"Pucha makikipagdate ka ng lagay na yan?" tanong agad sakin ni Ayen ng makalabas ako ng kwarto, habang siya naman ay nag aaral ata, hindi ako sigurado kasi nakaopen yung youtube sa laptop niya.
Ganyan kasi ang ugali ng babaeng yan kapag nag aaral, nakapaligid ang sandamakmak niyang gadgets at kapag nahawakan na niya kahit isa lang sa mga yun makakalimutan na niyang nag aaral siya!
I look at myself and I think wala namang mali sa suot ko. I was wearing a simple branded blue shirt, medyo malaki pa kaya tinuck on ko siya sa pants ko partnered with my white shoes.
Hindi ko naman na kailangan pang mag ayos kasi wala naman sa plano ko ang makipagdate kukunin ko lang talaga yung wallet ko sa lalaking yun. Oh, I still don't know his name, well bakit nga ba kailangan ko pang malaman? Tss.
"Pasalubong" pahabol pa ni Ayen bago ako tuluyang lumabas ng condo, I am planning to commute na lang, I have cars but I don't know how to drive, maybe I should enroll for driving lessons na.
Mabuti na lang at meron kaagad na dumaang taxi at nakasakay agad ako. Hindi naman sa nagmamadali akong makita ang lalaking yun, I just value my time, hindi lang ito ang gagawin ko ngayong araw!
Agad na akong pumasok sa coffee shop kung saan daw kami magkikita kuno. Hindi na ako umangal pa ng siya na ang nagbigay ng dating... I mean meeting place namin.
Pinili ko yung lamesa sa may bandang gilid wala lang ayoko lang ng may makakakita pa sakin dito kasama yung lalaking iyon, baka kasi maissue pa ako sa kanya.
"He's wasting my time" reklamo ko saking sarili dahil sa inis. Ilang minuto na ang nakalipas pero ni anino ng lalaking yun hindi ko pa nakikita. Pinagtitripan lang ata ako ng isang yun!
Kung hindi lang talaga importante yung wallet hindi ko ito pag-aaksayahan ng oras.
"Oh you're still here!" agad akong nag-angat ng tingin sa kanya pagkadating niya. Kusa namang nagsalubong ang kilay ko ng makita ang kanyang suot, what the hell! Parehas pa kaming nakablue, sweater nga lang yung sa kanya.
"Two five lang yan" bigla ay sabi niya ng mapansin ang pagkakatitig ko sa kanyang suot . What the hell hindi ko naman tinatanong yung presyo, may maipagyabang lang?!
"Where's my wallet?" tanong ko agad sa kanya, ayokong sayangin ang oras ko sa taong to dahil siguradong walang magandang patutunguhan kung magtatagal pa kaming magkasama.
"Sobrang traffic kaya ako na late" oh great!napakalapit ng sagot niya sa tanong ko at bakit kailangang lambingan pa niya yung boses niya na parang humihingi siya ng sorry sa girlfriend niya? Bwiset.
"I am asking for my wallet and not for your damn excuses!" singhal ko sa kanya. Pero ang lintek hindi ata ako naiintindihan, nagpout pa nga.
"By the way babawi na lang ako, what if Surigao, yeah that's a good idea right!" lalo namang napakunot ang noo ko ng ilapit niya ang mukha sakin habang ang kanyang mga braso ay nakapatong sa lamesa para siyang may pinagtataguan. "You're so cute Babe"
Sasampalin ko na sana siya ng pisilin niya ang pisngi ko ng isa niyang kamay, pero agad naman niya akong napigilan gamit ang isa pa.
"Pwede bang sumakay ka na lang" sambit niya ng hindi inaalis ang mukha niyang sobrang lapit na sakin."Can you still see the girl?" tanong niya pa.
"Who's girl ang daming babae dito" singhal ko sa kanya bakit ba ako sumasakay sa trip ng lalaking to? Tss.
"The girl in red" aniya.
"Dalawa yung nakared" sagot ko ulit, ng makita yung isang babae na nasa counter medyo may katandaan na at yung isa naman ay nasa kabilang table, yun siguro yung tinutukoy niya mukhang kaedad rin lang namin.
Bakit niya kaya niiwasan yung babae?
Bigla tuloy akong nakaisip ng magandng ideya hahaha makabawi man lang ako sa lalaking to sa paninira niya ng araw ko.
"Waiter!" bigla ay sigaw ko ,sinadya ko talagang laksan iyon para makuha ang atensiyon ng mga tao sa loob at higit sa lahat yung babaeng nakared sa kabilang table.
Hindi naman ako nabigo dahil lumapit kaagad sa lamesa namin yung babae, at ganun na lang ang tuwa ko ng makita ang ekspresiyon ng mukha ng lalaki sa harap ko. Galit na galit ang hanep!
"Hey Is that you Alli?!" the girl greeted him and slightly flirting him. So Alli pala ang pangalan ng lalaking to. I just rolled my eyes ng tumabi pa yung babae sa kanya Isa siguro ito sa mga babae niya kaya iniiwasan niya kanina pa. Well, wala namang kaso sakin yun, he can flirt with anyone.
Napataas naman ang kilay ng babae ng mapatingin siya sakin, as if naman aagawin ko sa kanya yang lalaking yan, Magsama silang dalawa! Ako pa magkasal , such a pleasure for me!
"Who is she?" tanong nung babae kay Alli, kapag ba magtatanong kailangan humawak pa sa dibdib? Tss
"One of my fans, pwede na daw siyang mamatay kapag nakita niya ako eh kaya pinagbigyan ko na" yun na ang pinakawalang hiyang sagot na narinig ko sa tanang buhay ko. Ang kapal ng mukha! Ako fan niya? Kapal ng mukha!
"Oh, I thought she's your sister, magkamukha kasi kayo" sarkastikong ani nung babae. Uso na ba talaga yung mga bobong sagutan ngayon? Andaming nagkalat na walang kwentang sagot sa paligid ko eh.
Sabi na nga ba at hindi maganda ang patutunguhan kung magtatagal pa ko eh. Kanina ko pa dapat kinuha sa kaniya yung wallet ko. Bwiset. Ako dapat yung mangtitrip diba bakit bumalik kaagad sakin?
"So I guess ,I'll see you around?" sambit pa nung babae, bakit ba hindi na lang siya umalis? ,andami pang dada. Itong lalaking to naman feel na feel yung kalandian nung babae, chick boy na chick boy ang galawan eh.
Napatingin na lang ako sa malayo ng magpaalam na yung girl at bumalik na sa table nila.
Ano ba kasing paki alam ko diba? Buhay nila yan! Wag kang bida bida Ydha!
"Selos naman agad" bigla ay sambit ni Alli.
What the hell! Sakin niya ba sinabi yun? Well sorry siya masyado siyang assuming sa part na yun!
"Hindi yung tipo ng babaeng yun ang pinagseselosan ko excuse me--"
"Wag kang bading tol, nakita mo lang may kasamang lalaki nanloloko kaagad, well I can't blame her"
Oh what the hell ,hindi pala ako yung kausap niya, he's talking with someone on his phone, a friend of him I guess!
"Sinasabi mo ulet?" tanong niya sakin ng ibaba na niya yung phone sa lamesa.
"Where's my wallet?" I ask him, medyo naiiyamot na dahil sa sobrang tagal niyang ibigay iyon. Dahilan naman para matawa siya yung tawang may halong pang aasar. Bwiset!
"Here!" and after of how many hours ,binigay na niya rin sakin. Ibibigay din naman pala hindi pa kanina.
"Pano nga pala napunta sayo to?" nagtatakang tanong ko. Wala akong natatandaang ibinigay ko sa kanya yung wallet ko kagabi, and hinding hindi yun mangyayari never!
"Really? You're asking me how? Tho It is you who told the vendor to just give that thing to me" he said while smirking at me. Akala ko naman kasi yung tungkol pa rin sa balot ang sasabihin ni kuya kagabi hindi ko naman alam na nalaglag ko pala yung wallet ko.
"Okay I'll go now" pagpapaalam ko sa kanya pero hindi pa ako tumatayo sa pwesto ko, obviously waiting for him to say something.
"What nasa kin ba yung paa mo?" sarkastikong aniya, what the hell nakalimutan kong may pagka sa demonyo pala tong kasama ko. Hindi na dpaat ako naghintay pa ng sagot niya.
Inis akong tumayo at lumabas sa coffee shop na yun, wala talagang magandang nangyayari kapag nasa paligid ko ang lalaking yun. Kabaligtaran siya ng lucky charm para sakin.
I suddenly stopped walking when my phone rang, Ayen is calling, na agad ko namang sinagot.
"Deretso ka sa 3A ,nandito kami nina ate Leah" bungad niya sakin pagkasagot ko ng tawag.
"What?"
"Ayyy bingi ang shunga! Sabi ko deretso ka sa 3A nandito kami lahat may meeting for the music camp" pagpapaliwanag niya, medyo naririnig ko na rin sa background ang boses ng ibang tao kaya malamang marami ng naroroon.
"I'm tired ikaw na lang, update mo na lang ako"
"That's a big big no no, my cousin pag di ka pumunta sasabihin ko kay kuya Arix na nakipagdate ka diyan sa kapatid niya"
Oh great akala ko makakapagpahinga na ko ngayong araw pero hindi pa rin pala. Hindi ako ngayon pwedeng humindi dahil sa sinabi niya. Kilala ko yung babaeng yun kung ano yung sinabi niya gagawin niya talaga!
"Yeah, I'm on my way" nabaling ang tingin ko sa kakalabas lang na si Alli may kausap na naman siya sa phone, what the hell ang awkward banggitin ng pangalan niya!
Bahagya pa siyang tumingin sa direksiyon ko ,binalik niya rin naman iyon sa unahan niya habang may kinakausap pa rin sa phone. Habang ako naman ay kanina pang nag hihintay ng masasakyan, bakit ba kasi wala pang dumadaan na taxi?!
Agad ko namang kinuha ang phone ko at saka binuksan nung ito ay tumunog. Ayen texted me!
From: Ayen
Hanu na? Nasan ka na?
From: Ayen
Baka naman pwedeng matigil muna yang kaharutan mo, kelangan lang kita dito, now na!
What the hell! Bakit niya ba ako minamadali? At ano daw kaharutan? Kung alam niya lang sana yung nangyari kanina. Tss.
To:Ayen
OTW na.
Lalo akong nataranta ng maalala kung gaano kadaldal ang bibig ng pinsan kong yun, baka masabi niya kayna kuya Arix at ate Leah na nakipagkita ako sa Alli na yun. And mas worst pa kung nasabi na niya talaga!
Sinundan ko ng tingin si Alli ng maglakad na siya papunta sa kotse niya,na nasa may harapan ko pala. Kumunot naman ang noo ko ng buksan niya yung shotgun seat. Siguro may driver siyang kasama!
"I'm going to 3A" maya maya pa ay sambit niya pagkaharap niya sakin. Bakit kaialngan pa niyang sabihin yun?Ano namang pake ko? Kahit sa Pluto pa siya pumunta wala akong pake alam!
"Oh why? nasakin ba mga paa mo?" I used his words earlier to fired him back. Anong akala niya siya lang marunong mamilosopo? Tss.
Umiling siya habang hinihimas ang sintido niya. At saka muling tumingin sakin.
"Hindi ka sasabay?" he ask smoothly, hindi man lang nahiya o naawkward, yung ibang lalaking nag aya sa kin ng ride before halos hindi na makapagsalita sa sobrang kaba at hiya tapos siya wala man lang hesitation.
But I have no choice! Kailangan ko ng makapunta sa 3A kundi sandamakmak na pang aasar ang aabutin ko mula kayna kuya Arix kapag sinabi ni Ayen na nakipagdate ako sa kapatid niya.
"I'm waiting--"
"Oo na sasabay na ako" hindi ko na siya pinatapos pa sa sasabihin niya. Lumakad na ako kaagad papalapit sa kanya, nagtaka lang ako ng hindi pa rin siya umaalis doon. Baka naman magpapaka gentleman siya ngayon! Yung tipong bubuksan at isasara niya yung pinto para sakin.
Pero hindi iyon ang nangyari, pinagtaasan niya lang naman ako ng kilay na para bang may mali akong nagawa.
"Ano na naman" singhal ko sa kanya!
"What are you doing here?" sambit niya dahilan para magkasalubong ang kilay ko. Kakasabi ko lang na sasabay ako tapos ngayon tatanungin niya ko kung anong ginagawa ko! Anong klaseng utak meron siya?
"Inaya mo kong sumabay diba?, kaya eto sasakay na ako" naiinis na paliwanag ko sa kanya, sana lang magets niya kaagad,mukhang may tama ata utak ng lalaking to eh!
"Yeah inaya kitang sumabay, hindi sumakay gets mo?
What the hell! Napatulala na lang ako sa kawalan ng dahil sa sinabi niya. Ano bang kasalanan ko sa mundo at hinayaan nilang makilala ko ang lalaking to?
__________________________________________________Thank you🤗