Chereads / Love is like a Game / Chapter 14 - Chapter 14

Chapter 14 - Chapter 14

Mas minabuti ng doctor ni Mark na i admit na siya para mas mabantayan siya ng maayos. Hindi ko alam kung iiyak ako o kung ano ang gagawin ko. Mag isa lang ako ng gabing yun.

"Jake sorry itinago ko sayo" naiiyak na malumanay na pag kakasabi

"Bakit ba hindi mo sinabi sa akin. Akala ko ba iisa tayo bakit mo inilihim sa akin"

"Natatakot kasi ako na iwan mo ako pag nalaman mong may sakit ako"

"Alam mo naman na hindi ko yun gagawin diba"

"Wag ka umiyak Jake ok lang ako..."

"Mahal na mahal kita"

Pinunasan niya ang aking mga luha. Awang awa ako kay Mark ng mga oras na yun. Wala akong magawa para sa kanya. Naiisin ko man na maging matatag pero kapag kaharap ko na siya bumibigay na ako ng kusa.

"Mark aalis muna ako kukuha lang ako ng mga gamit ha"

"Babalik ka pa ba? Kung hindi ka na babalik ok lang sa akin"

"Oo babalik ako Mark hindi kita iiwan"

"Salamat Jake ha"

Sakto aalis ako dumating ang mga magulang ko kaya naiwan ko muna sila para sila muna ang tumingin kay Mark.

Umakap ako ng mahigpit "nay tay salamat ho dumating kayo."

"Wala yun anak kailangan mo kami ngaun"

"Wag ka mawawalan ng pag-asa anak may awa ang Diyos"

Bukas pa ang dating ng mga magulang ni Jake. Windang na windang na ako. Nakakampanlambot na makita ang taong mahal mo na nakaratay sa kama ng kamatayan.

Habang nag hahalwat ako ng gamit sa kwarto namin ni Mark. May nakita akong isang folder. Mga resulta ng blood tests at kung ano ano pa. Noon pa palang isang taon niya iyinatago ito.

Mas pinili niya ang itago ito at ipakita sa akin na ok siya kahit sa kabila nito ay hindi siya ayos.

-ringgg

"Hello Roxy?" Malamlam na boses

"Jake may problema ka ba?"

"Eh kasi yung boyfriend ko si Mark may sakit"

"Huh anong sakit?"

"Leukemia sabi ng doctor wala na daw pag asa. Kailangan ko kayo ni Judy wala ako masandalan"

"Ok ok pupunta kami ni Judy magpakaayos ka para kay Mark!"

"Salamat Roxy"

Maraming pera ang kakailanganin para sa sakit ni Mark. Kailangan ko maghanap siguro ng trabaho hindi ko naman pwede ipaubaya ang lahat sa mga magulang niya kahit na mayaman naman sila.

Kaso paano haisst nahihirapan na ako.. san ako mag sisimula ngaung yung inspirasyon ko ay mas kailangan ako sa tabi niya.

Bumalik na ako ng ospital andun na din sina Judy at Roxy. Pag tingin ko wala si Mark sa Room niya

"Mark?!" Sigaw ko

"Nasan si Mark!"

"Jake nasa emergency room siya"

"Bakit? Ano nangyari?"

"Hindi pa namin alam parang pakinig namin kakailanganin niyang salinan ng dugo"

"Dyos ko! Tulungan mo po si Mark"

"Jake. Kaya mo yan..."

"Thank you Judy"

Nagtungo kami sa emergency room. Iniintay ang Paglabas ng doctor ni Mark. Maya maya lamang ay lumabas na ito.

"Kailangan i dialysis ni Mark kakailaganin din natin salinan siya ng dugo"

"Sige Doc gawin natin ang lahat"

"Kailangan niya ng AB- blood type. Medyo mahirap yan hanapin"

"Doc ako AB- mag papa check ako kung pwede"

Medyo nabunutan ako ng tinik nag match ang dugo ko at pwede ko ibigay kay Mark. Wala na ako iniisip noon kundi ang madugtungan ang buhay ni Mark.

"Mark magpalakas ka ha andito lang kami lahat andito ako para sayo"

"Lalaban ka kasi lumalaban ako para sayo"

"Mark, hindi ako sanay na ganyan ka. Bangon na Mark!!"

Wala pang malay si Mark ng panahong iyon. Siguro dahil na din sa mga gamot niya.

"Mark boss malapit na dumating sila mama gusto ko pag dumating sila gising ka nakakapag salita ka, gusto ko ikwento mo sa kanila lahat ng masasayang araw natin"

"Jake tama na" hinahaplos ako ni Roxy sa aking likuran.

"Roxy baka gusto niyo na umuwi ni Judy para makapag pahinga."

"Ok lang ba kung iwan ka namin?"

"Oo ok lang sabay na kayo kila nAnay at tatay pauwi na din sila"

"Tay ingat sa pagdrive po salamat po sa pag punta."

"Wala yun nak basta pag kailangan mo kami tawag ka lang ha"

"Sige na po uwi na kayo"

"Mark uuwi muna sila. Pero kagaya ng sinabi ko andito lang ako sa tabi mo hinding hindi kita iiwan"

Hawak ko ang kamay ni Mark

Sa oras na ito naramdaman ko na pinisil ni Mark ang kamay ko. Napangiti ako dahil alam ko lumalaban siya,lalaban siya para sa akin.

Nakatulog na ako na hawak ang kanyang kamay. Hindi ko namalayan na nagising na siya at magdamag pala niya akong binantayan. Kinaumagahan nagising ako na may humahaplos sa aking buhok

"Mark gising ka na" nakangiti na naiiyak ako sa oras na ito

"Oo Jake binantayan kita buong gabi, pagod na pagod ka na dahil sa akin"

"No! Mark hindi! Hindi ako mapapagod basta para sa yo"

"Ano oras dating nila mama?"

"Makakain ng tanghalian Mark, magpahinga ka muna para may lakas ka mamaya pag dating nila"

Agad na natulog si Mark. Di nagtagal dumating na sila Mama

"Jake nak kumusta"

"Ma, si Mark po" humahagulhol

"Alam ko nak"

"Alam niyo pong may sakit si Mark?"

"Jake, nak sorry kung hindi namin sinabi sayo. Nakiusap kasi ang anak ko na huwag na ipaalam sayo ang kanyang karandman."

"Pero Ma bakit? Anong rason Ma"

"Gusto kasi niya nak na bago siya mawala sa mundo maiparamdam muna niya sa isang taong napakaespesyal sa kanya na karapat dapat itong mahalin at pasayahin

At ikaw yun Jake"

Napahagulhol ako sa sinabing iyon ni Mama. Bakit kung kelan may nagmahal na sa akin ng buong buo saka pa uli mawawala ng bigla. Napaka unfair ng buhay.

"Nak magpahinga ka na muna kami na muna ang bahala kay Mark"

"Dito lang po ako Ma sa tabi ni Mark. Gusto ko sa bawat pag dilat ng kanyang mata ako yun una niyang makikita"

"Mahal na mahal mo ang anak namin Jake"

"Sobrang mahal ko po siya, kahit may sakit siya hindi po nabawasan noon ang pag mamahal ko sa kanya.

Lumipas ang araw,hindi pa din nag babago si Mark. Parang mas lalo siyang lumalala sa sitwasyon niya. Sa tuwing sumisigaw siya sa sakit tanging habag lang ang aking naiaabot sa kanya.

Walang oras ang aking pinalampas upang siya ay aking ipanalangin. Na sana bumalik na siya, sana gumaling na siya sana mabigyan pa siya ng mahaba pang buhay para makasama ko p siya..

"Ma, ano po kaya kung ilabas na natin ng hospital si Mark? Mas lalo po siya nahihirapan dito"

"Nak baka pag ginawa natin yan mas mapadali ang buhay ng anak ko"

"Pero Ma hindi siya masaya dito"

"Jake ano ba! Ako ang ina! Ako ang magdedesisyon para sa anak ko!"

"Sorry ho. Gusto ko lang naman po gawin yung mga bagay kung saan masaya yung anak nio"

"Pasensia ka na Jake kung napagsalitaan kita,sa totoo lang bilang isang ina hindi ko kayang makita ang anak ko na nasa ganyang kundisyon."

Humahagulhol  na pagpapaliwanag

Tok tok tok

Pumasok ang nurse

"Excuse me po kailangan po kayo kunan ng dugo."

"Sige ate susunod po ako"

"Ma, pa iwan ko muna kayo kailangan na ni Mark ng dugo"

Iniwan ko muna sila sa kwarto. Nagtungo ako sa clinic para maumpisahan na ang pag kuha ng dugo...