Patuloy na nagparamdam ng kanyang kasweetan si James. Kinuha niya ang cellphone number ko para daw lagi niya ako macheck.
"James pupunta ako sa ospital ilalabas na namin si Mark"
"Gusto mo samahan kita?"
"No ok lang kaya ko naman magdrive"
"Just take care huh. Have a safe driving ok. If something happens just call me ok!"
"Ok"
"Grrrr James sobrang traffic!"
"Basta kalma wag maiinitin ang ulo. Sabi ko naman sayo sasamahan na kita"
"Ok lang ako James thanks"
Sobrang traffic pa din! Ang init sobra hindi na tumalab ang aircon, haggard na ko! Halos 1 oras na ako bago nakarating sa ospital.
"Salamat nakarating din"
"Naglakad ka ba?"
"Kanina ka pa iniitay ni Mark nak,"
"Sorry Ma traffic kasi"
"Hi boss are you ready?"
"Yes boss im ready"
"So lets go excited na ko umuwi sa bahay"
Sobrang excited ni Mark. Kung titingnan mo nga siya parang wala siyang nararamdaman na kakaiba. Dumating kami sa bahay sobrang saya niya, namiss yata niya ang buhay sa labas ng ospital.
"Jake thank you for everything siguro kung hindi mo ako pinagtyagaan wala na ako ngaun"
"Diba boss sabi ko sayo I'll do everything for you"
"Ok po Magpapahinga na ko boss"
"Sige boss hatid na kita sa room. Magluto na din ako"
Nagluto ako ng mga paborito ni Mark. Ginawa kong espesyal ang gabing ito para sa kanya at sa mga magulang niya simula kasi ng umuwi sila hindi pa sila nagkakasabay kumain.
"Jake, nak tulungan na kita"
"Ah sige po Ma thank you"
"Ma, 2 days na lang birthday na ni Mark"
"Oo nga nak sana mabigyan pa siya ng madami pang taon para makasama pa natin siya"
"Oo nga po Ma, ah Ma may inihanda po ako surprise party para kay Mark"
"Talaga nak, wow thank you nak thank you talaga"
"Wala po yun Ma"
Kumain kami ng salo salo masayang masaya si Mark. Napakasigla kausp namin nila Mama at Papa. Napag usapan namin sa hapag ang birthday ni Mark.
"Nak birthday mo na sa makalawa ah ano ba wish mo?"
"Oo nga nak ano wish mo?"
"Ma, Pa, iisa lang po ang wish ko ang maging masaya ang taong nagmamahal sa akin at patuloy na nagbibigay sa akin ng lakas."
"Eh nak yung para sayo?"
"Para sa akin Ma? Uhm makapanood ng sunset. Gusto ko kasi makita ang pag lisan ng araw bago sumapit ang dilim"
Natahimik kaming lahag sa sinabi ni Mark. Tila may nais siyang ipahiwatig. Inagaw ko na lang ang atensyon.
"Basta ako gusto ko kumain ng kumain kasi namiss ko ang lahat ng ito"
Kumapit si Mark sa akin napakahigpit masakit sobrang sakit ng pagkakahawak niya. Yun yung hawak niya kapag sumasakit ang mga buto niya.
"Sorry Jake"
"Its ok boss"
Bulungan naming dalawa. Nakito ko na mapula ang hinawakan ni Mark kaya pala ito Nag Sorry. Naisip ko tuloy ok lang ba talaga siya oh pinipilit lang niya maging ok.
"Boss after natin kumain lilinisan na kita at may iinumin ka pang gamot."
"Yess boss!" Masiglang sagot ni Mark
"Ituloy mo lang yan ganyan boss huh"
"Yea boss"
"Boss naman hindi ako nag bibiro"
"Iloveyou Jake"
"Iloveyou more Mark"
"Nako mga anak pumasok na nga kayo sa kwarto at naiingit kami ng Mama niyo"
"Haha Ma. Kayo din ni Papa"
"Iloveyou honey"
"Iloveyou more honey"
"May pinagmanahan naman pala po si Mark"
"Nako manang mana sa Papa niya. Mahilig sa chix"
"Ma naman noon yun"
"Haha sige na mga anak magpahinga na kayo"
Pagkatapos namin kumain ay dumeretso na kami sa kwarto. Nabihisan at napainom ko na ng gamot si Mark.
"Jake kumusta kayo ni James?"
"Huh?"
"Kayo na ba?"
"Mark?? Hindi hindi kami at hinding hindi magiging kami"
"Pero may chance?"
"Wla Mark wala namang motibo para magustuhan ko siya teka nga bakit ba ganyan tanong mo"
"Ah wala may naalala lamang ako"
James and Mark convo
Nangyari ito sa ospital
"0h may importante ka ba sasabihin at pinalabas mo pa si Jake?"
"James nag ka gf ka na ng bakla"
"Wla pa. Hindi naman ako napatol sa bakla"
"Kahit kay Jake? Hindi mo nanaisin?"
"Mark ano ba gusto mo mangyari?"
"James gusto ko gustuhin mo si Jake. Ikaw lang kasi ang alam ko na kaya siyang mahalin ng buo. Alam ko kasi na hindi niya kakayanin kapag nawala na ako."
"Nagpapatawa ka ba? Pero bakit ako?? Tol naman"
"Try mo lang James kung mag click ok sa akin kung hindi eh wala ako magagawa"
Nagisip ng malalim si James. Naalala niya na may atraso nga pala si Jake sa kanya kaya ito ang nag mistulang dahilan para makabawi kay Jake.
"Oo na oo na deal na ko Mark. Wag ka na mag alala ako na bahala kay Jake"
"Salamat ng marami tol mawala man ako sa mundo alam ko may mag mamahal na muli kay Jake"
Nagmistulang pagsubok ito kay James kaya pinagplaplanuhan niya ng mahusay kung paano siya makakabawi sa pag kakasampal ni Jake sa kanya.
End of convo
"Mark pahinga ka na ihihiga na kita"
"Sige boss thank you"
"Halika sa tabi ko Jake akapin mo ako"
"Sure boss namiss ko to eeh
Hnnmmmm Iloveyou boss"
Ngumiti na lamang si Mark.. pumikit na at natulog.
Wala naman ako magawa kasi hindi na ako pwede mag pa baby pa kay Mark. Kaya humiga na ako ng tuluyan sa kanyang tabi.
Pinagmamasdan ko siya. Nangingilid ang aking mga luha bakit ang taong ito pa ang tinamaan ng sakit na ito. Wala na ba ko karapatang maging masaya?
Umibo si Mark kaya napawi ang aking emosyon ayaw ko makikita niya ako na nagseelf pity. Pag tingin ko sa orasan late na pala maaga pa ako bukas madami ako pupuntahan maghapon para sa birthday ni Mark.
-ting message tone
"Hi bhie gising ka pa?"
"Hello James yuph why?"
"Just want to make sure na natutulog ka na"
"James busy ka bukas?"
"Ah para sayo bhie hindi ako busy why?"
"Samahan mo naman ako may mga lalakarin lang ako para sa birthday ni Mark"
"Sure bhie so see you tomorrow"
No choice ako kundi isama si James mas maigi na yun para dalawa kaming lalakad sa mga plano. Bawas oras na din..
"Jaake gising ka pa? Tulog na gabi na"
"Yes boss tutulog na din"
Hinawakan ni Mark ang kamay ko. Holding hands while sleeping.
"Good night tomorrow is another day"