Kinabukasan pag dating ko sa school. Hindi ako kinikibo ng mga kaibigan ko. Galit nga sila pero bahala na para wala ng gulo iiwasan ko na lang. kagaya ng inaasahan bumagsak ako sa isang subject.
"Damn! Bagsak ako mag uulit ako aaah!!"
Wala akong karamay noong mga panahong iyon kundi ang sarili ko. Si PJ naman wala din busy sa clan niya abot nga ang gm pero ni isang pm para sa akin wala.
Hanggang sa nakilala ko na lahat ang mga babae sa buhay ni PJ andami nila so ako pala laruan lang na pag hindi pwede yung isa ako ang hahagilapin.
"Baby pwede ka ba?"
"Hindi busy ako"
"Baby naman ngaun na lang gusto lang mag eb ng mga ka clan natin"
"Mag eb kayo kung gusto niyo susunud na lang ako pag nag kaoras ako"
"Arte mo bahala ka nga!"
"Ok"
Nagkaron ng eb ng araw na yun. Sakto walang klase kasi may event sa gym. Nag pasya akong umalis sakto kasing friday hindi kami naka uniform so malaya ako. Pag dating ko sa venue natanaw ko na agad si PJ katabi ni Alexa. Si Alexa daw yung pinakamatagal na niyang naging gf sa clan halos parang asawa na.
"Hello guys im Jake"
"Oh akala ko ba busy ka" gulat na salita ni PJ
"Don't worry hindi ikaw ang ipinunta ko dito PJ. Nagpunta ako dito para sa mga ka clan natin"
Lahat ng mga clanmates namin ay nakatingin sa akin na halos hindi makapaniwala sa aking mga sinabi.
"Jake halika! dito ka sa tabi ko"
"Oh Mark anjan ka pala sige jan ako uupo"
"Kanina pa kita iniintay"
"Ok lets start guys"
Ayun na naman inuman to the max na naman kami. Yung dalawa ni PJ at Alexa naglalaplapan sa harapan namin.
"Pre PJ baka naman pwede dun kayo sa kabila cottage" sabi ni Mark
"Sus para ka namang hindi nasanay sa kaibigan mo Mark"
"Alam ko yun Jake iniisip lang kita" pabulong na sabi sa akin ni Mark
"Uhm BTW guys malapit na GEB natin ryt?? So whats the plan?"
Naudlot ang paghahikan nila PJ. GEB kasi eh sa birthday niya at halatamg naexcite kasi ako mismo ang nagtanong na alam niyang pag ako nag tanong ako ang gagastos.
"Ah oo GEB na nga pala no sa bahay tayo lahat si baby ang sagot sa lahat"
"Yah ako nga alam ko"
"Thank you baby"
"Tang ina mo" pabulong ko na tanging si Mark ang nakadinig.
Alright dumating na ang GEB so umaga yun hanggang gabi may videoke pa alak madaming pulutan pinaghandaan ko ang birthday ng tarantado kong boyfriend ganyan ako katanga sa kanya.
"Ok lang ba kayo jan?" Tanong ni PJ na tila nanalo sa pustahan kung makapag yabang
"PJ mag usap tayo pwede"
"Sure baby wait lang"
"Ano yun baby"
"Pagod na ko PJ."
"Saan baby"
"Pagod na ako sayo, nakakapagod kang mahalin. Lahat ng ginagawa ko sayo parang bale wala lang. lahat na sinakripisyo ko sayo pero kahit kelan hindi ko naramdaman na minahal mo ako!"
"Mahal naman kita jake ah"
"Oo mahal mo ako sa salita pero ilan ba kaming sinasabihan mong mahal mo kami ha!"
"So ibebrake mo na ko?"
"Mas mabuti pa siguro. Sige na balik na ko dun sa inuman. Iniintay na ko ni Mark"
Nagkaron ng tensyon sa inuman.
"Ayaw ko sa lahat ng kaibigan ko manunulot ng syota" pahaging ni PJ
Mukhang na gets agad ni Mark na para sa kanya ang sinabing iyon ni PJ kaya tumingin siya sa akin.
"Hindi ka naman masusulutan kung marunung kang magseryoso." Sagot agad ni Mark
'"Mark wag mo na patulan!" Bulong ko sa kanya
"Sa akin lang wag masyadong mag malinis kung minsang nagdumi din" dugtong pa ni PJ
Ako na lang ang gumawa ng way para hindi matuloy ang hidwaan ng dalawa umalis na ako.
"Sandali aalis na ako. Happy birthday my Dear
Enjoy your day with your girlfriends"
"Sandali Jake ihahatid kita uuwi na din ako" pang aasar na naman ni Mark kay PJ
"Tara na sa bahay ka na matulog malapit lang bahay namin dito"
"Oh sige Jake"
Umuwi na kami sa bahay. Hindi ko naman siya pwede pauwiin kasi lasing na din siya.
"Mark dun ka na sa kabilang kwarto"
"No tabi na lang tayo"
"Huh ah eh"
"Sige na Jake"
"Sige na"
Habang nakahiga
"Jake may sasabihin ako sayo"
"Ano yun Mark"
"Jake gusto kong itry na maging tayo kaso May girlfriend ako"
"Wag na lang nating ipilit siguro yung impossible"
Wala na pala ako kausap nakatulog na agad si Mark. Pero tumatak sa isip ko yung sinabi niyang iyon. Haisst Mark pangarap lang kita.
Lumipas ang buwan at naging mas maigting ang pakikipag kaibigan namin. Si PJ naman ganun pa din sa ugali niya babaero.
Bagong buhay na din ako sa school at sakto pag pasok ko sa gate may nagtxt sa akin
"Sino to number lang" pagtataka ko
"Hi pwede makipag kaibigan ako pala si Rico kaibigan ni PJ binigay niya number mo sa akin"
"Ah hindi at bakit naman niya ibbigay sayo ang number ko?"
"Suplado mo naman. Kaibigan ko siya sabi niya sa akin mabait ka daw"
"Ah oo mabait ako bakla din ako baka hindi niya nasabi sayo"
"Grabe ka naman"
"Sige na busy ako"
Maya maya nagtext din si PJ
"Ayan baby binigay ko yung number mo sa kaibigan ko."
"At bakit mo naman ibinigay?"
"Gusto daw niya magkagf ng kagaya mo"
"Ah ok sabihin mo kami na" sa sobrang inis ko kay PJ ito na ang nasabi ko
Kaya.....
"Wow! Jake tayo na daw sabi ni PJ?"
"Ang bilis naman ng balita magkatabi lang naman pala kayo."
"Pwede ba kitang tawaging asawa qoh"
"Ikaw bahala" feeling naman nito
Ok na kami ng mga kaibigan ko dahil nakita naman nila na bumabalik na uli ako sa dati. Focus na uli ako sa school.
"Oh ayan Jake matauhan ka na sana ng tuluyan"
"Oo nga going straight ka na sana"
"Kalimutan mo na yung si PJ"
"Oo na guys sorry huh thank you anjan pa din kayo para sa akin"
Kaibigan pa din ang mahalaga kesa sa karelasyon mo. Ang tunay na kaibigan ang tanging masasandalan mo sa tuwing ikaw ay broken hearted