"Oh kumusta ang 8 hours jowa challenge, masaya ba?" bungad na tanong ni Ayen sakin pagkapasok na pagkapasok ko ng condo. Feeling ko wala naman siyang pake alam sa isasagot ko, gusto niya lang talaga akong asarin.
And hell yeah, eight hours akong nakulong sa studio na yun kasama si Ace! Ang bwiset kasing yun ni hindi man lang talaga nagsorry, masyadong pinanindigan yung sinabi niyang hindi daw siya marunong mag apologyze. Kaya ayun ang ending, nakulong kami sa loob ng eight hours.
Kaya sandamakmak na pang aasar na naman ang inabot ko sa magaling kong pinsan, na nauna na palang nakauwi kesa sakin, ni hindi man lang ako hinintay! Napakagaling! Buti na lang at hinatid ako nina kuya Arix at ate Leah.
"Ayy damot naman neto, ayaw pasagap ng tsismis, hindi naman kayo artista oy ,para iprivate pa yang relasyon niyo" nakangusong aniya animo'y nagtatampo ng hindi ko sagutin ang tanong niya, imbes ay dumeretso na ako saking kwarto para makapagpahinga, masyadong nakakapagod ang araw na ito para sakin.
Pero Ipipikit ko pa lang sana ang mga mata ko ng biglang may bwiset na pumasok. Dapat pala nilock ko yong pinto!
"Ano? Official na ba? Kelan kasal?"
Sunod sunod na tanong ni Ayen pagkasampa niya sa kama ko. What the hell! Nakulong lang sa studio, kasalan na agad? Ano bang klase ng utak meron ang babaeng to?
"Wala, walang nangyari" sambit ko sa kanya, para tumigil na siya sa pangungulit sakin.
"Ayy hindi ako naniniwalang walang nangyari" sambit niya habang binibigyan ako ng nagdududang tingin. Alam na alam niya talaga kung kelan ako nagsasabi ng totoo o hindi. Kaya napakahirap para sakin na magtago ng sikreto sa kanya. Minsan nga kahit di ko pa nasasabi alam na kaagad niya. What a talent!
"Nag usap lang kami tapos--" pagputol ko saasasabihin ko, iniisip ko itutuloy ko ba ang pagkukwento o hindi.
"Tapos anong nangyari?"
"Hindi ka ba talaga magsosorry?" hindi ko na mabilang kung pang ilang beses ko ng naitanong iyon sa kanya. It's been 3 hours, pero hindi pa rin lumalabas ang mga salitang iyon sa kanyang bibig.
"Eh ikaw hindi ka ba napapagod magtanong?" pambabara niya sakin, kaya ayaw ko ng magsalita eh kasi babarahin niya lang ako.
Pinag tuunan ko na lang ng pansin ang isang music book na nakapatong sa lamesa. Hindi ko alam kung anong laman nun, at ng buklatin ko dun ko lang nalaman na mga song lyrics pala.
Buti naman para may mapagkaabalahan ako habang nandito kami sa loob. Mukhang wala talagang balak magsorry ang lalaking to.
"Tulad ng ilog na hindi tumitigil sa pag-agos pag-ibig di matatapos, tulad ng mundong hindi tumitigil sa pag-ikot pag ibig di mapapagod" pagkanta ko sa mga liriko ng kanta, it's one of my favorite song kaya ito agad ang hinanap ko sa music book.
"Ang galing naman" at sa kauna unahang pagkakataon may lumabas ring papuri sa bibig niya
"Well, thank you" nakangiting ani ko sa kanya, tho, hindi siya ang unang tao na nagsabi sakin ng maganda ang boses ko at magaling akong kumanta.
"Saan ka natutong tumula?"
What the hell! Iniisip ko pa manding papuri yung sinabi niya kanina,nag pasalamat pa ako huh tapos ganyan yung sasabihin niya. San ako natutong tumula? Bwiset siya baka di niya alam!
"Eh ikaw san ka natutong mangpikon ng tao? Hanapin ko yung nagturo sayo, sasakalin ko lang ng isa" sarkastikong sambit ko sa kanya. Ang gago pinagtaasan lang ako ng kilay.
"Self study" mayabang niyang sambit. Proud na proud sa sarili niyang kayabangan.
"Sakalin kita diyan eh!" asik ko sa kanya.
"Pakasalan kita diyan eh"
"Ano?" gulat na tanong ko sa kanya,kahit narinig ko naman na ng maayos at malinaw yung sinabi niya. Pakasalan ba daw ako!
"Ano?" panggagaya niya sakin. Nakataas pa ang isang kilay
"Ang ganda mo kausap no?" sarkastikong sambit sa kanya.
"You just want me to repeat it kasi kinikilig ka, but sorry woman, limited edition lang yun" he said while smirking at me.
"Oh don't compare me to your girls out there, I'm not that easy to get duh" I said sounding a little bit defensive.
"Andami naman nung girls, do I look like a chickboy?" OO. Hindi lang mukha, buong pagkatao niya chickboy na chick boy ang dating! Pero syempre hindi ko pwedeng sabihin yun, I still want to consider his emotions, ang galing pa mandin niyang mangonsensiya.
"E ilan ba dapat?" curious na tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kumg bakit ako nacucurious sa mga ganong bagay, dati naman hindi eh.
"Just remove the s, woman" he answered. So kung hindi ako bobo, ibigsabihin isa lang ang babae niya. Imposible! Kanina nga lang sa coffee shop may isa na agad higad ang lumapit sa kanya,malay ko ba kung lahat ng lugar na puntahan niya eh may babae siya.
"Hindi ako naniniwala" I told him, not believing on what he said.
"Then don't, I don't fucking care!" he sounded so serious, na para bang ako pa ang mali
He's really good at that. Hindi dapat ako magpadala!
"Wala din akong pake!" mahinang sambit ko. Bakit ko pa nga ba tinatanong ang bagay na iyon? At tsaka kelan pa ko naging palatanong na tao?
"But it seems like you do" he whispered too, but that's enough for me to hear it. Gosh, dadalawa lang kami dito sa loob sobrang tahimik pa kaya kahit anong hina ng boses naming dalawa ay napapakinggan namin ang isa't isa.
Why did I ended up in this situation? Pakipa alala nga sakin!
Pinagpatuloy ko lang ang pagbuklat nung music book. Napapatigil lang ako kapag familiar yung kanta at kinakanta ko yun syempre mahina lang at baka kung ano na namang masabi ng kasama ko.
I suddenly look at him when he stand and went to the stage of the studio. It's big mostly kasi doon nagpeperform ang mga banda during events and weekly sessions. Kaya naman hindi na inaalis roon ang mga musical instruments.
Ace gets the guitar and then he seated on the high chair. I was staring at him the whole time, waiting for his next moves. I don't know why!
Twenty minutes had passed but he's still not doing something, he's just holding the guitar, I thought he will going to play it but ofcourse I understand , hindi siguro siya marunong kaya tamang tingin na lang siya.
But my mouth suddenly formed an o when he started playing the guitar, he's just so calm while doing it and his eyes look so serious and focus sa bawat pagtipa niya. He looks passionate and it seems like no one can break that passion in him.
And it seems like I am a crazy fan here, waiting for what he would do next. Is he also good at singing like kuya Arix?
Bakit may mga taong gaya niya na kayang magpabilis ng tibok ng puso sa pamamagitan lang ng pagtugtog ng gitara?
At bakit isa ako sa mga pusong iyon?
"You're good"
At bakit di ko napigilan ang bibig ko sa pagsasalita? Sana lang hindi niya napakinggan!
"Yeah and someday I will be great" sambit niya habang hindi inaalis ang paningin sa gitara. So music is his passion din pala!
"Great musician?" I ask him to confirm if that is what he meant.
"Great taste white" he joked.Gosh! kung kelan nagiging seryoso ang usapan tsaka siya babanat ng ganun. Buti sana kung nakakatawa eh hindi naman.
"Akala ko ba ayaw mo sa kape?" I just remembered what kuya Arix said earlier, this guy never went to a coffee shop so I guess hindi siya mahilig sa kape, so pano niya nalaman yung great taste white?
"Akala ko ba wala kang pake?" he fired back using my words earlier. Wala siyamg originality huh. But he's right tho, bakit nga ba nagtatanong pa ako eh wala naman akong pake alam sa sa buhay niya!
The whole eight hours was like that, tatahimik kami, magsasalita ako pero babarahin o pipilosopohin niya lang naman ako pabalik. That was so annoying! At hindi ko alam kung paano ako nakatagal sa lugar na iyon kasama siya.
"Nubayan boring naman ng lovestory niyo" reklamo ni Ayen sakin. Nakaupo pa rin siya sa kama ko habang hawak ang unan. "Wala bang kunwari nadulas ka tapos sasaluhin ka niya tapos tititig kayo sa mata ng isa't isa at bigla niyo na lang mararamdaman ang pagbilis ng tibok ng puso na para bang kayp lang ang tao sa mundo, naririnig niyo ang paghuni ang mga ibon-- Aray ko pucha!" napatigil siya sa pagiimagine niya ng bigla ay hampasin ko siya ng unan.
"Kailan pa nagkaibon sa studio?" kunot noong tanong ko sa kanya. May maimagine lang kasi! Di ginagamit ang utak. Tss. Mag gagawa gawaan na nga lang ng kwento hindi pa galingan!
"Lovebirds, oh ano? Sabihin mong wala?" pamimilosopo niya, mukhang bilib na bilib pa sa sarili dahil naisip niya iyon. Gustong gusto talaga niyang inaasar ako. Bwiset!
"We're not lovebirds duh!" pangangatwiran ko sa kanya.
"Ayy hindi naman kayo ang tinutukoy ko, sina ate Leah oh?, ano? Angal?" pakikipagtalo niya sakin. Kulang na lang ay magsuot siya ng boxing gloves at referee. Hindi talaga magpapatalo ang isang to!
"Ewan ko sayo , anak ka siguro ni Pacquiao" I joked. Ganyan ang palagi kong ginagawa tuwing nagmamaladragon siya, dahil kung hindi baka mabugahan na niya ako ng apoy. But I know that she won't do that tho!
"I kim mi like a ricking bill" pagkanta niya pa, may pagpikit pa ang luka, feel na feel ang pagkanta. Habang ginagaya ang boses ni Mommy D.
Ng makailang minuto pa ay lumabas na rin siya ng kwarto ko, napagod na ata sa pangungulit sakin. Ang sabi niya mag aaral pa daw siya, hindi lang ako sigurado kung tototohanin niya yun.
I was about to sleep when my phone rang. I immediately get it on the side table. And my eyebrows furrowed when I saw who texted me. And left out a deep sigh after reading the message.
From: Dad
Go home tomorrow night.
To: Dad
I can't I'm busy
But I didn't send it. Nagtype ulit ako ng irereply.
To: Dad
Sorry, I have a lot of school works to do.
Isesend ko na sana but I remember na yun din ang nireason ko last time so baka hindi siya maniwala ngayon.
To: Dad
Okay.
I hit my forehead after sending my reply. I honestly don't want to go there, but I didn't know how to tell it to Dad. I am afraid that he might be mad at me.
At ayaw ko ring magalit na naman sakin si Yesha dahil hindi ako pupunta tulad ng nangyari last time. Baka ipahiya na naman niya ko sa school tulad ng ginawa niya. Gosh!
Actually I wanted to be in good terms with them, I wanted Yesha to treat me as her sister aleeady and not her enemy. But I don't know how!
Dahil lalapit pa lang ako sa kanila itinutulak na nila ako papalayo.
__________________________________________________
Thank you🤗