Chereads / A Love Unsung / Chapter 5 - Chapter 4

Chapter 5 - Chapter 4

"Ma'am yung sukli niyo po!" sigaw nung taxi driver pagkababa ko.

"Keep the change kuya" sambit ko sa kanya at saka nagmamadaling pumasok sa loob ng 3A, yung studio ni kuya Arix.

It's not just a simple music studio, dahil ang first floor nito ay isang bar na pag mamay ari rin ni kuya Arix. Habang nasa taas naman ang studio, sobrang laki nito na halos pwedeng magkasya ang ilang libong tao, dito kasi ginaganap ang mga music session. At minsan ay nagkakaroon pa ng mga mini concert at music competition which is mostly battle of the bands.

Habang nagmamadali akong umakyat  ng hagadanan ay pakiramdam ko kumukulo pa rin ang dugo ko dahil sa mga nangyari kanina, bwiset na Alli na yun ni hindi man lang talaga ako pinasakay! Antagal ko pa tuloy maghintay ng masasakyan.

Ang mas ikinaiiyamot ko pa yung katotohanang makikita ko ulit yung lalaking yun dito. Nasabi niya kaninang sa 3A rin ang punta niya diba? Hayyysssstttt

"Ydha! Dito!" sigaw sakin ni Ayen pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng studio. Tapos na yata yung meeting dahil kakaunti na yung tao sa loob, yung mga close friend na lang nina kuya Arix ang naroroon at syempre si Alli!

What the hell, pangalan niya pa lang ang nababanggit ko umiinit na kaagad ang ulo ko sa inis.

"San ka galing?" bulong agad sakin ni Ate Leah pagkaupo ko sa gitna nila ni Ayen,yun na lang kasi ang bakanteng upuan.

"Jessie's" maikling  sagot ko sa kanya, yun yung name ng coffee shop na pinagkitaan namin kanina. At mukhang hanggang dito sa 3A ay hindi ako tinatantanan ng kamalasan, katapat ko lang naman kasi  siya. Si Alli!

Kasalukuyan siyang nakikipagusap dun sa ibang guy na kasama namin sa table pero mukhang hindi siya natutuwa sa pinag uusapan nila, ni hindi man lang kasi siya ngumingiti o nagsasalita man lang. Yung totoo? Nakikinig ba siya o ano?

"Oyy matunaw yan" bulong  ni Ayen sakin habang binibigyan ako ng naunuyang tingin at ngiti. Inirapan ko lang siya para tigilan niya ako sa pang aasar niya.

"Eyy bro you're here na pala, san ka galing bakit ngayon ka lang?" tanong ni Kuya Arix sa kapatid niya, at saka humila ng isang upuan at pumwesto sa tabi ni ate Leah. Kakatapos niya lang makipag usap sa ibang members sa loob ng studio.

"Jessie's" maikling sagot sa kanya nito.

"Oh dun din galing si Ydha, did you guys saw each other there?" para naman akong nabulunan sa sinabing iyon ni ate Leah. Like what the hell! Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil hindi pa nasasabi sa kanila ni Ayen na nagkita kami  o maiinis dahil baka ang lalaking iyon mismo ang magsabi noon!

"Yeah I saw her" Alli answered, dahilan para magngitian ang mga kasama namin sa lamesa.  Bakit ba kailangang sabihin niya pa yun ,ang dali dali lang sabihin na hindi, hindi kami nagkita, para tapos na kaagad ang usapan "She's actually with someone" he added, looking at me while smirking.

"Gwapo ba?" tanong sa kanya ni Ara, one of our friends. Hindi pa nga niya alam kung babae ba o lalaki yung kasama ko nagconclude na kaagad siya sa  tanong na yun

"Hindi ako marunong tumingin ng gwapo at hindi, maybe you can ask her" sabay turo ni Alli sakin ,nakangiti pa halatang pinipikon na naman ako.

"So Ydha ano  gwapo ba?" pangungulit sakin ni Ara, kahit ang mga iba naming kasama ay naghihintay na rin ng sagot ko.

"Hindi" dere deretso kong sagot  walang pag aalinlangan at walang pagsisisi. Tinaasan ko ng kilay si Alli ng tumingin siya sakin, oh anong ineexpect niya? Na sasabihin kong oo? Tse. Sa isip niya! "Akala ko nga nasa impyerno na ako eh, mukhang demonyo ba naman kasi ang nasa harap ko" sarkastikong dagdag ko pa ng hindi inaalis ang tingin ko kay Alli. Mukha namang naoffend siya sa sinabi ko, well achievement yun para sakin.

"How about you Alli? Anong masamang hangin ang nagdala sayo sa coffee shop, di ko alam na nahihilig ka na pala sa kape ngayon" nakangising ani kuya Arix sa kapatid niya. So coffee shop is not his place pala huh!

"I just met someone" sagot naman nito habang ang paningin ay ibinaling sakin. Subukan mo lang banggitin ang pangalan ko makakatikim ka talaga sakin ng sapak!

"Oh, mukhang especial yung girl ah, maganda ba?" tanong nung isa pang lalaki, madalas ko rin itong nakikita tuwing may music session dito sa 3A but I still don't know him tho.

"Yeah it feels like I'm in hevean" nakangiting sagot sa kanya ni Alli. Yan ayusin mo nga ang sagot mo ng mabawasbawasan naman ang inis ko.

"Bakit? Mukhang angel ba pare?" another familiar man ask him.

"Nope" agad na sagot sa kanya ni Alli.

"Maybe she's more than an angel, kasing ganda ba ng paraiso, yung tipong gusto mong makasama hanggang buhay na walang hanggan, or someone who looks like--"

"Manok ni San Pedro"

I sligthly hit may arms to the table ng dahil sa inis. Nadagdagan pa iyon ng magtawanan ang mga kasama namin sa table syempre pinangungunahan ng magaling kong pinsan. Sino ba namang hindi? Ikumpara ba naman ako sa manok ni San Pedro! What the hell!

"Ydha what's wrong?" tanong sakin ni ate Leah, habang ang ilan ay nakatingin din sakin nagtataka sa ginawa ko.

"I'll just need to go to the rest room ,excuse me" pagpapaalam ko sa kanila, tasaka dali daling umalis dahil hindi ko alam kung ano pang magagawa ko kapag nagtagal pa ako doon, that guy is really annoying! Ganito ba siya lahat, o sakin lang? Arrgghh I hate him!

Naghilamos ako ng mukha para pakalmahin ang sarili ko. I look at myself on the mirror and there I saw my irritated face. Tatanda ako ng maaga kapag araw araw kong kasama at nakikita ang lalaking yun!

I waited for ten minutes saka ako lumabas, at ganun na lang ang pagsalubong muli ng kilay ko dahil sa bumungad sakin.

The fucking demon  asshole!

Lalagpasan ko na sana siya pero napatigil ako sa paglalakad ng magsalita siya.

"I'm not referring to you" aniya. Dahilan para mapaharap ako sa direksiyon niya.

"What?" naguguluhang tanong ko. Ano ba kasing pinagsasasabi ng isang to? Referring? Ano daw?

"Yung kamukha ng manok ni San Pedro ,it's not you" pagpapaliwanag niya, slightly biting his lips to stop himself from smiling. "You're not the only girl I've met in the coffee shop, so don't be assuming"

Oh great, So he was referring to the girl in red earlier pala, pero ano daw? ako assuming? Bakit kailangan pang manglait pagkatapos magsabi ng magagandang salita. Ugali na ata niya yun at  hindi na mawawala sa kanya iyon.

"Okay! But don't expect na babawiin ko rin yung sinabi ko tungkol sayo kanina" I told him. Mukhang nagulat pa ang kumag, ano naman kayang nakakagulat sa sinabi ko?

"Ako ba yung tinutukoy mo kanina?" tanong niya na parang hindi makapaniwala so I nodded on him, para malaman niyang siya nga yun wala ng iba pa. "I thought you was referring to someone else"

"Ikaw lang kilala kong ganun kaya wag ka ng magtaka" mataray na sambit ko sa kanya.

"Oh You still don't know me then" seryosong aniya, problema ng lalaking to anlakas mangonsensiya! But he's right tho! I still don't know him, yung pangalan niya nga sa iba ko pa nalaman, tapos jinudge ko na kaagad siya. Well that's because of his damn attitude!

"You're the first person who annoys me that much, that's why you can't blame me for comparing you to a demon" pangangatwiran ko sa kanya. Kung hindi niya naman ako inumpisahang asarin at iyamutin edi  hindi ko rin siya bibigyan ng masasamang salita.

"And you are the first person I annoyed that much too" aniya habang nakataas ang isang kilay sa akin.

So anong gusto niyang gawin ko? Should I thanked him for that? Oh this guy! Sobrang labo niyang kausap.

"Who cares kung sino  ang nauna at huling inasar mo?" singhal ko sa kanya. Kumg makapagsalita siya akala mo napakalaking karangalan na ako yung unang taong iniis niya ng todo. Kung alam niya niya lang yung pakikiramdam!

"Me" maiklaing sagot niya, dahilan para mapatigil ako at mapatingin deretso sa mga mata niya. "I only annoys people who I care the most"

I was out of words, parang gustong gusto ko magsalita pero walang lumalabas sa bibig ko. Masyado akong naapektuhan sa mga salita ng lalaking to. What's happening to me? Hindi naman ako ganito dati ah, wala akong pake alam sa mga taong nasa paligid ko lalo na kung hindi ko naman sila kaclose.

But when it comes to this guy, parang ang dali kong maapektuhan sa mga sinasabi niya, na para bang I really care for him, for his feelings.

But what does he meant? That he cares for me? Should I believed on him? I don't think so!

Sa halip na sagutin pa siya ay nagpatuloy na ako sa paglalakad pabalik sa lamesa namin.  Hindi ko maintindihan ang hulog ng lalaking yun. Kanina lang ang lakas niya mang asar tapos ngayon biglang seseryoso. Pakahirap niyang intindihin!

Ganun na lang ang pagtataka ko ng wala na akong maabutang tao doon sa lamesa. Saan na napunta ang mga iyon? I tried to open the door pero nakalock iyon.

"They left us here" maya maya pa ay sambit ni Alli na ngayon ay umupo na ulit sa pwesto niya kanina. At sa tono ng pananalita at kilos niya parang hindi man lang siya namomroblema kung paano kami makakalabas dito.

"Why? What did you do?" iritadong sambit ko sa kanya.

"Bakit ako? Sino ba yung nagwalkout kanina?" sarkastikong aniya. I just closed my eyes para pakalmahin ang sarili ko.

"So kasalanan ko pa?" sarkastikong tanong ko sa kanya, ang kumag tinanguan pa ako. Bwiset.

"What did I do? Hindi ako nagwalkout, nagrestrom lang ako" pangangatwiran ko sa kanya.

"At sa  tingin mo naniwala sila? Tss stupid" singhal niya sakin dahilan para mapamaang ako sa kanya. "Look, they knew na nagkita tayo kanina, and they also assumed that I was refferring to you earlier,then you walked out and now they wanted me to apologyze" tamad na tamad niyang paliwanag.

"Kaya mo ako sinundan sa restroom?" tanong ko sa kanya.

"No! wag kang feeling, assuming ka na nga feelingera ka pa"

What the hell! Ang ayos ayos ng tanong ko tapos ganyan lang maririnig kong sagot mula sa kanya. San ba pinaglihi ang lalaking to at bakit ganito ang ugali niya?

"So, apologyze to me na para makalabas na tayo-"

"Walang  tayo" pambabara niya sakin, ni hindi man lang ako pinatapos sa sasabhin ko. Pero tama naman siya wala ngang kami. At napakalabong mangyari nun!

"Okay, magsorry ka na para makalabas na ikaw at ako, oh okay na?" sarkastikong ani ko sa kanya,inis na inis na sa mga nangyayari. Kapag may nasabi pa siya diyan ewan ko na lang.

"Kanta yun ni Moira diba?" oh great! Bigyan niyo pa po ako ng mahabang pasensiya at baka hindi ko na matansiya ang lalaking to. "Actually hindi ako makarelate sa song na yun eh, I'm sure ikaw din, ano bang feeling ng walang manliligaw masakit ba--"

"Can you just please say sorry" paki usap ko sa kanya. Pilit kong pinahihinahon ang boses ko baka sakaling makaramdam siya. Sana lang!

"Pity on you lady, but I don't do apologyze and I don't know that five fucking letters that you  wanted me to say"

__________________________________________________Thank you🤗