Chereads / Fall Inlove with Clerion Collins / Chapter 7 - Chapter 5… Upside down

Chapter 7 - Chapter 5… Upside down

Alyana's PoV

Nasa bahay na kami ngayon ni Mom, natataranta parin siya dahil tumatawag na nga sa kanya yung manager ko, yes isa din kasi akong modelo sa isang Teen edition nang isang sikat na magazine sa manila. Wala ewan ko kung pano but yun paggising ko bigla nalang sinabi ni Mom na pumunta ako sa lugar na to kasi may kakausap sakin, yun pala papasalihin niya lang ako sa isang modeling shushunes.

Pero yun na nga, binubulabog kami ngayon nang  management nang magazine nayun about sa issue na kumakalat tungkol sa akin. Ang masama pa dun sabi ni Mom yung iba daw na dati ay nagkakandarapa daw akong kunin sa mga modeling company nila ay umaayaw na ngayon. They thought kasi na totoo yung issue na nagpatetoke lang ako. Tsk! Nakikiuso lang yung mga e!

Anyway di naman yun kawalan sakin dahil sila ang may kawalan nun, tsk! Sinayang nila ang natural kong kagandahan. Mmp!

"Anak! Tara dito! Your manager is calling!" Tawag sakin ni Mom sabay senyas sa phone na hawak niya. Tsk! Ano nanamang sasabihin niyang manager na yan, kani kanina lang pinapagalitan ako, bakit ko daw binigay kau Catrina yung picture na yun e malay ko bang plastic pala yun tsk!

Nakakainis talaga!

Kinuha ko kay Mom yung phone at saka kinausap si manager.

"Aya! Philippine Magazines kick you out to their new list of model, tinanggal ka nila, you need to do something about this issue or else your fame will be done!" Sabi ko nangaba e, bad news nanaman ang hatid nang lokong to sakin.

"But manager! What will I do? Alam mo naman na wala din akong magagawa diyan!" Sigaw ko din sa kanya.

Napabuntong si manager sa kabilang linya.

"Sabi mo diba mataas na kawani nang polisya yung tatay mo, kung humingi na kaya tayo nang tuling sa kanya, pupunta na din ako dyan para mapag usapan natin nang maayos yung plano natin about this, unti unti ka nang tinatanggal nang mga modeling Companies na pinagtatrabahuhan mo, By the way may pupuntahan papala ako, tatawag nalang ako kapag may problema nanamang nangyari dito" Sabi niya at pinatay na ang cellphone, grabe talaga walang manners!

Ibinalik ko kay Mom ang phone saka siya nagtanong sakin kung anong sinabi ni manager, edi yun kinuwento ko sa kanya, yun tuloy kinulit nanaman ako na humingi na kami nang tulong kay Dad.

Tsk!

Kapag kasi nalaman to ni Dad, hindi na ulit ako makakabalik sa Maynila, huhuhu! Pero okay nga yun diba? Kasi yun naman ang plano ko? Hayss, ang gulo ko na, pero kasi naman e, ayaw ko kasi dito, mamaya maging maitim nanaman ako, huhuhu!

"Anak, ito nalang talaga ang magagawa natin, wala na tayong pagpipilian, if your dad help us about this issue, sigurado akong maiidulog niya to sa NBI para mabura yung post at maparusahan ang may gawa nang iskandalo na to sayo, please my daughter... we need your father's help" Sabi niya sakin, kulang nalang talaga lumuhod na siya para lang makumbinsi akong umuo na sa paghingi nang tulong kay Dad, tsk! Wla na ba talaga akong choice, kahit ano pa yan sudunggaban ko na! Huhuhu! Wag lang yung humingi nang tulong kay Dad, sigurado singurado talaga ako na pagnalaman niyang nabully or mas malala pa ang nagyari sakin dahil sa pamamalagi ko sa manila, magagalit talaga yun.

"Pero Mom! Paano nalang yung pagaaral ko sa manila if Dad ordered me to be here forever and ever, alam mo naman ang magiging reaksyon ni Dad if malaman niyang may nangyayaring ganto sakin dahil sa mga pinaggagagawa ko sa manila... paano na yung modeling, paano yung buhay ko sa manila, mawawalang lahat yun!" Hysterical kong sabi sa kanya, ayaw ko kasi talagang mangyari yun. Tsk! Ang gulo ko na talaga, kahapon lang sinasabi ko na okay lang saking dito na ako sa Cebu tumira, ngayon naman ayaw ko nanaman. Pero kasi e!

"Pero wala tayong choice anak, if we go home to manila at wala paring solusyon sa problemang ito, siguradong wala ka ring mukhang maihaharap sa lahat, do you think talent scout or modeling companies will be eager to catch you like how they want you before kung may ganito kang issue, no! It's a big big no! So please anak makinig ka sakin, we need your dad's help, please anak, please" Ano ba naman yan Mom, wag mo naman akong ganitohin, wag naman sa konsensya, tsk!

"Pero! Tsk! Sige na nga Mom! Tumayo ka nga jan! Nauwi mo nanaman ako sa pilitan!" Inis ko nang sinabi sa kanya nang lumuhod siya sa sahig Just to please me to do what she want.

"Thank you anak! T-tatawagan ko na ang Dad mo. Sabi niya lang at iniwan ako" Tsk! Ang bilis ah? Nakakainis talaga! Naiistress talaga ako kay Mom!

Umalis siya sa may sala kung saan kami naguusap at saka dumeretso sa may kusina.

Pinahid niya pa ang luha niyang nasa tumulo ata mula sa kanyang mata dahil sa sobrang desperada na siyang humingi kami nang tulong kay Dad, napaka big deal naman talaga kay Mom nang pangalan namin. Ayaw niyang nadudungisan ang ilepilyido niya.

Well epilyido niya kasi ang ibinigay niyang ipilyido sakin pagkatapos niya akong lihim na itinakas dati nung umalis kami sa bahay ni Dad dahil sa away nilang I don't know parin kung ano at bakit or saan nagsimula, tsk! Bahala na sila.

Tumungo nalang ako sa aking kwarto para magpahinga, iniwan narin naman ako ni Mom sa sala kaya naman napagisip isip ko nalang na ayusin yung mga damit na pinagbibili namin kanina sa mall.

Ang saya na dapat nang araw na to kung di lang omepal yung Catrina na yun, humanda talaga sakin kapag nakita ko ulit siya, isusubsob ko na talaga siya sa tae nang kalabaw, napakaepal akala mo naman ikinaganda niya, well ikinasikat niya, pero duh! Pangit parin siya INSIDE AND OUT! Tsk!

--Sa kwarto--

Hayyyyyssss! I'm so stressed na talaga!

Ang dami dami dami naman kasi niyo! Dinaig ko pa ang maglilipat nang bahay sa daming damit na inilabas ko sa maleta ko, dalawa yun malaki pa, Omg! Pati yung paburito kong pambahay nandito rin? Hala! Ayaw na nga ata akong pabalikin ni Mom sa Maynila... Holy mix!!!!

Iniling ko nalang ang ulo ko dahil sa naisip, hindi yun pwede, tsk! Tatanungin ko talaga si Mom about this, mamaya kasi gusto na talaga niya akong dito patirahin kay Dad, malalagot talaga siya sakin, back off na nga ako sa una kong plan tapos yun din pala ang plano niya sakin, huhuhu! Ayaw kong maiwan dito sa probinsya!

Inayos ko ang sandamak mak na damit kong nasa kama ko na ngayon, may iba pang nahilig sa may carpet sa sahig nang aking kwarto, may mga signature pa, mga luxury brand, may mga bench, addidas, at Nike pa, may mga sapatos din na kapareho nang tatak sa mga casual na mga damit ko.

May mga tag price pa yung iba, tsk! Nakita ko yung Gucci na binili namin ni Mom sa SM North EDSA nung isang buwan, may nakalagay na price tag, 50,000 php, takte isang buwan na tong pagkain nang mga ordinaryong tao. Tsk!

Siguro kung isinusuot ko tong damit na to at hindi ko tinanggal yung Price tag madaming magagalit sakin kasi pinagmumukha ko silang mahirap sa isip nila. Pagiging maganda ko nga lang big deal sa kanila, ano pa kaya yung magsuot ako nang napakamahal na damit sa pagpasok ko sa school. I wonder what they think to me if manguari yun, siguradong masasabihan lang ako nang mayabang.

Pagkatapos kong maayos ang lahat nang mga gamit at damit ko ay doon ko lang napagtantong halos isang oras narin pala ako nasa loob nang kwarto. Ano na kayang ginagawa ni Mom ngayon? Ano na kayang nangyari nung tinawagan niya si Dad? Did dad know about it na? Tsk! Ano na kayang mangyayari sakin if ever na mangyari na ang pinakakinatatkutan kong mangyari?

Paano kung di na ako pabalikin ni Dad sa manila and worst dito na nkya ako parirahin for live. Omg di ko ata kaya yun!