* * *
S A B R I N A
"Ayos ka lang?"
Ayos ka lang? Ayos ka lang? Ayos ka lang?
'Yan ang sinabi ko kay Sol nu'ng una kami nagkita.
Tinitigan ko lang 'tong lalaking nasa tabi ko. Hindi ako makapaniwala. Hindi ako naniniwala. I stared at his face, those eyes. Could it really be him? Or is it just a coincedence na naalala ko si Sol?
Umiwas ako ng tingin, hindi si Sol 'tong kaharap ko ngayon.
Si Mavy 'to.
Anong ginagawa niya rito? Narinig niya ba lahat ng sinabi ko? Hindi ako makapagsalita. Ayos nga lang ba 'ko?
"Huwag mo na sagutin, alam kong hindi ka okay," Ang warm ng pakiramdam. It looks like he gets me.
Napatingin ulit ako sa kaniya, bakit siya...ganiyan? Nagkatitigan muli kami and I tried to hold my tears again. I buried my face between my knees, both hands on my hair. Please don't look at me, nakakahiya.
"Ayoko sana aminin pero, narinig ko lahat ng sinabi mo." Nag-shake 'yung mga kamay ko, shit. Mag- iiba na paningin sa'kin nito.
"Sorr—"
"Huwag ka magsorry," hinawakan niya dahan-dahan ang braso ko. "Naiintindihan kita. Magiging okay ka rin. Lahat naman, may dahilan kung bakit nangyayari e."
Bullshit. Naniniwala talaga sila sa ganiyan, ano? Buong buhay ko kontroladong kontrolado ako. Tapos sasabihin nila, may dahilan kung bakit nangyari? Sige nga, kung may dahilan, bakit hindi mo sabihin sa'kin? Dahilan ba na adik Tatay ko sa pera para gawin niya sa'kin 'to? Dahilan ba na masyado akong masunuring at tao kaya lagi akong minamalas? Fuck that. No one deserves to be treated like trash. Lalo na sa mga taong ginagawa ang lahat para maging 'mabuti'. Tapos ano? gagaguhin na lang ng kung sino-sino kasi may dahilan?
Tanginang 'yan.
Bumigat ang paghinga ko. Hindi ako galit sa kaniya pero, ang bullshit lang tuwing naririnig ko 'yan.
"Sorry," binitiwan niya ang braso ko.
Napatingin ako sa mga kamay niya, "Bakit ka nagso-sorry?"
"Una, kasi napahawak ako sa braso mo. Pangalawa, ewan, para kasing nainis ka bigla. Sorry." bumuntong hininga siya, "Gusto ko lang sana pagaanin loob mo kaso mukhang hindi yata umubra."
I sighed, "It's fine. You did what you think is best. Don't worry, na-appreciate ko naman."
Nakaka-guilty naman tumingin sa mukha niya. Hindi naman niya talaga kasalanan, sadyang iba lang talaga kami ng perspective. At least he tried, no one even tries to comfort me besides Carlos. 'Yon nga lang, Carlos comforts me in a different way. It's better than none.
"Kung ano man 'yan, alam ko malalagpasan mo 'yan. Hindi pa kita gaano kakilala, pero alam kong hindi mo deserve kung ano man nangyari sa'yo kanina."
Napangiti na lang ako. It looks like he already knew what I needed to hear and by that, medyo gumaan loob ko sa kaniya. "Thank you pero, you don't need to do this."
Totoo naman 'di ba? Hindi naman talaga kailangan. Besides, hindi naman niya ako kilala. He only saw that I was crying pero kasi, 'pag tinitignan ko siya, parang ang... sincere niya. 'Di siya mukhang plastik na tao. Isa pa, pinsan naman siya ni Carlos. Though actually...
He talks and acts like Sol. And I'm trying my best to set that idea aside. I have my reasons.
"Ayoko kasi marinig galing sa'yo na gusto mo nang mamatay," napatingin muli ako sa kaniya, pero nakatingin na siya sa malayo. "Isa pa, hindi mo kailangan labanan 'yan nang mag - isa."
"Bakit? Hindi mo nga 'ko kilala e." Ako? Hindi niya kilala? Ano ba, Sab! Pinsan niya si Carlos, remember? Obviously naku-kuwento ka.
Natawa siya, "Baka nga hindi. Pero kasi, 'di naman kailangang kilalang kilala mo ang tao para makitang nahihirapan siya."
I sighed upon hearing this. And I don't know what came to me pero biglang—
"Pasandal ako."
"Sige lang." Ang kalmado niya.
I leaned on his shoulder, my eyes starting to look bloodshot. Pagod na ako, sa lahat.
"Suwerte siguro ng mga tropa mo, ano? May empathic silang friend."
"Hindi rin. Minsan, pabigat din ako." Natawa siya. "Ako nga pala si Mavy. Ang dami na nating napag - usapan pero hindi pa rin tayo nagpapakilala nang maayos." nginitian niya ko at inabot ang kamay niya sa'kin.
Naalala ko bigla si Sol. Ang kaisa- isang taong hindi ko hiningan at hindi binigay ang pangalan.
Ang bobo ko, buti pa 'tong si Mavy.
I shook his hand, without taking my head off him. "I'm Sabrina, Sab na lang for short."
"Mm hm, nakwe-kuwento ka kasi sa'kin ni Carlos. Pero, ngayon ko lang talaga nakita itsura mo," sabi niya. "May kahawig ka nga e."
Ako? May kahawig?
"Photographer ka pala, may shots ba'ko diyan?" tanong niya at tinuro 'yong camera sa leeg ko. Medyo nahihiya pa nga siya, "May kaibigan kasi ako dati na gusto maging photographer."
Napangiti na lang ako, parang ang gaan ng loob ko sa kaniya.
"Oo, ang galing mo nga e. Congrats pala." Napangisi na lang ako. Wala na akong energy para ma-excite.
"Salamat." I felt him smile too.
"Hindi ka pa ba babalik sa loob? Baka hinahanap ka nila Carlos." Inangat ko na ang uli ko. Baka nakakaistorbo ako sa kaniya.
"Hinahanap ka nga namin ni Carlos e, nakita kasi kita na hinihila ng isang lalaki."
Shit. Sasabihin ko ba? Mukha naman siyang mapagkakatiwalaan. He even followed me.
"Natakot nga 'ko baka kung ano gawin sa'yo. Makokonsensya pa'ko kung sakaling hindi kita sinundan."
He was worried about me.
Kahit hindi niya ko kilala, nanaig pa rin ang kabaitan niya. Na-miss ko 'yung ganitong treatment. Na-miss ko si Sol.
Teka, ba't ba'ko nagco-compare? Iba 'tong si Mavy, 'di ba?
Iba siya. Hindi siya si Sol.
"Thanks for the concern. I actually handled him well," Napa-himas ako sa mga tuhod ko. I lied, I didn't handle him well.
"Sino ba 'yon? Kung gusto mo lang naman i-kuwento. Mas madali kasi mag - open up kapag—" naputol ang kaniyang sinabi.
"UY NAGKITA NA PALA KAYO!" Napa-bangon ako. And I looked behind to find Carlos with ate Malaya. Panira talaga ng moment 'to.
"Ay hindi, bulag ako. Hindi ko siya nakita." pagtataray ko.
Sa totoo lang, kinakabahan ako. Narinig kaya nila pinag-usapan namin ni Elias? Hindi ko talaga matanggal sa isipan ko. Ang sakit.
"Letche, mahiya ka nga kay Mavy!" Asar ni Carlos at tinignan ko siya sa mga mata niya. He's gesturing something to me.
"Gago! Baka ikaw dapat mahiya," sabi ko at napakunot ng noo.
"Tanggap na 'ko niyang pinsan ko! So ano naman napag - usapan niyo?"
Napatingin ako kay Mavy, then kay Carlos. What the fuck do I say? Natawa ako nang slight, napayuko, then I began to open my mouth.
"Uhm, well..."
Napatigil ako pagtingin ko uli sa mga mukha nila kanila. Parang nag-shift bigla 'yung mood. Parehas silang mukhang constipated, nakatingin sa likod ko. Pinitik ko ang daliri ko.
"Huy! Ayos lang ba kayo?"
Hindi pa rin sila nagsasalita. At dahan-dahan ko nang naramdaman kung bakit.
I sighed and turned around.
"Pa..."
~ ~ ~
C A R L O S
10 years ago...
Ang pinaka-vivid kong naaalala nu'n ay 'yung panghihina sa tunog ni Mavy.
"P—pa, mak—kikitambay lang naman si Luna nang saglit para magtulungan kami sa assignment."
"Bakit ba ang kulit mo? 'Di ba sinabi kong hindi puwedeng basta-basta ka nagpapatuloy ng mga kaibigan mo dito sa bahay? Maski na saglit lang 'yan!" Boses pa lang ni Tito, kinikita-kita ko nang deds nanaman siya.
Nakasilip lang ako nu'n sa awang nung pintuan sa kuwarto ni tito. Dun pa 'to, sa lumang address. Na-korner niya si Mavy sa isang sulok. Naka-topless si tito, kita ko 'yung nagmamantikang likod. And Mavy's face, nanginginig 'yung panga. Kawawa siya nun eh, di man lang ako nahalata kasi titig na titig na lang siya sa mukha ng tatay niya.
Kakauwi lang halos ni tito, ta's ang kalat nung kuwarto. Grabe 'yung mga damit nakabalandra lang sa kama. May bag si tito parang hinagis lang sa sulok, 'yung zipper nakabukaka. Ta's 'yung upuan sa tabi, may nakapatong na supot ng chips, nakabukas lang.
"Bakit ba hindi mo maintindihan? Highschool ka nang bata ka pero 'yang utak mo—"
Umiling si Tito. Kita niya 'yung mga kamao ni Mavy nanginginig na. Shet. Napa-hilamos ng mukha si Tito ta's pansin 'ko 'yung katawan niya nag-slouch bigla, sabay akap kay Mavy. Pinakawalan niya tapos hinawakan sa balikat. Kinalma ni tito 'yung boses niya, siyempre humina.
So umatras ako, dahan-dahan para 'di ko magalaw 'yung pinto, baka umaringit bigla. Ta's tinapat ko tenga ko sa plywood na pader.
"Maverick, anak, sorry. Alam mo naman si papa nag-iisip lang masyado kasi gusto ko ligtas pa rin kayo. Saka, anak, ang hirap na, eh. Gusto ko rin naman, masustentuhan ka pa rin sa pag-aaral mo. Alam mo namang mahal na mahal ko kayo ni ate at mama mo, 'di ba?"
Lumakad ako palabas. Ta's pinuntahan ko sa may garahe 'yung Luna, na noong araw na 'yun ko lang din nakilala.
Now...
"Tapos sakto nu'n Ate kakauwi mo lang nasa may gate ka na. May pasok ka nu'n. Ta's pinagbuksan kita tapos tinanong mo kung sino 'yung babae. Tapos sabi ko—"
"Kakilala ni Mavy, paalis na rin siya," Dugtong ni ate Malaya sa kuwento ko. Tumango ako.
"Sinamahan ko na lang si Mavy ihatid 'yung Luna sa sakayan. Habang naglalakad kami, panay fidget na lang si Mavy ng mga daliri niya."
Tinigil ko muna ang kuwento, humigop ng kape, nilingon ang gabi sa bintana, at tinignan ang orasan. Ay, magtu-twelve na?
"Ate, patulog na lang muna dito sa inyo, oks lang?"
"Go lang. Du'n ka na sa kuwarto dati ni Mama. Tulog na rin si Mavy, sinilip ko kanina, eh, bagsak na bagsak."
Sinilip ko 'yung kape sa mug ko, ta's 'yung kay Ate rin. Paubos na pareho. Sa pagod kong 'to, sure ako deds pa rin ako. Though, Ate looks drained too.
Ang nasabi ko na lang sa kaniya nung nakita naming magkasandal 'yung dalawa, ay may malalim silang past. Nung inalok ko si Ate na sumama muna sa kanila pag - uwi para makapag kuwento, nadala yata siya ng kaba, pero pumayag siya.
Saka namin tinuloy ang paglakad at saka ako nagsalita para medyo magulo 'yung bonding nung dalawa. At sakto, sinundo si Sab ng papa niya.
"Nang nagsimulang magkuwento 'yan si Sab na may hinihintay nga siya, naisip ko na agad na magkatulad sila ni Mavy. She haven't told me much, pero naghinala na talaga ako nung panay match 'yung mga traits niya sa sinasabi ni Mavy. 'Di ko lang din masiguro kasi 'di ko na maalala 'yung mukha nu'ng Luna, eh. Hanggang sa ayun, pinagdugtong ko na lang 'yung mga facts, not that hard kasi kilala ko sila pareho. Si Sab 'yung babaeng hinihintay ni Mavy, ate."
Nakita ko sa mukha ni Ate na nag-process muna sa utak niya 'yung mga sinabi ko, until she spoke.
"Teka lang, ha. Hindi ko kasi alam na ganu'n kabigat 'yung naging impact nung Luna na 'yun kay Mavy. Bigla-bigla niya lang kinu-kuwento 'yan kapag may nakakapag-paalala sa kaniya. E ganun din naman siya sa mga naging kaibigan niyang iba dati, lalo na't iilan lang."
"Hindi mo ba maalala dati na umiyak si Mavy? 'Yun 'yung araw na umalis na si Luna. Kaya may impact talaga," pagpapaalala ko. "Kaya rin 'di ba, Ate, napansin mo, pagkatapos nu'n, unting - unti na siyang nagrerebelde? Hanggang sa nag-college kami, pareho nang University. Napansin kong hindi na siya masiyadong nagpe-perform nang maayos sa acads."
"... Kaya mo siya inaya sa dance group niyo."
"Kasi alam kong kapag nagpaka-busy siya doon, makakapag-cope na siya nang maayos."
Natawa si Ate. "Iba ka Carlos. Nagamit mo pa rin pala pagiging psych major mo."
"Duh. Ate, 'di por que nagfocus ako sa photography ko, itsapuwera ko na 'yung pinag-aralan ko. Sayang kaya."
"Tingin mo kaya alam na nilang dalawa?"
"Knowing Mavy, hindi 'yun magfi-first move, Ate. And Sab is too secretive. Nag-oopen up lang 'yan sa mga ka-close niya talaga."
"Atsaka masiyadong nabo-bother si Mavy..." dugtong niya, "Sabihin mo na kaya sa kanila pareho?"
Napa-buntong hininga ako. I have my reasons kung bakit nagpaka-neutral muna ako sa issue na 'to. Sobrang importante sa akin pareho ni Sab saka ni Mavy. Pero hindi pa puwede.
"Gusto ko naman talaga maging masaya sila pareho, eh. But Sab, she's in a very unstable and fragile spot right now. 'Yung focus niya, 'yung relasyon niya with the people around her, kailangan niya unahin 'yun. Tapos siyempre kayong magkapatid, kayong dalawa na lang nagsu-suportahan. Nawalan ka pa ng trabaho. I just don't think now is a good time. Baka maging kumplikado ang lahat."
"Fragile and unstable. Bakit, ano bang meron kay Sab? May kinalaman ba du'n 'yung lalaki kanina?"
"I can't tell you, Ate. Pero..." bumuntong hininga ako.
"...they both need to focus more on theirselves."