Chereads / Fall Inlove with Clerion Collins / Chapter 2 - Prologue…

Chapter 2 - Prologue…

Alyana's PoV

Panaginip

"Bilisan mo na Alyana! Dont be so slow! We need to hurry!" Sigaw ni Mom nang makita niya akong nakahiga pa sa kama habang siya ay bihis na bihis na at ready to lakwastsya na, nag unat muna ako nang mga braso bago ako tumayo sa pagkakahiga at pumunta sa banyo, dala dala ang twalya at ang mga susuotin ko for the trip, naligo na ako nang mabilisan nang hindi na sabihan pa nang kung ano ano ni Mom.

Matapos maligo at magbihis ay dumeretso na ako sa salamin at saka nagayos, naglagay lang ako nang kaunting pulbos at nagsuklay, hindi naman na siguro kaylangan na magandang maganda ako at mahahagard din naman ako sa tagal nang biyahe papuntang Cebu lalo pa at mag babus lang kami papunta dun.

Ayaw kasi ni Mom na mag ereplano, baka daw kasi magcrash lang kami at lumubog sa dagat, sa totoo takot lang talaga si Mom sa mata5aas di kaya nang powers niya, as if naman na wala ring peligrong malubog kami dito nang buhay sa sasakyang pandagat na to, tsk!

Kung si Mom kasi takot sa matataas, ako naman takot ako sa tubig, bale takot ako sa mga dagat, karagatan at kung ano mang pwedeng lubugan. May phobia kasi ako sa mga ganun nang malunod ako sa Pagsanjan falls dati, muntik nanga akong maipalabas sa TV dahil dun e, buti nalang at nakaalis na kami dun nang dumating yung mga reporter. Mga ten years old palang ako nun, at yun ang naging dahilan kung bakit sobrang takot kong mabasa, except nalang kapag maliligo ako, malinis kasi akong tao kaya naman minsan nagtatagal talaga ako sa loob nang CR.

Binilisan ko nang maglakad nang muling sumigaw si mom, mukhang inip na inip na sa pagaantay, tsk! Bat kasi nagkananay akong sobrang gala!

By the way guys dun pala kami pupunta ngayon sa may father ko, hiwalay na kasi sila ni mom so yun nga seperated na kami nang bahay, ako lang ang anak kaya wala silang mapaghatian, oras ko nalang but syempre ayaw ko namang lumaking probinsiyana kaya naman mas pinili ko nalang na manirahan sa Maynila with My mom kaysa sa makasama si dad sa Cebu.

Tiga Mandaue City Cebu nga pala ako dun sa Cebu, pero mas gusto ko talagang sa Maynila so dun na ako lumaki, bata rin naman ako nang naghiwalay sila Mom and dad so yun nasanay na ako na naguusap kami ni Dad sa chat chat lang or video something, mahirap sa una pero nang lumaon nakuha ko narin ang sitwasyon at nag go with the flow nalang sa mga nangyayari.

Ngayon ihahatid ako ni Mom sa Cebu, dun muna ako nang mga two months, after nang vacation babalik na ako nang manila to resume my study. Yun ay kung gusto ko parin sa manila. Sa ngayon kasi wala pa akong desisyon, si Dad kasi gusto niya daw akong makasama nang matagal, Mom also want but alam ko sa sarili ko na sinasabi lang yun ni Mom kasi mahal niya ako at ayaw niya akong masaktan, she always say she want me to comeback to manila after the vacation but the truth is a side of her wanted to be alone para naman magkaroon siya nang time with kuya Frankie, her new husband. Yeah mom was married again but not in the same man, not to my dad, but to someone else, but thank god kuya Frankie  was a good man, he always want mom to be happy, I think thats enough to say that may mom is in the good person right? Siguro kay kuya Frankie na talaga siya sasaya, si kuya Frankie na ang magbibigay nang sayang minsang si Dad ang nagbigay, I'm sad because of that but to think again, mas maganda na siguro yun, yung magmove on kaysa sa mamatay kang nahihirapan at malungkot magisa.

Malungkot din ako para kay Dad kasi naman parang naooffend ko na siya nang lagi kong tinatanggihan ang kagustuhan niya na sakanya muna ako tumira at sa Cebu muna mag aral, siguro this is the time para makabawi sa kanya, may kasama naman si Mom sa buhay e, but Dad, hindi na siya nag asawa pang muli after Mom, she left dad super heart break, it was so much for him, tapos lagi ko pa siuang tinatanggihan like Im saying na ayaw ko siyang kasama. Nakakadown yun para sa kanya, at ayaw ko naman na malingkot siya dahil sakin, ayaw ko na gawin ko rin sa kanya ang mga ginawa at sinabi ni mom before she left, ayaw kong manakit nang kahit sino sa kanilang dalawa so I need to decide, I need to think, I need to be maingat sa lahat nang gagawin ko, kasi kung may nagawa akong oagkakamali sa pagdidisisyon at isa sa kanila ang nasaktan, doble ang impact nun sakin.

Hayyys ano ba naman yan, napahaba tuloy ang pagkukwento ko, by the way guys paalis na nga kami ngayon ni Mom, kinurot pa nga niya ako sa tagiliran nang makalapit na ako sa kanya.

I just dressed with my normal casual floral croptop blouse partner with white fitted jeans and with sneakers, dala dala ko rin ang dalawan malalaking maleta, knowing me hindi talaga ako magdadala nang ganito karaming damit, but sorry to myself, hindi akk ang nagayos nang mga gamit ko kundi si Mom, sigurado akong mga mamahaling mga damit ko nanaman ang pinagsisiksik ni Mom dito, yung mga Channel at Gucci. Tsk! Tsk! Tsk! Si Mom talaga, di na nagbago!

At ang masama pa dun sakin nanaman niya to lahat ipabibitbit, nakakaasiwa, ang ganda ganda nang ayos ko magmumuka pa akong alalay niya if ever may makakita saamin.

Hay kaloka!

"Mom bakit naman nilagay mo na ata buong kwarto ko sa maleta na to! Ang bigat bigat! Ano bang mga laman nito?" Tanong ko sa kanya nang hindi ko mabuhat yung mga maleta palabas nang gate nang bahay namin.

"Aba malay ko ba! Saksak lang naman ako nang Saksak dyan kahapon, inaantok narin kasi ako nang inayos ko yang mga gamit mo, ang bagal mo kasi lagi ka nalang tinatamad, kung sayo ko pinagawa yun baka hanggang ngayon nagaayos ka parin nang mga gamit mo! Buhatin mo na yan! Baka Malate pa tayo sa bus!" Aba so ako pa yung dahilan nito ah! Tsk! Pero Sabagay may point siya, masyado akong tamad para maging abala sa pagaayos nang maleta na dadalhin ko, siguradobg kung hindi yan inayos ni Mom kahapon, hanggang ngayon nga ay hindi parin kami tapos sa pagaayos, tamad overload din kasi ako e! Hahahah! Pero si Mom naman kasi e! Ang bigat bigat kaya niyong maleta ko! Parang nilagay na niya dito lahat nang nasa damitan ko! Huhuhu! Ayaw ko paman ding gamitin yung binili niyang bagong Channel sakin! Saka yung Gucci huhuhu! Balak ko pa mandin yung ebenta Online!

Inilabas ko na ang mga bagahe ko at saka kumuha na nang taxi si Mom para makaalis na kami, nasa Olongapo ngayun si kuya Frankie kaya naman gusto munang maggala nito ni Mom, mababagot lang daw kasi siya if iniwan ko siya dun sa bahay magisa.

Nang makasakay ay doon palang ako ulit nakaupo, mga ilang minuto din kasi ang tinagal namin sa paghihintay sa hinayupak na taxi, napagalitan pa nga muna ni Mom yung taxi bago kami nakaalis e, pano ba naman sabi dun sa time nang pag iintay sa Online platform nung mga taxi nayun mga five minutes lang daw kaming mag iintay, inabot na kami nang bente minutos bago siya dumating. Tsk! Di nga kami nalate dahil sa kabagalan ko, kundi sa kabagalan nung driver nang taxi.

Mga tatlongpung minuto pa ang iyinagal namin bago kami makaratin sa Araneta bus terminal trapik kasi sa EDSA nanaman, nang makaratin naman kami sa Araneta sandamakmak naman na mga pasahero ang nakasalubong namin with matching ibat ibang amoy, may ibang okay, may ibang super no no no, at may iba naman neutral lang, tsk! At yung pinakanakakainis pa dun ay nagkakaapakan na nang sapatos sa sikip sa mga booking station, buti nalang talaga at maaga kaming nakapagbook, pero di parin kami naligtas sa siksikan, Mygod yung isang nakagiygitan ko, muntik pang malatid yung strap nang craptop ko! Kung nagkataon kita nang lahat ang suot kong Bra!

Panay ang mura ni Mom nang mapunit ang laylayan nang suot niyang floral na dress dahil sa gitgitan. Nang makaalis na kami sa siksikan at nakasakay na sa bus ay saka palang siya nagngangawa dahil mahal daw yung suot niyang dress nayun, Celine padaw kasi ang brand nun. Tsk! Sorry nalang sayo Mom, yan ang nangyayari sa mga tulad nating sosyaleta sa Araneta, nauuwing dugyutin.

Kamusta naman kasi yung puting sneakers ko, naging brown na siya, may bakat pa nang mga sapatos, san ka pa!

"You know what anak! After this, we will never do it again! Ang mahal nang Celine floral dress nato, sinuot ko lang to look elegant, but know look at me, ang dugyot na tingnan! Huhuhu! Curse the hell who did it to my beloved Celine floral dress! Masagasaan sana siya nang bus!" Napatakip nalang ako nang tenga nang sumigaw si Mom. Nakakahiya nagsi tinginan tuloy samin ang karamihan sa nakarinig dito sa loob nang bus, may iba pang napailing nalang at may ibang parang naamuse pa sa naging sigaw ni Mom, mga baliw.

Ito namang kasing si Mom e! Sigaw nalang bigla nang sigaw! Minsan majojombag ko nalang tong si Mom e!

"Mom! Don't make a scene here! Nakakahiya ka! Napakachildish mo nanaman, mapagkakamalan ka niyang baliw or may sinto sinto e!" Inirapan niya lang ako at saka tumingin sa labas nang bintana.

Bahala na nga siya sa buhay niya.

Maya maya lang ay nakatulog nalang rin ako sa sobrang pagod.

Oo guy napagod ako! Ayaw ko ngang tumatayo sa kama tapos ngayon ilang beses kaming naglakad at tumayo nang napakatagal, muntik na akong maover fatigue a!

-----Panaginip----

Nagising ako sa isang malambot na kama, wait bakit ako nasa kama, nasa bus ako diba?

Agad kong kinusot ang mga mata ko at saka ininilat ito nang paunti unti.

What the hell!

Wla na ako sa bus!

Nasan na me?

Wala akong maalalang nakauwi na ako sa bahay namin sa Mandaue. Nasan na ako? My God! Did... Did I get kidnapped?!

Holy God! Wala kaming pang ransom sa mga kidnappers! Baka ibenta nalang nila yung mga organs ko if ever wala kaming maibigay na pera, wah! Ayaw ko pang madeads!

Tumayo ako sa kama at saka dumeretso sa may pintuan para sana tingnan kung nakabukas ito or nakasara, inisip ko narin ang plano ko para makatakas if bukas nga ang pinto.

Pinihit ko ang doorknob at saka unti unting binuksan.

Hala bukas?

Bukas nga!

Lumabas ako nang kwartong hindi ko naman alam kung sino ang may ari at saka ako nakaratin sa isang hindi pamilyar na parang hallway. Saan naman kaya ako nang mundo napad pad! Bakit naman ganito nalang ka unfamiliar tong lugar na to.

Wala akong maalalang nakapunta na ako rito sa buong buhay ko, ngayon palang.

But... But how? Kani kanina lang nasa bus ako, tapos ngayon nasa isang bahay na ni minsan sa buhay ko hindi ko napuntahan doon ako naroroon ngayon, how?

Malaking question mark ang nakalagay sa taas nang ulo ko habang naglalakad ako sa napakahabang pasilyo nayun. Maya maya lang ay may nakita akong bukas na pinto sa may dulo nang pasilyo, may nakabukas na ilaw at may mga ingay na nagmumula doon na para bang may meeting na nagaganap.

What the hell I'm supposed to be here?

Haysss! Nakakabaliw na talaga! Baka naman nananaginip nanaman ako kaya diko familiarized yung lugar na to, pwede naman yun diba?

Dyos ko maloloka na talaga ako!

Naglakad ako papunta sa pintong iyon at di inalintana ang takot na nararamdaman sa kung ano mang makikita ko sa loob nang kwartong iyun.

Naglakad ako nang mabilis hanggang sa makita ko na sa maliit na siwang sa pinto ang nasa loob. Ngunit hindi pa ako nakuntento, inilapit ko pa ang mukha ko sa siwang at pinagmasdang ang kung anomang nangyayari sa loob.

Ngunit nang makita ay napahawak nalang ako sa bibig ko at nanginig. Nagulat at nasindak sa nga nakita.

Nakita ko sa loob ang mga taong nakasuot nang mga itim na tux, nakaupo sa mga upuang nakapaligid sa napakahabang lamesa at sa gitna nang lamesang  ito ay ang mga bangkay nang mga taong hindi na makilala ang mga mukha, may mga part nang katawan sa ibang mga plato nang mga taong nakaupo sa mga upuang naroon.

Nakaksuka, hindi ko na tuloy naiwasang mapasuka ngunit wala namang lumabas mula sa bibig ko.

Sinubukan kong hindi maging maingay at gumawa man lang nang kahit anong ingay. Baka kasi mamaya kapag nakita nila ako, ako na ang susunod na main course nila, o kung magiging mabilis ang pagkakakita nila sakin baka desert pa ang mangyari saakin dito.

My God I need your help now, mas gusto ko pa God na mamatay sa aksedente nalang kaysa makain nang mga nilalang na to kung sino man sila, mga carnivals may God! Nasusuka na talaga ako!

Umalis na ako sa pagkakasilip sa siwang sa pinto dahil baka yun pagiging chismosa ko pa ang makapatay sakin, aalis narin sana ako sa lugar nayun nang may nabangga akong something na nakagawa nang ingay. Talagang napapikit nalang ako nang dumagunggong sa lakas nang pagkawasak nang flover vase ang buong hallway. Narinig ko pa ang gulat nang mga tao dun sa loob nang kusina. Hala! Ito na ata ang aking nalalapit na kamatayan!

May God!

Sinilip kong ulit yung siwang at nagitla ako sa nakita ko. Isang lalaking walang bahid nang dugo sa bibig at pawang kasing edad ko lang ang nakatingin saakin nang deretso. Nakangiti or nakangisi at parang may gagawing masama. Shocks! Kakainin ba niya ako?

Wahhhhhhh!

-----End of Panaginip----

Nagising ako sa sakit nang kurot ni mudrakels. Daig ko pa ang nakagat nang bampira sa ginawa niya.

Omaygulay panaginip lang pala ang lahat.

Buti naman! Whu! Muntik na akong atakihin nung makita ako nung isa sa kanila. Akala ko katapusan na nang pagiging beauty queen ko e!

Buti nalang talaga!

Pinagalitan pa ako ni Mom sa sobrang kakuparan ko daw hanggang sa paggising. Muntik na nga daw siyang maniwala na binabangungut na ako ngunit nang magising naman daw ako sa pagkasakit sakit niyang kurot, nalaman niyang dahil lang daw yung sa katamaran ko.

Tsk! If she know what kind of dream I encountered kanina, baka nahimatay na siya, pero sa pagkakakilala ko sa kanya kukurutin niya lang ako dahil sa mga nakakadiri kong sinabi.

Buti nalang talaga at nagising ako nang malapit na kaming bumaba, di na ako ganong mapapagalitan ni Mom, buti nalang talaga at effective yung kurot niya pangtanggal nang bangungot kunghindi baka nakain na ako ngayon nang mga bampirang yun sa panaginip ko, siguradong masakit yun!

Iniling ko ang ulo ko nang marealize kung gaano kabrutal ang pwedeng manyari sakin if ever di ako nagising. Mygod! Erase! Erase!

Pagkababa namin sa bus dumeretso na kami ni Mom sa sakayan nang mga van. Dito sa Cebu City, grabe pala yung tulog ko, sabi ni Mom ang tagal daw talaga,  akala niya nga daw namatay na ako e, paano ba naman daw halos 24hour daw ang byage tapos buong oras nayun tulog ako. My God napaka weird naman nun diba?

Ibang klaseng panaginip.

Para talaga siyang truth!