Chereads / Fall Inlove with Clerion Collins / Chapter 10 - Chapter 8… The real vacation

Chapter 10 - Chapter 8… The real vacation

Alyana's PoV

Nasa beach kami ngayon dito sa  Mactan dito sa Cebu, di ko na imemention yung pangalan nung beach, hahaha! Lam niyo na, hindi naman sikat masyado yung resort nayun so no need to mention guys, charrr lang! Leonel Water and Beach Resort yung pangalan nung beach, sikat siya rito sa Cebu madami ngang mga turista ngayon dito e, lahat nakabekini, kung hindi naman tulad ko na naka t-shirt lang at shorts, nakapaa lang ako kasi buhanginana naman to at wala namang mga matutulis na bagay dito Like sticks, nirerestrict kasi nila yung paggamit nang mga ganun dito kasi naman nakaka cause daw yun nang pollution sa dagat at mga injury dahil minsan natatapakan nang mga turista, so no need to use any foot wear, okay nang nakayapak nalang sa pinong buhangin sa tabi nang dagat, kasama ko ngayon si Mom na ka couple ko pa nang outfit, t-shirt at shorts lang rin ang suotan niya. Gaya gaya kasi, charrr!

Ito narin kasi ang pinakahuling araw ni Mom dito so nilubos Lubos na namin, mamaya may Island hopping kami, gusto niya daw kasing magawa yun bago siya bumalik sa Maynila, okay narin naman ako ngayon, yung post kasi ni Catrina wala na sa Fb, pinabura na, nagpost narin nang public apology si Cat at maging yung iba ko pang bashers, nagresign narin ako as a model, mag aaral nalang ako para naman maging normal nalang rin ang buhay ko, pagkatapos kasi nang bakasyon isa narin akong certified probinsiyana, pero atleast nasa City parin naman ako right, out pf metro manila ngalang, but city parin naman siya so City Girl parin ako.

May Malls at food court parin naman dito, mas madami pa nga ang variations nang pagkain dito, napakadami ko tuloy pamimilian, pero knowing me, bibilhin ko nalang ang lahat nang magustuhan ko. Wahahaha!

By the way tumawag sakin kahapon si Mica yung trying hard na maging friend ko, nagsorry lang siya sa mga pinagsasabi niya sakin Last time, okay lang naman yun sakin so I said Its okay, sabi niya bakit daw nagresign ako sa pag momodel, sabi ko naman sakanya na hindi na muna ako makakabalik sa manila so meaning di niya na ako makikita, malulungkot daw siya and if ever mas malungkot daw siya talaga daw na pupuntahan niya ako dito. Tsk! Ang kulit nga rin nang isang yun e. Magsasayabg siya nang pera Just to go here para lang makasama ako, sandali nalang talaga papayagan ko na siyang maging friend ko.

Lam niyo yun yung gumagastos siya para lang maging kaibigan ko siya. Tsk! Nakakakonsensya kaya yun, yung pinagtatabuyan ko ang taong gustong gusto akong maging kaibigan, at hindi lang yun siya lang naman ang tao sa school ko dati na gusto akong kaibiganin, rest of my school mates wants to kill me kasi.

Kaya pag ako napilit nito, may kapalit na talaga si Catrina, Sabagay wala na akong interes na ayusin pa ang pagkakaibigan namin kasi, nakakadala siya.

Baka mamaya palabas nanaman niya yun tapos gawin niya nanaman sakin ulit yung ginawa niya sakin a days ago! Tsk! No way!

So ito na nga naisipan namin ni Mom na magbuko shake dito sa tabi nang dagat, may nadaanan kasi kaming buko shake something store nung naglalakad lakad kami kanina dito sa may tabi nang dagat. Ang sarap nga nang buko shake nila dito e, fredh na fresh, I love it na talaga!

"So what's your plan anak, dito ka na mag aaral?" Tanong ni Mom sakin habang nasa isang parte kami nang dagat na may upuan, naupo kami dun at nagkwentuhan nalang.

"My plan? What plan mom?" Takang tanong ko.

Natawa siya. "You know, change environment ka, culture shock, hindi ka ba natatakot sa magiging buhay mo dito? Sabagay your dad is here, sigurado din namang kilala siya nang lahat dito kaya naman di ka mapapahamak" Sagot ni Mom, napangiti nalang rin ako sa pag aalala niya.

"Hindi naman Mom, wla namang culture shock, alam mo naman na tuwing bakasyon nandito ako kaya kaya ko nang makihalubilo sa kanila, para din naman silang tiga Metro e, kaso lang nagbibisaya sila at Cebuano something na di ko maintindihan, hahhaha!" Tawa kami ni Mom dahil sa sinabi ko.

"Your right anak, nung unang datong ko rin dito dati ganun din ang nangyari sakin, hindi nga ako naculture shock, di ko naman maintindihan yung mga sinasabi nila, mas madalas pa akong mag hand gesture nun kaysa magsalita, daig ko pa ang pipi nun"Tawa nananaman kami dahil sa kwento niya.

"Pero Mom may tanong lang ako, saan kayo nangkakita ni Dad, I mean saan at paano kayo nangkakilala, diba sabi mo tiga manila ka, at si Dad tiga Cebu siya, kaya nagtataka ako kung paano kayo nagencounter dalawa?" Tanong ko sa kanya, napatingin pa nga siya sakin dahil sa tanong ko.

Napailing siya at napatawa.

Hala! nabaliw na ata abg nanay ko.

"Baka sabihan mo lang ako nang baliw kapag nalaman mo, hahaha! Napaka- kakaiba kasi yun, at sa sobrang kakaiba, walang ibig maniwala" Sabi ni Mom na ipinagtaka ko pa lalo, mas lalo tuloy akong nacurious.

"Hindi yan Mom, sabihin mo na... Please!" Parang bata kong pagmamakaawa sa kanya. Hawakhawak ko pa ang buko shake ko na nakalagay sa Shell nung buko, nag puppy eyes panga ako e.

Napailing si Mom. "Ikaw ang bahala, pero wag mo akong sisisihin kapag na disappoint ka story nang pagkikita namin nang Dad mo a!" Inirapan niya pa ako. Tsk! Sabi ko na nga ba tatalab parin ang kacutan ko kay Mom e.

"Opo! Opo! Hindi po ako madidisappoint, promise!" Sabi ko nlang dahil sa excitement.

"Okay, nagkita kami nang Dad mo sa... sa panaginip ko, ewan ko rin kung paano pero sa panaginip ko siya unang nakita, pero hindi yun ordenaryong panaginip, parang totoo, parang nangyayari sa totoong buhay, parang hindi nga yun panaginip kung di lang ako nagising nang buhusan ako nang tubig ni mama, nang lola mo... Akala daw nila mamamatay nadaw ako dahil sa bangungot, you know what hindi, hindi pa yun ang weird dun, sa panaginip ko kasi nasa isang kwarto ako, hindi ko kilalang kwarto at pagkagising ko talagang nagtaka ako kung bakit ako nasa kwarto na yun, pero siyempre tumakbo kaagad ako sa pintuan, tiningnan ko kung bukas kasi naman baka kinidnap ba pala talaga ako that time, uso pa man din nun yung mga Teenager na binebenta ang mga laman, you know child trafficking, pero nang pihitin ko na ang doornub nung punto, bukas, kukas yung pinto kaya naman dali dali na akong lumabas, at alam mo kung anong una kong naisip, paano ako makakalabas sa lugar na di ko pa napupuntahan sa buong buhay ko, akala ko nga dun na ang huling araw nang buhay ko nang may natuklasan akong kakaiba sa mga yaong nakatira sa bahay nayun" Tumigil si Mom napangiwi at napailing, nagkunwari pa siyang nasusuka, tsk! Nakakawala naman siya nang appetite, pakundangan naman sa kumakain Mom! Pero hell, parang napakapamilyar nang kwento niya? Parang, basta... Pamilyar, ganun!

"Kumakain sila nang tao Like What the hell! Mga carnivals! Mga... Mga halimaw... At nang iresearch ko kung anong nilalang ang naincounter ko sa panaginip nayun, nalaman ko na bambira! Bambira pala sila!" Kitang kita sa mukha ni Mom ang pandidiri sa kanyang napanaginopan. Well nakakadiri nga naman if ganun yung napanaginipan mo.

Pero anong konek non kay Dad, at kung paano sila nagkita.

"At doon ko rin nakita ang Dad mo, nakaupo sa mahabang mesa, nakatingin saakin, wala naman siyang bahid nang anomang dugo, gwapong gwapo, like he's the one for me, pero hindi pala, nasa harap niya yung mga taong nakasuot nang itim na tux at kumakain nang mga kung ano anong part nang tao, at alam mo kung ano pa ang kakaiba dun, your dad, nakangisi siya sakin, nung mga panahon nayun akala ko kaya siya nakangisi sakin kasi ako na ang susunod nilang putahe pero nang makita ko ang ngisi niya, yun! Boom! Nagising na ako dahil binuhusan na ako nang malamig na tubig nila mama! Kaya nga natakot rin ako nung nasa bus tayo e, baka kasi natulad ka narin sakin kaya ang tagal mo gumising" Sabi ni mom, natatawa na siya ngayon.

"Napaka weird no? Sabi ko sayo e!" Sabi niya at tumayo na, malapit naraw kasing mag hapon, mag I-Island hopping pa daw kami.

Paanong... Paanong nangyari na yung panaginio ko ay panaginip din ni Mom, paano nangyari yun.

Naalala ko nanaman tuloy yung sugat ko sa daliri, nandoon parin yung konting bakat nang sugat, Ohh god! Paano nangyari ang mga to.

Natauhan nalang ako nang hiniyawan na ako ni Mom na paparating na raw yung bangkang sasakyan namin sa Island hopping namin.

Ang weird talaga!