Chereads / Sol at Luna / Chapter 6 - Kabanata 4: Siya Kaya 'Yon?

Chapter 6 - Kabanata 4: Siya Kaya 'Yon?

Pabalik na ko sa kotse ko. Dere - deretso lang talaga siya naglakad papalayo sa'kin. Hindi man lang ba talaga niya 'ko napansin? Pinsan yata 'yon ni Carlos.

Kung siya 'yon, nandito lang malapit si Carlos. Pero, pa'no kung hindi?

Why the fuck am I getting nervous all of a sudden?

Hindi ko namalayan na nakatayo lang pala ako na parang tanga sa gitna ng sidewalk. Sinampal ko ang noo ko, damn it, Sab! Get ahold of yourself. Naglakad na'ko papunta sa parking at naabutan si Carlos na nag - aantay.

"Oh, musta kamay mo?" Pinindot ko lang ang susi ng kotse at pumasok kami. So, pinsan niya nga 'yong nakabangga ko?

"It's fine." inangat ko sa kaniya at wala namang bahid ng dugo.

"Parang balisa ka ah? Anyari?" Hindi ko siya pinansin. Huminga ako nang malalim.

Umayos ako ng pagkaka-upo and I remembered Ely touched me. Fuck, another traumatic experience. What a life.

Tahimik kaming bumyahe ni Carlos. Hindi na niya 'ko tinanong pa. It's better that way. Ayoko na rin magkuwento, baka mamaya, humagulgol na naman ako. I'm also kind of feeling shaky at the moment. Kailangan ko lang kumalma, oo. Tama.

But one thing's for sure. Ayoko na makita si Elias. Never in my goddamn life would I want to see his face again. Pinagbigyan ko lang siya ngayon. Pero, at the back of my mind nacu-curious pa rin ako sa pinsan ni Carlos. Nakuwento na niya kasi sa akin kung paano natulungan si Carlos ng family niya, at kung ano ba work niya ngayon. Beyond that, maski picture, wala na akong alam.

Tumigil ako sa stop light. I took a glance at Carlos, nakatingin din pala siya. Nakikiramdam 'to.Bumuntong - hininga ako, "I'm fine. Ely just touched my chest kaya ko nagawa sa kaniya 'yun."

"BITCH, WHAT?!" Napahampas siya sa dashboard. "HE DID WHAT?!"

Binatukan ko siya, "BAKIT MO 'KO BINABATUKAN?"

"Ang lakas ng boses mo nakakairita." umirap ako. "And hindi ko alam if pinsan mo 'yong nakabangga ko kanina."

"Nagmamadali ba at naka-pulang beanie? Kung oo, siya 'yon." sabi niya at pinaandar ko ang kotse, "Tangina nu'ng Elias na 'yon ah. Buti na lang sinapak mo."

Tumango na lang ako. Ayoko na pag-usapan. "Sana tinawag mo ko para may resbak ka!"

Natawa ako pero iniba ko ang topic, "Tingin mo... Pinsan mo 'yong kine-kuwento ko sa'yo?"

"Hindi ko alam e. Posible, pero ewan." sabi niya at nakarating na kami sa building ng mga De Vegas.

Ang peculiar lang ng pulang beanie na 'yun. It reminds me of Sol and all the weird stuff he does. Minsan na rin akong umasa na makita ko siya sa park kaso, wala eh. Wala pa.

Ba't ba kasi hindi ako pumayag na magbigayan kami ng pangalan noon?

Lumabas na rin ako ng kotse at sabay kaming pumasok ni Carlos sa loob ng building. Umakyat kami sa 12th floor. I need to get busy, para hindi ko na masyado maalala mga ganap kanina.

"Iniisip mo pa rin ba 'yong pinsan ko?"

Fuck, halata ba masyado? Nakaka-curious kasi talaga. Hindi kaya, pinsan ni Carlos si Sol?

"Uh, hindi ah. Sinong pinsan ba?"

"Alam mo ikaw, ang shunga mo talagamag sinungaling." tinignan niya ko ng masama.

"Pakyu." tinawanan lang niya ko.

Lumabas na kami ng elevator at bumungad sa'kin ang isang automatic glass door. God, gusto ko nito 'pag nagkaroon ako ng sariling building.

Pumasok kami ni Carlos at nilapitan kami ng isang babae. "Carlos and Sabrina? Hinihintay na po kayo ni Sir Gerald. Sunod po kayo sa'kin."

Nginitian namin siya. "Pa'no niya tayo nakilala?"

"Profile sa portfolio, 'te. Outdated ka?" sinungitan ako ni Carlos.

"Problema mo?"

"Shut up."

Natawa ako nang maalala ko kung bakit, "Shuta, kinakabahan ang gago."

Ganiyan si Carlos kapag kinakabahan. Hindi kasi raw siya pala-kausap ng tao. Bihira lang lumabas 'yong matapang na side niya. Mahiyain din 'tong kaibigan ko na 'to. Parehas lang halos kami.

We entered a large conference room. Marami ba kami? Napahawak sa braso ko si Carlos. Same, p're, same. I'm getting nervous too.

Most of our clients are done online. Walang face-to-face meetings. Sesend lang nila 'yong address na isho-shoot, then some bookings. After nu'n, ide-deliver na lang 'yong pictures. Easy as that.

Pinaupo kami at pinaghintay kay Mr. De Vegas. Currently may kausap daw siya sa phone.Napahawak ako sa mga braso ko 'cause it's so cold in here. Naka - flannel lang ako na medyo manipis. Napatingin ako kay Carlos and he looked really serious. Mukhang constipated ang gago.

Sinapak ko siya sa braso, "Umayos ka nga!"

"Nilalamig ako!"

"Gago! kinakabahan ka lang!" ginulo ko ang buhok niya. "Kaya natin 'to, alright? Calm down, Besh."

Pilit siyang ngumiti sa'kin at matapos ang ilan pang mga minuto ay nakita na namin si Sir Gerald De Vegas.

- - -

M A V Y

Dali - dali akong pumunta sa fastfood chain kung saan makikipagkita si Ate. Kinakabahan ako nang sobra. Bakit ganito? Ano ba mayroon? Bakit ganitong oras? Hindi ba siya pumasok?

Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Nasaan ka na ba, Ate? Tinignan ko muli ang cellphone ko at wala na siyang iba pang text. Wala naman akong pangtawag. Ano kayang problema? Sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

Maya - maya ay nakita ko na si Ate papasok. Medyo maayos naman ang mukha niya pero parang nakakaramdam na'ko na may masamang nangyari. Mukha siyang irita.

Nakita na niya 'ko at umupo sa tapat ko. "Ate, anong mayroon? Napano ka? May nangyari ba sa'yo?"

Hinawakan ko ang kamay niya. Nanlalamig ito. Bumuntong - hininga siya. "Natanggal ako sa trabaho."

Bakit matatanggal si Ate, e, matagal na siya nagtra-trabaho doon?

"Duon sa BPO? Bakit? May ginawa ka ba? Anong nangyari? Nasangkot ka ba sa issue o—"

"Wala, Mavy." hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko. "Nilipat daw kasi sa India 'yong work namin. Binigyan na lang kami ng isang buwan para makapag-hanap ng bagong trabaho."

"Hala, pa'no 'yan, Ate? Ang tagal mo na diyan sa trabaho mo ah? 2 years? 3 years? Grabe naman sila."

"Huwag ka muna mag - alala. May makukuha naman akong seperation pay. Ang masakit lang e, maghahanap na naman ako ng bagong trabaho. Ang dami pa naman ka-kompetensya ngayon."

Sobrang nakakadismaya naman na natanggal si Ate dahil sa isang bagay na hindi niya naman kasalanan. Pero, mabuti na rin at makakapag- pahinga siya. Lalo na't lagi siyang na sa graveyard shift.

"Hayaan mo na, Ate. Ako na bahala. Nagpapadala pa rin naman 'yong asawa ni Mama. Isa pa, kaya ko naman na ako muna gagastos para sa'tin." sabi ko upang mapagaan ang loob niya.

Bumuntong - hininga siya muli at napasandal sa upuan niya. "Alam kong pinapadalhan tayo nila Mama saka may trabaho ka naman, but I feel useless. Buong buhay ko wala akong ibang inisip kun'di paano tayo mabubuhay na wala si Mama at si Tatay."

Kita ko sa mga mata ni Ate na sobrang na-dismaya siya. Kung tutuusin, kahit hindi na siya magtrabaho, ayos lang. Sapat naman 'yong kinikita ko sa comics na ginagawa ko. Kaya, bawat pera na dumadaan sa'min, sobrang pinapahalagahan namin.

Sa hirap ng buhay na napagdaanan namin noon, dagdag mo pa na iniwan kami ng Nanay namin pati ng Tatay namin. Si Ate na ang tumayo bilang magulang ko. Inako niya lahat. Kaya oras na para ako naman ang mag - alaga at mag-asikaso sa kaniya.

"Ate, may kuwenta ka, 'wag mo sabihin na wala. Kaya ko naman na ako 'yong tutustos sa'tin parehas. Isa pa, sobrang laki ng utang na loob ko sa'yo. Kaya huwag na huwag mong sasabihin na wala kang kuwenta."

"Pero, Mavy. Mas matanda ako sa'yo. It's my responsibility bilang kapatid mo. Ayaw na ayaw ni Mama na mapabayaan kita."

"Hindi mo naman ako pinapabayaan e. Malaki na tayo parehas, Ate. May trabaho ako, may bahay tayo, sila Mama nagpapadala naman. Saka, 'wag ka mag - alala..." hinawakan ko ang kaniyang kamay.

"Makakahanap ka rin ng trabaho at tutulungan kita kung gusto mo. Sa ngayon, magpahinga ka muna, Ate. Ako na muna bahala." ngumiti ako at ngumiti rin siya pabalik.

"Papasalamat talaga ako at napalaki kita nang maayos. Buti na lang at ikaw ang naging kapatid ko."

"Buong buhay ko ikaw ang nag - aalaga sa'kin at umiintindi sa'kin. Sa ngayon, ako na muna gagawa nu'n sa mga natitirang panahon na wala ka pang trabaho."

"Salamat sa pag - intindi. Sorry, Mavy ah? Magiging pabigat na'ko sa'yo." umiling ako.

"Hindi ka magiging pabigat sa'kin, Ate. Tayo - tayo na nga lang magtutulungan e." sabi ko at ipinakita sa kaniya ang schedule ko para sa susunod na linggo.

"May dance contest ulit akong raket." napangiti siya dahil alam kong gustong - gusto ni Ate na makita akong sumasayaw, "Manonood ka ha?"

"Oo naman. Salamat nang sobra, Mavy. 'Di bale, kapag nakapaghanap ako ng trabaho, bibilhin ko sa'yo 'yong latest na drawing tablet."

Natawa na lang ako dahil hindi naman niya kailangan gawin 'yon. "Ate, 'wag na. Sapat na sa'kin 'yong luma ko na bigay ni Carlos. Tiwala lang, Ate. Kaya 'yan."

Umalis na kami at pinauwi ko na si Ate. Mabuti na magpahinga muna siya sa bahay at ako na muna ang kikilos. Minsan ko na rin kasing naisip na baka ako 'yong pabigat. Tutal, 'yong sahod ko sa pagiging artist hindi naman laging consistent. Mahirap mag-commission pero kakayanin.Ayaw rin naman namin na umasa kay Mama na may iba nang pamilya.

"Huwag mo papaalam kay Mama ha?"

"Oo naman, sa'tin - sa'tin lang 'to." sabi ko at niyakap ako ni Ate. Wala na rin naman akong contact kay Mama.

"Uwi ka kaagad ah? Magluluto akong paborito mong Sinigang. May sampaloc ba sa ref?" tanong niya.

"Meron yata, tawagan mo na lang ako Ate para bibili na lang ako kung sakaling wala." sabi ko at pumara na ng FX para sa kaniya.

"O sige, bye, Mavy. Salamat. Ingat ka mamaya pag - uwi mo." sabi niya at sumakay na ng FX.Pinagmasdan kong umalis ang FX sa harapan ko. Sa ngayon, hindi ko alam kung ano gagawin ko. Pero, ayoko muna umuwi sa bahay.

Tinignan ko ang cellphone ko at tinext si Carlos na pupunta ako sa Park. Baka doon, matapos namin 'yong pinag-uusapan namin kanina. Kung hindi, sa susunod na lang siguro.

Sumakay na lang ako ng Taxi papunta sa Park. Ayoko na gumitgit sa mga tao sa LRT. Nakakapanghina. Baka rin mamaya ay lumagpas ako sa sobrang lalim ng iniisip ko.Nagpahid muli ako ng alcohol sa kamay nang ako'y makasakay sa loob. Inayos ko ang loob ng bag ko at napakunot ako ng noo nang makita ko itong magulo.

Ano ba naman 'to. Aayusin mo na nga lang e, papasok mo na lang. May file holder ka pa nga. Mamatay ka talaga nang maaga.

Huminga ako nang malalim. Ambilis na naman ng tibok ng puso ko. Teka nga, kailangan ko huminahon. Maayos din problema ko. Simple lang naman e. Kaya ko 'to.

Lumipas ang oras at nakarating na rin kami. Nagbayad ako at lumabas na ng Taxi.Bumungad sa'kin ang isang napaka-lakas na hangin—ang sarap sa pakiramdam, nakakaginhawa.

Tinignan ko ang cellphone ko at nag-reply na sa'kin si Carlos.

***

Carlos TM

Punta ko Park.

Kita tayo ulit?

Di ako pede ngayon.

Daming aasikasuhin para sa ps

Ah ganun ba sige saka na lang?

Puntahan kita sa fri. Sabi ni Edgar may prac daw kayo?

***

Natawa ako nang maalala ko kabaliwan ng mga tropa ko sa sayaw. At nakakagulat din na bigla akong nahumaling doon mula sa pagguhit. Malapit na akong magtapos nang high school nang magpaalam kami ni Luna sa isa't isa. At nang mga panahong 'yun, tuwing gumuguhit ako, naaalala ko lang uli ang pangako namin sa isa't isa na balang araw, magko-collab kami gamit ang kaniya kaniyang kakahayan sa art.

Masiyadong mabigat sariwain ang mga ganu'ng pangako na walang kasiguraduhan. Mas lalo kong naramdaman 'yung bigat dahil advertising ang kinuha ko sa college, may kinalaman pa rin sa pagguhit, may kinalaman pa rin sa pag - alala sa kaniya. Doon ko naisipang kailangan ko ng outlet. Buti na lang, hinatak ako ni Carlos sa dance group nila.

Sa pag-mature ko sa pagsayaw, mas natuto akong hawakan ang mga nararamdaman ko. Nakakatawa lang din isipin na si Carlos, ang mismong naghatak sa akin sa pagsayaw, ay mas nauna pang umalis sa grupo. Napilayan kasi siya noon.

***

Carlos TM

Oo, sasali uli ako kela Edgar. Kelangan ko talaga ng pera.

Oh bakit?

Di ba sapat naman kita mo saka ng Ate mo?

Musta pala si Ate Malaya?

Nawalan ng trabaho pre.

Kaya kailangan ko talaga sumali sa dance contest

Ay ganon?

Teka, sa De Vegas & Co. ba yan????

Oo ata???

Bakit??

Dyan kami magshshoot next week.

Sakto pala

***

Nanlaki mga mata ko. Ang gandang balita naman nu'n. Hindi lang si Ate ang manonood sa'kin. Pati si Carlos. Sana talaga manalo grupo namin. Matagal - tagal na rin simula nu'ng sumasayaw pa'ko.

***

Carlos TM

Dyan kami magshshoot next week.

Sakto pala

Nga pala,,, kasama mo ba yong babae kanina?

Oo siya head at boss namin bakit?

***

Hindi ko masabi kung gusto ko makita 'yong babaeng 'yon. Pero, parang ang angas niya. Hindi ko alam kung bakit pero may nararamdaman akong kakaiba sa tindig niya, na parang magkakasundo kami. Napaka-imposible naman siguro kung siya si Luna.

***

Carlos TM

HOY bakET!!!

CURIOUS KA NOH CRUSH MO NOH??

PANO NA SI SAILOR SUN MO HOY

LUNA PALA MALI

BALIW!

deliks nga diba??

Us2 ko lang makilala kase

Aysusss baka naman iniisip mo si Sabrina yong Sailor Sun/Luna mo

Ewan hahaha

***

Tinago ko na ang cellphone ko at naglakad - lakad. Huli ko na napansin na nakatayo lang pala ako na parang ewan sa sidewalk. At alam ko kung saan ako makakapahinga muna nang mapayapa. 'Dun ako, sa liblib na bahagi na tambayan namin ni Luna.

Sumilong ako sa ilalim ng isang puno. Naglatag ng panyo sa damuhan, at inupuan ito. Malilim, mapayapa, sapat lang ang sinag ng araw. Buti pa dito, wala masiyadong nagbago. Napalingon ako sa kanan at nakitang muli ang swing, walang tao. Tinitigan ko lang ito...

Si Luna kaya, ibang iba na kaya siya ngayon?

Bakit ba kasi hindi kami nagsabihan ng pangalan? Paano na lang kung nag-iba itsura niya? 10-11 taon na rin 'yon. Baka nagka-amnesia siya o 'di kaya nagpa-retoke.

Umiling ako. Hindi, hindi gan'on 'yong taong 'yon.

Nilabas ko ang hiwa - hiwalay kong sketch pad. Hindi ko na rin maalala ba't nasira 'to pero sayang naman. Nu'ng mga unang sem ko sa college, may mga panahong sinusubukan kong i-guhit ang mukha niya, para lang ma-tansa kung gaano karami pa ba talaga ang naaalala ko sa kaniya. Isa sa mga dahilan kung bakit ako nahumaling gumuhit ay dahil sa memorya ko sa mga detalye, at nagamit ko 'yun sa pag - alala ng mukha niya.

Mukha akong tanga, oo. Pero parang ang sarap ulitin. Napapaisip ako kung ano na itsura niya ngayon.

Naglabas ako ng drawing pen at isa isang ni-recall ang mga katangian niya, mga malalalim niyang mata na nakakalunod, buhok niya na bumabawi ng hininga ko kapag nakalugay, ngiti niya, na kalahati lang, pero halo halong emosyon na ang nadadala.Hindi ko alam kung tugma pa ba ito sa mukhang nakasama ko taon taon nang nakalipas.

Pero ano naman? Gumuhit lang ako para kumalma.

Tinanggal ko ang suot kong beanie dahil pinapawisan ako. Ano ba naman, Mavy. Ba't ka nagkakaganito ng dahil lang sa babae?

Pinagmasdan ko muli ang sketch ko. Kung tutuusin, ang tagal na mula nang huli kong na-sketch 'to. Pero, iba pakiramdam ko ngayon. Bakit kaya? Nakakapanibago talaga. Parang naging pamilyar uli bigla 'yung mukha niya.

Okay, kalma. Random na tao lang 'to.

Tumayo na lang ako at naisipang umuwi. Habang naglalakad inaayos ko ang hiwa - hiwalay na papel sa sketchpad ko. Nakakapagtaka bakit ba'ko nagkakaganito? Pwede naman na kalimutan ko na lang?

Pero kasi, 'yong kuwintas— 'yon ang tanging pinanghahawakan ko e. At sa tuwing nandito ako, sa park na 'to. Naalala ko siya. Si Sabrina nga ba talaga 'yon? Pa'no kung hindi? Ang hirap mag-conclude nang padalos-dalos kasi baka mamaya—

"Hala sorry!"