Chapter 2 - 02

"You're awake," isang baritong boses ang narinig ko mula sa likod. Kaya naman napalingon ako.

"W-What are you?"

"Before that, Let's talk about the deal. I think my part is almost done, it's time for yours," lumapit siya sa 'kin. Naalala ko ang tungkol do'n, ngunit ano ba ang gusto niya makuha pa sa 'kin? Wala naman akong maibibigay.

"I want you to marry me, we can have an annulment after a year—

"Ano? Ayaw ko!" Kaya nga ako sumakay sa kotse niya ay para takasan ang isang kasal.

"Here me out, sweetheart. I can save you from whichever hell you're from. Kasal lang ang kailangan ko, you can live your life however you want to. I won't control you," He explained. He must be crazy.

"Pucha, nakisakay lang ako sa 'yo tapos yan ang kapalit?"

"Kanina, mukhang may tinatakbuhan ka." May ngisi na ngayon sa mukha niya. " I'm right, aren't I? I can keep you safe and away from whoever they are. I will even let you use my money, my house and let you keep your freedom, With only under two conditions. Now, does that seem fair to you?" Bigla akong napaisip, wala rin naman akong ibang tatakbuhan.

"Two?"

"Yes, First, I want you to be my wife." Binigay niya sa 'kin ang isang papel. Kinuha ko ito.

"And the second?" Tanong ko.

"Fill up and sign the papers first," Saad niya. Binasa ko ang nakalagay sa papel. Marriage. If I sign the paper, I'll be married to him.

Huminga ako ng malalim bago lumapit sa mapapatungan ko ng papel saka sinulat ang pangalan ko at pinirmahan 'yon. Nang ibalik ko sa kaniya ay agad niyang kinuha saka tumalikod.

"You look like an angel, and yet you chose to have a deal with the devil. I wonder why," Hindi ko gaano narinig ang sinabi niya dahil mahina lang 'yon at naglalakad na siya palayo.

"S-saglit! 'Yong pangalawa?" Tumigil siya sa paglalakad. Lumingon ito sa 'kin.

"I want an heir." Nabigla ako sa sagot niya. An hei–Anak? Gusto niya ng anak?

"Have dinner with me, it's not a request," sabi pa niya bago tuluyang makalabas ng kwarto.

Natulala ako dahil sa mga sinabi niya. Napalingon ako sa balcony, agad akong pumunta do'n. Kung sakali man na gustuhin ko siya takasan ay—Pucha. Ang taas.

Hindi katulad ng kala Ryle, Masyadong mataas ito. Siguradong bali bali buto ko kung tatalon ako dyan. Pero ang mas lalo nagpalubog sa puso ko ay ang kinaroroonan namin.

Are we in a d*mn forest!

I can see the gates from here, beyond the gates are trees and Huge ones, and although it's a bit far I can see a mountain from here. Paano ako tatakas!

Pero, bakit nga ba ako pumayag. Nahihibang na ata ako. Umupo ako sa kama at sinubukang mag-isip. Gaano katagal ba akong tulog?

Sabagay ilang gabi rin ako hindi nakatulog dahil kay Ryle, kaya siguro nadala niya ko rito.

Kailangan ko muna malaman kung tutuparin niya ang mga sinabi niya. Ang kalayaan ko, ang buhay na malayo kala Ryle. Isa pa, kung magkamali man ako at maging malaking problema ito. Atleast aking desisyon at hindi sa magulang ko o ng kahit na sino.

I just have to keep calm. I've been through worse. This won't break me...But I don't think I can do the second condition, hindi ko ipapahamak ang sarili kong anak. Hindi ako katulad ng mga magulang ko.

Kung babawiin ko ba ay anong gagawin niya?

Sh*t ang sakit nanaman ng ulo ko. Wala rin naman akong kawala sa ngayon, nasa gitna kami ng gubat. Aside from that, I don't know what kind of man he is, I need to be careful.

Ngayon ko lang napansin na napalitan na ang suot ko, kulay itim na dress, lagpas ito sa tuhod ko. Left foot is wrapped, while there's a lot of bandages on my skin. Sinong gumawa nito, at sinong nagpalit ng damit ko!

Lumabas ako mula sa silid, medyo masakit pa ang paa ko kaya mabagal ako. Ngunit hindi pa ako nakalalayo ay nakita ko na ulit 'yong lalaki kanina, Hindi naman siya mukhang kriminal, masyado siyang gwap–pucha. Marahas akong napailing.

Hindi ko pa rin pala alam ang pangalan niya. Ikakasal ako sa taong hindi ko alam ang pangalan.

Sa likod niya ay nakasunod ang ilang katulong, may hawak na tray na naglalaman ng mga pagkain. Huminto siya sa harap ko kaya naman napayuko ako. He has this intimidating aura.

"We're having dinner at my room," sabi nito. Hindi ko naman alam dahil hindi niya agad sinabi, kainis!

Tatalikod na sana ako kaso bigla na lang niya akong binuhat, Bridal style.

"Ibaba mo ko!" Utos ko, sinubukan ko pa siyang itulak.

"Ibabagsak kita kung hindi ka titigil," Hindi naman siya mukhang seryoso kaso baka gawin talaga, masakit pa nga ang katawan ko eh.

Hinayaan ko siyang buhatin ako, amoy na amoy ko ang pabango niya, kahit ilayo ko ang mukha ko ay naamoy ko pa rin ito.

Nang makapasok kami sa silid ay nilapag niya ako sa napakalaki niyang kama. Kulay itim din ito, katulad ng mga pader, habang ang carpet ay kulay puti. Dalawang kulay lang ang makikita mo sa loob ng kwarto niya, Puti at itim.

Pinatong ng isang katulong ang malaki ngunit mababang lamesa sa kama. Mukhang balak pa ko pakainin dito sa higaan, ang dami pa ng pagkain.

'Yong iba naman ay nilapag ang pagkain sa isang lamesa na nasa gitna ng sofa at flatscreen TV. Umupo siya sa sofa, siguro ay dito rin siya kakain.

Nang makalabas ang mga katulong niya ay nabigla ako sa dami ng pagkain sa harap ko. Nakakagutom. Kaso nakakahiya naman kung ipapahalata kong gutom na ko, hindi pa nga siya sumusubo sa pagkain niya eh.

"Why are you looking at me? Kumain ka," Sabi niya, nagulat ako dahil bigla na lang siya lumingon sa 'kin. Agad ko tuloy binalik ang tingin sa mga pagkain sa harap ko.

Nag-simula akong kumain para iwasan ang tanong niya. Gano'n din naman ang ginawa niya. Gusto ko pa rin malaman ang pangalan niya, ayos lang sigurong tanungin ko 'yon.

"Anong pangalan m-mo?" Huminto ito sa pagkain saka tumingin sa 'kin.

"You can call me, Kaius, Everleigh—

"Wag mo kong tawagin gamit ang pangalan na 'yan. Mira na lang." isang tao lang ang tumatawag sa 'kin sa pangalawa kong pangalan, at lagi kong naalala ang boses niya tuwing maririnig ko ang pangalan na 'yon.

"Okay, Everleigh," Tugon nito. Napatingin tuloy ako sa kaniya. Bingi ba siya o sadyang nang-aasar. Batuhin ko kaya ng hotdog?

"Don't you dare," sabi niya tila ba narinig ang nasa isip ko. Siguro napansin niya ang masama kong tingin, kaya naman inirapan ko na lang siya.

---

Latest chapters

Related Books

Popular novel hashtag