Chereads / Love is like a Game / Chapter 11 - Chapter 11

Chapter 11 - Chapter 11

Ang bilis ng pangyayari sa amin ni Rico. Hanggang ngaun nanghihinayang pa din ako sa kanya. Pero deep inside masaya naman ako para sa kanya. Nakibalita na lang ako kay PJ

"PJ may asawa na pala ni si Rico"

"Ah oo"

"Ako din pala malapit na ikasal nagkita na kasi ako ng babaeng seseryosohin ko"

"Ah ok that's good"

"Don't worry buo pa naman ang clan magkakasama pa din tayo"

Hindi na ko sumagot kay PJ. Lahat na sila ay nagsipag asawahan. Wala pa din akong balita kay Mark. Hanggang sa nakapa ko ang susi ng bahay niya sa bag ko

"Susi ito ng bahay ni Mark"

Nagpasya akong itext siya

"Mark kumusta?"

Himala ang bilis sumagot

"Ok lang ako Jake"

"Yung susi pala ng bahay mo nasa akin pa"

"Ah oo yan yung hinahanap ko buti na lang may extra ako dito"

"Ah Mark may key chain pala to na half heart ang cute naman"

"Ay oo yung half heart sayo ko lang pala makikita ang half heart ko"

"What do you mean"

"Yung kalahati ng puso ko nasa akin at ang kalahati pa ay nasa iyo!"

"What the!" May halong kilig

"May gagawin ka ba mamaya?"

"Yuph punta ako school mag eenrol"

"Ah sige what time tapos mo?"

"Not sure eeh"

"Ah dalhin mo yung susi pag maaga ka natapos text mo ako sunduin kita sa gate"

"Ok"

Pag dating ko sa school.

Kokonti ang pila wla din sina Roxy at Judy. Siguro nauna na sila sa sa pag eenrol. Maaga ako natapos kaya tinext ko na si Mark.

"Mark tapos na ko"

"Ha ang bilis excited ka ata makita ako"

"Sira eh sa walang pila ano gagawin ko pumila ng pumila hanggang maghapon?"

"Haha suplado ka pa din Jake! Papunta na ko boss"

"Boss bossin mo mukha mo!"

Pag dating ni Mark. Natulala ako ang laki ng pag babago niya mas gwapo siya ngaun kesa noon.

"Yung bibig mo muntik na pasukan ng langaw" ang bungad ng antipatiko

"Eh di bugawin mo"

"Tara na sa bahay ipapakilala kita sa parents ko"

"Ha ano?"

"Wag ka assuming hindi pa kita papakasalan"

"Hayup ka talaga Mark!"

"Mas hayup ako sa kama Jake"

"Tse"

Pag dating namin sa bahay nila.

"Ma andito na po mapapangasawa ko!"

"Mark para kang sira nakakahiya"

"Oh hello Jake"

"Hello din po tita pasensia na po sa anak nio nakakahiya po tuloy"

"Ano ka ba Jake wag ka mahiya kay mama magiging mama mo din siya sa future!"

"Sira ka talaga"

"Haha ang cute niyong dalawa" bati ng mama ni Mark

"Ma, Pa siya po si Jake siya po ang nag ingat ng puso ko"

"Ah siya ba? Upo ka iho"

"Salamat po"

Hiyang hiya ako sa magulang ni Mark. Eto namang si Mark hindi man lang ako na briefing.

"Iho slamat sa pag aalaga sa anak namin ha ng minsang nalasing siya."

"Wala po yun tita"

"Alam mo ba Jake yang anak kong yan biglang nagbago simula nung gabing iyon." Dagdag pa ng papa ni Mark

"Nako tita at tito hindi po yun dahil sa akin, dahil po kagustuhan na yun ng unico hijo niyo."

"Basta Jake kami ng tito mo kung saan masaya ang anak namin doon din kami"

"Kaya salamat sa pagmamahal mo sa anak namin"

"Ah eh tita tito" nauutal kong pagsasalita

Bigla namang sumingit si Mark

"Kaya nga po mahal na mahal ko si Jake at salamat po Ma at Pa sa soporta ninyo para sa amin."

"Oh ano boss gutom ka ba ba?"

"Boss? Naguguluhan ako Mark" pabulong ko sa kanya

"Jake tara na kumain aalis pa kami ng tito mo baka malate kami sa flight namin."

Doon ko nalaman na aalis na pala uli ang magulang nitong si Mark. Ilang taon na naman ang iintayin bago sila magkasama. Wala na akong nagawa kundi sakyan ang kung anong pinagsasabi ni Mark.

"So paano mga anak aalis na kami ng Papa niyo"

"Ah sige po tita mag iingat po kayo"

"Jake from now on mama at papa na itatawag mo sa amin"

"Ah ok po tita este mama pala"

"Wag mo papabayaan anak ko ha"

"Opo mama makakaasa po kayo mamahalin ko po ang anak niyo kahit na medyo uto uto siya.

At nagtawanan kaming lahat. Ilang minuto pa ay umalis na sila mdaling araw ang flight nila sa NAIA. Kaya pag kaalis na pag kaalis ng mga magulang ni Mark..

"Mark? Pakipaliwanag nga ng nangyayari" nakataas ang kilay ko

"Ang nangyayari ay official na tayo! Wala ng bawian!"

"Mark!"

"Iloveyou boss" agad akong nilapitan at hinalikan ni Mark

Hindi ko maipaliwanag ang saya ko ng araw na iyon para akong nagkaron ng instant na boyfriend.

"Boss dito ka muna samahan mo ko"

"Ok"

"Ano gusto mo gawin pag kasama mo ako"

"Matulog"

"Ang suplado naman meron ka ba ngaun" pag bibiro ni Mark

"Oo meron malakas nga!"

"Ay sayang hindi pala ako makaka iscore!"

"Iskuran ko yang mata mo!"

Ang saya saya ni Mark tila halos napalitan yung Mark noon. Pero patuloy pa din ang pagtatanong ko sa isip ko kung bakit?

"Boss"

"Yes boss?"

"Iloveyou mwuah"

"Iloveyou too"

Para kaming mag asawa ni Mark ng oras na yun nasa iisang bubong lang kami, nanunuud ng movie. Pinakapaboritong gawin ni Mark ay manuod ng movie habang nakahiga sa legs ko at hawak ang kamay ko malapit sa kanyang bibig.

Hinahalikan niya ang kamay ko. Hindi ko na maitago na kinikilig ako. Masayang masaya ako kasi naging kami na ni Mark.

Kaya sana wla na kaming maging problema. Nagkakasundo naman kami halos sa lahat ng bagay. Mas masarap pala sa pakiramdam na naging kaibigan mo muna bago mo naging boyfriend.

"Boss"

"Hapon na kailanGan ko na umuwi"

"Kailan ka babalik boss? Dito ka na lang mag stay sa bahay"

"Uhm try ko mag paalam sa amin na mag boboard na lang ako"

"Sure ayaw ko kasi mamiss ka boss"

"Yuph sure ako boss"

Umuwi na ko sa bahay. Sakto andun sila nanay kaya naman nakapagsabi ako kaagad na kailangan ko mag board kasi late na matatapos ang mga klase ko which is tunay and more projects to come na din kasi 3rd year college na ako.

Pumayag naman sila yun nga lang hindi nila alam na ang binata nila ay May boyfriend na. Yuph hindi ako alam sa amin na ako ay isang malambot.

Basta hindi ko kasi kayang ipagtapat sa kanila naTatakot ako basta ang mahalaga masaya sila sa kung ano ako sa mata nila.