Chereads / Sol at Luna / Chapter 5 - Kabanata 3: Ba't 'Di Siya Ligawan Mo?

Chapter 5 - Kabanata 3: Ba't 'Di Siya Ligawan Mo?

"Ano?" kumunot ang noo ni Carlos.

"Sino 'yon? May girlfriend ka na?"

Mukha yata akong nakiki-epal. Pero kasi, nakakapagtaka na itong pinsan ko may kayakap na babae. Maarte kaya 'to.

"Tangina mo, kapatid lang turing ko du'n." Natawa siya. "Mapili ako sa tao. Alam mo 'yan, 'di ba?"

"Weh? Maniwala? Kadugo kita alam ko mga type mo," inayos ko ang pagkakalatag ng mga drawing ko. "Sino nga 'yon?"

"Oo, alam mo type ko; type B positive," inirapan niya ko muli at inilapit ang mukha niya sa mesa. "Katrabaho ko 'yon na ka-parehas mong may inaantay. Huwag mo na alamin kung sino siya, mainit 'yan." Sabi niya at sumandal na sa upuan.

"Mainit? Ano siya? Kape? Bastos ka ah," binato niya ko ng tissue. "Inaano ba kita?!"

"Gago, mainitin ang ulo kako! Saka may nanliligaw na 'di ko rin maintindihan."

"Ah." Sinaksak ko na ang flash drive sa laptop ko, "Deliks tayo diyan."

"Kasi inaantay mo si Sailor moon, este Sailor sun mo?"

"Hindi ko alam ba't kita pinsan." tinignan ko siya nang masama, "At hindi 'yon Sailor moon or Sailor Sun. Luna kasi, okay?"

Tama naman siya. May inaantay rin ako.

"Tanong mo si lolo at lola baka masagot ka nila." Hindi ko na siya pinansin,"May pa-Luna Luna ka pa diyan, e baka ikaw lang nag - imbento ng pangalan na 'yun."

"Siya." sagot ko at inilatag ang drawings ko sa isang tabi.

"So, ikaw si Sol?" Naglapag ang staff ng isang tasa ng kape sa harapan niya, "Akin 'to?"

"Ay hindi, kay Batman." binato na naman niya ko ng tissue. "Ano ba! Aksayado. Nanahimik ako rito ah!"

Tinawanan lang niya ko. Hilig talaga niya mang - asar. "I miss you, yie! Kilig junjun."

"Problema mo?" nabuksan ko na ang story outline ko maski mga panels ko. "O ito, tignan mo na para hindi kung ano - ano sinasabi mo."

Hinarap ko ang laptop ko sa kaniya. Humigop siya ng kape niya, "Grabe 'di mo ko na-miss. Ito lang ba talaga ginagawa mo?"

"Oo, araw - araw. Gabi - gabi. Puro ako sketch, isip, sketch. Konti na lang mapuputol na kamay ko." natawa kami parehas sa sinabi ko.

"O sige, basahin ko muna. Saka kita bibigyan ng suggestions."

Napangiti na lang ako at kumain ulit ng cake. Buti na lang talaga may kasama akong pinsan dito sa Pinas. Kahit napaka - kulit niya. Halos lahat kasi ng mga pinsan ko na sa ibang bansa. Mga doctor, mga online sellers, samantalang 'yong iba, ayon, ewan. Walang balita.

Pinsan ko si Carlos sa side ng Nanay ko. Minsan na rin kasi siyang tumira kasama namin ni Ate. Saka, iba talaga closeness namin nito. Hindi lang halata.

Tinignan ko ang cellphone ko at may isang text galing kay Ate.

Biglang bumilis tibok ng puso ko. Bihira lang magtext si Ate, madalas ay tumatawag siya sa'kin. Anong mayroon? Bakit siya nag-text? May masama kayang nangyari?

"Huy, ano problema?" hindi ko siya pinansin at tinignan ang text message ni Ate.

"Si Ate..."

* * *

S A B R I N A

"Sige na, pasok ka na, Carlos. I can handle myself." Sabi ko habang naka-dungaw siya sa pintuan ng sasakyan ko.

"Sure ka? Puwede naman sumama 'yong pinsan ko for backup, 'di naman siya—" hinawakan ko siya sa braso.

"Dali na, Sab. Para lang safe ka. Ayun siya oh," ngumuso siya sa kabilang side ng kalye. Nakita ko ang isang morenong naka hoodie at beanie na dark red. Kumaway siya kay Carlos. At sumenyas si Carlos pabalik.

"No. Go in there and I'll just call you if I need help," tinignan lang niya 'ko and I pulled him by the wrists to wrap my arms around him. "Thanks, Carlos."

Yumakap din siya pabalik. Sa totoo lang, medyo kinakabahan ako. Lalo na't lahat ng posible kong gawin kay Elias ay aabot sa Tatay ko. Mahirap din kasi na sa public place kami. Pero sa oras na bastusin niya 'ko. Nako.

'Di bale, I've done it before. I can do it again.

"Bye, Sab! Ingat ka ha. At tumawag. sinasabi ko sa'yo." tumango na lang ako at naglakad.

I backed the car a bit para maka-buwelo. I gave one last glance sa pinsan niya, mukhang nahiya siya at yumuko.

Pulang beanie...

Hinubad niya ito, inayos ang buhok niya, at huminga nang malalim. Medyo bumilis na naman tibok ng puso ko pero, hindi ngayon ang oras para alahanin siya.

Si Ely, si Ely.

I lowered my window at kumaway ulit kay Carlos. I saw his cousin's eyes slightly turn to me. Sinara ko na uli. Hindi naman niya siguro ako minamanyak 'di ba? 'Yong tingin niya kasi, hindi nakakatakot.

He looks curious. He also looked at me like he knows me.

I drove on and took a deep breath. Kailangan kong paghandaan ang pakikipag - usap kay Ely. It's now or never. Tama rin naman si Carlos, I really need to face Ely whether I like it or not. At least sinubukan ko 'di ba?

Sumilip muna ako sa Cafe Te Amo kung nandoon na siya, nakaupo sa may table sa bintana, with a cup of hot coffee. He's early. Ay, joke lang, late pala ako.

It's quarter to two. Well, wala naman akong pake. Sino ba siya para siputin ko nang maaga? Flight ba siya papuntang America? Hell, no.

Pumasok na'ko sa Cafe at nahagilap na agad ako ng kaniyang mga mata. Those eyes still remind me of hundreds of his lies. Jerk. I wonder kung paano niya ko natitignan nang deretso matapos ng lahat ng ginawa niya sa'kin.

Umupo ako sa tapat niya. Parang paos siya. And his posture looks odd, like he's trying to balance his head.

"Dumating ka rin, paalis na sana ako nang— Ano 'to?" Binagsak ko sa mesa ang isang manipis at pahabang papel.

"100 thousand. Pera lang naman habol mo sa'min 'di ba? Lumayas na sa buhay ko, puwede? Sabihin mo kay Papa na hindi mo na'ko gusto. Totoo naman 'di ba?"

Ngumiti siya sa'kin and his eyes turned sharp. Paano nagkakagusto mga babae rito sa lalaking 'to? Mukha siyang fuckboy.

Joke lang. Fuckboy talaga siya.

"After almost 10 years, Sab." Binagsak niya and siko niya sa mesa. Tingin mo ba pera lang habol ko sa'yo?"

"Sex, maybe? Don't bullshit me, Ely." Nagtitigan kami. "I know you too damn well."

He jerked his head to the right, keeping his look on me. "Mikaela Sabrina, I've fallen in love with you the moment I saw your face. Isa pa, I don't need your money, I got lots of them in my bank account. Kung gusto mo, share pa tayo doon," he winked at me.

Disgusting. "Plus, gusto ako ng tatay mo and isn't that a good thing? Besides, hindi na ako cheater ngayon, Sab."

"Marami rin akong pera sa bank account ko. Gusto ka pala ng Tatay ko. Ba't 'di siya ligawan mo?"

I'm right, aren't I? Pakielam ko kung trip siya ng Tatay ko. As if that would change my fucking mind.

Tumawa siya, "God, you amuse me, Sab. Why not give me a shot?"

Umirap ako. Then I rested my left hand on the table at inilapit ang mukha ko sa mukha niya. "Woah, girl. Ang bilis mo ha? Pakasal na ba tayo?" sabi niya.

Naamoy ko ang kaniyang napakatapang na pabango and... is that vodka?

"You want a shot, Ely?"

Tumango siya and he placed his left hand on my collarbone, and slowly, hinimas niya ang dibdib ko using his thumb. Stupid motherfucker. Two can play at that game.

My left hand clenched to a fist. Without lifting it, umatras ako nang onti. "Well, here's a fucking shot!" Lumipad ang kamao ko, sakto sa cheekbone niya.

I grabbed his coffee, and I spilled it between his legs. "Stop messing with me, Ely. Kahit kailan hindi ko magugustuhan ang isang mayabang, manggagamit, manyak, at cheater na tulad mo."

Inayos ko na ang mga gamit ko sa bag, nag-aakmang umalis. Siya, nakatitig na lang. I can feel his pain on each of his heavy breaths. Ikaw ba naman mabuhusan ng mainit na kape down there. Ngunit, hindi pa rin siya nagpatinag.

"Why the fuck did you hit my beautiful face?"

I forgot to mention he's also a narcissistic bitch.

Tumayo ako, at tumingin sa kaniya. Bakat na bakat ang espresso sa kulay puti niyang fuckboy pants. Nakahimas ang isang kamay sa pisnging namumula, at 'yong isa naman ay nandoon sa baba. Lahat din ng mga tao sa restaurant ay nakatingin sa amin.

"Because you fucking deserve it. Fuck you, Ely. Get out of my fucking life." I raised my middle finger at him. I felt the air of awkwardness and worry as I turned to the exit.

Ang sarap and that's what you get Ely for being such a jerk.

Confident akong naglakad. Sana talaga tigilan na'ko ni stupid mother fucker. Tinext ko si Carlos at sinabi ko lahat ng nangyari.

***

Matthew Carlos

Guess what, Carlos

Sinapak ko siya HAHAHAHA

What?! Seryoso ka ba???

Mm hmm

Sakit nga ng kamay ko e. Tigas kasi ng mukha niya

***

I mean, matigas kasi talaga ng mukha niya and sa cheekbone ko tinama so... my knuckles hurt. I'm sure his face hurts worse, though and also, his...dick.

***

Matthew Carlos

I also spilt coffee on his balls

Shet ka marunong ka pala sumapak yung todo todo puta lodi

Aray nasaktan din ako dun ah

HAHAHA ayun lang he deserve it

text me if y'all done na with your cousin

We're done,,, may emergency si gago

***

Hala kawawa naman. I remember his red beanie though. Possible kaya siya 'yon? Ang hirap mag isip. Ang hirap din mag-risk. Ang tagal na nun.

***

Matthew Carlos

Sige sige kita na lang tayo sa parking byeeyeyeyeyye

***

May nakabangga ako sa sidewalk habang nakikipag-text. Shit, I hope it's not a Karen or a Patricia.

"Sorry po!" Kaso... tumuloy siya maglakad.

Napatingin ako sa likod niya. Hindi man lang niya ako napansin? Dere-deretso lang siya. Sinundan ko siya ng tingin at una kong napansin ay ang paglakad niya nang mabilis, habang nag aayos siya ng gamit sa bag, may naka-sabit na jacket sa balikat.

Baka may emergency.

But fuck, wait...

May suot siyang pulang beanie...