May mga bagay sa nakaraan na kinakatakot nating mangyari muli sa kasalukuyan. Mga bagay na kahit anong pag iwas ay patuloy pa ding may pilit na magpapaalala nito. Minsan pa mas masakit pa ang sa kasalukuyan kesa sa nagdaan.
Halos isang buwan na kami mag kakilala ni PJ. Ganun pa din nanliligaw pa din siya. Masasabi ko na siguro na kilala ko na talaga siya dahil halos araw araw ay mag kasama kami. Sa katunayan lalabas kami ngaun
-ting-message tone
"Baby! Punta ako sa bayan sabay na ko sa yo pag pasok mo"
"Ok PJ see you later"
Nauna na ako kay PJ sa terminal ng jeep napaaga ako kaya medyo matagal akong nag intay.
"Kanina ka pa ba nag iintay"
"Hindi ah ok lang sanay naman ako maghintay"
"Arte naman ng baby ko, ako nga nag iintay sa ating dalawa"
"Tapusin mo na yang pag hihintay mo"
"Bakit??"
"Tayo na. Ayaw mo ata"
"Talaga baby tayo na? YES!"
Dumating na nga yung time na sinagot ko na si PJ. Oo bahala na sa kung anong kakalabasan nito, nag desisyon na naman ako ng padalos dalos.
"Baby san ka ba pupunta sa bayan?"
"Ah may tatagpuin lang ako baby'
"At sino naman?"
"Ah kaibigan ko baby"
"Ah sige baby ingat ka"
"Ikaw din baby ingat ka. I love you"
"I love you too."
Dumating na ako sa school as usual ang mga kaibigan kong chismosa nakaabang sa balita.
"Hey Jake baka gusto mo magkwento?" Usisa ni Roxy
"Nasan si Judy? Para isang kwento na lang"
"Ah nasa bayan pa may bibinili lang para sa project niya sa isang subject"
"Uhm ok mamaya na lang natin pag usapan"
"Pasabik ka. Tse!"
Nasa bayan pa noong oras na yun si Judy. Kaya etong Roxy nag mamadaling tinext si Judy upang bumalik na agad sa aming school.
"Hoy Judy! Nasan ka na bilisan mo may ikukwento si Jake"
"Tungkol saan?"
"Ewan ko sa baklang to haha ang daming arte"
"Haha ang kiri din naman niyan eh"
After a few minutes nagkita kita kami sa canteen. Pag dating ni Judy...
"Wow may pa libre si Jake! Jake huh! Anong meron?"
"Sabihin mo na kasi!" Segunda agad ni Roxy
"Eh kasi... ano.. aaah... uhmmmm"
"Ano nga!" Habang naka nganga ang dalawa
"Ok ok! KAMI NA!"
"Ni PJ??"
"Yung tumatawag sayong baby"
"Oh my Gosh! Kailan pa?"
"Ngaun lang"
"Magbebrake din kayo" pang aasar ng aking kaibigang NBSB na si Roxy
"Ang bilis nga ng pangyayari hindi ko na matandaan"
"Kiri mo kasi haha"
Last class na namin ang P.E, ako after class nag aabang na lang ng jeep sa tabi ng school namin samantala yung dalawa pupunta pa sa night market para kumain ng kung ano.
At sa hindi inaasahang pag kakataon nasulyapan nila si PJ sa isang tindahan
"Roxy si PJ yun diba?"
"Oo nga. Nag aano si PJ dito? Halika lapitan natin"
"Wag tingnan natin kung ano gagawin niya"
"Sige! Sige!"
"Oh Judy may babae lalapit kay PJ"
"Hmmm. Roxy naiisip mo ba naiisip ko?"
"Oo Judy"
"Hala! Tumpak girlfriend ni PJ!"
Oo nahuli ng dalawa si PJ na may tinagpong babae at napag alaman nila na girlfriend nga niya ito
"Halika Judy dun tayo sa malapit kumain"
"Sige sige"
At narininig nila ang usapan ni PJ at Sabrina.
"Hon kumusta? Namiss kita" isang matamis na pagkamiss ni PJ kay Sab
"Im ok hon namiss din kita"
"Buti pinayagan ka lumabas sa bahay niyo"
"Ah oo hon sinabi ko kasi may bibilhin lang ako"
"Gusto na kita makasama hon"
"Ako din hon"
"Tara doon tayo sa dati"paanyaya ni PJ na may halong malalagkit na tingin na tila nagpapahiwatig ng makating damdamin
At ang dalawang mag kaibiga'y halos mapasubsub ang mukha sa kinakain mami.
"Roxy! Narinig mo yun?"
"Oo narinig ko! Pero bakit!"
"Oo nga bakit? Diba sila Jake"
"Oo sila lang ngaun diba?"
"Shit niloloko niya kaibigan natin?"
"Oo obviously na nakita pa natin!"
"Grrrrr.... nakakagalit!"
"Sasabihin ba natin?"
"Oo kailangan!"
"Pero paano?? Alam mo naman yun baliw sa pag ibig pag sinabing mahal siya paniniwalaan niya yun"
"Bahala na basta itext mo siya Judy!"
Agad agad namang nag send ng message sa akin ang aking mga kaibigan
"Hi Jake kumusta?"
"Huh? Im ok" nagtataka ako
"Busy ka?"
"Ah hindi naman"
"Wla ka katext?"
"Wla bakit?"
"Hindi mo katxt si PJ?"
"Ah hindi bakit?"
"Nakita kasi namin si PJ dito sa night market"
"Ah oo may tatagpuin nga daw siyang kaibigan niya"
"Ah kaibigan lang ba?"
"Oo yun ang sabi eh.. bakit ba?"
"Eh kasi narinig kasi namin ni Roxy na tinawag niyang hon yung babae"
"Hmm??"
"Oo Jake maniwala ka sa sinabi ni Judy. Nakita namin yung dalawa nag usap sila namiss nila ang isat isa may pupuntahan pa nga sila ngaun doon daw sa dati nilang place"
-roxy
"Wait sinasabi niyo ba na may iba si PJ"
"Oo kaya sana maniwala ka"
"Wait im going to ask him"
A few minutes later
"Hi baby nasan ka?"
"Hellko baby nandito na sa bahay matutulog na masama kasi pakiramdam ko iloveyou."
"Ah ok iloveyou too pahinga ka na po"
"Bakit baby?"
"Ah wala sige pahinga ka na"
After a minute
"Judy nasa bahay daw naman si PJ matutulog na masama daw pakiramdam"
"What? Eh dinig nga namin may pupuntahan yun dalawa"
"Judy Roxy baka naman nag kamali lang kayo ng dinig"
"Maniwala ka naman sa amin sinasabi lang namin yung nakita namin"
"Bago pa lang kami wag niyo naman sana agad kami gawan ng isyu"
"Jake! Kung hindi ka na niniwala sa amin bahala ka! Walang sisihan ha! Ayaw na namin kay PJ wala na kaming tiwala sa kanya!"
"Mahal ako ni PJ yun yung sinabi niya sa akin"
"Bahala ka!"
Nag away kami ng mga kaibigan ko dahil hindi ko sila pinaniwalaan sa mga sinasbi nila. Hanggang sa isang araw napagdesisyon ko na sumali na sa clan niya.
"Baby busy ka?"
"Hindi naman bakit?
"Sali na ko sa clan mo"
"Ha? Bakit?"
"Ayaw mo?"
"Hindi naman"
"Kung ayaw mo wag na geh ingat!"
"Oo na baby ipapawelcome na kita wait lang"
After a few minutes naipawelcome na nga ako. Madami dami din namang nag welcome sa akin.
So agad naman ako nagpakilala
"Im lunti, 17, sa puso ni Mr.P"
Maya maya pa ay may nag text agad sa akin. Siya si Cath
"Kayo ni Mr.P?"
"Ah oo bakit"
"Ang dami niyo"
Nagulantang ako sa sinabi ni Cath hanggang sa kinulit ko siya
"Cath?"
"Yes?? What can i do for you?"
"Ano yung sinabi mo kanina?"
"Ah itanong mo na lang sa boyfriend mo"
"Ok thank you"
Ano ba talaga ang meron? Bakit lahat ganun ang reaksyon?
"Baby?"
"Yes baby?"
"Bakit madami daw kami na gf mo?"
"Ah wala yun feat lang yun"
"Ah ok"
Ilang sandali lang ay may dumating na mensahe muli sa akin
"Fd, hon mahal na mahal po kita"
-sab
Sab? Short term for sabrina? Siya ba yun tinutukoy ng mga kaibigan ko?? Naguhuluhan na ako ano ba talaga...