Chereads / A Love Unsung / Chapter 3 - Chapter 2

Chapter 3 - Chapter 2

"What now?" asik ko kay Ayen when I noticed that she's staring at me kanina pa. Buti sana kung titig lang pero may kasama kasi yung pang aasar!

"Oo o hindi lang ha, type mo yung kapatid ni kuya Arix no?" pakiramdam ko kagabi niya pang gustong sabihin sakin yan pero ngayon lang siya nagkaroon ng lakas ng loob na magsalita while we're taking our lunch break here in our school cafeteria.

"Alam mo ikaw ata yung may gusto eh,sabihin mo lang kasi sayong sayo na" I said without no hesitation.

"Hoy! Kaduo sa pagbabalance ang hanap ko hindi jowa" yeah sinabi niya nga yun sakin last day, ang ideal boyfriend niya daw ay yung magaling magbalance sa accounting. What a user!

"Hey, Ydha" pareho kaming napasinghal ni Ayen ng dahil sa dumating na babae. "Are you not going to greet me my dearest step sister?"

There she goes, Yesha my step sister with her plastic attitude, if I know ganyan lang siya kapag nasa harap ng madaming tao and of course in front of our Dad.

Just a month after my Mom died, that was the only time na nalaman ko ang tungkol dun. The whole seven years of my life I thought that our family was perfect, little did I know that Dad was already lying and cheating behind us.

No! He's cheating on his real family!

My Mom is his mistress at ako? Anak sa labas. Kaya ganun na lang ang pakitungo sakin ni Yesha. She hates me that much at wala akong maalalang oras na naging kapatid ang turing niya sakin.

"Dad is waiting for you to come home last night for a dinner, but what should we expect from a bastard daughter?" pwede niya yung sabihin ng hindi na kailangan pang marinig ng ibang estudyante kung gugustuhin niya but she chose not to, at isa lang ang nakikita kong dahilan, gusto niya na naman akong maipahiya sa harap ng maraming tao.

Sinadya kong hindi umuwi kagabi sa bahay at mas piniling tumulog sa condo kasama si Ayen, wherein I am always welcome though. Alam ko na naman kasi ang mangyayari kapag umuwi ako sa house, papalabasin na naman nila na pinapabayaan ko ang studies ko because of that music session. Eh kung isampal ko kaya sa kanila ang mga balance sheet na ginagawa ko!

"Can't say something huh! Bakit? Kasi nahihiya kang ipakita yung bagsak mong grades kay Daddy? Hindi ka lang bastarda boba ka rin pala" yang mga salita niyang yan ang iniiwasan ko kaya ayaw ko ng umuwi sa bahay. Paulit ulit na lang. " Alam mo kung pwede lang pumili ng kapatid , I will definitely not going to choose you"

"Ay wew! choosy ang pucha!" rinig kong asik ni Ayen, bahagya ko pa siyang sinipa para pigilan siya. Ayoko na ng gulo.

"What do you want?" I asked her in a calmest  way na kaya ko.

"You know what I want, freak!" aniya saka tuluyang umalis sa cafeteria kasunod ang mga alagad niyang higad.

" Lakas din ng tama niyang kapatid mo eh no, psychiatrist kelangan niyan, promise" pagbibiro ni Ayen. Yesha and her were not cousin kasi pinsan ko siya in my mother side. Pero kahit na ganoon mas close pa rin kaming dalawa kesa kay Yesha.

"Ay oo nga pala sama ka sa music camp ha! Masaya yun for sure" anyaya niya sakin. She handed me the waiver, hindi ko alam kung bakit kailangan pa nun eh nasa tamang edad naman na kami. Kagabi kasi habang kumakain kami sa restaurant ay inimbitahan kami ni kuya Arix na magjoin sa music camp this weekend.

Kaso hindi ko alam kung papayagan ba ko ni Daddy.

Kung makakasama kami ni Ayen this would be our first time to join the music camp since every five years lang siyang ginaganap and the last time na nagconduct sila nito ay hindi kami nakajoin dahil napasabay sa midterm exam naman namin. Kaya ganun na lang kaexcited itong si Ayen.

"Oyy kuya memahalang kayong sawsawan?" lahit saan nangingibabaw talaga ang boses nitong si Ayen. Kasalukuyan kami ngayong bumibili ng fishball at kikiam sa may plaza.

Palagi kaming dumadaan dito dahil paborito naming kumain ng mga street foods na mabibili mo lang sa paligid nito. Bukod doon ay dahil na rin sa magandang view na matatanaw mo kaya naman kahit madilim na ay napakarami pa ring tao ang nasa paligid. At syempre meron ding pabackground music,kung di ako nagkakamali isang banda ang tumutugtog ngayon dito.

"Ayy parang gusto ko ng balot" ani Ayen habang hinahalo halo yung mga fishball at kikiam dun sa lutuan. What the hell! Bakit siya na ang nagluluto doon? Oo nga pala masyado na silang close ni manong na nagtitinda dahil nga palagi kaming bumibili dito at kapag maraming bumibili, tinutulungan na siya ni Ayen na magluto.

"What?" asik ko sa kanya ng tingnan niya ako, yung tinging parang gusto niyang ako ang bumili ng balot. Like what the hell! Pano ako bibili eh wala nga akong nakikitang nagtitinda sa paligid namin.

"Baka naman" pagpaparinig niya habang ang paningin ay naroon pa rin sa nilluluto niya. "Baka lang naman hehhe"

"Okay! But where the hell am I going to buy?" asik ko sa kanya. Kung mag usap kami parang walang tao sa tabi namin.

"Ayyy try mo sa botika baka meron!" walang hiyang sagot niya, dahilan para matawa ang mga kasama namin roon. This girl really!

Umalis na lang ako kaagad doon at inillilibot ang paningin habang naglalakad para maghanap ng nagtitinda ng balot. San ba kasi yung nagtitinda ng balot?!

Di ko na alam kung saan na ako napadpad kakahanap ng lintek na balot na yon. Buti na lang at may nakita na ako sa may dulo.

"Kuya pabili nga"

And what the hell, required ba na magsabay sa pagsasalita kapag bibili ng balot? At bakit sa dinami dami pa ng pwedeng makasabay ko eh eto pang lalaking to?

"Give me one" sambit niya kay kuyang nagtitinda, na para bang may patago siyang balot dito.

"Sakin kuya dalawa" syempre di ako papahuli ako kaya ang naunang dumating kaya ako dapat unahin ni kuya na pagbilhan.

"Naku! Pasensiya na kayo mam at sir, iisa na ho kasi itong balot ko eh" sambit ni kuya habang bahagyang kinakamot ang kanyang sintido. "Kanino ko ho ba ibibigay?" tanong pa niya.

Malamang sakin! What the hell! Ako yung nauna dito ,first come first serve! Kaya sakin dapat, ako dapat ang pagbilhan niya!

"Give it to me" ganun na lang ang pagsalubong ng mga kilay ko ng tingnan ko ang walang hiyang lalaking yun! At pinagtaasan naman niya ako ng kilay, mukhang naghahamon pa . What's his problem?

Kung si kuya Arix ang nasa sitwasyon na to siguradong ipapaubaya na niya sakin to, malas ko lang at itong kapatid niya ang  narito.

"Ako yung nauna dito kaya sakin mo ibigay yan kuya" pangangatwiran ko. Hindi syempre ako magpapatalo, si Ydha magpapatalo? No way!

"You're buying two right? How can he give you two, if he only have one?" nagtanong pa nga. Ayaw ko pa naman sa lahat yung pinipilosopo ako. Bwiset!

"I'll buy one then" nakangiti kong sambit kay kuyang nagtitinda, sana lang madala siya ng mga ngiti kong yun.

"Now who's the first one to buy that one duck egg?" wow! this guy and his logic!

"Can you just find another place where you can buy balot!" singhal ko sa kanya pero sa halip na matakot ay bahagya pa siyang natawa  may pag kagat labi pa ang walang hiya para pigilan ang pagtawa niya.

"Can you find that place for me?" taas kilay niyang tanong sakin. Bakit ba ang hilig hilig niyang magbalik ng tanong? Pinapakulo masyado ng lalaking to ang dugo ko, pag hindi ko siya natansiya baka makatikim siya sakin ng sapak! Hayssstttt

"What the hell" bigla ay sigaw ko ng mabundol ako ng isang lalaking tumatakbo, kasunod namn niya ay ang dalawang pulis at ang isang babaeng umiiyak. May magnanakaw pa nga. Talamak na talaga ang mga kriminal ngayon.

Buti na lang at may nakasalo sakin dahilan para hindi ako mapasubsob ng tuluyan sa lupa kundi sa dibdib ng isang lalaki..... what the hell!

"Ayyy pucha insan sabi ko bumili ka ng balot hindi humarot"

OH great! Wala ng lalakas pa sa boses ng pinsan ko ,at sa pagkakataong ito pinagsisisihan kong naging pinsan ko siya! Hindi ata siya aware na maraming tao sa paligid para makasigaw siya ng ganun.

Nabaling sa amin sandali ang atensiyon ng mga tao. Kaya agad kong inialis ang pagkakapit ko sa dibdib nung lalaki at ganun din ang ginawa niya ng alisin ang pagkakakapit niya sa bewang ko.

Agad akong lumapit kay Ayen at sinamaam siya ng tingin, kundi dahil sa katakawan niya sa balot hindi masisira ang gabi ko. Bwiset!

"Pag ibig na kaya pareho ang nadarama ito ba ang simula, di na mapipigilan pag ibig na ito" may pagkanta pa ang magaling kong pinsan, di ko sigurado kung tama ba yung lyrics niya o ano! Haysssttt.

"Stop it Ayen!" saway ko sa kanya, dahil para lang naman soyang nagcoconcert sa Araneta. Hindi talaga marunong mahiya ang isang to!

"Pwede na sa mmk yung story niyong dalawa haha, alam mo kung anong magiging tittle?" nagtanong pa nga ng tittle, I just rolled my eyes on her para tumigil ma siya sa pangungulit. "Balot buwahahahah"

Oh heaven!

Wala na akong nagawa kundi ang maglakad paalis doon, masyado ng masama ang gabong ito sakin, pakiramdam ko alhat ng dugo ko umakyat lahat sa ulo ko. Buwiset.

"Ma'am pano po yung--"

"Just give it to him!" sigaw ko kay kuyang nagtitinda ng balot, ng hindi siya tinitingnan sigurado naman akong yung tungkol sa balot ang sasabihin niya, pasensiya siya dahil wala na akong balak pang bilhin yun! Isaksak niya na lang sa baga ng lintek na kapatid ni kuya Arix na yun matutuwa pa ako!

"Pwede ng sabitan ng kawali yang nguso mo promise" sita sakin ni Ayen pagkarating na pagkarating namin sa condo niya.

"Pwede na ring pakuluan ng mantika yang bibig mo, para hindi na makaputak" asik ko sa kanya,inismiran lang ako ng gaga. Sanay na kami sa ganyang usapan dahil normal na samin yun!

Parehas kaming dumeresto sa kanya kanyang kwarto namin, buti na lang at dalawa ang kwarto dito sa condo ni Ayen at talagang malaki ang space. Kaya naman simula ng magcollege kami at nung umalis ako sa bahay namin dito na ako tumira. Pumayag si Daddy dahil kilala niya naman si Ayen.

I was about to take a bath ng biglang tumunog ang phone ko, someone messaged me, I am not expecting someone to text me tonight tho.

My brows suddenly furrowed when I saw an unknown number. Who the hell is this?

From: 0965*******

Your order is ready to deliver Ma'am.

What the, I don't even ordered online! Hahayaan ko na sana ng bigla kong maisip na baka nawrong send lang, nangyari na rin kasi sakin yun dati. Makakatanggap na naman ako ng product kahit hindi ako nag oorder.

To: 0965*******

Sorry, pero hindi po ako nag order.

That's very formal or what? Bahala na basta sinabi ko yung totoo, ako pa ba ang mag aadjust? Tss.

From: 0965*******

Ms. Alcantara right? You have one order here.

Ito na ata ang pinaka nakakairitang araw ng buhay ko!

To: 0965*******

What's my order then?

If maganda naman yung product why not diba? Masyado ng masama ang gabing to sakin, ayaw ko ng dumagdag pa to. Sana lang maganda yung product!

From: 0965*******

Balot :)

"AAAYYYEEENNN!!!!!!" umalingawngaw ang boses ko sa buong condo dahil sa lakas ng sigaw ko. Dali dali akong lumabas ng kwarto at nagtungo sa kawarto ni Ayen. Siya lang ang kilala kong makakagawa ng kokolokohang to! Bwiset!

Pero ganun na lang ang paglaglag ng balikat ko ng makita siyang lumabas mula sa kwarto niya na ang tanging saplot lang ay ang tuwalya. Mali ata ang hinala ko, hindi naman siguro siya makakapagtext habng naliligo kasi yung cellphone niya ay nandoon rin sa sidetable.

"Potek! Problema mo?" singhal niya sakin. Pero wlaa na akong energy pa para sumagot sa kanya " Hoy Ydha, kailangan mo na rin ng psychiatrist promise!"

"Tell me ,did you texted me?" tanong ko sa kanya. Ang gaga pinagtaasan pa ako ng kilay

"Ano ka chix?"

Oh right! Daig ko pa ang kumakausap sa batang paslit, bwiset!

Dahil wala akong makuhang matinong sagot sa kanya ay bumalik na ako saking kwarto. Ganun na lang amg gulat ko ng may biglang tumawag...

0965******* is calling

Agad ko naman itong sinagot ,gusto ko ng matapos ang gabing to! Bwiset.

"Hello--"

"Your wallet is with me, if you want to get it, let's have a date then"

__________________________________________________Thank you 🤗