Brave Man Series 1 (Alvaro Sandejas)

Hyacinth_Alexis
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 11.1k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Chapter 1

"NARITO na tayo Señorita!

Bahagya lang na iminulat ni Denise ang kaniyang mga mata. Iniunat niya ang mga binti at braso at kapagkuwan ay umayos ng upo. Her eyes roam at the place, tila sinisigurado kung naroon na nga sila sa bayan na kaniyang kinalakhan. Ang Santa Elena.

Lumabas siya ng sasakyan at sinamyo ang presko at sariwang hangin ng kanilang lugar. One thing that Manila doesn't have, the fresh air.

Hindi maitatanggi ang angking ganda ng Santa Elena. Mayaman sa natural resources ang probinsiya nila kaya naman nakakahalina talaga ang lugar sa mga turista at mismong mamamayan nito. Hindi pinalagpas ni Denise ang naggagandahang tanawin na nakapaligid sa kanilang malaking mansion. Kaagad niyang kinuha ang kaniyang DSLR at kumuha ng mga litrato.

She was fascinated by the beauty of the place, para pa rin siyang hindi taga roon sa tuwing uuwi siya. Paganda ng paganda ang lugar. Mayayabong na puno, makukulay na halaman, sariwang hangin at ang malinis na mga ilog, lawa at talon. Everyone will love Santa Elena in any way.

Nang matapos sa pagkuha ng litrato ay binalingan niya ang kanilang Driver na si Mang Isko, ibinababa na nito ang mga bagahe niya mula sa compartment ng sasakyan.

"Be careful of the black case Mang Isko, nariyan sa loob ang laptop ko. I can't afford to lose it!"  paalala niya sa matanda. Alanganin lang itong tumango at hinila na ang kaniyang luggage papasok ng kanilang Mansion.

Sumunod na rin siya sa matanda. Nasa porch palang ay sinalubong na siya ng kanilang mayordoma na si Manang Salud, asawa ni Mang Isko at ng kaniyang Ina na si Divina Molina.

Her mom is just at her early fifties pero biyuda na ito sa kaniyang Ama na si Señor Roberto Molina. Her father died two years ago sa sakit na Lung cancer. Dati itong Bise-Alkalde ng kanilang bayan, matagal itong nanungkulan kaya naman kilala ang pamilya nila sa buong Santa Elena.

Politics runs in their blood, magmula sa kaniyang Lolo, mga tiyuhin at sa kaniyang ama. Pero siya ang bukod tanging hindi sumunod sa yapak ng mga ito. Instead of taking Political Science when she was in college, she took up Photography and now work as a freelance Photographer and sometimes model dahil likas sa kaniya ang pagiging matangkad, maganda at may balingkinitang katawan. Bagay na kaniyang ipinagmamalaki sa lahat.

"Ma!" Denise greet her Mom with a huge smile. Sinalubong siya ng mainit at mahigpit na yakap ng ina.

Ramdam niya sa yakap nito ang pangungulila sa kaniya, mahigit anim na buwan rin siyang hindi nakauwi sa kanila dahil sa busy niyang schedule sa Maynila. Kabilaan ang kaniyang proyektong tinatanggap kaya hindi niya nadadalaw ang ina.

"Oh my baby, how are you? How's Manila??"  her Mom asked, still hugging her so tight.

"I'm good Mom, still beautiful and stunning. Well as of Manila.. still the same, polluted  haha!"  sagot niya.

Kumalas si Denise sa pagkakayakap sa Ina. "By the way bakit niyo ako pinauwi, may nangyari ba??

Nawala ang kaninang masigla nitong aura at napalitan ng pagkabalisa. Hindi iyon nakaligtas sa mapanuring mata ni Denise.

"Pumasok muna tayo sa loob, tanghali na i'm sure hindi ka pa kumakain!" kambyo ng kaniyang ina na pinagbigyan naman niya. Alam niyang may itinatago ito sa kaniya and she will find out what it is.

________________

"WHAT??

"Denise anak, kumalma ka. Kailangan natin itong mapag usapan ng maayos!"

Napahilamos si Denise sa kaniyang mukha at tinalikuran ang ina. Hindi niya makuhang intindihin ang mga sinabi nito. Hindi matanggap ng utak niya ang kaniyang mga narinig.

Matapos silang mananghalian ay inaya siya nito sa Lanai para uminom ng tsaa. Doon rin mismo nito inumpisahang sabihin sa kaniya na siya nga ay nakatakda ng ikasal.

"Calm down hija, please.."  Her Mom pleaded.

"Paano ako kakalma Ma?? Pauuwiin niyo ako dito para lang sabihin sakin na ikakasal na ako, that's Insane!!"  she freak out.

Lumuluhang sumagot ang kaniyang ina. "I have no choice, iyon lamang ang hinihingi nilang kabayaran sa lahat ng utang ng ama mo!"

Parang natuklaw ng ahas si Denise sa narinig. 'Kailan pa nagkautang ang isa sa pinaka mayaman at maimpluwensyang tao sa Santa Elena?

Her father Roberto Molina can get anything he wants in just a blink of an eye. Marangya ang naging pamumuhay nila simula pa noon kaya paano itong nagkautang?'

May hindi ba siya nalalaman tungkol sa mga magulang niya?'

"Gusto pang tumakbo ng Papa mo sa ikatlong pagkakataon pero nalulubog na sa utang ang hacienda ng Lolo mo sa Zambales. Kaya naman nangutang siya kay Don Alvaro Sandejas para sa kaniyang kampanya. Pero nabigo pa rin siyang manalo." pag uumpisa ng kaniyang Ina. Hindi siya umimik at hinayaan itong magpatuloy. Gusto niyang malaman ang lahat ng nangyari.

"Sumunod ang pagkadiagnose ng iyong Papa ng Lung Cancer. Dumoble ng dumoble ang utang natin sa mga Sandejas hanggang sa mamatay na ang Papa mo."

"B-Bakit hindi niyo sinabi sa akin??" Nanlambot ang mga binti ni Denise sa kaniyang mga naririnig. 'Bakit hindi niya alam ang mga bagay na ito, bakit inilihim sa kaniya ang mga ganitong suliranin gayong sa mga panahong iyon ay kaya na niyang makatulong sa mga ito!?'

"Dahil ayaw ng Papa mo na pigilan ka sa mga pangarap mo. Ayaw niyang madamay ka sa problema na ginawa niya, gusto niyang mag-focus ka dahil nakikita niyang mahal mo ang ginagawa mo!."

Tumulo na ang mga luhang kanina niya pa pinipigilan. 'Bakit?? Papa!'

"Kasal lang ang hinihinging kabayaran ni Don Sandejas, hindi ko alam ang rason niya pero iyon nalang ang nakikita kong dahilan para hindi mawala satin ang bahay na ito. Ang mansion kung saan nabuo ang pamilya natin, ang nag iisang alaala na iniwan satin ng iyon ama!"  humahagugol na pahayag ng kaniyang Ina.

Ayon sa huli, kung hindi siya pakakasal ay kukunin ang lahat ng kanilang ari-arian kasama ang Mansion na tinitirahan ng kaniyang ina. Nakasanla na rin pala ito kay Don Sandejas.

Hindi na alam ni Denise ang gagawin o mararamdaman. She was torn between her freedom and family. Ano ba ang pipiliin niya. Ang kalayaan na ayaw niyang mawala sa kaniya o ang pamilya na sinuportahan siya sa lahat ng nais niya ng walang kahit anong pagtutol?

Kaya ba niyang isangtabi ang pangarap niya?

Kaya rin ba niyang balewalain ang paghihirap ng kaniyang ama??

She's confused. Ngayon nahiling niya sana na mayroon siyang kapatid para hindi lang siya ang nawiwindang ang isip at kalooban ng mga sandaling iyon. Pero alam niya sa sarili kung ano ang mas matimbang. Kaya hindi na siya nagdalawang isip pa na magdesisyon ng mga sandaling iyon.

Niyakap niya ang ina at pinatahan ito. Pikit mata niyang sinabi ang kaniyang desisyon.

"Pumapayag na ako Ma, i'll marry him!"

Bumakas ang kaginhawaan sa mukha nito.

"Kung gayon ay pupunta tayo sa Rancho Sandejas bukas na bukas rin para makilala mo ng personal si Alvaro Sandejas!"  turan ng kaniyang ina.

Sandali siyang napaisip ng banggitin nito ang pangalang Alvaro Sandejas.

Si Alvaro Sandejas ang pinakamayamang Ranchero sa buong Santa Elena at sa pagkakatanda niya ay halos kasing edad ito ng kaniyang Ama.

Parang nais sumakit ng ulo ni Denise sa kaalamang ikakasal siya sa isang Matanda.

'Oh god have mercy on me..piping usal niya.

_________________