Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

A Deal With A Mafia Boss [Tagalog]

🇵🇭keinx
--
chs / week
--
NOT RATINGS
17.6k
Views
Synopsis
Mira Everleigh Valmera excels in everything she does, there's only one thing she couldn't do and it was to disobey her parents. Which made it easier for her to become the perfect daughter they want her to be. However, all her beauty, intelligence, and talent were useless when her parents sent her to an abusive man just to keep their comfortable life. Will her family's betrayal be enough for her to completely go against them? Desperate to escape, she stumbled upon Kaius, having a deal with him was just a way to survive and escape the life she despises. But agreeing to marry a Mafia boss and giving him an heir have consequences she wasn't ready for. Both are blinded by pain, fury, and are carrying burdens they do not speak about. Will there be room for love to bloom? With Kaius by her side and rage in her heart, will it be the cause of the enemies' downfall or hers?

Table of contents

Latest Update3
033 years ago
VIEW MORE

Chapter 1 - 01

"Let me go," Mahina kong saad. Umaasa na maririnig at pakakawalan niya rin ako.

Hindi ko alam kung ilang araw na nakatali ang mga paa ko gamit ang isang kadena, namumula na rin ang parte kung saan 'yon nakatali.

Umupo siya sa kama upang magpantay ang mukha namin. Gusto ko siyang saktan, gusto kong magalit. Pero wala ako sa lugar para gawin 'yon.

"Will you promise me that you'll be a good girl Everleigh?" Walang tigil sa pagbuhos ang mga luha ko, saka ako napilitang tumango. Nabigla ako nang hilain niya 'yong parte ng damit ko sa balikat upang ilapit ako sa kaniya.

"No running away from me, or you'll suffer worse than this," Sinigurado niyang maririnig ko ang bawat salitang lumabas sa bibig niya. Matapos no'n ay binitawan na niya ang damit ko.

Kinuha niya mula sa bulsa ng pantalon ang maliit na susi, saka ginamit 'yon sa kadenang nakatali sa 'kin. Nang matanggal iyon ay kitang kita ang pamumula at pagsusugat ng balat ko sa parteng 'yon.

"Hindi sana magagasgasan 'yong magandang balat mo kung hindi ka nagpupumiglas. Just give in, stop pushing me away," Matapos niyang sabihin 'yon ay tumayo na siya mula sa kama at lumabas ng silid.

Paano ako titigil, paanong hindi ko siya itutulak palayo. Kung ilang beses na niya kong sinaktan, kinukulong at pilit na hinihingi ang mga bagay na ayaw kong ibigay.

Paano ako nagawang ibigay ng magulang ko sa hayop na to. Nakikita nila ang mga pasa at sugat ko pero tila ba normal lang ang mga 'yon, parang inaasahan na nila 'yon.

Niyakap ko ang sarili at hinayaan na lang tumulo ang mga luha ko. Gusto kong umalis. I want to be selfish too, I want to decide for myself, I want to save myself just like how my family saved themselves even though they had to send me to hell.

Naghintay ako ng ilang minuto bago tumayo. Sinubukan kong pihitin ang doorknob, sa hindi inaasahan ay bumukas ang pinto. Ngunit hindi ako pwedeng dumaan dito, siguradong hindi ako makakalabas.

Nagkatinginan kami ng isang katulong—si Nicole, alam na niya kung anong gagawin nang makita niya ako.

Ito na ang hinihintay ko, ang matanggal ang mga kadenang 'yon. Dali dali akong pumunta sa balcony, madalas ay nakalock din ito pero isa sa mga katulong ni Ryle ang tumutulong sa 'kin. Kaya naman iniwan niya itong nakabukas no'ng huling beses siyang pumasok sa kwarto.

Nasa pangalawang palapag lang ako, there's a lot of bushes below so I don't think it will hurt me to the point that I won't be able to move. I just have to run, I need to run.

I went over the railings, I was facing the room. Mahigpit akong humawak sa mga railings saka onti onting binaba ang mga paa ko, hanggang sa katawan ko na ang nakasabit. Huminga ako ng malalim bago bumitaw.

Agad kong naramdaman ang mga tumutusok sa katawan ko, lalo na sa paa ko. Sobrang sakit ng mga paa ko, kaya hindi ko inakalang magagawa kong tumakbo.

Walang ibang nasa isip ko kundi ang makalayo sa lugar na 'yon. Nang marating ko ang gate nitong mansyon ay agad kong nakita si Nicole. Mukhang aligaga siya, hindi ko alam kung paano niya naitaboy ang mga guards. Pero ito ang napag-usapan namin.

"Bilisan mo!" Hinila na niya ako palabas ng gate.

"Thank you, thank you! You should leave too. Baka kung an—

"Ako ang bahala sa sarili ko, bilisan mong tumakbo dahil siguradong hahabol sila." Bago pa man ako makasagot ay pinagtulakan na niya ako palabas.

Sinunod ko ang sinabi niya, kahit umaambon pa, kahit magmukha akong baliw ngayon. Walang tigil akong tumakbo, hanggang sa makita ko ang isang kalsada.

Konti lang ang kotseng dumadaan mabuti na lang at nasa tapat ako ng stoplight. Hindi ko alam kung sino sakanila ang pwedeng tumulong sa 'kin. Lumingon ako upang tignan kung may sumusunod nga sa 'kin, halos malaglag ang puso ko nang makita ang mga tauhan ni Ryle.

Saktong bumukas ang pinto ng isa sa mga sasakyan, lumabas ang isang lalaki mula rito. Hindi na ako nag-aksaya ng oras dahil baka makita pa nila ako. Dali dali akong lumapit sa kotse saka binuksan ang pinto nitong kasasara lang. Mabilis akong pumasok sa loob at sinara ang pinto nito.

"F*ck, What are you doing inside my car!" Hindi na ako nahiya, nangingibabaw sa 'kin ang kagustuhang makalayo sa impyernong buhay na 'yon. " Get out, or you'll f*cking regret it," dagdag pa ng driver nitong kotse.

"P-Please drive, Please get me out of here," I begged. My feet are bleeding, my legs are full of bruises and even my face is aching. Hindi ko na alam kung kakayanin ko pa maglakad.

Ngayon ko lang nararamdaman ang matinding sakit gawa ng pagtalon ko kanina. Kung kanina ay nagawa ko pang tumakbo, ngayon ay hindi ko na magalaw ang isa kong paa.

Sigurado akong sa kaniya lang ang kotseng hindi nakalock ang pinto, dahil kalalabas lang ng kasama niya no'ng pumasok ako. At kung lalabas ako ngayon ay siguradong mahahanap nila ako.

Napatingin ako sa kaniya, matalim ang tingin niya sa 'kin. Bumaba tuloy agad ang tingin ko. Mukhang pinag-mamasdan din niya ako.

My eyes landed on his—Are those blood stains on his shirt? No, madilim ngayon at nahihilo lang ako, those are probably design.

"You look like sh*t," Normally I'd be offended, but he's right. I do look like sh*t right now. Madumi ang suot kong dress, at duguan pa ang paa ko. Siguradong pati ang mukha ko.

"Fine, But only if you agree to have a deal with me," Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Mabilis akong tumango.

"You're that desperate huh?" Rinig kong komento niya. Hindi ko na siya pinansin, mas natatakot ako sa mga taong humahabol sa 'kin kaysa sa nakakikilabot niyang tingin. Hanggang ngayon nga ay nanginginig pa rin ako.

Nagulat ako nang ipatong niya ang jacket sa hita ko. Mas lalo tuloy bumuhos ang mga luha ko, akala ko ay naubos na kanina. Nakahinga ako ng maluwag nang tumakbo na ang sinasakyan namin.

Dahil sa pagod at sakit ng katawan ay nakatulog ako sa kotse. Nang magising ay nasa isang malambot na kama na ako. Masakit pa rin ang katawan pero nagawa kong bumangon, malaki ang silid. May apat na pinto pa sa loob.

Nasaan ako?

Tumayo ako't lumapit sa isang pinto, saka ito binuksan. Agad akong napaatras nang makita ang nasa loob nito. Guns, a lot of Guns and other weapons.

Bigla kong naalala ang lalaki kanina. 'Yong tumulong sa 'kin. Sino siya? Bahay niya ba to? Bakit ang daming baril. Sh*t is he some kind of criminal?