MAGDIDILIM na ng makarating ang mga Molina sa Rancho Sandejas.
Hindi pa rin maganda ang timpla ni Denise dahil sa lalaking naka daupang palad niya sa lawa kanina. Hindi mawala sa balintataw niya ang mukha nito at ang ginawa nitong paghalik sa kaniya. Naiinis pa rin siya sa kapahangasan nito pero may konting sundot na naidulot sa kaniyang puso ang ginawa nito.
But she had to erase that feeling. Ikakasal na siya, at ngayon nga ang nakatakdang araw na makikilala niya ang magiging katipan.
Isang kasambahay ang umalalay sa kanila papasok sa Mansion. The house is not the same like their mansion. Ang Mansion ng mga Sandejas ay antigo, nahahalintulad pa ang itsura nito sa mga mansion noong panahon ng mga kastila. Very old fashioned but still beautiful because it was preserved by the family.
Malawak ang Rancho ng mga Sandejas, ayon sa kwento ni Mang Isko ay ekta-ektarya ang lawak ng tubuhan at niyugan ng mga Sandejas. Hindi pa kasama roon ang asukarera at lugar kung saan inilalagak ang mga alagang kabayo ng Don.
Indeed the family is rich.
Idinala sila ng kasambahay sa malaking hapag. Naroon ang isang matandang lalaki, at isang babae at lalaki na mukhang nasa edad ng kaniyang ina. Napakalawak ng ngiti ng mga ito ng salubungin sila.
Bumeso ang mga ito at bumati.
"Welcome to Sandejas Ranch Divina!" sabi ng babae na kaedad ng kaniyang ina.
"It's nice to be here again Belinda!" sagot naman ng kaniyang Ina.
"You have a very beautiful daughter Divina!" puna naman sa kaniya ng lalaki na mukhang asawa ni Belinda, dahil naka abrisete ang huli dito.
Ngumiti ang kaniyang ina at bumaling sa kaniya. Pinamulahan naman si Denise ng mukha ng mapunta sa kaniya ang atensyon.
"Of course she is, Alvaro!" sagot ng kaniyang Ina. Doon napaangat ng tingin si Denise.
'Alvaro?? Could it be him?? Siya ba ang pakakasalan ko?"
Pinagmasdan niya ang lalaking tinawag ng kaniyang ina na Alvaro. Gwapo ito pero may katandaan na para sa edad niya. Naningkit ang mga mata ni Denise ng may mapansin. 'He looks familiar.. parang nakita ko na ang mukhang iyon?"
Nahinto si Denise sa pagtitig sa lalaki ng may dumating.
"Sorry i'm late!"
"Yes you are Alvaro, i told you to be here as early as possible. Look naunahan ka pa ng bisita!" litanya ni Belinda.
Isang pamilyar na lalaki ang lumapit at humalik sa pisngi ni Belinda. "Sorry Mom, tumulong pa ako kina Mang Roldan na paanakin si Snow White. Nahirapan sila dahil may sakit ang kabayo!" paliwanag ng binata.
"Enough of your excuses. Apologize to your fiancee instead!" utos ng ginang.
Tumango ang binata at humarap sa kanila ng kaniyang Ina. Nanigas si Denise sa kaniyang kinatatayuan ng magtama ang paningin nila ng lalaki.
'It's him, the naked guy in the lake!!'
Mukhang nakilala rin siya nito dahil rumehistro sa mukha nito ang pagkabigla, pero saglit lang iyon at agad itong nakabawi.
"Hi! Sorry i'm late. I'm Alvaro, you are??" tanong nito at iniabot ang kamay sa kaniya tanda ng pagpapakilala.
She's having second thoughts on accepting him dahil sa ginawa nito kanina pero ayaw naman niyang ipahiya ang kaniyang Ina kaya tinanggap niya ang kamay nito.
"Denise!" She said and extended her hand to him.
Kaagad na dumaloy ang kuryente sa palad ni Denise. Bahagya pang pumisil ang kamay ni Alvaro sa kaniya na dahilan para magkaroon ng nag uunahang daga sa dibdib niya.
Binawi niya ang kamay at kiming ngumiti rito.
Binasag naman ni Don Sandejas ang namuong katahimikan. "Let's take our seats and talk about the plans for the wedding!"
Naupo na nga ang lahat at nagsimula ang pag uusap tungkol sa kasal.
__________________
MABIGAT na buntong hininga ang pinakawalan ni Denise.
Tapos na ang hapunan at nasa veranda ang lahat para uminom ng kape. Pero siya ay piniling maglibot sa Rancho.
Napadpad siya sa malawak na hardin at doon sa duyan na gawa sa bakal siya ay naupo.
Isang linggo mula ngayon ay doon na siya maninirahan. Naitakda na ang araw ng kasal nila ni Alvaro at iyon ay sa darating na linggo.
'Magiging Misis Sandejas na ako, nakakalungkot na hindi ko man lang naranasan magkaroon ng boyfriend.. asawa ka agad hay!!'
"So you're my fiancee!
Naiikot nalang ni Denise ang mata. Gusto niyang mapag isa pero heto si Alvaro at ginigulo siya. Sinundan pala siya nito. Ayaw niyang makita ito dahil hindi pa rin niya nakakalimutan ang nangyari sa lawa kanina. Hindi niya maiwasang pamulahan ng mukha sa tuwing papasok sa gunita niya ang tagpong iyon.
"Leave me alone. I want peace!" she said pero parang wala itong narinig dahil nagawa pa nitong maupo sa tabi niya.
Bahagya siyang dumistansiya dahil kumabog na naman ng mabilis ang kaniyang dibdib. 'Hay nakakainis, bakit ba ganito ang epekto sa akin ng lalaking ito. Hindi dapat ako kabahan, dapat ay mainis ako!'
"Bakit parang pakiramdam ko ay inis na inis ka sa akin ha Denise. Did i do something wrong??' tanong ni Alvaro.
Nanlalaki ang mga mata na tumingin siya dito. Tumayo siya at nakapameywang na humarap dito.
"At talagang nakuha mo pang itanong sakin ang bagay na iyan. Pagkatapos ng ginawa mo sakin sa lawa aasta ka na parang wala lang nangyari? Ibang klase ka Alvaro!" Asik niya dito.
Talaga namang nagpupuyos sa inis ang dibdib niya sa kaharap.
Nagkibit balikat ito na tila hindi apektado sa sigaw niya. "It was just a kiss." sagot nito.
"That was my first kiss Asshole, and you just stole it like that!" galit na sigaw ni Denise. "And what's worst.. i love the way how you kiss me! Argh!' gusto niyang idugtong pero wala siyang sapat na lakas para gawin iyon.
Tumayo na rin si Alvaro. "Hinaan mo naman ang boses mo!" saway nito sa kaniya.
"No! Maganda nga na marinig nila para malaman ni Mama kung anong klase ng lalaki ang pakakasalan ko. Baka maisipan niya pang iatras ang kalokohang ito!" sigaw pa rin ni Denise pero walang epekto ang mga iyon kay Alvaro. Nababakas pa nga ang pagka aliw sa mga mata nito habang nakamasid sa pagmamaktol niya.
He cross his arms and stare directly to her eyes. Napalunok si Denise dahil may kung anong init na hatid ang mga tingin na iyon.
"Totoo nga ang sinasabi nila. Kung sino pa ang may utang siya pa ang matapang!" he said while chuckling. Bahagyang nakaramdam ng pagkapahiya si Denise kaya nag iwas siya ng tingin.
"Hindi iaatras ng Mama mo ang kasal, believe me!" Alvaro said. Lumapit ito at inilebel ang mukha sa kaniya. Now their face is just an inch apart and Denise find it hard to breath. The fast beat of her heart came back immediately.
"We both know about your fathers debt to us, at ikaw Denise ang kabayaran sa lahat ng iyon. Kaya kahit pa anong paninira ang sabihin mo sa iyong Ina, it won't change her mind." Bumaba sa kaniyang tenga ang labi nito.
Nagtayuan ang kaniyang mga balahibo. "So just accept it Honey...You are now mine!"
Napasinghap siya ng kintalan nito ng halik ang gilid ng kaniyang mga labi
He gave her a boyish grin after. "See you, wife!" binigyang diin pa nito ang salitang "wife" bago siya tuluyang iwan.
Noon lang naging maayos ang paghinga ni Denise. Napahawak nalang siya sa kaniyang dibdib habang tinatanaw ang papalayong si Alvaro.
__________________