Chereads / Love is like a Game / Chapter 6 - Chapter 6

Chapter 6 - Chapter 6

Patuloy pa din ang mga tanong na tumatakbo sa aking isipan. Mga tanong na wla pa ding matinong kasagutan.

"Hi Cath ano yung feat?"

"Ah feat parang love team ganun"

"Ah so parang gf/bf ganun?"

"Exactly!"

"So kaya mo pala sinabi na marami kami"

"Yuph but please don't tell Mr.P"

"Ok thanks."

Nabigyan linaw ang lahat sa akin. So dito ko masasabi na love is like a game kung hindi ka marunong sumugal matatalo ka. At this point nagkaroon ako ng lakas ng loob upang sumabay sa agos ng buhay sa loob ng clan.

After a week magkakaroon ng EB so PJ send me a message

"Baby monthsary natin next week"

"Yah and then?"

"Pa eb ka naman"

"Monthsary natin tapos gusto mo eb?"

"Ano masama dun?"

"Ah wala sige set a date ako bahala sa lahat"

Oo tama lahat ng eb lagi akong may share ang tanga tanga ko no niloloko na ako ok lang sa akin...wala akong magawa.. mahal ko eh.

Eye ball

Madami din ang dumating. This happened sa isang cottage malapit sa dagat. Doon ko din na meet si Sab ang girlfriend ni PJ.

"Hi hon" sweet greetings from sab

"Hello hon!" With kiss sa lips

"Woaah" tahimik kong nasabi habang nakatingin sa kanila.

Ang sweet nila para silang pulo't gata sa sobrang lagkit. Lahat ng clanmates nakatingin sa akin hindi ko alam kung naaawa ba sila sa akin or what. Nilapitan na lan ako ni Paul(isang bakla din)

"Are you ok sis?"

" yeah! Im ok.." pretending to be ok

"Nararamdaman kita halika doon tayo sa kabilang cottage"

"Thank you"

"Ilabas mo yung nararamdaman mo sa akin makikinig ako"

While crying

"Sis bakit ang unfair niya. Sinabi niya mahal niya ako pero bakit ganito"

"Eh sis hindi naman yan nag seseryoso at sa nakikita ko hindi ka niya mahal. Sorry to say"

"Its ok naiintindihan ko"

"Basta kung hindi mo kaya sumabay itigil mo na"

"Kaya ko... tara na inum na lang tayo monthsary namin este monthsary ko pala mag isa"

"Ikaw talaga believe na ko sayo. Oh ayan baby mo. Iwan ko muna kayo"

Pagkatapos umalis ni Paul

"Baby are you ok?"

"Putang ina mo! Jan ka na dun ako sa inuman"

Sa inuman

"Ok guys shot!" Sunud sunud na alak ang ininum ko  sa sobrang inis ko

"Can i join here" pag lingon ko si sab pala

"Of course! yun eh kung kaya mong makipagsbayan"

"Ano ibig mong sabihin"

"Mag inum ka na lang"

Nagkaron ng tensyon sa ikot ng baso. Madami na kaming nainum lasing na ko at lasing na din si Sab ganun din si PJ. Dahil sa sobrang init ng alak sa katawan hindi nakayanan ni Sab. Inatake siya ng asthma.

"Hindi ako makahinga hon"

"Hon may dala ka bang inhaler?"

"Wla hon naiwan ko"

Lahat ng member nag aalala ako lang ang hindi hanggang sa makita ko si Sab na nanghihina na kaya hindi ko na din napigilan mag alala.

"May inhaler ako" may asthma din kasi ako

"Tabi!" Pag susuplado ko kay PJ

"Hinga ng malalim!"

"Huwag ka umiyak!"

After a few minutes guminhawa na pakiramdam ni Sab

"Thank you for taking care of me"

"Ganun naman pag mahal mo isang tao kailangan mo ding mahalin yung mga bagay na mahalaga sa kanya"

"What do you mean?"

"Sabi ko mag pahinga ka na lang"

Tuloy pa din kami sa inuman. Si Paul natatawa na lang sa ginawa ko na tila hindi makapaniwala na kahit karibal ko na aalagaan ko pa at mag aalala pa ako. Eto namang si PJ tahimik lang sa isang tabi habang nakikipag inuman sa amin.

"Guys diba kapag mahal mo ang isang tao kahit masaktan ka ok lang"

Tanong ko sa grupo

"Depende yun sis kung yun mahal mo ay karapat dapat sayo" -paul

"At saka pag nasasaktan ka na tama na" -mark

"Isa pa kung mahal ka niya talaga hindi ka niya hahayaang masaktan"-rico

"Woah siya tama na ang emote! Tagay!"

At nagkatawanan kaming lahat. Maya maya pa ay nag pasya ako magpahulas sa tabing dagat habang nakaupo at pinagmamasdan ang mga alon.

"Kahit pala anong tibay mo, mawawasak at mawawasak ka pa din" senti senti

"Ok ka lang?" -mark

"Yah ok ako" with matching smile

"Hindi ka naman ok eh! Nakikita ko sa mga mata mo"

"Ganun talaga kahit masakit na kailangan itago"

"Andito lang ako kung kailangan mo ng karamay, wag ka mahihiyang lapitan ako"

" oo mark salamat ha. Pero hindi mo naman kailangan gawin to ok lang ako"

"Naawa kasi ako sayo"

"Wag mo nga ko kaawaan kung yun ngang si PJ hindi naaawa ikaw pa kaya"

"Ibahin mo ako sa kanya"

"Ok"

Hindi namin namalayan na nag uwian na pala yung iba masaya kaming nag usap ni mark nanonood na kami ng sunset

"Mark ang ganda ng pag lubog ng araw no?"

" oo ang ganda nga"

"Wish ko to ang manuod ng sunset sa tabi ng dagat habang kasama ko yung taong mahal ako"

"Nangyari na yung wish mo"

"Mark??"

"Joke lang kaw naman bilis mo maniwala"

Maya maya pa

"Nag alisan na yung iba" -pj

"Ah ok! yun hon mo naihatid mo na?"

"Umuwi na siya kanina"

"Jake,PJ iwan ko na muna kayo"

"Dito ka lang Mark"

"Sige Pare iwan mo na muna kami ni Jake"

At umalis na si Mark. Nag punta siya sa cottage at umalis na din kasabay ng natirang mga kasama pa namin.

"Lasing ka baby uwi na tayo"

"Hindi ako lasing PJ. Alam ko mga nangyayari. Kung gusto mo umuwi..umuwi ka na mag isa!"

"Ihahatid na kita sabay na tayo"

"Kaya ko! Hindi ko kailangan ng maghahatid"

"Sorry"

"Sorry? Para saan PJ? Para sa sakit? Para sa monthsary na ginawa mong party? Sorry sorry putang inang sorry! nabubura lang niyan ang sakit pero yung marka ng sakit nakaukit na!

"Baby mahal kita"

"Mahal? Sino ako mahal mo? Eh ilan ba kami isa? Dalawa? Sampo?"

"Minahal kita PJ ginagawa ko lahat para sayo pero bakit ka ganyan. Lahat ng gusto mo ginagawa ko ang unfair mo!"

"Baby.."

"Jan ka na bahala ka jan geh ingat!"

Iniwan ko si PJ sa tabi ng dalampasigan. Uuwi na ako ng oras na iyon ng makita ko si Mark.

"Oh Jake pauwi ka na?"

"Oo uuwi na ako"

"Lasing ka ah! Kaya mo ba? Asan ba si PJ"

"Oo kaya ko hayaan mo sia!"

"No hindi ka uuwi sa bahay niyo. Dun ka na umuwi sa bahay ko."

"Pero Mark.."

"Wala ng pero pero sakay na"

Sumakay na kami ni Mark sa tricycle. Nakita pala kami ni PJ na sabay umalis.