Nakauwi na ako ng bahay. Grabe ang bigat ng maghapong ito. Parang lahat ay kasalanan ko, pati ang pag hihiwalay ni Mark at Sam ako din ang naging dahilan.
Hindi nakakatuwang isipin ang nangyari sa amin ni Mark. Ginanit niya ako para lang magtapos sila ni Sam. Pumikit ako sandali upang mag muni muni at ng biglang
-ting message tone
Pag bukas ko ng cellphone ko may mensahe si Mark. Lasing na lasing daw siya nasa bar nagpapasundo.
"Jake! LalaaAsinggg akoo!"
"Suunduiiin mo ako"
Napakamot ako sa ulo ano gagawin ko. Baka gawagawaan na naman niya ito kaso baka totoo kasi pag totoo mag wawala yun dun. Mabuti na lang at wala akong kasama sa bahay lumuwas ang mga magulang ko kasama ang bunsong kapatid ko.
Pag dating ko sa gate.. napatigil ako laking gulat ko at andun si Rico.
"Riiiicoo" nauutal kong pagsasalita
"Saan ka pupunta?"
"Ah eh.." hindi ko kasi alam kung ano sasabihin ko natatakot ako at baka mag skandalo eto dito
"Saan nga! Magwawala aKo dito!"
"Pupuntahan ko si Mark lasing na lasing nasa bar"
"Putcha naman hindi ka ba nadadala ha! Papayag lang ako kung isasama mo ako"
"Oh sige tara na!" Bahala na pero kailangan din ako ni Mark.
Hindi ko matanggihan si Mark dahil noong panahon na kailangan ko ng karamay palagi siyang anjan.
Nakarating na kami sa bar. Lasing nga ang kumag..
"Mark tara na! Ano ba kasi nangyari. Halika iuuwi na kita sa bahay niyo"
"Jake dumating ka hindi mo ko pinabayaan!" Naiiyak si Mark
"Rico sa tricycle na kami sasakay sumunod ka na lang ingat ka sa pagdadrive salamat ha"
"Ok" masama ang tingin ni Rico kay Mark
Nasa tricycle kami ni Mark. Umakap siya sa akin.
"Jake sorry kanina ha pati ikaw nadamay sa amin ni Sam"
"Ok lang yun Mark tapos na yun"
"Mahal kita Jake"
"Mark kasama ko si Rico. Kasama ko ang boyfriend ko"
"Wala akong pakialam kung kasama mo siya basta mahal kita Jake! Kukunin kita sa kanya"
"Lasing ka lang malapit na tayo sa bahay mo"
Sa tabi lang po kuya. Ibinaba ko na si Mark sa tricycle grabe ang hirap maging alalay ng lasing.
"Mark nasan ang susi ng pinto!"
"Nasa bulsa ko sa harap"
Dinukot ko ang susi sa bulsa ng pantalon niya. Dahil nakatungo ako hindi ko alam na magtatama pala ang mga labi namin pagtunghay ko.
"Hinalikan mo ko Jake!"
"Mark hindi ito ang oras para sa ganyang biro!"
Pagkabukas ko ng pinto agad ko siyang dinala sa kwarto niya inihiga inalisan ng damit, kumuha ng maligamgam na tubig at bimpo.
Rinnnnggggg
Si Rico
"Hello Rico"
"Nakalimutan mo ata na kasama mo ako!" Galit na tinig ni Rico
"Sorry wait bubuksan ko na ang pinto"
"Thanks! Bilisan mo jan dito muna ako sa sofa. Pagkatapos mo uuwi na tayo!"
Abalang abala ako napepressure na ko haist ano ba naman nangyari to sabay sabay na. Nag simula na ako punasan si Mark.
"Jake thank you"
"Wala yun ano ka ba"
"Mahal kita Jake"
"May boyfriend na ko nasa labas siya"
Nag alis ng button at zipper ng pantalon si Mark.
"Teka Mark ano gagawin mo!"
Tumatawa "iihi ako wag ka magpanic"
"Bilisan mo!"
"Hindi mo ba ako aalalayan papunta sa banyo?"
Wala ako nagawa kundi sumunod at alalayan ang kumag na ito
"Oh ayan tapos na balik na tayo sa kama ko"
"Teka lang itago mo muna yan"
"Ah oo nga pala" tumatawa na naman si Mark
"Jake may ibubulong ako sa yo"
"Ano yun"
Walang ibinulong si Mark. Hinalikan niya ako sa lips ng matagal. Hindi ko naalala na katapat lang ng pinto ng kwarto ang inuupuan ni Rico.
"Mark sandali! Kasama ko si Rico!"
"Paalisin mo na yan may gagawin pa tayo!"
At dumating si Rico
"Jake kailangan na nating umuwi mag uumaga na!"
"Oo susunud na ko"
"Mark kailangan na naming umuwi sorry"
Nakatulog na pala ang mokong. Umalis na lang kami. Dala ko ang susi ng bahay niya if ever kailanganin na naman niya ako.
Tahimik nag dadrive ng motor si Rico. Walang imik walang kibo hanggang sa dumating kami sa bahay niya. Doon na niya ako dineretso sa bahay niya dahil mag uumaga na din naman
"Rico may problema ba?"
Hindi sumasagot si Rico
"Rico may problema ba?" Inulit ko at baka hindi lamang niya narinig.
"Kanina mo pa kasi ako hindi kinikibo"
"Hindi ka ba mag sasalita"
"Matulog ka na Jake!"
"Ano ba kasi ang problema!"
Pasigaw " tinatanong mo ko kung ano ang problema? Gusto mo talagang malaman!"
Napasigaw na din ako " oo!"
"Nakita ko kayo ni Mark nag hahalikan! Tanaw na tanaw ko kayo! Ano masaya ka na. Ha Jake! Hindi ako tanga!"
"Rico hindi ko naman ginusto yun siya naman yung humalik"
"Putang ina Jake! Lagi na lang hindi sinasadya!"
"Rico pakinggan mo naman ako!"
"Ano ha! Ano na naman ang kasinungalingang gusto mong paniwalaan ko!"
Sa puntong iyon hindi ko na nagawa ang magsalita pa.
"Jake minsan, ako naman yung intindihin mo. Napapagod na ako sayo. Napapagod na ako ipagsisikan ang sarili ko sayo"
"Kahit kelan hindi ako ang naging priority mo."
"Oo nga pala Jake ipinilit lang nga pala ako sayo ni PJ kaya hirap na hirap kang mahalin ako!"
Naiyak ako sa mga salitang binitiwan ni Rico. Naging unfair ba ko sa kanya.
"Rico sorry mahal kita kahit hindi mo nakikita"
"Tama na Jake! Wag mo na lang ipilit sa sarili mo na mahal mo ako kasi kahit anong gawin mo hindi ko pa din nakikita sayo na mahal mo ako"
"Tapusin na natin ang lahat ng ito ngaun din"
"Rico..." wala na akong ibang nasabi sa kanya. Tanging mga luha na lamang ang naibigay kong sagot.
Noong time ding iyon kami naghiwalay ni Rico. Mahal nga ako nung tao ni hindi ko man lang siya binigyan ng pagkakataon napaka selfish ko.
Umalis na sa clan si Rico. After ng ilang buwan nalaman ko na lamang na nag ka girlfriend na siya. Masaya ako para sa kanya kasi alam ko mamahalin siya ng kanyang kasintahan.
Hindi nagtagal ay nakita ko na lamang sa aking news feed na nagpakasal na yung dalawa. Oo nagkaroon ng kirot sa aking puso at tanging nasabi ko na lamang ay
Sayang....