Natapos na ang semester at ok naman ang lahat ng subjects ko. Nahabol ko yung nabagsak kong subject kaya tuloy ang buhay...
Umabot din kami ng dalawang buwan ni Rico. Hindi ko masabi kong mahal ko ba talaga siya oh sumasakay na lamang ako sa mga nangyayari sa buhay.
"Asawa qoh kumusta ka na?"
"Ok lang ako ikaw kamusta"
"Eto nasa trabaho na ako"
"Ah sige ingat"
"Asawa qoh kahit hindi ko pa maramdaman na mahal mo ako ok lang sa akin basta maghihintay ako"
"Ah sige"
Dahil na din siguro sa mga napagdaanan ko sa pag ibig hindi ko na maramdaman kung ano ang totoo sa hindi. Walang araw si Rico na pinalampas na hindi ako nakakamusta. Madami siyang effort na ginagawa para sa akin.
"Asawa qoh monthsary na natin sa isang araw saan mo gustong pumunta"
"Ah bahala ka na.."
"Asawa qoh may gift ako sayo. bukas ko na ibibigay pag nagkita tayo."
"Ah kahit wala ok lang"
"Sana matawag mo din akong asawa qoh para naman ma feel kita"
"Ok asawa qoh"
"Yes after 2 months tinawag mo din ako ng ganyan napakasaya ko kahit ito na lang ang regalo mo masayang masaya ako"
"Thank you for loving me"
Masyado ako malamig sa kanya natatakot kasi ako na masaktan at gamitin lang. Pero sa isang banda nakita ko sa kanya ang sarili ko, ginagawa niya ang lahat para mapasaya ang taong mahal niya. At ito ang hinayaan kong masayang at mawala.
"Asawa qoh happy monthsary sorry kung dito lang tayo sa bahay ha"
"Ok lang hindi naman ako pihikan"
"Asawa qoh pag nag karon na ako ng magandang trabaho hindi lang yan ang ihahanda ko sayo."
"Hindi mo naman kailangan gawin ang mga bagay na yan."
"Pero asawa qoh masaya ako ginagawa ito kasi gusto ko iparamdam sayo na mahal na mahal kita"
After a few minutes tumawag si Mark
"Wait tumatawag si Mark"
Convo with Mark
"Hello Mark bakit ano problema?"
"Busy ka ba? Gusto ko ng karamay"
"Bakit nga ano ba nangyari"
"Nagbreak na kasi kami ng gf ko"
"Huh bakit kelan anong rason"
"Basta sana mapuntahan mo ako"
"Sige sige pupunta ako"
End call
"Rico im sorry kailangan ko umalis emergency"
"Emergency? Sino ba yung Mark na yan"
"Basta kailangan ko umalis im sorry!"
Umalis ako at naiwan ko mag isa si Rico. Nabastos ko siya pero kailangan ako ni Mark. Ito na siguro ang isa pa sa mga desisyon ko na pingsisihan ko.
At Mark house
"Mark? Andito na ko buksan mo ang pinto"
"Mark! Si Jake to"
Pag bukas ng pinto nagulat ako si Mark naka hubad bagong ligo nakatapis lang ng tuwalya.
"Mark? Bakit"
"Namiss kita Jake" agad akong hinila at hinalikan pag kasara ng pinto.
"Sandali Mark! Akala ko ba kakabreak lang ninyo ng gf mo?"
"Oo nagbreak na kami kaya pag bigayan mo ako sa gusto ko"
"What Mark? Nag break kayo just because hindi ka pinag bigyan sa sex?"
"Ang dami mo pa sinasabi!" Siniil niya ako ng malalim na halik
Pagbukas ng pinto
"Mga bakla! Ano ginagawa niyo!" Salitang nag mula sa girlfriend ni Mark si Sam.
"Sam sandali mag eexplain ako"
Pak! Isang malakas na sampal ang binigay ni Sam sa akin.
"Ano ginagawa mo Jake! Lahat na lang ba gusto mo sayo!"
"Mali ka ng iniisip mo Sam"
"So ano ako pa ang mali? Diba Jake monthsary ninyo ngaun ni Rico!"
"Oo"
"Wala kang kwentang karelasyon kaya ka niloloko ng mga lalaki! Bakla ka na nga talo mo pa ang babae sa kalandian mo!"
"Sam hindi ko alam to!"
"Magsama kayo ni Mark"
"At ikaw Mark tapos na tayo! Pak!)isang malakas na sampal ang binuhos ni Sam
"Mark bakit pati ako!"
"Sorry Jake hindi ko na kasi mahal si Sam"
Umalis na lang ako ng walang paalam kay Mark.
Rinnnnggggg rinnnggggg
Rico at sam convo
"Rico! Akala ko ba kayo ni Jake!"
"Oo Sam kami ni Jake monthsary namin ngaun"
"Monthsary?? Pero andun sa bahay ng magaling na si Mark nakikipag halikan dinatnan ko"
"Ano?"
"Oo nahuli ko sila sa akto kung ako sayo itali mo yung baklang talandi na yun para hindi na makapurwisyo pa ng may relasyon!"
"Pasensya na Sam"
Tooooot
Ganun na nga ang nangyari nagsumbong na agad si Sam kay Rico na hindi man lang alam kung ano ang rason kung bakit ganun ang eksena. Nagtungo ako sa bahay ni Rico.
"Rico! Buksan mo ang pinto"
"Oh bakit?"
Lasing na lasing si Rico hubad baro napakainit ng katawan dahil sa alak na nanalaytay sa kanyang dugo.
"Im sorry Rico"
Agad akong hinalikan ni Rico
"Gusto mo to? Huh! Gusto mo to!" Agresibong tanong ni Rico
"Rico sandali!"tinulak ko ng malakas si Rico at
Habang ako ay dinuduro
"Tang ina ka! Dayo ka pa! Gusto mo pala hindi ka pa nagsabi!"
"Rico pakinggan mo muna ako"
"Ano ba talaga gusto mo! Ginagawa ko naman lahat para sayo!"
"Ano pa ba ang kulang!"
"Alam kong hindi mo ako mahal at handa ako maghintay sayo!"
"Ano magaling ba si Mark kaya dun ka pa dayo!?"
"SAGOT!!!"
"Rrii." Nanginginig
"ANO!"
"Rico mahal ko si Mark! Mahal ko siya noon pa! Pero hindi pwede na maging kami!"
Binato ang hawak na bote. Kabadong kabado ako ng oras na yun halos humiwalay na ang kaluluwa ko sa aking katawan. Ang puso ko muntik na pumutok saking dibdib. Nakita ako ni Rico
Inakap niya ako "im sorry asawa ko mahal na mahal kita gusto ko akin ka lang"
"Im sorry Rico" nanginginig pa din at inakap ko na siya
"Sana mahalin mo na ako ng totoo handa akong maghintay na matutunan mo akong mahalin"
"Magpahinga ka na Rico lasing na lasing ka na"
Inakay ko siya sa kanyang kwarto. Inihiga sa kanyang kama. Kunuha ako ng maligamgam na tubig at bimpo upang punasan ang kanyang katawan. Pagdako ko sa kanyang kanang kamay nakita ko na may dugo ito. At nasabi ko sa isip ko
"Sinuntok ni Rico ang pader."
Hindi dapat niya ito nagawa kundi dahil sa akin. Siguro panahon na para iparamdam ko at suklian ang kanyang pag mamahal para sa akin.
"Asawa ko salamat sa pag aalaga sa akin" nagsasalita habang tulog
"Mahal na mahal kita"
Nangingilid ang luha sa aking mga mata. Na tila nagbigay rason para akapin si Rico
"Salamat din sa pagmamahal at sa hindi pagsasawa sa akin" malambing kong pagkakasalita habang nakaakap kay Rico
Inakap din ako ni Rico. Pero agad ko din itong inalis para matapos ko na ang gagawin ko. Napunasan ko na buong katawan niya at napalitan ko na din ng damit.Alas 11 na pala ng gabi kailangan ko ng umalis...