Chereads / Sol at Luna / Chapter 4 - Kabanata 2: Girlfriend Mo?

Chapter 4 - Kabanata 2: Girlfriend Mo?

I opened my eyes to the blur of cream from the walls of my unit, swirled with random colors from my stuff lying around.

Bakit parang ang lagkit ko? Ang init.

Tinanggal ko 'yung kumot kong napawisan while my vision clears. Maliwanag na sa bintana. I immediately checked my phone, "Shit! 12 na!"

Dali-dali akong tumayo at nag-hilamos. Mamaya na lang ako maliligo. Putangina naman, Sab. I hopped around as I slide my jeans on as my eyes look around.

'Asan ba 'yung folder namin ni Carlos?

"Fuck, nasaan na 'yon?" hinalungkat ko ang desk ko. Ang gulo-gulo mo naman kasi, Sab.

Binuksan ko lahat ng drawers ko, mas lalong nagkakalat. Hanggang sa, "Ah, shit."

Binuksan ko ang backpack ko. Nandoon lang pala. Binagsak ko ibang gamit na nasa kama ko sa sobrang inis. I grabbed my phone and turned off airplane mode. Sunod-sunod ang ping ng messages na tinititigan ko lang habang nagsusuot ng plaid polo.

Ely, Ely, may missed call si Carlos, Ely, Ely ulit. Tang ina naman, nakakinit lalo ng ulo, ha.

I dropped my camera inside my bag, cellphone too. Tanginang buhay talaga 'to. Pumunta na'ko sa kotse ko at nag-drive papunta sa studio. Buti walang traffic. Nakarating na'ko at dinaanan lang si kuya guard.

"GOOD MOR—ay wala sa mood." bati sa'kin ni Carlos.

Hindi ko siya pinansin at umupo na sa station ko, puro bulong ako ng mura habang nag-a-unzip at nagkakalkal ng bag kasi lukot lukot na 'yung gamit ko. "Shuta ka, ang kalat mo kasi, ayan, sige." kinuha ko 'to at inilapag sa mesa.

I wiped my sweat off and I tried to straighten the papers. This is really pissing me off.

"Carlos, ano oras meeting natin sa mga De Vegas?"

"Mamaya pang 4pm 'yon. Tinext kita ah?"

"Fuck this shit," I rummaged through my bag. Cellphone. Cellphone. "Asaan na?! Hala?!"

Narinig kong nag-creak 'yung office chair ni Carlos. I hear his steps tap towards me. Ako, panay kalkal pa rin sa bag.

Nag - ring bigla. Tumagos ang ilaw ng phone ko sa tela ng extra shirt kong bumalot dito. I pulled the phone out. Checked the screen. Calling: Matthew Carlos. Tumingala ako kay Carlos at ipinakita niya sa'kin ang dialing screen ng cellphone niya. Sinagot ko ang tawag.

"Hello."

"Ayos lang ba ang kalagayan mo, Binibining Mikaela Sabrina?"

"Hindi pa ba obvious, Ginoong Matthew Carlos? Puwede ba huwag mong banggitin first name ko?"

"Bakit hindi? Dahil ba masyadong pang babae ang Mikaela?"

Binaba ko ang telepono at hinampas ko siya sa braso. "Alam mo panget na nga gising ko, pati ba naman dito dadagdag ka pa."

"Sorry ah! Uso kasi matulog nang maaga. Masyado mo naman kasi iniisip si—"

"Titigil ka o titigil ka? Magtrabaho ka na nga lang du'n. Ang dami nating ipo-post sa page. Tapos, ire-ready pa natin 'yong application para sa De Vegas. Tapos—"

"May dance contest kang isho-shoot." ngumiti siya sa akin.

"May dance contest akong isho-shoot—wait what? Ako?" kumunot ang noo ko.

"Ay hindi, si Mang Kepweng." binatukan ko muli siya, "Bingi mo, ikaw nga. Ikaw pinili ni Boss Gerald."

"Who's that?"

"Siya rin 'yong ime-meet up natin." tinulungan niya 'ko mag-ayos ng gamit ko, "Puntahan na lang natin sila mamaya."

Tumango ako at kinuha ang files ko sa mga kamay niya. Nilagay ko ito sa isang folder."Ala-una na Sab, ah. Hindi ba makikipagkita ka kay Elias?"

Napatingin ako sa kaniya, "Naalala mo pa 'yon kaysa sa'kin ha," pumunta ako sa coffee machine malapit sa puwesto namin. Hawak ko pa rin ang papers.

"Ganu'n talaga, ako pa ba? 'Sus." Sumandal siya sa pader sa gilid ko. Inabot ko sa kaniya ang hawak ko para makakuha ako ng kape.

"Ewan ko sa'yo," ngumisi ako humigop ng kape." Pero thank you, Carlos ha?"

"Thank you saan?"

"For being there and reminding me sa mga bagay - bagay—Akin na 'yan." tinuro ko 'yong mga papers na pinahawak ko sa kaniya.

Ginulo niya ang buhok ko. "Ako na. Saka, wala 'yon, kilala na kita. Alam ko na paano umikot mga bagay - bagay sa utak mong magulo,"

"Maka-magulo naman 'to. Gamit lang naman magulo sa'kin." sinamaan ko siya nang tingin.

"Biro lang, ikaw naman kasi. Uso magpahinga. Masyado ka nagpapa-stress e." Lumabas kami at tumawid papunta sa kabilang studio.

"Nagpapahinga naman ako ah?"

"Pahinga, hindi tulog ha. Emotionally at spiritually, hindi lang physically."

Inirapan ko siya, "Ang dami mong alam."

"Ayaw mo lang kasi makinig sa sinasabi ko." He opened the glass door at pinauna ako.

"Hi, nandiyan ba si Thea?" bungad ko kay Ate Rein na receptionist.

"Ay, naka-break po siya, Ma'am Sab. May bibigay po ba kayo?" sagot niya.

"Yes, ito 'yong documents about sa rally kahapon. Pakisabi pa-edit na lang and ibigay kay Francis para i-upload sa website." inabot na ni Carlos ang papers.

"Okay po, ito lang po ba lahat?"

"Yes, Ate Rein. Thank you. Pa-remind na lang din po sila sa cover magazine na i-sh-shoot next month. Thanks ulit." sabi ko at bumalik na kami ni Carlos sa studio namin.

"So, after ma-finalize 'yong documents. Saka na natin ipo-post sa page." sambit ni Carlos.

"Mm hm, so for now, aayusin na lang natin application sa De Vegas. Ano nga ulit mayroon du'n?"

"May dance contest kasi na gaganapin doon sa parang auditorium nila. I think, tayo yata magha-handle or something."

"I see..." Grabe, I feel like I'm missing out. I'm stressed kahit konti lang naman ang gagawin.

Pagkarating namin sa working station ko. Kinuha ni Carlos ang bag ko." Huy, ano ginagawa mo?"

"It's a quarter to 1. Tara, puntahan mo na si Elias at may lakad din ako."

"Ha?" hininto ko siya sa paglalakad.

"Hatdog."

"Letche," natawa na naman siya. Tuwang - tuwa ampota. "Hindi ba aayusin pa natin 'yong application? Also, ayoko nga siputin 'yong gagong 'yon."

He looked at me sharply. Tinitigan ko rin siya nang mas mataray, "Anong klaseng mata 'yan, Sab! Nakakatakot ka, my God."

Tinawanan ko siya, "Ano ba kasing trip mo ha? Ba't mo gusto na kitain ko si Ely? Kung gusto mo ikaw na lang sumipot du'n."

"Ang akin lang naman, tapatin mo siya. Sa harap ng maraming tao. Hindi titigil mga ganiyang lalaki lalo na kung ganiyan katindi." umiling siya, "Pasabay ako, madadaan mo naman 'yung pupuntahan ko." naglakad na siya palabas at sinundan ko siya.

Ang gara talaga nito, dala - dala pa bag ko.

"Wala naman kasing point e. Ilang beses ko na siyang ni-reject. Isa pa, masyado mataas tingin niya sa sarili niya. Porket he's rich, pogi—"

"Pogi?" I rolled my eyes again.

"Maputi e, kaya ayon, ang dami rin niyang babae pero tangina, basura naman ugali. 'Saka, gusto siya ni Papa para sa'kin. Alam mo namang I have no right to deny my Father's wishes." I sighed as I clicked my car open.

"It's hard to tell Papa na ayoko kay Ely. Sinasabi niya kasi na dapat jowain ko siya kasi makakatulong daw sa business namin. Well shit, I don't even have fucking feelings for him!"

Binuksan ko ang pinto sa driver's seat. Siya rin pumasok na.

"Ew jojowa ka pero 'di mo gusto 'yong tao. That is very bad, Sab."

Tumango ako. "Isa pa, hindi ko rin naman gustong maging CEO nu'ng business namin. Real estate, dude! Anong knowledge mayroon ako du'n. Besides, I'm into arts." Hindi ko pa ini-start 'yung kotse. I just grasped the steering wheel. Nanginginig 'yung kamay ko, 'yung panga ko rin yata.

"Sinabi mo na ba 'yan kay Tito? Saka, paano na lang kung tanungin ka ng Tatay mo kung sino gusto mo? Ano sasabihin mo? O bakit ayaw mo maging CEO?"

"Hindi ko pa sinasabi." Nakatitig na lang ako sa malayo, ang hirap sagutin ng tanong ni Carlos.

Binagsak ko ang noo ko sa manibela, and I fidgeted with my hands. I don't know what's going to happen pero thinking about it makes me feel nauseous. Pakiramdam ko ikamamatay ko when the time comes. God, bumibigat nanaman ang paghinga ko.

I kept talking without lifting my head up. "May pangarap kasi kami ni Mama, alam mo naman na parehas silang wala sa bahay. Si Papa kung saan - saan, si Mama naman... nasa ibang bansa, she's a flight attendant. I don't know kung nasabi ko na sa'yo."

"Ano ba pangarap niyo ni Tita?" Puta. I can't feel my chest.

"Itong studio na 'to. Well, it's what I want pero kulang e. Gusto ko rin mag-direct ng movie, maging isang flight attendant tulad ni Mama, tapos—" I suddenly remembered what Sol said to me. Magco-collab daw kami. Shit, how could I forget?

Pinipigilan ko na ang luha ko. 'Yung braso ko, 'di ko na rin maramdaman. I think I'm hyperventilating. "Tapos, ano?"

Tumulo ang luha sa jeans ko, napansin ito ni Carlos at hinimas ang aking likod. Ayoko muna sabihin sa kaniya lahat ng kuwento tungkol kay Sol. Ang alam niya lang, may hinihintay ako. Ang hirap hindi umiyak. Lalong-lalo na 'pag usapang pamilya.

"Wala na talagang pag-asa, e. Hawak kami ni Papa sa leeg, kung ayaw niya, ayaw niya. Kahit kausapin pa siya ni Mama, wala." Suminghot ako. Fuck, I can't feel my face.

It's true. Buong akala ko, kaya ako umuwi ng Pilipinas ay para makilala pa nang lubos ang sarili ko at magawa ang mga bagay with my own personal will. Pero, hindi. My father sent me here para i-manage ang kompanya niya and the only thing I could do was to establish this studio. Humingi lang ako ng kalahating puhunan para rito. Ayaw na raw niya i-tuloy Masters ko sa New York kasi mas kailangan daw niya 'ko rito. Thankful na rin ako dahil kahit papaano, pinayagan niya 'ko magkaroon ng sarili kong studio. However, it will never be the same as continuing what I really want for myself.

"Ano ba mangyayari kung sakaling hindi kayo sumunod sa kaniya?"

Death threats? Disposal of everything I worked for?

"Dami mong tanong," Inangat ko na ang ulo ko at sinamaan ko siya ng tingin. Hindi ko puwedeng sabihin kay Carlos lahat. It's too much for me to handle. "Saka na, tara na."

Hindi ngayon ang oras para mag-drama. Marami pa kaming dapat gawin ni Carlos."Anong tara na?"

Tinignan ko ang relo ko, "Sabi mo siputin ko 'yong gagong 'yon. Besides, may lakad ka rin 'di ba? Tara." I started the engine.

"Nandito lang ako kung kailangan mo maglabas ng sama ng loob ha? Huwag mo kinikimkim 'yan sa sarili mo. Masama 'yon, lalo na kung dumating 'yong oras na sasabog ka na lang bigla."

I reached for the gear shift nang bigla niyang hinawakan ang braso ko nang mahigpit. "Laban lang, Sab ha? Tutulungan kita. Hindi ka nag-iisa."

Nginitian niya ako at bigla ko siyang inakap. Si Carlos talaga ang isa sa mga taong nakakaintindi sa'kin. Buti na lang at, parehas ang tingin namin sa isa't isa—bestfriends, kapatid, ka-trabaho. Kung na sa ibang mundo lang kami, panigurado, magugustuhan ko 'tong si Carlos.

"Thank you. You don't know how much you mean to me."

"Alam ko, mga 111% lang naman." tinanggal ko ang pagkakayakap sa kaniya at pinalo siya sa kaniyang braso, "Biro lang!"

"Puro ka biro kaya walang nagseseryoso sa'yo e!" Dahan-dahan ko nang inilabas sa parking 'yung kotse.

Tinaasan niya 'ko ng kilay at umirap, "Hindi ko kailangan ng jowa, sakit lang sa ulo 'yan."

"Umamin ka nga—"

"Aromantic ako, gaga."

"Sayang bet pa man din kita."

"Ulol." tinawanan ko siya.

"Ito naman 'di mabiro! Basta tanggap kita, alam mo naman 'yon 'di ba?"

"Oo naman. Kaya mahal kitang hayop ka, e." banggit niya.

Hinampas ko siya sa hita at tinawanan na naman niya ako. Ang weirdo niya pero kahit papaano ay gumaan ang loob ko. I took a deep breath, then smiled.

Let's get this bread. Fuck you, Ely.

- - -

M A V Y

1 hour ago...

"Carlos, tara kita tayo. May papa-beta ako sa'yo," Banggit ko sa cellphone.

"Hindi ba due date mo kahapon?"

"Nagpa-extend ako. Kilala mo naman ako, ayokong bara-bara lang ang gawa." tinanggal ko na ang flash drive nang matapos ma-save ang mga files. Matapos ay inilagay ko 'to sa bulsa ko.

"Buti pinayagan ka." sagot niya.

Kinuha ko ang bag ko, "E, buti nga. Kita tayo sa Johanna's Cafe. Kape tayo."

"Alam mo, kaya wala kang natatapos kasi napaka-perfectionist mong hatdog ka," naiisip ko nang umiiling siya. "Libre mo ba sa Johanna's?"

"Libre? Magkano kaya du'n." sabi ko sabay higop ng kape, "Sige na kita tayo mga 1:30 to 2pm. 'Lamat, 'insan."

Binabaan ko na siya ng telepono. Bumuntong hininga ako at humalukipkip habang tinitignan isa isa ang mga nasa mesa.

Okay, save files...laptop...notebook...

Pumunta ako sa may kusina at tinignan ang listahan ko ng mga gagawin. Laundry. Check. Hugas pinggan. Check. Pagwawalis. Okay na.

Napangiti ako at bumalik sa kuwarto. Nag-shutdown na ba 'yung laptop ko? Ayan. Kinuha ko ang bag sa gilid at hinatak ang file holder papalabas.

Inayos ko ang pagkaka-stack ng mga drawings ko. Papakita ko ito mamaya kay Carlos.

Fresh pa 'to galing sa utak ko wahahaha.

Dahan - dahan ko itong nilusot sa file holder upang hindi malukot. Magwawala talaga ako kapag makita ko 'tong hindi nakaayos nang maigi.

Pinasok ko na ang laptop sa bag. Umupo ako saglit, tinignan ang phone, at binuksan ang chat inbox. Mukhang natambakan na naman ako. Ayon, tama nga.

***

���Bandana Dancerz✌

Edgar Macho: Mga pre! May dance contest daw next next week g ba kayo?

HatBOYgidog: Hiphop o Cheerdance?

EdgarMacho: Hiphop daw, pare.

Aba aba, muling ibalik ba 'to?

***

Natawa ako nang mag-backread ako sa group chat namin. Ang tagal na simula noong huli akong sumayaw. Akalain mo 'yon? Naging back-to-back champions kami?

***

GirlOnFREYAir: well, well, well. Buhay ka pa pala @WavyMavy oo ngaaaa muling ibalikkkkkkk

EdgarMacho: Mention niyo nga lahat. Dali! Malaki premyo nito guys!!!! Miss ko na rin kayo!!!! Mga buratttttt!!!

KARENdereta: Huwag na magmention, online naman tayong lahat. Yeet! Ano @EdgarMacho san ba to?????

BEYAtareader: Ingay niyo char

BEYAtareader: hoy edgar ano na apaka tagal sumagot

BuratPRINCE: luh bitter ka

BuratPRINCE : ay sabay charot labyu,,,, onga asan na

BuratPRINCE: hi mavyyyyyy mishuu

misshutuuu

KARENdereta: ang harot guys grabe may jowa na kayo diba

beastIAN: DID I HEAR A DANCE CONTEST AND A JOWA

***

Natawa ako nang malakas. Grabe talaga 'tong mga 'to. Ang iingay. Tuloy - tuloy ang pagtunog ng notifications ko. Ito na nga ba sinasabi ko e. Bumabaha na naman.

***

BEYAtareader: eto talagang si Ian pag nakakita ng jowa nabubuhay bigla

KARENdereta: libhasa kasi wala kayong jowa

BuratPRINCE: bat ikaw ba mayroon ulol wala ka rin

EdgarMacho: nuba guys nawala lang ako saglit para kausapin ung head nag aaway na naman kayo

KARENdereta: bat ikaw may jowa ka ba

BuratPRINCE: wala,,, kasi inaantay kita yIEIEIEIEIEIEIEIEIEIEIE

BEYAtareader: tANGINAAA TEA GAGO

BeastIAN: hOY LEGIT???? IS THIS A SIGN?? BEYAAAAAA MAY AAMININ AKO SAYO

BEYAtareader: gAGO SHH

HatBOYgidog: amININ NIYO NA KASE

GirlonFREYAir: oO NGA BEYA SAKA IAN

BAT PURO JOWA NA NANDITO KALA KO BA DANCE CONTEST

BuratPRINCE: SHATTAP KA MUNA MAY AMINAN

BeastIAN: dI BA OBVIOUS NA KAMI NA GRABE GUYS TROPA BA KAYO

BuratPRINCE: ANO?!?!?! GAGOOOOOOO

SERYOSO BA

KARENdereta: hOLY SHOT THIS IS IT PANICTTTTT KELAN PAAAAA ALAM KO NAGLALANDIAN LANG KAYO DATI EH OMAIGAHDHDJFKEJDDKK

***

Akalain mo 'yon? May nagjojowaan na pala sa grupo namin. Hindi man lang ako nasabihan. Kung sabagay, 'di naman kasi talaga ako updated.

Naglakad na 'ko palabas ng bahay, ngunit napatigil nang nasa may gate na. Hala, muntik ko na makalimutan!

Dali dali ako tumakbo pabalik sa kuwarto at paglingon ko sa mesa, ayon siya. Katabi ng pinag lapagan ng laptop ko kanina.

Ang kulay pula kong beanie. Napangiti ako. "Sorry, Ma."

Pinulot ko siya at sinuot. Panay ang pag-vibrate ng cellphone ko sa bulsa habang naglalakad. Hanggang sa, pagsakay ko ng jeep, na-send na ni Edgar 'yong details.

***

See 30 messages ⬆️

HatBOYgidog: iNGAY NIYO MGA FANGIRLS NATABUNAN NA TULOY YUN SINASABI NI EDGAR

GirlonFREYAir: OH SHET 35K GRAND PRIZE?????

KARENdereta: HOY OMAIGAHD DOBLE NEWS!!!!!!!!!!!

EdgarMacho: huwag niyong tabunan grabe sesend ko nanaman ulet

BuratPRINCE: back read nalang kase sus

BEYAtareader: backread ka mag isa mo,,,, @EdgarMacho send ulet!!! Di pa nangseseen si Mavy oh

BeastIAN: l HIRAP KAYA MAG BACKREAD EXCUSE YOU PRINCE

BuratPRINCE: pokret jOwa mo nA SI BEYA HA

EdgarMacho: shUTTAP GUYS ETONA SESEND K NA UELT MANAGIMIK KAYO PLEASE LANG

EdgarMacho: GREETINGS DANCERS! THERE WILL BE A DANCE BATTLE WITH THE THEME OF PSYTRANCE. THE PRIZE OF THE WINNERS OF FIRST, SECOND, AND THIRD PLACE ARE: 35K, 25k, AND 15K, RESPECTIVELY. SEE THE FOLLOWING CRITERIA BELOW.

SEE YOU THERE! TICKETS ARE TO BE GIVEN BY THE LEADER OF THE GROUP. CALL TIME WOULD BE 8 AM SHARP AT DE VEGAS & CO. THANK YOU!

EdgarMacho: @WavyMavy ayan ayan

So g ba lahat???? Kasi medj g ako need ko ng yenom

BuratPRINCE: yenom??

GirlonFREYAir: bobo money baliktarin mo lang

HatBOYgidog: oOoohHHH mainit inITT BURNRNRNRNNN HAHAHAHAHA

BuratPRINCE: tangina mo FREYA NAGTATANONG LANG AKONG BRUHA KA saPAKEN KETA

BeastIAN: ayaaaan kaseeeee apaka ano

KARENderata: nays wan nays wan HUAHAUA AWAY AWAY i NEED ANO

BEYAtareader: pOPCORNNN

GirlonFREYAir: pUTAnGINA mO REN

BEYAtareader: HAHAHAHAHAHAHA

KARENdereta: HAHSKAHAHAJSJSHS TANGNA NYO nag - aaway pA Oh OH eZHAN niYO lANG

EdgarMacho: HOy ajNO G BA KAUO MAGA DEPOTA kAMING DALAWA PALANG NI MAVY G ANO

BeastIAN: ako g need q ren ikaw, baby? @BEYAtareader

KARENdereta: aNG LANDI

BuratPRINCE: LANDI NIYO POTA

HatBOYgidog: bITTER LANG KAYO HAHAHAHAHAHAHAAHAHAHA

HatBOYgidog: rAISE YOW HANDS IF UR SINGLEZZZ ✊✊✊

BuratPRINCE: gago bat fist niraraise mo

GirlonFREYAir: G AKO HAHA

GirlonFREYAir: tanginang data to ambagal KSLDKSKS

GirlonFREYAir: onga ang lande Ian Beya ano ano ano di pa naamin

yaAN NIYO NA KASE GUYS NUBA KSKKSKS

EdgarMacho: ano g ba kayong lahat tangina pauLET UKET AKO RITO

GirlonFREYAir: oO NGA RAW

EdgarMacho: gAGA 3 PALANG TAYO NAG G G

KARENdereta: G NA YAN HOY ANO KELAN RLACTICE

KARENdereta: aKO SINGLE WOOH

BeastIAN: wEHHH LAM KO KAYO NA NI PRINCE EH YIEIEIEIEIEIEIE

BuratPrince: uLOL IAN BAKA GUATO MO SAPAKIN KITA

GirlonFREYAir: aYSuS In DENIAL PA kAYO

EdgarMacho: sA FRIDAY 10 AM S H A R P. TANGINA NIYO PAG KAYO NALATE NG 1 HOUR PAPA SQUATS KO RIN KAYO NG 1 HOUR

***

Friday. Practice. Binuksan ko ang aking kalendaryo sa cellphone at nilagay na ang mga dapat kong gawin. Pinatay ko na ang data ko.

Tumingin ako sa may bintana ng jeep at lumagpas na'ko. "Kuya para po!"

Dali - dali akong bumaba at naglakad papuntang LRT. Ang daming pila, patay tayo diyan. Tinignan ko ang relo ko at buti 12:30 pa lang. Aabot pa'ko sa oras ng meet - up namin ni Carlos.

Na sa kalagitnaan na'ko ng pila nang maalala kong laging late si Carlos. Medyo nakampante na'ko at malapit na'ko sa mga security guard. Nakapasok na rin ako at mag - aabang na lang ng tren.

Nakarating na'ko sa Johanna's Cafe. 1:35 pa lang. Sabi ko naman kay Carlos mga 2pm. Ayos na rin.

Umorder na'ko ng dalawang kape at isang blueberry cheesecake. Oo, lilibre ko na 'yong pinsan ko na 'yon. Parang dapat nga bayaran ko ang pagkonsulta sa kaniya kasi isa siyang photographer at video editor. Na sa lahi talaga namin ang mga artist. Marunong din gumawa ng comics si Carlos pati mga istorya. Pero ang papatingnan ko talaga ay ang flow ng visuals.

Dumating na ang aking inorder na kape pati ang isang slice ng cake. Tumikim ako ng isang kutsara at napatingin sa labas. Baka nandiyan na siya.

Wala. Puro jeep. Maya't maya ay nagtext na siya. Malapit na raw. Inilabas ko na ang laptop ko pati ang aking file holder. Para titignan niya na lang.

May tumigil na itim na chevrolet cruze sa kabilang side ng kalsada. Nag-hazard. At aba, lumabas si Carlos at tumapak sa sidewalk. Bago niya isara ang pinto ay dumungaw uli siya sa loob. Medyo manipis ang tint ng sasakyan kaya nakikita ko siyang kinakausap ang driver. Babae. Girlfriend kaya niya 'yon? Baka naman ka-trabaho lang? Ay. Hinawakan siya sa braso. Tinuro ako ni Carlos at nilingon ako ng babae. Medyo naaaninag ko 'yung korte ng mukha niya sa tint. Parang pamilyar? Pero ewan. Hindi klaro kasi hindi nasisinagan masyado ng araw 'yung bintana.

Sinubukan kong kawayan at senyasan si Carlos. Ang daldal talaga nito, tumambay pa du'n. Kinawayan niya ako pabalik at... dumungaw siya ng isang huling yakap kay ate. Aba naman talaga, Carlos.

Nanlaki ang mata ko. Tumawid na si Carlos pero sinusundan ko pa rin ng tingin 'yong babae habang nagmamaniobra paatras. Parang nakita ko na talaga siya dati? Hindi ko lang maalala kung saan. Napansin niya yata ako at lumingon bigla sa akin ang pigura niya sa tint. Umiwas na'ko ng tingin at yumuko. Hinubad ko ang beanie ko, nilapag sa mesa, at hinawi pataas ang buhok ko. Sana 'di siya na-weirduhan sa akin. Pero mukhang hindi naman niya ako nakikita.

Bago pumasok, nilingon uli ni Carlos ang sasakyan at kumaway. Bumaba ang bintana at sa iilang segundo, nasulyapan ko ang mukha niya sa iilang metrong layo. Sumara agad at umabante. Sinundan ko ang paglaho ng cruze sa tanaw ko.

Parang ang ganda naman niya.

Sino kaya 'yon? Taga-rito kaya siya? Taga-san kaya 'yon? Best friend kaya 'yon ni Carlos? English speaking kaya? Bakit medyo brown at blonde buhok niya? Siya yata 'yung kumukuha sa rally. Baka naman kahawig lang? May dala ba siyang camera? Hindi ko napansin— "Tangina mo, Mavy."

Napatalon ako sa upuan ko nang marinig boses ni Carlos. "Ayan ka na naman sa mga iniisip mo, ano - ano ba 'yan?"

Huminga ako nang malalim para kalmahin ang utak ko. Uminom din ako ng kape ko, "Sino 'yon, P're? Girlfriend mo?"