Chapter 2 - Chapter 2

PARANG hinugot mula sa isang libro ang tanawing natatanaw ni Denise.

Nasa burol siya ng mga sandaling iyon para magliwaliw. Hawak ang kaniyang Camera at walang sawang kumukuha ng litrato. The place could be her next entry for the exhibit that she joined.

Bata palang siya ay mahilig na siya sa pagkuha ng mga litrato kaya naman iyon ang kaniyang kinuhang kurso. She enjoys photography at napaka suwerte niya rin na hindi hinadlangan ng pamilya niya ang kaniyang pangarap.

Naglibot-libot pa si Denise sa burol. Nililibang niya ang kaniyang sarili dahil ilang sandali nalang ay makikilala na niya ang mapapangasawa. Hindi niya lubos maisip na ganito ang kahihinatnan niya. Kung alam lang niya na sa isang matanda ang magiging bagsak niya di sana ay sinagot na niya ang mga nanligaw sa kaniya noon.

'Nagkaroon na sana ako ng karanasan, naibigay ko na sana ang una kong halik at ang sarili ko. Mas katanggap-tanggap kesa sa mapunta lang iyon sa isang matanda. Hays!'

Hindi namalayan ni Denise na narating na niya ang lawa sa ibaba ng burol, sa kaiisip niya sa mapapangasawa ay ganoon na kalayo ang narating niya.

The lake is so beautiful at hindi nakaligtas sa Camera ni Denise ang tanawin. Itinaas niya ang DSLR at kumuha ng magagandang shot. Lalong gumaan ang pakiramdam niya ng makita ang mga kuha niya. It was all perfect.

"Kinuhaan mo ba ako??"

Mula sa pagkakatingin sa kaniyang camera ay napaangat ang tingin ni Denise. Nanlaki ang mga mata niya. Para siyang tinakasan ng kaluluwa ng mga sandaling iyon. Gusto niyang sumigaw pero hindi niya mahanap ang boses niya.

She's now facing a man in his full nakedness.

Basa ito at mukhang kakaahon lang sa lawa. Water is still dripping on his hair down to his broad shoulders. Matikas ang pangangatawan ng binata at may kayumanging balat. May kakapalan ang kilay, matangos na ilong, manipis at may kapulahan ang mga labi. Itim at tila kay lalim rin tumingin ng mga mata nito.

Nahahawig ito sa mga Mexican Actors dahil sa tindig at sa mahaba nitong brown na buhok na naaabot sa balikat.

Lumakad ito palapit sa kaniya. Hindi alintana ang kahubdan na nakabandera sa harapan niya. Pakiramdam ni Denise ay pulam-pula na ang kaniyang mukha sa kahihiyan at kawalan ng magagawa.

'He's naked for christ sake!! Fuck!! should i run?? Damn it what to do??'

Umiwas si Denise ng tingin ng huminto ito ilang pulgada mula sa kinatatayuan niya. Kung hindi niya gagawin iyon ay tiyak na makikipag face to face siya sa ipinagmamalaki nito.

"Uulitin ko, kinuhaan mo ba ako??"  Tanong ng lalaki. Malalim ngunit suwabe ang boses nito. Nagtayuan ang mga balahibo ni Denise sa lamig ng boses nito. Hindi naman ito mukhang galit pero may kung ano sa presensiya nito na nagpapakabog ng mabilis sa puso niya.

'Siguro dahil nakahubad siya kaya ako kinakabahan.. eh sino bang hindi kakabahan? Hindi ko naman kilala ang lalaki na ito, baka rapist pa toh o mamamatay tao.'

'Pero napakagwapo naman niya para maging rapist lang??...

'Diyos ko, nasa alanganin na akong sitwasyon ang kagwapuhan niya pa rin talaga ang napansin ko?? Erase, erase!'

"H-Hindi kita kinuhaan, b-bakit ko naman gagawin yon?!"  mariin niyang ipinikit ang mga mata. 'Hala sige Denise mautal ka pa, baka isipin pa ng mama na yan nagsisinungaling ka!'  tahimik niyang kastigo sa sarili.

"Look at me!" utos ng lalaki.

"Ayoko!

"Then give me the Camera!"

Doon na siya napatingin sa lalaki. 'Talaga bang hindi ito naniniwala na hindi naman niya ito kinuhaan ng litrato?'

"Hindi ko pinapahawak sa iba ang mga gamit ko lalo na ang Camera na ito!"  sagot ni Denise.

The guy cross his arms on his chest. Nag igting ang maskulado nitong braso at wala sa sariling napalunok si Denise. 'The guy is friggin hot in his upper bod, not to mention his lower part was also oozing with sexiness.'

Para itong isang Adan na naligaw sa lugar na iyon. He's so perfect...physically.

"Gusto ko lang makasiguro Miss!" sagot nito.

"Mukha ba akong nagsisinungaling??" may pagka iritableng sabi ni Denise.

'Ano bang akala niya sa sarili niya?? Porke gwapo at hot siya nanakawan ko siya ng litrato?? Eh hindi ko nga alam na may tao rito, bigla nalang siyang sumulpot mula sa kung saan. Nakahubad pa! Ibang klase!'

"Kung hindi ka nagsisinungaling ibibigay mo ang Camera!"  Lumapit pa ito lalo. Lihim na napasinghap si Denise. Damang-dama na niya ang init na nagmumula dito. That send shivers down to her spine.

"Give me the Camera or else..."

"o-or else what?" pabulong at may nginig sa boses na tanong ni Denise. Ngumisi ang lalaki. Parang tumalon palabas ng kaniyang dibdib ang puso niya sa sunod na ginawa ng binata.

Hinapit nito ang balakang niya palapit sa katawan nito. Kahit may tela sa pagitan ng katawan niya at kahubdan nito ay ramdam niya pa rin ang init na nagmumula rito.

"What are you---

Hindi na niya natapos ang mga susunod pa niyang sasabihin ng siilin siya ng mapusok na halik ng lalaki. Hindi madiin, hindi mapangahas. Ang kapusukan ng halik nito ay may pagsuyo na halos malasahan niya ang tamis ng halik nito. Every brush of his lips made her heart tingle.

Parang tinutupok si Denise ng halik na iyon. Nanghihina at nagpapaubaya ang katawan niya sa binata. It's as if she was under his spell.

Nawalan ng kakayahang pumalag si Denise ng sandaling iyon. Ilang saglit pa ay huminto na ito sa paghalik sa kaniya. Kinuha nito ang Camera niya at kinalikot iyon. Denise on the other hand was still shock from the kiss that this stranger gave her. Ramdam pa rin niya ang labi nito sa kaniya kahit hindi naman na magkadikit ang mga iyon.

Bumaling ang lalaki sa kaniya at ibinalik ang Camera.

"Good. Thank you!" he said. Ngumisi pa ito bago maglakad paalis. Hindi nakaimik si Denise. Sinusundan niya lang ang bawat galaw ng lalaki, not minding his nakedness.

Pumunta ito sa batuhan at kinuha ang pantalon at iba pang damit nito. Nagbihis ito, hindi pa rin humihiwalay ang tingin niya sa lalaki. Kapagkuwan ay sumakay ito sa itim na kabayo na nakatali sa isang puno malapit sa lawa. Noon niya lang napansin ang kabayo dahil tanging sa binata nakatutok ang atensyon niya.

Bumaling pa sa kaniya ang lalaki habang sinusuot ang cowboy hat nito.

Ngumiti ito, this time it's not a playful boyish grin but a genuine smile. He even wink as he say...."Adioś Señorita!"  Pagkatapos ay mabilis na pinatakbo ang itim na stallion.

Ilang minuto ng nakakaalis ang lalaki pero tulala pa rin si Denise.

'What did just happened?? Totoo bang nawala na ang first kiss ko??'

The realization hit her. Nagsimulang mag-alburuto sa inis ang kalooban ni Denise. 

'What a jerk!!'

_______________________

Latest chapters

Related Books

Popular novel hashtag