Chereads / Sol at Luna / Chapter 3 - Kabanata 1: Tingin

Chapter 3 - Kabanata 1: Tingin

M A V Y

10 years later...

"Agh! Ang panget." Napabulong ako sa aking sarili, sabay bura ng ginuhit. Bakit ba 'ko nag-aalala masyado?

Ah. Oo nga pala. Bukas na ang deadline ko.

At ayokong magbigay lang ng walang kuwentang comic na wala namang relasyon sa istorya ko.

Teka, kailangan ko kumalma.

Baka mabalian nanaman ako ng lapis. Ikinapit ko ang dalawang kamay sa mesa ng kahoy na gazebo na inuupuan ko. Hinga malalim. Nasa may malapit lang ako sa bukana ng park na tinatambayan ko para gumuhit. Maraming bench, kaniya - kaniyang kulitan ang mga tao, may mga nagpapalakad ng aso, at sa may kalayuan, may rally yata. Bumalik ako sa katinuan at napatingin sa sketchbook ko.

Tinatamad ako maglakad, pero may mas payapang lugar pa sa medyo liblib na bahagi, malayo sa tao, malayo sa lahat. Kung minsan ay may mga naglalakad na matatanda, o naliligaw na hayop. Sapat ang lilim para hindi matirikan ng araw. Sapat din ang lawak para klaro pa ring matanaw ang langit. Ang presko pa ng swing du'n. Kaso, okay na rin ako sa puwesto ko rito.

Tuloy ko na lang 'to mamaya pag-uwi. Napa-iling ako at niligpit na ang aking gamit. Naglagay agad ako ng alcohol sa aking kamay. Amoy lapis na mga kamay ko. Nilapag ko ang alcohol sa tabi ko at— patay.

Tumayo ako agad nang mapansin kong marami palang langgam sa tabi ko. Pinagpag ko ang aking damit, nakakatakot naman 'to. Pilit kong tumingin sa aking likod, ang dumi na. Bakit ba ko rito umupo?

Teka, dumi lang 'to. Kailangan ko huminahon. Papahiran ko lang ng alcohol. Bakit ang bigat pa rin ng paghinga ko?

Kailangan ko lang bumuntong hininga nang ilang beses tapos magpapahid uli ng alcohol kahit oo, alam kong pang-ilang pahid ko na naman 'to pero ang dungis kasi talaga.

Lumipat ako sa isang mas malinis na upuan. Hindi ka na madudumihan, alcohol lang katapat niyan. Hindi ako mamamatay.

Hindi ako mamamatay.

Napalingon ako sa gilid. May nabasag na paso. Puro lupa. May uod. Teka lang may uod. Muntik ko nang maupuan. Naiisip ko na lahat ng mikrobyo na nagpipiyesta sa kalat na nakikita ko tapos gagapang papunta sa akin tapos magpaparami tapos magkakasakit ako tapos masisira 'tong career ko kasi hindi na ko makakapasok. Kailangan ko kumalma.

Kailangan kong kumalma.

Nagpa-ikot ikot ako sa puwesto ko. Hindi ko na alam. Mabigat pa rin ang paghinga ko. Maglalakad na ko papalayo rito kasi sobrang dungis at baka kung mapano pa'ko at— "Hijo, ayos ka lang ba?"

Nagulat ako sa matandang babae na nasa likod ko. "Ate, nakakagulat ka naman."

"Pasensya na. Nakita kasi kita parang natataranta. May nawawala ba sa'yo?" sabi niya.

Tinitigan ko siya, beret na green, blouse na dilaw, slacks. May dala - dala siyang kahon, styro. Tindera siya ng probiotic drink.

"Ah, eh, wala po, Ate." ngumiti ako nang pilit. Nakakahiya naman kung sasabihin kong nasulasok ako sa lupa at sa mga uod.

Natawa siya, "O, ito, inom ka muna para medyo kumalma ka."

Inabutan niya ako ng isang bote. "Hala, Ate. Huwag na po. Wala rin po akong barya."

Kinuha niya ang nanlalamig kong kamay at pinatong ang Yakult. "Sige na. Okay lang. Otso lang naman 'yan."

"Salamat, Ate. God bless you po. Sana makarami kayo ng benta ngayon," nginitian ko siya. Grabe, ang bait niya naman.

"Salamat din, Hijo. Mag-iingat ka." at naglakad na siya papalayo sa akin.

Ininom ko na ang kaniyang bigay. Malamig pa. Napatingin ako sa langit—Ang ganda ng kalimbahin at bughaw sa dapithapon. Pinagmasdan ko ito habang nilalanghap ang simoy ng hangin, sabay labas ng cellphone at kinunan ito. At sumakto naman nang pipindutin ko na ay lumabas sa screen ang isang malaking:

Calling: Ate Malaya

"Hello, Ate." sinagot ko ito.

"Mavy, 'asan ka na?"

"Nasa park pa 'ko. Pero paalis na."

"Umuwi ka na nga at para mag-abot pa tayo. Six ang shift ko. Tayong dalawa na lang nga nakatira rito hindi pa tayo magkikitaan. At may ipapasa ka pa bukas sa editor mo, 'di ba?"

"Konti na lang 'yun. Huwag mo na ako alalahanin. Basta abot ako diyan, Ate. Kain muna tayo nang sabay bago ka umalis." Binaba niya na.

Hindi ko talaga aakalain na makakapagtrabaho ako sa Webtoon. At buti supportive si Ate sa mga gusto kong gawin. Tumingin ako sa relo. Three forty-five.

Itinapon ko na ang bote at napa-sandal ako sa pader sa aking likuran. Mukhang maalikabok na naman. Bahala na. Pinunasan ko ang aking noo na may pawis. Buti na lang isa lang nakakita sa eksena ko kanina. Napa-iling na lamang ako at nagmasid.

Huwag ka na mag - isip masyado.

Naglakad na ako at tinanaw ang mga nagra-rally na madadaanan ko yata palabas. Ang babata pa. Sila lang naman yata ang madalas sumali sa mga ganito. Damang-dama siguro nila ang saysay nila sa buhay. Huling beses kong nakaramdam ng ganiyang saysay ay nung dinadamayan ko si—

Hinawi ko ang aking buhok. Hay, ito na naman tayo. Ang babaeng hindi malimot.

Ang tagal na mula nu'ng nagkakilala kami. Grabe, parang isang panaginip. 'Asan na kaya 'yun? Makikilala pa kaya niya ako? Marami na kaya siyang narating? Maski sarili niya noon, hindi niya matagpuan, maski pangalan walang iniwan. Sana ngayon, kahit papano may sinusundan na siyang—

"HAHAYAAN NIYO LANG BA NA LAMUNIN TAYO NG BASURANG SISTEMA?! HINDI! PAPAYAG NA LANG BA TAYO SA—"

Nagulat ako sa sigaw ng mga nagra-rally. Ang layo na pala ng nilakad ko. Lutang na naman. Umayos - ayos ka nga, Mavy.

Napatingin ako sa aking relo, alas-kuwatro. Sakto, mag aabot pa kami ni Ate.

Kinapa ko ang aking bulsa at nataranta ako nang hindi ko makapa ang isang bagay na mahalaga sa akin. Tumingin ako sa aking likod. "Hala, saan nahulog 'yon?"

Bumalik ako sa kinauupuan ko kanina. Ito na naman 'yung lupa, 'yung langgam, pero nasaan ba 'yun?

Hanggang sa may kuminang sa ilalim ng mesa. Nakahinga ako nang maluwag. Pinulot ko ito at binudburan ng alcohol. Isang kulay pilak na hugis ng buwan. Nawa'y buhay pa at naaalagaan.

Tinitigan ko ang kuwintas. Huling linis ko rito ay noong natapos akong grumaduate ng kolehiyo. Mabuti yatang linisin ko mamaya pag-uwi para sa oras na magkita kami, makita niyang maayos pa.

Sana nga magkita pa.

Dali - dali akong naglakad pabalik. Si Ate. Aabutan ko si Ate. Sabay ang bigat ng pagmamadali ko palabas at ang bigat ng isipan ko. Sampung taon na. Hindi ko rin alam bakit pa ba ako humahawak sa isang bagay na imposible. Iba, e. Iba lang 'yung damayan namin noon. Sana nakakapit pa rin siya sa'kin, kay Sol.

"Hijo." Tinanguan ako ni Ateng tindera, nagkasalubong na naman kami. Kinawayan ko lang.

Nakaalis na 'yung mga nagra'rally kanina. Umusad ata sa ibang lugar. Ang kalat naman ng iniwan nila.

Kaso, nakakabahala ring isipin na baka may kasintahan na siya, na maaaring maging dahilan ng paglimot niya sa'kin.

Teka, hindi naman kami? Ano naman ngayon kung magkaka-boyfriend siya 'di ba?

Pero kasi, iba e. Saglit mang samahan, malalim pa rin. Ayon nga lang, kinailangan maghiwalay.

'Di bale, siya naman mismo nagsabi na babalik siya at siya rin ang nagbigay sa'kin nitong kuwintas na 'to. Mas maiging, manalig na lang ako at maghintay. Wala namang mawawala 'di ba? Kasi kung makakapagkita naman kami, mas lalago pagsasamahan namin lalo na't sampung taon kaming hindi nagkikita at nagkakausap. 'Yon nga lang, natatandaan pa kaya niya usapan namin? Umuwi na kaya siya rito sa Pilipinas? Naiisip niya rin ba 'ko gaya ng pag-isip ko sa kaniya?

Ayan na 'yung mga rehas ng bakod, at ayun na 'yung exit. Hingang malalim. Hindi ako puwedeng magpadala sa aking mga iniisip. Hindi na'ko bata na lahat kailangan alahanin. Kung darating man siya, darating siya.

Nag-abang na ako ng bus. Sana naman ay hindi punuan. Tinignan ko muli ang relo ko at nagmasid muli habang nag-aantay ng bus. May malayo-layong sigawan sa likod ko. Nilingon ko at nakita muli ang mga nagra-rally sa tagos ng bakod ng park. Du'n na pala sila umusad. Mabagal ang lakaran nila, pero may isang malikot na pigurang humuli ng mata ko.

Babae, nangunguha ng litrato. Nanliit ang mata ko nang suriin siya sa malayo. Medyo mestisa, malalim ang mata. Hindi kaya... hindi yata. Hindi gaanong palyado ang balat e, at may kulay 'yong buhok. Ay, si Carlos nandito rin yata? Puntahan ko kaya?

"Oh, kuya sasakay ka ba?"

Napa-lingon ako sa harap ko at inaantay ako ni Kuya. Tinignan ko muli ang babae, baka hindi siya 'yon. Umaasa naman ako masyado.

Umakyat na'ko sa bus at nakahinga ako nang maluwag, wala masyadong nakasakay. Pumuwesto ako sa may bintana para makapagmasid. Pagkatapos kong magbayad, pinagmasdan ko muli ang mga nagra-rally, lalo na 'yong babaeng mukhang kano na kumukuha ng litrato nila.

* * *

S A B R I N A

"Ugh, why the fuck is it blurred?" Napa-iling ako sa nakuha kong litrato. Ang dami ko nang nakuha pero halos wala pa yata sa kalahati 'yong maayos.

I wiped the sweat off my forehead. Inangat ko muli ang camera ko at pinihit ang focus ring. "Naka-manual pala, bobo."

I took some shots of the park landscape, mid shot ng mga taong nagsisiksikan sa rally, a low angle shot nung leader na nagsasalita sa harap, an over the shoulder shot nung isang evocative na sign. Mas maayos na, nice.

Hindi ko na tinapos ang kanilang pagra-rally. Pero, ang saya sana kung kasama rin ako sa kanila. May pinaglalaban, may silbi. Democracy my ass. Dapat nakikinig sila sa taong bayan.

Pinuntahan ko 'yung partner ko sa photography and ka-trabaho ko sa studio, who also happens to be my best friend.

"Carlos, ilang pictures nakuha mo?"

"Mga thirty? Forty? Hindi ko pa tinitignan isa-isa," sabi niya habang pinapasok ang camera sa ba. "Ikaw?"

"Kilala mo naman ako. Sa 100 kong kuha, 20 lang doon 'yong matino." natawa siya sa aking sinabi.

"Mas okay na 'yon kaysa sa wala 'di ba?" natawa na lang din ako.

Sabay kaming tumayo at sinenyasan ang leader ng mga nagra-rally. Ngunit, habang kami'y naglalakad ay napatigil ako.

"Carlos, tignan mo, ang pretty, hala!"

The sunset. Dali-dali kong kinuha ang camera ko. A mixture of red, orange, blue, and pink. Napaka-gandang view naman nito.

"Nakuha mo?" Sumilip siya sa LCD.

"Shet, ang ganda. Ang galing ko, nakuha ko." ngiti kong sabi.

Zinoom in ko ang litrato at may nakita akong dalawang bata na naglalaro sa mga swing. My mind drifted for a bit. "Sab? Tara na?"

"Ha? Yeah, sige. Teka, susunod ako." I looked to where the kids are in the picture. I took a shot habang nakatalikod sila pareho. Babagay 'to sa isang portfolio na ginagawa ko.

Ibinaba ko na ang aking camera at napa-hawak ako sa kuwintas na suot ko.

Gosh, why the fuck am I still hoping that we'd see each other again?

I took a deep breath. I really should set aside my thoughts. Ang dami ko pang kailangang gawin and Sol should be the least of my priorities.

I followed Carlos to his car and got inside. "Naisip mo na naman siya 'no?" asar niya sa'kin.

"Ewan ko sa'yo, mag-drive ka na lang diyan." sabi ko at nagsuot ng seatbelt.

But, he's right. After all these years, gosh.

"Ito naman, 'di mabiro. Hindi naman ako others, baklang 'to." pina-andar na niya ang kotse.

"Psh, don't even remind me. Alam mo namang—"

"Ikaw kaya 'tong napapaisip at naaalala siya bigla. Alam mo, kung kayo talaga, kayo. Ay—" tinignan niya ko— "Naging kayo ba?"

Hindi, hindi naging kami. Pero, iba pa rin 'yung bond namin noon, kahit saglit.

Inirapan ko siya. "Tangina mo, Carlos. Baka gusto mong mawalan ng trabaho,"

"I'm just saying na kung ayaw mong masaktan nang sobra, 'wag kang mag-expect masyado. Hayaan mo ang tadhana kumilos para sa inyo," he took a left turn at tumingin muli sa akin. "Parehas talaga kayo nung pinsan ko. Magsama nga kayo."

"Pinsan mo? 'Yong artist ba?"

"Oo pero siya rin 'yong tulad mo may inaantay na tao. Ewan, labo niyo parehas." napa-iling siya.

Binatukan ko siya. "Aray! Para sa'n 'yon? Sadista ka kaya walang nagkakagusto sa'yo e."

"Letche, anong wala ka diyan. Hindi nga ako matigilan ni—" nag-ring ang phone ko. Shit, si Ely na naman 'to.

The guy who keeps on ruining my goddamn life.

"Si Elias na naman, 'no? Block mo na kaya."

I shook my head and scoffed, "Papa-unblock din sa'kin ni Papa 'to."

Tumango na lang si Carlos dahil alam na niya kung bakit. Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto siya ni Papa para sa akin. Isa naman siyang stupid mother fucker. Literally, he's such a dick. Ang sama ng ugali. I'd prefer the guy I met when I was thirteen kaysa sa lalaking 'to.

Though, I must admit, Elias became my friend once.

"What the fuck do you want?" Ba't ba ayaw mo tumigil.

"Kitain mo 'ko bukas. 1pm." Sabay baba.

"Luh, putangina talaga nito," napa-kunot na naman ako ng noo.

Nilingon ako ni Carlos, "Why? Ano sabi?"

Nilaliman ko ang boses ko at inartehan "Kitain mo 'ko bukas. 1pm nyenyenyenye," Natawa si Carlos. "Nakakabuwisit 'tong mother fucker na 'to."

"Samahan ba kita? Baka kung ano gawin sa'yo nu'n."

"Hindi na, kaya ko na 'to. Saka, gago rin 'to hindi naman sinabi kung saan magkikita."

"Bakit, kikitain mo talaga?"

"Ewan, bahala na." sagot ko, "Kala mo naman kung sino siya, putangina niya."

Natawa nang malakas si Carlos. I scrunched my eyebrows, "Why are you laughing?"

Tumingin siya sa'kin at halos naiiyak na siya. "Isa pa ngang putangina, may accent ka pa rin, alam mo 'yon?"

Umirap ako, kahit nag - aral ako sa America, mas marami pa naman akong alam na Filipino words. "Fuck you, Carlos. Anong akala mo sa'kin? 'Di Pinoy? Gago ka ba?"

Natawa na naman siya. "Cute ng accent mo 'pag nagmumura. Kaya siguro hindi ka matigilan ni Elias kasi—"

"Shut up, mag-drive ka na lang puwede? Kairita ka."

Tumawa na naman siya at nanahimik na. Hindi naman ako galit kay Carlos, sadyang ang lakas niya lang mang - asar. Hindi ko rin alam ba't naging kaibigan ko 'to. It just happened. And we share a taste in photography. Magaling din kasi 'tong si Carlos, hindi lang dahil minsan tarantado siya.

"So, hindi mo na nga sisiputin 'yong isa?" tanong niya uli, pero monotone na.