Alyana's PoV
Aya....
Aya...
Aya...
Parang may bumubulong sa akin habang nakapikit ako, tsk! Ano ba naman yan pinagtitripan nananaman ata ako ni Mom e, tsk! Nakalimutan ko bang ilovk yung pinto? Tsk! Ilolock ko na talaga yun bukas idodouble check ko pa para walang makakapasok! Huhuhu! Ang sarap pa naman nang tulog ko.
Aya...
Ayun nanaman. Tsk! Ani ba talaga yun?!
Kinuha ko yung kumot na nakalagay sa akin at itinalukbong iyon sa aking mukha, ayaw kasing paawat nung bulong nang buling sakin, ani nanaman kayang trip nito ni Mom, bakit naman kaya bumubuling buling pa!
Nang may bumulong nanaman saakin ay agad ko nang tinanggal yung kumot sa mukha ko at saka paupong pumuwesto sa kama, wala naman akong nakita, pinikit ko ang aking mga mata at iminulat muli ngunit wala paring kakaibang nandoon, kahit si Mom na inaakala kong bumubulong saakin ay wala naman pala, tsk! Baka imagination ko lang yun.
Humiga na akong muli at tinakpan nang kumot ang mukha, kung ano ano nanamang iniimagine ko tsk!
Saglit palang akong nakakahiga at nakapikit nang biglang may bumulong nanaman saakin.
Aya...
Ano nanaman ba yun! Tsk! Promise di na talaga imagination yun kasi alam ko sa sarili kong hindi na ako nag iimagine nang kung ano ano nang bumulong ulit yung kanina pang bumubulong sakin.
Napailing nalang ako at saka uling yinanggal yung kumot sa mukha ko at tumingin sa paligid, wala parin naman akong nakitang kakaiba.
Haysssss! Ano nanaman ba tong nangyayari sakin, di naman ako nanood nang horror ahhh! Tsk!
Itatalukbong ko na sana ulit yung kumot ko sa mukha ko para maituliy na ang pagtulog nang bugla nnanamang may magsalita, pabulong parin yun, para bang nangaakit yung boses niya.
Nakikilala mo ba ako Aya? Tanong nang boses sa pabulong na paraan. Napatayo na talaga ako nang kama dahil sa narinig, hala! Paanong may magsasalita dito e wala namang nasa loob, luminga linga pa nga ako para maconfirm na wala talagang tao sa loob, baka kasi pinagtitripan nanaman ako nila Mom at nagtatago lang sila sa kung saan saan dito.
Tsk! Kapag nalaman kong pinagtiripan lang nila ako talagang tatamaan silang dalawa sakin.
Umalis ako sa kama at nilibot ang buong kwarto ngunit wala talagang tao, hanu ba naman yan! Nakakatakot na talaga tong joke time nila ahh!
Wala talaga, pati sa ilalim nang sopa na never naman mapapasok tiningnan ko pero wala talaga, pati sa kabenet wala, sa loob nang walk-in-closet wala, hala baka kung ano ano lang talaga yung naiimagine ko! Tsk! Nababaliw na ata ako!
Bumalik nalang ako sa kama at saka luminga linga muna ulit sa kabuoan nang kwarto pero wala talaga, tsk! Okay Aya, isa lang yung imagination mo, hindi yun totoo, matulog ka na dahil maaga kapa bukas dahil ihahatid niyo pa ang Mom mo sa airport, bawal kang Malate so tulog na. Sabi ko nalang sa sarili ko.
Nang wala na ulit akong narinig na bulong na tumatawag sa pangalan ko ay saka lang ulit ako bumalik sa pagkakahiga at matutulog na sana ulit ngunit may naramdaman ako sa kama ko.
Sa left side kasi ako nang kama nakaharap ngayon so hindi ko kita yung sa right, para kasing may kung anong basa kama ko, nararamdaman ko kasi yung bigalang pag compress nang poam nang kama, tsk! Sabi ko nanga ba pinagtitripan nanaman ako nang mga yun e, I wonder kung saan sila nagtago.
Nang tumigil sa paggalaw ang kama ay saka palamang ako unti unting tumingin sa tumabi sakin. Bakit parang may gut feelings akong hindi si Mom or dad yung tumabi sakin? Tsk! Kung ano ano nanamang iniisip ko, baka naman feelings ko lang talaga yun, alam mo naman yung feeling minsan mali minsan truth pero ngayon malakas kasi yung kutob ko na truth yun e! Huhuhu! Nananaginip nanaman ba ako?
Wag naman sanang yun ulit! Baka pagkatingin ko dito sa tabi ko kainin nalang ako nang halimaw, whaaaa! Ayaw ko pang maging dessert!
Unti unti at kabado ang pagtingin ko sa kabilang banda nang kama, tinatantya ko rin kung dapat pa ba ako tumingin pero dahil mas malakas ang kacuriousan ko ay tumingin parin ako.
Nagulat ako nang makitang wala naman akong katabi, biglang humangin nang malakas, parang may bagyo, tiningnan ko ang bintana pero nakasarado naman ito, tsk! Minumulto ata ako? Tsk! Pero wala pa naman akong napapatay or naaalipusta sa buong bubay ko ahhh? Wala akong maalalang may nakaaway akong namatay na kaya naman paano ito nangyari?
Humanging ulit nang ubod nang lakas at kasabay nito ang pagkagulo nang buhok ko, agad ko rin naman itong inayos, tumingin ako sa ibat ibang panig nang kwarto, wala namang weird kundi yung napakalakas na hangin kahit hindi nakabukas yung bintana, isa pa yung parang may naramdaman akong tumabi sakin pero wala naman pala. Malakas talaga ang kutob ko na minumulti na ako e, Huhuhu! Pero bakit naman kaya! I never hurt someone!
Sa sobrang takot humiga nalang ulit ako at saka itinalukbong sa buong katawan yung makapal kong kumot, huhuhu! May mumu talaga sa room ko!!!!
----------
Nagising ako mga 5, gunising ako ni Mom, pinqgalitan niya pa nga ako e, ihahatid ko na nga lang daw siya tinatamad pa daw ako, kung di daw dahil sakin wala siya sa Cebu kaya daw tumayo na ako at ihatid ko na daw siya sa airport.
Wala na akong nagawa at sumunod nalang, naligo lang ulit ako nang mabilis at nagtoothbrush, pagkalabas ko nang banyo habang nakatwalya ay saka palang ako pumunta sa walk in closet ko, nag suot lang ako nang casual cloths, yung t shirt lang at white na ripped jeans sinuot ko rin yung addidas kong white at saka dumeretso na papunta sa salamin dito sa kwarto ko, naglagay lang ulit ako nang pulbos na may tatak pang Johnson's baby powder, tsk! Ano ako bata! Si Dad talaga!
Pagkatapos kong mag ayos ay saka palamang ako lumabas nang kwarto, napagalitan nanaman ako ni Mom dahil sa kakuparan, di na siya nasanay lagi naman akong Late, Pilipino nga diba, and duh! Tulog pa kaya ang diwa ko, ikaw ba naman ang bulabugin nang multo sa gitna nang pagtulig mo, diba di kana makakatulog ulit, ang tagal ko tuloy gising kagabi, ayun tuloy Puyat, may malaking EYEBAGS, at hagard na hagard ako nang magising, daig ko pa ang nagahasa dahil sa itsura ko nang magising ako kanina.
Nakakainis!
Pero yun na nga ihahatid ko na si Mom sa airport, di kasama si Dad may gagawin pa raw kasi siya sa station nila kaya naman hindi niya kami masasamahan.
Mga ilang minuto lang naman ang biyage namin papunta sa aurport nang katabi lang naming lungsod, ang Mactan Cebu Internasyonal Airport, tsk!
Kumain Panga muna kami nang mga streetfood sa tabi nang airport bago pumasok sa loob si Mom, nagkaroon Panga kami nang konting drama nang paalis na siya kasi tinaeag na yung flight nila, naiiyak pa nga ako nang makita ko siyang nag iisang naglalakad papunta sa pila nang mga taong pasakay na sa eroplano.
Nang malayo na siya ay kumaway pasiya sakin at nag flying kiss, sinalo ko naman yun at tinapat sa puso ko.
Nang maihatid ko na si Mom ay dumeretso na agad ako sa bahay, ngunit isang problema nanaman ang dinatnan ko pagkauwi.