Chapter 3 - 03

Nang matapos kaming kumain ay muling pumasok ang mga katulong niya. Hindi ko nga alam paano nila nalaman na tapos na kami. Hindi ko rin naubos lahat ng hinain nila, masyado kasing marami para sa isang tao lang.

Kanina pa siya nakatingin sa phone niya, ano kayang trabaho niya. Baka naman hindi totoo ang mga baril na 'yon, collection kaya?

May kasama ba siya rito, mukhang malaki 'yong bahay. Ang lungkot siguro kung siya lang mag-isa. Tapos nasa gitna pa ata ng gubat.

Binalik ko ang tingin ko sa kaniya, bagay sa kaniya 'yong kilay niya, parang laging galit. What captured my attention was his eyes, It looks so perfect and held so much emotion. Second was the scar near it, despite having an obvious scar on his face, he still looks...godly.

Nagulat ako nang tumingin siya sa 'kin. Hindi tuloy ako nakaiwas.

"You're staring again," Pansin nito. Tumayo siya kaya naman sinubukan kong alisin sa kaniya ang tingin ko, ang bilis din ng tibok ng puso ko kasi palapit siya sa 'kin. Anong gagawin nito pucha.

"A-Anong ginagawa mo?" Bigla na lang kasi siyang humiga sa kama, mabuti na lang at malaki ang kama, kaya nakausog pa ako.

"This is my bed, I want to rest," sagot nito. " May gusto ka bang itanong, o gusto mo lang ako titigan?" Dagdag pa nito.

"I'm just curious. And maybe confuse," Tugon ko.

"How about you ask me questions, I'll answer them only if you're willing to answer my questions too," he suggested. I don't know if I can actually answer his questions. Lalo na kung tungkol sa pamilya ko.

"There are questions I can't answer."

"Bakit ayaw mong tinatawag kitang Everleigh?" Akala ko ay hindi na niya itutuloy 'yon mga tanong na yan. Saka sinabi ko na ngang may mga tanong akong hindi masasagot.

Pero kapag ba sinabi ko sa kaniya ay titigilan na niya ang pagtawag sa 'kin gamit ang pangalan na 'yon?

"Mira na ba ang itatawag mo sa 'kin kapag sinagot ko 'yan?" tanong ko.

"Depends," maikli niyang sagot.

"Fine..." I was hesitant. " It reminds me of someone that I don't want to remember."

"Okay, your turn. Ask," right now, he's staring at the ceiling. Just waiting for me to answer.

"Bakit dito ka kumain, you didn't have to accompany me-

"Gusto ko lang dito kumain, hindi para sa 'yo 'yon." Edi ako na assuming. Ang weird lang kasi pwede naman siyang kumain sa dining niya o kung san man.

"I would ask you about the scars and bruises you have, but that's a question you don't want to answer. So why ask for my help?" Did I? Kasi ang alam ko ay may kapalit to. " You know, when you chose my car."

"Nakita ko kasing may lumabas sa kotse mo, kaya nagbaka sakali lang na bukas. As you've said before, someone was chasing me," sagot ko.

"Okay, your turn."

"Are you alone in this house?" I have a lot of questions for him. Kaso iniisip ko pa ang ilan dito, baka kasi may mga ayaw din siyang sagutin o di kaya bigla na lang to magalit.

"Yeah," tipid niyang sagot. Tuwing sasagot siya ay mapapatingin ako sa kaniya. Kaso hindi naman niya inaalis ang tingin sa taas.

"Where's your family–

"Ako na ang magtatanong, at ayaw kong sagutin 'yan," aniya.

Matagal kaming natahimik. Hinihintay ko kasing magtanong siya. Naubusan na kaya siya ng itatanong? O katulad ko lang din siya na pinag-iisapang mabuti ang mga itatanong dahil baka isa ito sa mga hindi pwedeng itanong.

"Are you..." he paused. " Afraid of me?"

Kumot ang noo ko sa tanong niya. Siguro kanina kinakabahan ako, at sigurado akong hindi ko pa siya lubos na pinagkakatiwalaan. Pero takot? Sa ngayon, hindi naman.

Siguro dahil pagod na kong matakot. O dahil alam ko na kung ano o sino ang dapat katakutan. When I was younger, I was afraid to make mistakes because my parents would lock me inside a dark room. When I was a teen, I was afraid of not getting high marks, not being a part of the honor students. I was afraid to say no to my parents.

Kasi parang nakakalimutan nilang anak nila ako kapag galit sila. Masasakit na salita, kinukulong sa isang kwarto na walang kahit anong bintana at ang tanging nasa loob ay ang sarili ko, mga emosyon ko't mga luha. Hindi nila ako pinapalo o sinasaktan, inaalagaan kasi nila ang balat ko. Maputi at makinis. Siguro nga hindi talaga ako takot sakanila, baka mas takot ako sa ideya na baka hindi na nila ako mahalin dahil sa pagkakamali ko.

So I tried to be a good daughter, only to end up in Ryle's hand. Only to be abandoned.

Sinubukan kong alisin sa isip ko ang mga 'yon. Baka kasi maiyak nanaman ako rito.

"I-I don't think so," sagot ko.

Ngayon lang napunta sa 'kin ang tingin niya.

"Should I be afraid of you?" Tanong ko habang nakatitig sa mga mata niya. Ilang saglit kaming nakatingin sa isa't isa bago siya umiwas.

" I still have work to do, let's continue it next time." Dali dali siyang tumayo mula sa kama. Umikot siya para makapunta sa pwesto ko, saka nilahad ang kamay.

"I'll bring you to your room, unless you wanna sleep with me," May ngisi sa mukha niya habang sinasabi 'yon.

" Kaya ko pa naman magla–

"No, you shouldn't force yourself. No one will take care of you here if you won't recover fast." Tama naman siya. Ayaw ko namang umasa sakanila kapag lumala pa to, kailangan ay gumaling na ang paa ko.

Hinayaan ko siyang alalayan ako, hanggang sa huminto kami sa isang pinto. Napansin kong sumunod lang ito sa pinto ng kwarto niya. Ibig sabihin ay magkadikit pa ang kwarto namin.

Mas maliit lang siguro ang kwartong to, itim at pula naman ang kulay ng silid.

Nang madala niya ako sa kama ay lumabas na rin siya. Tulad nga ng sabi niya, may trabaho pa siya.

Dahil nga tulog ako halos buong araw, hindi pa ako nakararamdam ng antok. Umupo lang ako sa kama. Binabalik balikan tuloy ng isip ko ang mga mapapait na alaala. Hindi ko napansin na tumutulo na pala ang luha ko, kung hindi pa ito pumatak sa kamay ko.

Niyakap ko ang sarili, ako na lang pala talaga mag-isa ngayon. Pero kahit maiwan pa ako, kahit hindi na nila ako mahalin. Hinding hindi na ako babalik, kahit lumingon hindi ko gagawin.

Hindi ko na nabilang kung ilang minuto o kung inabot man ng ilang oras ang pag-iyak ko. Ilang minuto rin akong tumunganga lang, bago makaramdam ng uhaw. Wala naman akong makitang tubig dito kaya naman iika-ika akong naglakad patungo sa pinto. Kapag bukas ko ay bumungad sa 'kin ang isang katulong.

"May kailangan ho ba kayo?" Nagulat ako sa kaniya pero agad akong tumango.

"Tubig sana, uhm kanina ka pa ba dyan?" Tanong ko sa kaniya.

"Opo, inutusan po ako ni Sir na bantayan kayo. Hindi pa raw ho kasi kayo nakakikilos ng maayos. Kung may kailangan po kayo ay nandito lang ako sa labas," paliwanag niya. " ikukuha ko na po kayo ng tubig."

Tumango na lang ako at bumalik sa loob ng kwarto. Napunta ang atensyon ko sa TV, baka puwede akong manood. Dali dali kong hinanap ang remote no'n. Buti na lang at nakita ko agad.

Nanood lang ako ng movie, nakakamiss kasi. No'ng dumating ako sa bahay ni Ryle ay wala na kong ibang ginawa kundi sundin siya. Kasi masasaktan ako kung hindi ko gagawin 'yon.

Maya maya ay bumukas ang pinto. Nagulat ako nang pumasok ang isang matanda. May dalang tray na naglalaman ng pitsel at baso. Hindi siya ang katulong na nakausap ko kanina, medyo bata pa 'yon eh. Nilagay niya ang tray sa bedside table.

"Ako na po," sabi ko nang akmang magsasalin na siya ng tubig sa baso. Tumigil siya at muking binaba ang pitsel.

Tumayo lang siya at tila ba pinagmamasdan ako. Hindi ko tuloy alam kung saan titingin.

"Kung mahal mo ang buhay mo, aalis ka na sa lugar na to," bigla akong napatingin sa kaniya dahil sa sinabi niya.

"P-Po?"

" Hija, wag mo nang subukan. Maraming babae na ang sumubok," aniya. Hindi man lang niya pinaliwanag ang ibig niyang sabihin, hindi ko na rin natanong dahil lumabas na siya matapos sabihin 'yon.

Ano ba kasing klaseng tao siya?

I'm very familiar with the bad ones, So I can feel, that he wasn't one of them. Hindi siya katulad nila Ryle, hindi siya katulad ng mga magulang ko. At para sa 'kin ang mga taong 'yon ang nakakatakot.

Sinigurado kong nakalock ang pinto ko, pati na rin ang sa balcony. Nanood muna ako, pilit na inaalis sa isip ko ang mga bagay bagay. Hanggang sa makaramdam na ako ng antok.

Kahapon lang ng madaling araw ay tumatakbo ako, ngayon ay malambot na kama ang hinihigaan ko.

I felt at ease, atleast for just a moment. Even if I die, I won't die in the cage they made for me. And it somehow made me feel better.

It was already 2am when I fell asleep, the moment I woke up it was already bright outside.

Paggising ko ay lumabas ako nang silid. Masakit pa ang paa ko pero nagagawa ko namang ilakad 'yon. I guess the sprain isn't that bad?

"Naku, sigurado ho ba kayo? Hintayin ni–

"Kaya ko na. dalhin mo na po ako sa kusina, hindi ko kasi alam kung nasan," putol ko sa sinasabi niya. Wala siyang nagawa kundi tumango.

Nang makarating kami sa kusina ay siya na mismo ang naghanda ng breakfast ko, mapapagalitan daw kasi siya kapag pinabayaan niya ako. Ayos din naman kasi masyadong malaki 'yong kusina, hindi ko alam kung saan ko kukunin mga bagay bagay.

Pagtapos kong kumain ay dinala niya ako sa pool, sabi ko kasi ay gusto kong makalabas, I really need fresh air after everything that happened.

Isang mansyon itong tahanan ni Kaius, Mas lalo tuloy akong napapaisip kung ano ba talaga ang trabaho niya. Nakaupo lang ako sa isang bench malapit sa Mansyon, sa hindi kalayuan ay ang dalawang pool ni Kaius.

Naiwan naman 'yong katulong na umaalalay sa 'kin sa kusina. Babalik daw siya matapos ang kalahating oras, kaso makalipas ang ilang minuto ay naiihi na ako. Bakit ko ba kasi nakalimutan gawin 'yon bago bumaba.

Tumayo ako kahit kumikirot pa ang paa ko, saka pumasok ulit sa loob upang hanapin ang banyo. Habang naglalakad sa pasilyo ay nakarinig ako ng pamilyar na boses, parang kay Kaius.

Baka pwede akong magtanong sa kaniya. Kaya sinundan ko ang boses nito. Nakita ko ang isang silid, bukas ang pinto nito at mukhang do'n nanggagaling ang boses. Kaya naman lumapit ako para sumilip.

May billiards sa loob, darts at may mini bar pa. Do'n sa mini bar ko nakita sina Kaius, may kausap siyang lalaki.

Hihintayin ko na lang sana siya sa labas, ngunit tila ba tumigil ang oras nang makita ko ang baril na hawak niya. Nagulat pa ako nang pumutok ito, at sa isang iglap ay nakatumba na ang kaninang kasama niya.

Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Pigil din ang paghinga, pucha huwag sanang maihi.

Nagkatinginan kami, tulala pa rin ako dahil sa nangyari. Walang emosyon ang mga mata niya–hindi, pilit tinatago ng mga ito ang mga emosyon.

Nanghina ang tuhod ko kaya napaupo na lang ako sa sahig, hindi makagalaw. Habang siya ay naglakad lang na parang walang nangyari, akala ko ay lalapit siya sa 'kin ngunit nilagpasan lang niya ako.

Nanginginig ang buo kong katawan, W-What just happened.

Hindi ko alam kung ilang minuto nga ba akong tulala, pero ngayon ay pumasok na ang ilang lalaki, nilapitan nila ang bangkay ng taong kasama ni Kaius kanina. At nasa harap ko na rin ngayon ang ilang katulong, tinatawag nila ako.

I felt my heart sinking. He's just like them...a monster. Fear wasn't something that can express what I feel right now. Instead, I wanted to get away from him. I don't want to be near someone who'll remind me of the people I badly want to forget.

I-I have to go.