Pag dating ko sa clinic makikita na sa mukha ko ang kaba at takot.
"Ok ka lang sir?"
"Yes im ok natatakot lang ako"
"Saan sir?"
"Takot kasi ako sa syringes at karayom"
"Nako sir ok lang yan."
"Oo kaya ko to para kay Mark"
Bata pa lang kasi ako naoperahan na ako sa mata. Kayo bago mag simula ang operasyon nakita muna lahat ng mga gagamitin nila.
Natapos na ang pag kuha sa akin ng dugo. Medyo nahihilo ako kasi first time ko lang gawin yun.
"Ayan sir ok na. Maswerte ho si Mark at mag kamatch kayo ng dugo"
"Oo pero mas maswerte ako sa kanya"
"Sir nakakatuwa naman po love story ninyo ni sir"
"Talaga?"
"Oo sir bibihira kasi ang ganyan na same sex tapos magkasundo pa sa lahat ng bagay tapos nga mahal pa ang isa't isa."
"Salamat ha"
"Walang anuman sir"
"Sa tingin mo may chance na madugsungan pa ang buhay niya?"
"Hindi ko sir masasabi sorry"
Para na akong Praning sa mga naiisip ko. Bumalik na ako sa room ni Mark. Pag silip ko nakita ko nag uusap sila ng mama niya kaya hindi na muna ako pumasok.
"Mark kumusta pakiramdam mo?"
"Im not ok Ma, kinakaya ko lang maging ok para kay Jake"
"Nak, alam mo may donor ka na ng dugo for free"
"Talaga ma? Paano?"
"Si Jake, magkamatch kayo ni Jake."
"Si Jake na naman, siya na lahat ang nagsasakripisyo para sa akin."
"Mahal na mahal ka ni Jake nak, masaya ako at siya ang napili mo makasama sa buhay mo"
"Oo ma, kaso malaki ang kasalanan ko sa kanya. Itinago ko ang sakit ko na sana ako lang ang nagdudusa. Pero Ma, look at Jake nahihirapan na siya"
"Kahit hindi niya sabihin sa akin nararamdaman at nakikita ko yun sa mga mata niya"
"Gusto ko Ma, makita muli yung dating si Jake, yung masayahin, sweet, higit sa lahat ang pagiging makulit niya"
"Kaya nak lumaban ka, magpalakas ka para bumalik na kayo sa dati ni Jake"
"Gustuhin ko man Ma pero parang hindi ko na kaya"
Naiiyak na tinig ni Mark
Sa puntong iyon napakinggan ko lahat. Napaiyak na lamang ako sa aking pagkakatayo. Tama ba narinig ko hindi na niya kaya. Ayoko pa! Hindi ko kakayanin kung mawawala si Mark.
"Nak wag ka naman magsalita ng ganyan lumaban ka kasi lumalaban kami para sayo hindi ka namin susukuan" humahagulhol na tinig ng ina
Nag tungo ako sa chapel
"Papa God,
Alam ko ngaun lang uli ako lalapit sayo. Pero nakikiusap ako bigyan mo kami ng milagro. Tulungan mo po si Mark sana po gumaling na siya. Alam ko po na wala akong karapatan humingi sa inyo pero para na lang po kay Mark please"
Isang dasal ang aking inialay sa Maykapal. Nagbabaka sakaling maibigay ang hiling ng tinig na nagsusumamo.
Dumating ang ina ni Mark at ako ay agad niyang dinamayan. Naramdaman ko ang yakap ng isang ina, isang ina na natatakot mawalan ng isang anak.
"Ma, nadinig ko po kayo ni Mark. Sumusuko na po ba siya!"
"Hindi Jake..."sabay yakap sa akin napakahigpit.
"Ma puntahan ko po muna si Mark"
"Ah Jake salamat"
"Salamat po saan?"
"Salamat sa walang sawa mong pagmamahal kay Mark, hindi mo siya iniwan kahit ganito na sitwasyon niya salamat nak salamat"
"Ma, kung ako man po siguro ang nasa katayuan ni Mark siguro po ganito din ang gagawin niya sa akin"
"Pero nak malaki na ang sakripisyo mo.."
"Ma ok lang po ako"
Ngumiti ako kahit nalulungkot ako. Agad ko ding inakap si Mama. Bumalik na ako sa room ni Mark, sakto gising pa siya
"Hi boss namiss mo ba ako?" A very sweet way of approaching
"Boss sobra miss na kita"
"Mwuaah kiniss ko sa lips si Mark"
"Ang sweet mo ngaun boss ah"
"Siempre kailangan ko maging sweet para naman ganahan ang boss ko. SMILE MARK"
Nag selfie kami. Inupload ko ang picture with caption
"Ang nagmamahal hindi sumusuko"
Dinugtunangan pa ni Mark
"Kaya kapag hindi ka sinukuaan ng mamahal sayo LUMABAN ka"
#markjake
Natuwa ako sa sinabing iyon ni Mark. Pero naalala ko ang narinig ko kanina habang mag kausap sila ni Mama. Na malakas lang siya kapag kaharap niya ako.
"Jake may sasabihin ako sayo"
"Ano yun boss?"
"Kapag nawala ako gusto ko maghanap ka ng bago ha, yung mamahalin ka hindi yung ikaw lang ang nagmamahal at yung hindi ka paluluhain"
"Bakit pa ba ako hahanap kung hindi ka naman mawawala at isa pa wala pa sa bokabularyo ko yan Mark"
"Basta mag promise ka"
"I can't pero sige promise I'll stay married at you"
"Haha hindi pa nga tayo kasal" napatawa si Mark sa sinabi ko
"Ok lang basta kasal tayo sa puso't isipan natin"
Naputol ang usapan namin ng may kumatok. Pag bukas ko isang lalaki hindi ko siya kilala.
"Dito ba ang Room ni Mark?"
"Ah oo dito nga pasok ka"
"Tol kumusta!" Masiglang bati ng lalaki
"James tol eto papatayin na"
Si James pala ay pinsan nitong si Mark. Masyado siyang presko.
"Jake si James pala pinsan ko"
"Hello"
"Sino siya pinsan?"
"Asawa ko James"
"Asawa? Diba babae at lalaki lang Ang mag asawa haha joke lang" birong may halong pangyayamot
Sa sobrang inis ko nasagot ko siya
"Oo asawa bakit masasabi mo ba mag asawa ang isang lalaki at babae kung nagtataksilan lamang sila?
Hindi mo alam ang pinagdadaanan namin kaya pwede kahiya hiya naman sayo matuto kang rumespeto"
"Wooaahhh chilax dude! Im just kidding"
"Jake pag pasensiahan mo na yang pinsan ko"
"Ok"
Napakayabang wla naman atang girlfriend. Kung magsalita akala mo kung sino! Kung maka pangumusta parang walang sakit ang kinukumusta. Haist bwisit maigi pa hindi dumalaw.
"Tol suplado yung Jake" pabulong niya kay Mark
"Kilalanin mo muna bago mo husgahan. Baka magustuhan mo pag nawala ako."
"Nako siya magugustuhan ko? haha tinamaan ng lintik! Wag na oy"
"James sabi ko sayo kilalanin mo muna bago mo husgahan ang isang tao"
"Haha pinsan naman babae ang gusto ko alam mo naman mahilig ako sa kama"
"Basta kapag nawala ako ikaw ang titingin jan"
"Wag na ako pinsan yung kapatid ko na lang at isa pa mag kaedad sila"
"Basta ibibilin ko siya sayo"
"Sira ka talaga pinsan"
Hindi ko alam kung ano ang pinag uusapan ng dalawa at tila masinsinan. Nahihiwagaan ako sapagkat sa tuwing mag uusap sila susulyap naman sa sa akin itong antipatikong lalaking ito.
"Mark time na para magpahinga ka"
"Excuse James! Mapapagod siya ng husto"
"Suplado talaga"
"Yah alam ko"
"Jake.."hinawakan ni Mark ang kamay ko
Nagpahinga na si Mark, medyo mahaba ang araw na ito para sa kanya. Umalis na ang antipatiko.
"See you soon loves"
Katagang binitawan ni James bago lumabas ng pinto.