Chereads / Fall Inlove with Clerion Collins / Chapter 6 - Chapter 4… Picture

Chapter 6 - Chapter 4… Picture

Alyana's PoV

Hindi ko alam kung matatatawa ba ako or maiinis nang makita ko yung picture na sinasabi nila, nakakatawa kasi yung itsura ko dun e, nakawaki pa ako mukha tuloy akong dugyuting batang lansangan.

Pero ang nakakainis nun ay sinabihan akong peke, anong peke dun, mukha ba akong peke? Gumanda lang peke na agad, ang sama talaga mag isip nang mga tao, parang akala mo naman di sila naging dugyot nung kabataan nila, parang mga tanga!

Nakita kong mukhang natataranta si Mom.

"Mom don't worry mom, sinisiraan lang nila ako, alam mo naman siguro na nadaan lang sa skin care tong mukha ko at ni hindi ako gumamit nang gluta or yung retoretoke na yun" Sabi ko kay Mom, tinanguan naman niya ako.

Pero anak, sinisiraan ka na nila, didn't we do something about it, you know that your father is a chief derector of Mandaue police station, he can help" Sabi naman ni Mom, niyuyugyog niya pa ako, pinaupo ko nalang siya at pinakalma, ito namang si Mom, daig niya pa ang sisa kung magalala sa mga anak niya, tsk! Pagka siya nabaliw tatawanan ko lang siya. Hahahha!

"Mom if dad know this, do you think papauwiin niya pa ako sa manila, diba hindi!" Napatulala naman siya sa sinabi ko, napatango at hinawakan ako sa kamay.

"Pero how we can solve this problem kung di tayo manghihingi nang tulong sa dady mo, paano nalang ang reputasyon mo ang pangalan mo, mas mahalaga pa ba sa reputasyon mo ang pag uwi mo sa Maynila" Si Mom naman na pinipilit parin ang paghingi nang tulong kay Dad.

Natawa nalang ako.

"Hayaan nalang natin yan ma, lets eat first, nagugutom na talaga ako dahil sa tagal mo e" Sabi ko nalang sa kanya, kaylangan ko nang putulin ang mga nasa utak ni Mom, mamaya mabaliw pa siya sa kakaisip kung papaano ako maililigtas sa kabaliwan nang kaklase ko.

Tumango nalang sila at kumain na kami.

Napasarap pa nga ang kain namin kaya sumecond Order pa kami to the highest level, at talagang nagpakasasa kaming magnanay sa Jollibee, kami na nga ata ang may pinakamalaking naorder sa lahat narito ngayon dahil talagang sobrang dami naming inorder nung pangalawang time naming umorder, halos mamatay narin kami sa kabusugan bago kami umalis nang fastfood nayun.

My God nagtake out pa si Mom, baka akalain mang mga tao dito mga patay gutom to the highest level daig pa clouds dahil sa dami naming biniling take out. Napapatingin na ngalang samin yung mga kasabayan namim sa Jollibee e.

Nang umalis na kami sa Fastfood nayun ay pinagtitinginan parin kami dahil sa mga luxurious brand na nakatatak sa mga dala dala naming sandamak mak na paper bag at sa mga dala dala rin naming mga pagkain mula sa Jollibee, mukha nanga kaming tanga dahil sa dami naming bitbit pero... Ano bang paki nila, di naman sila ang nagbibitbit at bumili nito a, wala dapat pakialaman nang trip.

Pagkatapos naming magmall ay nagpasundp na agad kami sa driver ni Dad paderetso sa bahay, need na naming mag rest mga besh e, nakakastress ang araw nato. My Goodness!

Nang dumating na ang sasakyan ni Dad lulan nito ang driver niya at nang makita kami ay nangpark na malapit sa amin at kinuha ang mga dala naming mga gamit. Giniya narin niya kami papasok nang sasakyan at saka siya pumunta sa driver seat nang makaupo na kami sa aming mga upuan.

Nang mawalan na nang paki samin yung driver ay saka palang kami ulit nakapag usap ni Mom sa nangyari kanina. Nakakainis talaga, pero nakakatawa in the same time kasi naalala ko nananamn yung kadugyutan ko nung elem palang ako, pero duh! Sino namang nagsabing nagparetoke ako para lang gumanda, hindi naman ako ganun ka desperadang gumanda noh! Igaya nila ako sa kanila na sa sobrang desperadang maungusan ako ay kinailangan pa akong siraan, hahahah! Napakapathetic naman nila, particularly that Catrina, mukha naman siyang dagang bukid na gustong maging hamster hahahaha!

Mga pathetic ang mga ginayupak!

"Why did she do this to you my daughter, did you do something to her, do you, do you did something wrong to her para gawin niya to sayo? Why is she so desperate to make you fall, I thought your friends?" Tanong ni Mom, siguro ay nagtataka siya sa mga nangyari dahil pinakilala ko si Catrina as a friend tapos mauuwi sa ganitong sitwasyon na siya na ngayon ang naninira sakin, nakakatawa diba, minsan talaga you need to keep your trust just to your self, kasi kapag nasira na nang iba mahirap nang maibalik sa dati nitong kalagayan, or worst hindi na talaga marepair at masira nalang habang buhay. That is trust, sing tibqy nang pader na bakal pero kasing hirap nang pirqpirasong bubog nang salamin kapag nasira. Hindi mo na mababalik sa dati kasi maaaring may kulang na part na hindi na natin kaylan man mahahanap pa, at ganun ang nangyari sa tiwala ko kay Catrina, she betrayed me, she's my best of all friends but she's a traitor, she just use me to be famous, used her best friend as a credit card,  and after niyang maging satisfied, saka ka niya sasaksakin sa likuran at papalubugin Like she did to me, napakabaliw na babae, ginagawa nila ang lahat para lang sumikat siya at para maungusan niya ang lahat. Tsk!

"Mom I never ever do anything that make her mad, I give her what she want, I give her my trust, I give her what friend can give to his or her friends, but she just betrayed me, a couple of time mom, so yun napagdesisyonan ko nalang siyang hindi pansinin tas yun binack stab niya na ako, I'm done with her mom, but I dont know why she do this this time, I thought she will stop, it was disappointing mom" Sabi ko nalang sa malungkot na tono, sino ba namang magaakala na ang sarili mong kaibigan ang magpapabagsak sayo, hindi kapani paniwala right? But sorry my ganoon talagang mga tao, mga nakatago lang sila sa mga maskara bilang mababait pero sa likod nang mga maskarang yun may halimaw palang nakatago, malas ko lang at naging kaibigan ko pa ang mapagbalatkayong halimaw nayon, mhhh!

Napailing nalang si Mom dahil hindi niya maintindihan ang point ko. Napahilamos pa siya nang kanyang mukha nagaalala sa maaring mangyari.

Bakit ba ang big deal naman ata nang pagkalat nang childhood photo ko, hindi naman ako ganun kasama nun ah, nabansagan pa nga ako dati nang mga teachers ko nung elem na Morena beauty dahil sa angking kagandahan tapos pagtatawanan nila ako, tsk! Sabagay ang epic nga talaga nang kuha kong yun dahil pinagkapangit pangit ko talaga yung mukha ko, sabi kasi nila kapag waki daw ang pause, dapat daw nakakatawa yung itsura mo, kaya yun naisip ko na gawing super-duper pangit ang face ko, di ko naman kasi alam na gagawin akong memes in the future kung alam ko lang, tsk! Mas pinapangit ko pa sana ang mukha ko dun para mas epic.