer kasi puta, it really is cold here. Nilapitan ng Tatay ko ang isa pang lalaki, singkit, medyo mataas ang hairline, nakasuklay ang buhok sa gilid at parang natapon ang isang litro ng gel sa ulo niya.

Puro ba lalaki makakausap ko ngayon? Parang ang sarap din pala tapusin 'yung patriarchy dito.

"Sorry to keep you waiting. You know Mr. David, " nag-shake hands sila. "This is my daughter, Mikaela."

Nakipagkamayan din siya sa'kin. Buti pa 'to hindi nanghihimas ng kamay, "Mikaela, this is Mr. Soo."

"That's a nice voluptuous frame, young lady, just like your mother's. Nice to meet you." Voluptuous? Did he just—

Babanat na sana ako nang tinignan ako nang masama ng Tatay ko.

I clenched my jaw, then smiled. "Excuse me..."

I walked out of the conference room. Sinundan ako ng Tatay ko. I can't take this. Men are absolute trash. Bakit kulang na kulang sa self-awareness ang mga kasamahan ni Papa?

"Sa'n ka pupunta?!" Hinila ni Papa braso ko.

"Pa, are you seriously letting me be the center of the attraction? Puro kayo lalaki." Itinakip ko lalo ang blazer ko sa katawan ko. Iritang-irita na'ko. "Ang insensitive pa nila. Excuse them, anak mo'ko. Did you hear what that chinese said?!"

"Dalawa pa lang sila, nagrereklamo ka na. What more if the other men come. Isa pa—" inayos niya ang kaniyang kwelyo—"learn how to take a joke. Here comes Mrs. Orlando."

Take a joke, my fucking ass. Mga bastos sila.

"Amigo!" Finally, a woman. I stared at a short and plump woman in a mint green long dress, medyo katulad nung suot ko pero hindi slim fit, at mas balot na may cuffs sa balikat.

Nakipagbeso siya kay Papa, "Is this your daughter? You're gorgeous, Hija."

I smiled, "Thank you."

"Anyway, nandiyan na ba 'yong dalawa?" tanong niya.

"Yup, come inside. Susunod kami." sabi ni Papa at pumasok na nga sa loob si Mrs. Orlando.

I wish I had her confidence. As if, wala lang sa kaniya kung puro lalaki kaharap niya. Parang default niya nang naka-chin up siya lagi. Sa height niyang 'yon, ako ang nanliliit sa kaniya. She looked like someone who's courageous enough to speak and stand up for herself.

He kept his voice low and looked at me. "Are you ready, 'Nak?"

I gave him a confused stare. Ready for what? "I'm going to discuss the matters of my resignation."

"What?!" Ito na nga ba kinakatakutan ko.

"Why are you upset? You should be happy, you're taking over my place as the next CEO."

"Pero—"

"Let's go." hindi niya 'ko pinatapos at pumasok na siya sa loob, "Umayos ka."

I sighed heavily, this can't be happening. Not anymore.

Pumasok na rin ako sa loob. Lahat kami naka-upo at nag-aantay sa sasabihin ng Tatay ko. Tumayo siya sa harap at pinaupo niya ako malapit sa kaniya.

Nagsimula na siyang mag - explain kung ano na ganap sa company. Obviously, wala akong maintindihan. Hindi ko naman kasi talaga field 'tong business and real estate. Hindi rin ako sanay makipag - usap sa mga taong mas mataas sa'kin. Nakaka-anxious isipin kung anong attitude ang mayroon sila. Isa pa, hindi rin naman niya ko pinag-aral ng business management.

"Oh, I forgot to mention, Mr. Rodriguez and his son are joining us."

Rodriguez? Fuck.

Bumulong ako kay Papa, "Bakit mo pinapunta sila Elias?"

"Why not? Hindi ba sabi ko sa'yo magiging partner natin sila? Kayo pa rin naman ni Elias, hindi ba?"

What the fuck.

"What's going on, darling?" Mrs. Orlando asked me. Tumingin siya sa'kin, "Okay ka lang ba, Hija?"

It's time. I really can't take this anymore.

I stood up, "We all know why we are here. Why my father called you..." I looked at them.

"What are you doing?!"

"I won't hide and pretend anymore!" tinignan ko Tatay ko. "I don't want to be the CEO. Wala akong pake about this goddamn company and for your information—"

Napatigil ako nang pumasok sa loob si Elias at ang Tatay niya. From the other side of the room, I saw Elias' annoying smirk. I pointed my finger at him, matalas, nanginginig pa ang kamay ko.

"I've never been your goddamn girlfriend. Kaya puwede ba?" tinignan ko siya, ang Tatay niya. I saw his dad's fist clench tight.

"Leave me the fuck alone." Naglakad ako palabas, hinawi ko nang malakas si Elias na nakaharang sa dadaanan ko.

Unti - unti nang pumapatak ang luha ko. Rinig na rinig ko na rin ang sigaw ng Tatay ko maski ni Elias. "Mikaela! Come back here!"

May humila sa'kin sa braso. "What the fuck is wrong with you?" Boses ni Elias.

Nilingon ko siya at sinampal. "Putangina mo bitiwan mo'ko at lubayan mo na 'ko, please!"

Tinulak ko si Elias palayo at pumasok sa office ng Tatay ko. Nandoon mga gamit ko. As expected, sumunod si Papa, sigaw pa rin nang sigaw.

"What's in your goddamn mind, Mikaela?! Pinahiya mo ang sarili mo! Lalong - lalo na reputasyon ko! Hindi ka ba nadadala sa mga pinaggagawa mo?"

Labas sa tenga. Labas sa tenga. Labas sa tenga.

"Kausapin mo'ko, goddamn it, Mikaela! Humarap ka sa'kin, Mikaela! Kinakausap kita nang maayos! How dare you talk like that in front of my business partners! Shame on you!"

Lumingon ako sa kaniya at tinaasan ko siya ng kilay, at tumalikod uli agad para mag-ayos ng gamit. Shame on me? Baka shame on you! Shame you for being a bastard. Tangina, naiirita ako sa damit ko.

"Don't turn your back on me, Mikaela! Kinakausap kita! I didn't raise you to be stubborn."

"Well that's because you didn't raise me at all!" Padabog kong binagsak ang gamit ko, gusto ko na punitin 'tong damit na 'to.

Pagod na pagod na'ko.

"Where were you when I needed you? Wala ka. God, you didn't even acknowledge the fact that I was—"

"You were just distracted! It doesn't matter whether you had that or not. You're my unica hija. Ikaw ang magmamana nitong kumpanya na 'to! I thought we already talked about this? And now you're causing a scene?!"

"We talked about it when I didn't know what I wanted! You never listened to me, Pa! Kahit kailan. Hindi mo 'ko pinakikinggan. Lagi nalang busy ako!— teka lang!—ang kulit mo!—ako ang masusunod!" hinarap ko siya, wala na'kong pakielam kung umiiyak na'ko.

I wiped my face. "Nakakagago, Papa! Lagi mo na lang ako hawak sa leeg! Wala na'kong ginawang tama! Wala na'kong ginawang maganda sa paningin mo! Lagi na lang ikaw nasusunod!"

I waited years for this moment.

"Kahit kailan, Pa. Hindi mo ko pinakinggan. It was always about you! Your stupid dream for me! You can't even fucking support me for what I truly want! Pinauwi mo pa'ko rito sa Pinas! Akala ko pa naman papayagan mo na'ko pero ano? Hindi mo man—"

"I gave you that lousy studio, hindi ba? Hindi pa ba sapat 'yon, Mikaela?! Akala mo ba madali lang 'tong ginagawa ko? Akala mo ba madali lang kumita ng pera? Mahirap, Mika! Lalong-lalo na 'yang pesteng photography mo!"

"Alam kong mahirap pero ito 'yong gusto ko! Putangina." Pinunasan ko luha ko. "Successful ka na. Mayaman ka na. What else do you want!? Tama nga ako, mahal mo lang 'yang putanginang pera at kompanya mo! Aalis na'ko. Clearly, wala kang pake sa'kin."

Sinabit ko na ang bag ko at naglakad paalis. Ngunit, hinatak niya ang kamay ko at sinampal ako nang malakas. "Don't you dare walk out on me. I gave you everything! I enrolled you to a nice University! I even paid half the price for your own studio and this is how you repay me? Ipapahiya mo'ko? Ano bang maipagmamalaki mo sa'kin, ha? Wala. Kung hindi dahil sa'kin, wala ka rito ngayon."

I took a deep breath and looked at him sharply. Puta, wala na akong ma-process na sasabihin sa sobrang galit ko.

"Is this what your mother taught you?"

"Bakit mo ba sinisisi si Mama? Inggit ka kasi mas mahal niya ko kaysa sa'yo?" Sinampal niya muli ako. Pwes, hindi ako magpapatinag, "Palibhasa kasi nilamon ka na ng business mo! Kahit isa wala kang narinig na reklamo sa'kin, Pa. Nirerespeto kita kasi Tatay kita. But this? This is too much. Besides, I didn't ask to be fucking born."

"Respeto? Sinasagot mo na'ko, Mikaela. You should know this, of all people. Hinding hindi ako dapat kinakalaban. I can take everything away from you with just a fucking snap. Ano? Gusto mo 'yon? Lahat ng mayroon ka, dahil sa'kin 'yon! Kaya huwag na huwag mo'kong susubukan. And, what? Didn't ask to be born? Ano gagawin mo, magpapakamatay? Sana nga, sana nga pinalaglag na lang kita sa Nanay mo!"

Napahinto ako sa sinabi niya. So, all this time, wala lang talaga ako sa kaniya. He never wanted me in the first place. Tinignan ko siya. Magpapakamatay? I'm already dead inside.

"Then, so be it. Wala akong pakielam." Nanlaki ang mata niya sa aking sinabi. Naglakad na'ko papunta sa pinto. "Take everything away! Might as well kill me now. Hindi ba gusto mo 'yon?"

I'm tired following your orders.

Bago pa man din ako makalabas sumagot muli siya sa'kin.

"I'll do it, Mikaela. Don't you dare challenge me. From now on, sige, kaniya kaniya na tayo kung 'yan ang gusto mo. I'll file a divorce with your mother, magsama kayong mga maliit ang utak. Hahanap na lang ako ng ibang magmamana nitong kumpanya ko."

Lumingon ako para titigan siya sa kaniyang mga mata—mga matang nakuha ko. "Tingin mo pa rin talaga may pake ako sa kung sino ang magmamana nito? Hindi ka talaga nakikinig, Pa."

Kinuha ko ang litrato naming tatlo na malapit sa mesa. At nandito pa talaga 'to?

"Gusto mo ng respeto? Here's a fucking quote." hingal niya 'kong tinignan.

"Respect begets respect and it is fucking earned!" Hinagis ko ang frame sa may paanan niya, "Go, file a fucking divorce. We don't need your fucking company and money. Most certainly, we don't need you."

Kumakalampag ang paghagis niya ng gamit nang ako'y lumabas. Mas lalong tumulo ang luha ko sa pangyayaring iyon. I don't know if the tears are from satisfaction, fear, or loneliness, hindi ko na alam. I used the stairs instead of the elevator. I am beyond exhausted. Napaupo ako at napasandal sa pader habang yakap ko ang bag ko.

Putanginang buhay 'to. Malaya na'ko pero ba't ang sakit sakit pa rin? Ang sakit na itinapon ka lang ng sarili mong Ama. Bumibigat nanaman ang dibdib ko. Ang hirap huminga.

Fuck me with a chainsaw. Tangina. Nahihirapan ako huminga.

Sinubukan kong tumayo muli at pinunasan ko ang mga luha ko. Ngunit, tuloy - tuloy pa rin ang pagpatak nito. Hindi ko na kinaya at umupo na lang ako sa lapag. Ang ingay ko umiyak.

Hindi ko mapaliwanag nararamdaman ko ngayon. I'm free. Free from the chains holding me back to what I want. Ito na 'yon 'di ba? Nakuha ko na. Hindi na'ko papakielaman ng Tatay ko.

Pero bakit hindi ko pa rin magawang maging masaya para sa sarili ko?