Chereads / Love is like a Game / Chapter 17 - Chapter 17

Chapter 17 - Chapter 17

Pag dating ko sa ospital andun si James. Tumingin siya sa akin na parang nang aakit. Mga mata na nakakatunaw kapag iyong tiningnan. Kaya minabuti kong ibaling ang tingin kay Mark

"Hi boss kamusta ka?"

"Medyo ok ako boss"

Nakagawian ko na ang ikiss si Mark kahit smack sa lips.

"Sarap naman nun" tugon ni James na may nais ipahiwatig

"Makakakita ka din sayo James"

"Hehe Mark parang nakita ko na ata siya." Habang naka tingin sa akin

Sa isip-isip ko ano ba tong ginagawa ni James. Naguguluhan ako dapat galit siya sa akin kasi sa ginawa ko sa kanya bakit parang hindi.

"Jake, pwede mo ba muna kami iwan ni James?"

"Huh? Bakit?"

"Please Jake"

"Ok"

Lumabas ako sa kwarto. Ano kaya pag uusapan ng dalawa. Maya maya natanaw ko si Sam

"Jake!" Sigaw niya

"Sam!"

"Kumusta na si Mark. Pasensya ka na sa akin noong isang araw"

"Ah ok naman siya kauasap niya si James"

"Ah si James. Sige mamaya na lang ako papasok"

"Kilala mo yung antipatikong yun?"

"Haha oo naman parang kambal na nun si Mark. Halos lagi nga sila magkasama, teka bakit naman antipatiko"

"Napakayabang kasi wala na siyang ginawa kundi bwisitin ako"

"Haha baka type ka Jake"

"Type?? Hello Sam kami ni Mark"

"Haha sus... baka mamaya mahulog ka ingat ka jan magaling yan magpafall"

"Nako Sam mahulog na ako sa kanal na parang anak ni aling Vicky pero wag lang jan sa kumag na yan"

"Haha Jake napatawa naman ako sa yo pati si Aling Vicky napasama"

"Eh sino ba yun?? Napanood ko kasi noong isang araw sa facebook lahat na lang ng post sa linya si Aling Vicky"

"Haha nako miski ako Jake hindi ko alam. Nakakatuwa ka pala Jake sayang di kita kinaibigan noon"

"Ah hindi naman, pwede naman tayo maging magkaibigan pa diba?"

"Kung sa bagay.. tama ka.. so friends??"

"Yah sure friends no more hate feelings sissy"

"Haha baklang bakla Jake hindi bagay sa macho mong porma by the way ano pala plano mo sa birthday ni Mark."

"Eh Sam may favor sana ako sayo kahiyahiya man baka pwede natin ipakilala kay Mark si Alex"

"Sure ka na ok sayo? Sa akin Jake gusto ko talaga makilala ni Mark ang anak namin kaso iniisip ko lang ay ikaw"

"Basta para kay Mark gagawin ko ang lahat"

"Wow ang sweet talaga. Swerte talaga ni Mark sayo"

Napakadami na agad naming napagkwentuhan ni Sam tila miss na miss ang isa't isa. Maluwag na sa dibdib ko na may anak sila ni Mark. Basta ang sakin kung saan sasaya si Mark doon ako.

"Sam sa linggo na pala birthday ni Mark!"

"Huh oo nga eh pano saan gaganapin?"

"Hindi ko pa alam basta baka papayagan ng doctor na lumbas kami ang venue ay sa tabing dagat"

"Kasal ba to oh birthday ang romantic kasi haha"

"Sam gusto ni Jake manuod ng sunset yan yun huli naming ginawa bago sia maconfine"

"Nanood lang ba kayo? Hmmmm"

"Sam naman. Lika na nga sa loob siguro naman tapos na mag usap yung dalawa"

Pumasok na kami sa loob. Mukhang masinsinan ang naging usapan ng dalawa.

"Sam! Long time no see!" Banat agad ni James para namang siya ang pinuntahan at dinalaw

"Eto James workaholic kailangan na kasi"

"Hi Mark kumusta na?"

"I....im ok Sam"  sabay tingin sa akin ni Mark

"Its ok boss ok na kami"

"James lika sa labas para makapag usap sila"

"Wow bago yan ah mabait ka na?" Sabay tawa ng hayup

Lumabas muna kami ni James. Para makapag usap naman yung dalawa. Nakakapanibago si James parang may nagbago talaga napapansin ko.

"Jake? Ok ka lang?"

"Uhm yes James why?"

"Wala lang basta pag gusto mo ng kausap andito lang ako huh"

"Thank you James pero kaya ko pa naman"

"Jake i know deep inside nahihirapan ka na."

Napaiisip ako ng malalim si James ba ang kausap ko? Ano naman kaya ang nakain ng antipatikong ito! Tila nag iba ang ihip ng hangin.

"James kaya ko pa para kay Mark kahit mahirap kaya ko at kakayanin ko"

"Swerte talaga ni Mark"

"Hindi naman sa ganun."

"Sana ako din mahalin mo ng ganyan" pabulong na sinabi ni James na tanging siya ang nakarinig

"May sinabi ka James?"

"Ah wala baka guni guni mo lang"

"Sorry nga pala kagabi James"

"No ok lang kasalanan ko din naman medyo bastos nga ako, nakalimutan ko pagod ka"

"Hindi ka galit?"

"Hindi basta kalimutan na natin yun"

(Hindi ko makakakimutan ang gabing iyon Jake)

Siguro mas mabuti pa samahan mo ako bumili ng pag kain natin. Medyo late na din lunch na.

Naghanap kami ng mabibilhan ni James.

Sam and Mark convo:

"Sam sorry nung gabi na yun ha sana mapatawad mo ako"

"Tapos na yun Mark nangyari na"

"Pero nasaktan kita ng sobra noon kaya ako humihingi ng sorry sayo"

"Ok na sa akin Mark matagal ng panahon yun"

"Salamat ha Sam. Mahal ko talaga si Jake"

"Mark ang mahalaga nakilala mo si Jake. Look kung wala si Jake baka wala nag aalaga sayo ng ganyan"

"Hindi ko ata kakayanin kung ako ang nasa sitwasyon ni Jake. Baka nga gumive up na ko sa relasyon na to"

"Matibay si Jake. Sana nga maging sila James sa tingin ko kasi mapapatayan ni James ang pagmamahal ko kay Jake."

"Mark seryoso ka? Kilala natin si James minsan lang yan magseryoso minsan nga lima gfs sabay sabay niya."

"Nag usap na kami ni James about that."

"And then Mark ano sabi? Alam ba ni Jake na yan ang gusto mo mangyari kapag nawala ka?"

"Hindi kaya Sam sana alalayan mo si Jake ha kapag nawala ako. Titingnan mo siya kay James"

"Mark magpalakas ka huwag mga ganyang bagay ang isipin mo. Gawin mong lakas si Jake hindi yung susuko ka na"

"Sam hirap na hirap na ko sa kondisyon ko. Ayaw ko lang ipakita kay Jake. Hindi ko nga alam kung makakapag birthday pa ako"

"Mark naman" naiiyak na linya ni Sam

"Basta promise me si Jake ha aalalayan mk siya"

"Oo Mark promise gagawin ko"

"Sana hindi ako nagkamali sa desisyon ko na paligawan si Jake kay James.

After 3o minutes dumating na kami ni James.

Saktong dating din ng doktor.

"Ang init sa labas pnagpawisan ako doon aah"

"Eto panyo ko Jake" sabay abot ni James

Pabulong

"Sam nakakapag selos"

"No ka ba Mark baka wala lang yan kay Jake"

"Hello. Hello Mark how are you?"

"Im ok doc"

"Mukha nga na ok ka baka pwede na kita payagang lumbas bukas makalawa pag nagpatuloy ang pag buti ng kondisyon mo"

"Talaga doc! Salamat naman kung ganun"

"Basta fight fight ok!"

"Yes doc"

"Ok iwan ko na muna uli kayo mag roround pa ko"

Napakasaya naming lahat kasi nag improve si Mark. Labis ako natutuwa dahil lumalaban siya,

"Thank you Lord"

"Narinig mo ba yun boss kaya ikaw magpatuloy ka magpalakas ha. Namimiss ko na mga date natin."

"Oo boss date tayo sa birthday ko pwede ba?"

"Ah.. eh.. ok ok sure date tayo" sabay tingin ko kay Sam

"Tara na kumain at lalamig pa ang pag kain" singit agad ni James

"Jake eto sayo, alisin mo yung balat wag mo kakainin"

Paborito pa naman namin ni Mark ang balat ng chicken. Sa ginawa ni James nagkatinginan kami ni Sam. Parehas ba kaming nahihiwagaan sa kung ano ang ginagawa ni James.?

"Expect the unexpected"