"Hala sorry!" sabi ko at nahulog ang mga hawak - hawak naming papel.
"Putcha." bulong niya.
Tinulungan ko siyang pulutin ang mga nahulog na pictures niya at mga drawings ko. Sana, hindi niya ko pagbayarin. Kaso, teka, may putik.
Ang dumi. Ang dumi. Ang dumi.
Napatingin ako sa kaniyang mukha at mas lalo akong nataranta at bumilis ang tibok ng puso ko.
* * *
S A B R I N A
Bago ako umalis papuntang US dati, I've had a lot of colorful memories from this park. Hindi ko na nga lang masiyadong nadadalaw ngayon. My last visit was when we needed to cover that rally na naganap, trabaho pa rin. Kaya naisipan ko siyang balikan ngayon, para lang huminga. It's been a long day.
As I walk, nire-recall ko 'yung daan papunta sa favorite spot ko dati. That spot with the swing helps me phase out from reality every once in a while, malilim, tahimik, with a nice amount of sunli—
Pucha. Sino na naman 'tong nakabangga ko? I knelt down to help him pick our stuff up. Sobrang sabog ko na talaga. "Kuya, sorry, ah?"
Naramdaman kong tumingin siya sa akin at patuloy na pinulot ang ibang pictures ko. "Ayos lang, balisa rin ako. Sorry rin."
Balisa? Ano 'yon? Tumango na lang ako. I can see him mutter under his breath habang nagpupulot. Napabulong yata siya nang makita niyang may bakas ng lupa 'yong... drawing niya? Ang cool, ha.
"Ang dumi. Ang dumi. Ang dumi."
Pinipigilan kong tumawa. Simpleng lupa lang. Well, in fairness, sayang drawing niya. He looks like a professional.
Natapos niyang magligpit ay inabot niya sa akin lahat ng pictures na makita niya. I'm still too busy checking the stuff he keeps handing over. Pero, tumatayo ang balahibo ko sa batok. Parang nararamdaman ko na ang lakas niya makatitig sa'kin.
Inayos ko ang mga drawings niya at saka ako tumingin sa mukha niya. Shit, Parang kilala ko siya?
I was at a trance. Nakatitig lang kami parehas sa isa't isa, na parang iisa lang ang naiisip namin. Hanggang sa, ngumiti siya sa'kin at kinuha ang drawings niya sa kamay ko.
I snapped and grabbed my pictures from him. Sabay kaming tumayo at para bang nag-aantayan kami. May dapat ba akong sabihin? Inayos-ayos pa rin niya ang kaniyang mga drawings samantalang ako, basta-basta ko na lang inipit sa folder ang pictures ko. Who is this guy? He reminds me of someone.
Nakatitig lang ako. Siya, panay ayos pa rin. Pinagmamasdan ko nang maigi ang mukha niya. Parang nakita ko na talaga siya noon. Teka...
His eyes shifted at me. I lowered my gaze. Nagkunwari na lang ako na inaayos ko pa rin 'yong folder ko. I looked up again and...
He's putting on a red fucking beanie.
Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam bakit pero sobrang nakakaramdam ako na may mangyayari. Easy lang, Sab. Letseng pulang beanie 'yan.
Pero baka siya 'yon? Hindi. Huwag kang umasa.
My heart kept on accelerating until he spoke, "Ate, oh, iwas bacteria." inabot niya sa'kin ang alcohol.
"Ah, hindi na. It's - it's fine." fuck, ba't ako nauutal?
Nagbudbod siya nang maraming alcohol sa kamay niya. Hala? OC ba 'to? Kung sabagay rinig ko mga bulong niya kanina. Ang arte naman.
Napatingin na naman siya sa'kin. Na-feel niya yatang hinuhusgahan ko siya. "Huwag ka na mahiya, Ate. Baka kasi mapahid mo sa mukha mo 'yong kamay mo. May konting bakas ng lupa, oh."
Napatingin ako sa mga kamay ko. Ang dumi nga. God, you're so judgemental, Sab. Malinis lang sa katawan 'yong tao.
Ngumiti ako at kinuha ito. Tatlong patak lang ang aking nilagay. Nakakahiya naman baka maubos ko 'to. Hindi naman 'to alak.
"Salamat. Sorry ulit, Kuya." sabi ko at napatingin na naman ako sa mukha niya.
I'm really having this odd feeling. Sol? Hindi kaya... Siya 'yon? Imposible. Huwag kang ilusyonada. Pero kasi, maarte rin 'yun dati pagdating sa dumi.
"Sorry rin, sige mauuna na'ko ha?" he said but he looks like he still wants to talk to me.
Mga thirty seconds pa kami nagpakiramdaman kung sinong unang gagalaw, sinong unang maglalakad. Nginitian ko siya at wala pa rin ni isa sa'min ang kumilos, until he opened his mouth.
"Ikaw ba si—" nag-ring bigla ang phone niya.
"Hello, Ate?"
He waved at me and walked away. Ang odd, bakit parang nagmamadali na naman siya? After a couple of steps, nilingon niya na naman ako. He smiled and turned around again.
Napangiti ako kaso pinigilan ko ang sarili kong habulin siya. Baka mamaya, hindi siya mabuting tao or maybe I'm just too concerned? Judgemental? I don't know. But maybe, he really is Sol. Nakikilala niya 'ko at ganoon din ako sa kaniya.
Umalis na'ko at parang nawawala na naman ako sa aking sarili. Hanggang sa may napatigil sa paglalakad. I'm recollecting too much stuff.
Pulang beanie? Nagdra-drawing? Ayaw sa madumi? Laging may dalang alcohol? May ate?Putcha, siya kaya 'yon? Hindi ko talaga siya mamukhaan.
Fuck. Mas hinigpitan ko ang hawak sa folder ko. God, help me. Bakit feeling ko hindi ako makahinga? Lumingon pa'ko muli pero wala na siya.
I kept walking, then began to take deep breaths. Calm down, Sab. Hindi lang siya ang nag-iisang nagsusuot ng putanginang pulang beanie sa Pilipinas. Hindi rin siya ang nag-iisang maarte sa madumi. Hindi rin siya ang nag-iisang marunong mag-drawing. Hindi rin siya nag - iisang may kapatid na babae.
Binuksan ko ang bag ko at uminom ng tubig. Bakit ba 'ko nagkakaganito? Sa isang random stranger pa? The fact na, naalala ko lang 'yong kaibigan ko for the past 10 or 11 years, nagkakaganito na'ko.
Fuck, fuck, fuck, fuck.
Nag-sign of the cross ako. Naglakad ako nang naglakad. Hanggang sa, makakita ako ng upuan. Nilapag ko ang folder at umupo. I'm shaking.
Pinunasan ko ang pawis ko sa noo. It's cold. Kailangan ko na umuwi. Binuksan ko muli ang bag ko at hinanap ang isang maliit na pouch bag. Shit, I really need to go home.
Tumayo ako muli and my legs feel like jelly. Easy, Sab. Mag-book ka na ng sasakyan sa phone.
Kaya mo 'to.
I opened the app at nakahanap agad ng taxi. After 10 minutes, sumakay na ako at medyo nakahinga na nang maluwag. I drank more water at tumingin sa labas. Maya maya ay nanlaki bigla mata ko.
Shit, may dala nga pala akong kotse!
My hands clenched into fists and shivered. Naiinis ako. Ang dalas ko nang wala sa sarili. Fuck, ano na ba gagawin ko? Hindi ko naman puwedeng pabalikin si Kuya at hindi rin naman puwedeng bumaba ako rito. Ang layo na namin.
Shuta, bahala na. Papakuha ko na lang kay Kuya Edward.
Agad kong tinext si Kuya Edward. Dati ko kasi siyang bodyguard. Habang nagta-type ako, nanginginig ako. Ano ba, Sab. Umayos ka nga.
Buti pumayag si Kuya Edward, ipa-park na lang niya sa labas ng studio. May mga bantay naman du'n. I sighed and drank more water. I'm still stressed, ang dami ko naiisip. It keeps on going and going and going—
"Ma'am papasok pa po ba natin?" nagulat ako nang na sa may tapat na kami ng subdivision.
"Hindi na, Kuya. Dito na lang po ako," sabi ko at lumabas na ng kotse niya.
Pumasok na'ko sa bahay, tinamad nang pumindot ng switch. Puro kalat at gulo lang naman makikita ko, like my life. Inilawan ko na lang ng phone ang paglalakad ko papuntang kuwarto. Hinagis ko ang bag ko sa isang tabi, took my shoes off, and threw myself on the bed. Walang bihis, walang hilamos, wala nang pake. Hawak - hawak ko pa rin 'yong folder. Bahala na kung malukot, bwisit.
Tumingin ako sa ceiling fan. Sinusubukan kong i-steady paghinga ko. Pakiramdam ko lalabas na 'yong puso ko sa dibdib ko. Gosh, what the fuck just happened? Why am I even thinking about... him. Tangina, feeling ko kilala ko talaga siya.
Pero ayan, kakaisip ko sa kaniya, nakalimutan ko na may dala pala akong kotse. Taenang 'yan.
"Ugh, putaaaa. " napa - upo na lang ako habang tinitigan mga pictures na mayroon ako. Ang lonely sa pakiramdam na photography na lang ang nagbibigay ng sense sa buhay ko ngayon. Better than none, I guess? Pero hindi ko pa rin maalis yung emptine—
Nairita ako sa pag-ring ng phone.
I grabbed it from the side of my bed and squinted my eyes against the screen's light. Si Papa. Napapikit na lang ako at bumuntong hininga. Shit, did Ely tell my father what I did to him? This is totally getting out of hand.
Binagsak ko ang kamay ko sa tabi. Ring pa rin nang ring phone ko. Kinakabahan ako. Wala na rin naman akong panalo. Kapag hindi ko sinagot 'to, baka magpadala na naman ng bodyguard si Papa para bantayan ako. If sinagot ko naman, alam ko na kung tungkol saan 'to. And it's not going to be short or calm.
Okay, sasagutin ko na lang. Pero, hindi ko siya kakausapin. Hahayaan ko lang siya magsalita. Tama. Ganu'n lang ginagawa namin ni Mama. Alright. Be the bigger person na lang. Sasagutin ko 'to.
I took a deep breath. Sige na, eto na. I placed it on speaker, "Mikaela Sabrina, Ano bang problema mo!?"
I sighed, here we go. "I just got home, Pa. I need to rest."
"Pero bakit ang tagal mo sumagot? May tinatago ka ba? Sino kasama mo?"
"No one, Papa. Ako lang mag-isa." umiling ako. I'm really stressed out.
"Really? Kaya pala na-track kita na pumunta ka sa Cafe Te Amo? You even let Edward park your car sa studio mo! Ano bang pinaggagawa mo? Sinapak mo pa si Ely? You even spilled—"
Fuck. "Talagang nagsumbong 'yong gagong 'yon ha?"
"Aba, Mikaela! Why would you hurt a person na walang naman ginagawa sa'yo? We need him and his father! Ano ba pinaggagagawa mo sa buhay mo?"
Are you fucking kidding me?
"Walang ginawa? Tingin mo, Pa kaya ko siya sinapak kasi trip ko lang? Do you really think so low of me? Grabe, are you even my father? Hindi mo man lang ako papakinggan!" I said at binaba na ang telepono.
Binlock ko si Papa. Nakakaasar. Men are absolute fucking trash. Tangina niyong lahat.
Tinext ko ulit si Kuya Edward na tanggalin 'yong tracker sa kotse ko at sabihin kay Papa na nasira phone ko. Baka kasi mamaya, ipa-search arrest ako ng Tatay ko.
Kung tutuusin, mas kilala pa nga 'ko nu'ng bodyguard ko na 'yon kaysa sa sarili kong Ama. God! I'm really pissed off. Chinat ko na rin si Mama tungkol sa nangyari. Kahit ang layo niya na, she's still my diary. Siya na lang din nakaka-gets sa'kin besides...
Okay, naalala ko nanaman si Sol.
Ang kalat ko. Fuck.
Pinatay ko na ang phone ko. Sana na lang, mabasa agad ni Mama. I need to rest. I've dealt with so much trauma and thinking today. Hinagis ko ang phone ko sa tabi. Napansin ko muli ang mga pictures.
Kailangan ko nga pala ayusin 'to.
Inisa - isa ko mga pictures. Kahit papaano ay napangiti ako. I really like taking pictures, they give off different vibes in different kinds of situations. They also convey a lot of meaning if you look closer. I sighed as I remembered him again. Si kuyang nakabangga ko.
He seemed nice, binigyan pa'ko ng alcohol. Parang ang saya rin niya kasama sa photoshoots, knowing na he's an artist. Napangiti ako pero, shit, it could really be him, right? Si Sol? There's like a 5% chance. Sobrang tugma e. The beanie itself pa lang. Him, being an artist, and the way he looks at me...
May something. Parang connected kami in a way? Kasi nu'ng nakita ko siya hindi man lang ako nakaramdam ng takot. That much warmth, and that much comfort, baka siya talaga 'yon? Baka maka-close ko pa siya lalo through Carlos. But is it really worth getting another stranger into my life?
Napa-upo ako ulit. Grabe, Sab. Napra-praning ka na naman. I really need to set my priorities. Inayos ko muli ang pictures hanggang sa may nahagilap ako na hindi sa'kin.
"Drawing 'to ah? Hindi naman ako nagdra-drawing..."
I slid the pictures away, then I saw the drawing clearly. Nanlaki ang mata ko, this can't be true...
Bakit kamukha ko?
- - -
M A V Y
Nilapag ko ang sampaloc sa la mesa sa kusina. Sobrang balisa ko, nakaligtaan ko man lang batiin si Ate pagdating ko ng bahay. Hanggang ngayon sobrang bilis pa rin ng tibok ng puso ko. Hindi ako makapaniwala. Hindi ako makampante. Hindi ako mapakali.
Napansin yata ito ni Ate at hinawakan ang braso ko, "Huy! Ayos ka lang?"
Nanginginig ako at ang daming tanong pumapasok sa isip ko. Siya kaya 'yon? Sino 'yon? Siya ba si Sabrina? O siya ba si Luna? Bakit sa tingin ko nakilala ko na siya noon? Nakita ko na siya noon? Kapag hindi ko nalaman mga sagot sa tanong ko, baka may makaligtaan ako. Kung papapasukin ko si Sab sa buhay ko, paano kung dumating bigla 'yung totoong Luna? Pero paano kung si Sab nga 'yun? Tapos nanahimik lang ako? Tapos may nagustuhan bigla siyang iba? Kailan kong bumalik doon sa park, baka nandoon pa siya. Sa'n kaya siya nakatira? Bakit ko ba siya hindi kinausap? Bakit tumawag pa—"MAVY!"
Dahan-dahang napalitan ang mga ingay sa ulo ko ng mga tunog sa bahay, ang pagsasalita ng TV, ang pag - andar ng electric fan, ang lagaslas ng gripong naiwan ni Ate kakaalala sa'kin. Kumurap ako nang ilang beses. Nakatingin lang sa'kin si Ate, at hiniawakan ako sa balikat. "Anong nangyayari sa'yo? Ayos ka lang ba? Nainom—"
Pumikit ako at huminga muli nang malalim. "Matagal ko nang tinigil 'di ba? Ayos lang ako, Ate. Na-trigger lang ako nang sobra kanina. Okay lang ako, Salamat."
Naglakad ako papuntang sofa. Nakita ko si Potchi, 'yung pomeranian namin. Nakatitig lang siya sa akin. Nakakagaan talaga siya, itsura pa lang. Balahibo niyang malambot at mga matang nakatitig na hindi mo na mapigilan ang sarili mong mapangiti. Sabay mo pa ang maliit niyang pigura.
Naupo na ako. Nilapitan ako ni Potchi pero hindi ko siya pinansin. Nilapag ko ang bag ko at tinabihan ako ni Ate. Na sa may tuhod ko si Potchi at tila hinihimas niya ang ulo niya sa binti ko.
Kailangan ko kumalma. Kailangan ko 'to kontrolin. Hindi ako puwede magpatinag. Kaya ko 'to. Mabilis lang 'to. Lilipas din 'to. Hihinga lang ako nang malalim. Hindi muna ako mag - iisip.
"Hinga malalim. Ito, oh, tubig." inabot sa'kin ni Ate at ininom ko ito.
Kaya kong kumalma. Walang mangyayaring masama. Pinapangunahan mo nanamn lahat. Wala lang 'to. Kaya mo 'to. Nandito kapatid mo.
Pumikit ako muli at medyo umaayos na ang pakiramdam ko. Tinanggal ni Ate ang suot kong beanie. Medyo nakakahinga na'ko nang maluwag. Magaan na rin ang dibdib. Kaya ko 'to.
"Mavy, okay lang 'yan. Kaya mo 'yan. Nalagpasan mo na 'to. Nandito ako. Magsabi ka kung ano nararamdaman mo."
Marami akong nararamdaman. Sabay - sabay. "Ayos lang ako, Ate. I-tuloy mo na pagluto mo ng Sinigang. Para maka-kain na tayo." medyo hingal kong sabi.
Huminga pa'ko nang malalim. Isinantabi ko ang mga naiisip ko. Kumuha ako ng unan at pinisil - pisil ito. Si Potchi naman ay naka-sandal sa akin. Sumampa siya sa sofa at isiniksik ang katawan niya sa tabi ko. Nasa tabi ko lang si Ate at alam kong marami siyang sinasabi. Sa ngayon, kailangan kong kontrolin iniisip ko. Tinitigan ko si Potchi at kahit papaano ay nakatulong magpatahimik.
Tinanggal ko ang unan at kinarga siya. Nabigla ako nang dinilaan niya ako nang dahan-dahan sa kamay. Parang may malasakit din.
Medyo nahimasmasan na 'ko. Naramdaman ko rin ang yakap ng Ate ko.
Okay ako. Kalmado ako. Walang masamang mangyayari. Okay lang ako.
Hinimas himas ko ang balahibo ni Potchi. "Okay na'ko, Potchi, Thank you."
Ibinaba ko na si Potchi at nakampante na rin siya na okay lang ako. Naramdaman ko ang init ng kamay ni Ate nang ipatong niya ito sa ulo ko. "Okay ka na? Kumusta?"
Niyakap ko siya. "Okay na, Ate. Salamat."
"Sigurado ka ah? Lulutuin ko na 'yon? Ayos ka na ha?" paniniguro niya.
Tumango ako, "Okay na. Salamat ulit. Magbibihis lang ako sa kwarto." tumayo ako at kinuha ang bag ko.
"Kaya mo ha?" pahabol pa niya at tumango na lang ako.
Pumasok ako sa kwarto ko at isinara ang pinto. Ngunit, sinundan pa rin pala ako ni Potchi. "Uy! Bawal ka rito, Potchi."
Binuhat ko si Potchi at hinimas - himas ang na sa likod ng tenga niya. "Gusto mo 'yan? Hm? Tuwa ka?" natawa na lang ako dahil parang nakangiti siya.
Ang cute talaga ng mga aso. Sobrang nakakatuwa sila kasama. Alam na alam mong mahal ka rin nila at nag-aalala rin sila sa'yo.
Binaba ko na siya dahil marami pa'kong kailangan asikasuhin. Buti naman at humiga na lang siya sa lapag at hindi na'ko nilapitan pa. Baka kasi manggulo siya bigla.
Tinanggal ko mga gamit sa bag at inayos sa kama. Naguguluhan ako pero, hindi ko na ito masyado napansin. Salamat na lang talaga at nakakayan ko nang kalmahin sarili ko.
Nagpalit muna ako ng damit bago humilata sa kama. Grabe, pagod na pagod buong katawan ko.
Tinignan ko ang kalendaryo sa aking tabi. Ngayong biyernes na pala practice namin. Ta's next week na pasahan ko nu'ng sa comic. Sa susunod naman na buwan na 'yong dance contest. Jusko, kakayanin ko ba 'to?
Nilabas ko ang isang journal, pagkatapos ay nilagyan ko ng ekis ang mga bagay na nagawa ko na. Ang hirap kasi kapag may nakaligtaan ako, nalilito ako.
Sinulat ko rin ang mga darating na events pati na rin mga kailangan gawin bukas. Grabe, dati ko pa naman 'to nagagawa pero parang nakakapagod ngayon?
Tinago ko muli ang journal at inayos na ang mga drawings ko. At ayon, may bahid ng putik pa rin.
"Jusko naman, uulitin ko na naman 'to."
Napa-iling na lang ako at napakamot ng ulo. Halos hindi ko kayang hawakan 'yong mga papel. Sayang talaga nakakairita.
Nagbahid muna ako ng alcohol bago hawakan isa - isa. Kailangan ko picturan para babakatin ko na lang ulit o 'di kaya ay gawin na lang reference.
Nang maka - lima na'ko— Nakakita ako ng isang colored at makapal na papel. Parang 'di akin 'to?
Nilagay ko sa isang tabi ang mga drawings. Kinuha ko ang isang litrato. Pinagmasdan ko ito at para bang, nakita ko na 'to noon?
Isa siyang picture ng mga nagra-rally. Teka, nagra-rally? Ito ba 'yong naabutan ko nu'ng nakaraang araw? Tinignan ko nang maigi ang litrato. Parang pamilyar. Hindi kaya—
'Yong nakabangga ko kanina!
Siya kaya kumuha nito? Hindi hamak na sa kaniya 'tong litrato na 'to. Siya rin dahilan ba't ako nabaliw kakaisip ng iba't ibang tanong. Sino ba siya? Muntikan ko na siyang tanungin kung hindi lang sana ako tinawagan ni Ate.
Hinaplos ko ang litrato. Tinignan ko bawat sulok kung sakaling may naka-imprintang pangalan ng kumuha. Ngunit, wala akong nakita. Binaligtad ko ang litrato...
Madrid Photo & Co.