Alyana's PoV
Hindi talaga ako makapaniwalang hindi ako makatulog ngayong gabi, ang dami ko namang ginawa, naggardening pa nga kami ni Dad e, at sinamahan ko pa magshopping sa may Cebu City si Mom. Paanong hindi ako makakatulog e pagod na pagod na ako! My God! Kasalanan siguro to nang panaginip ko nung isang gabi e.
Sino ba naman kasing hindi matatakot matulog kung nakaka trauma naman talaga yung panaginip mo. Tsk! Pero duh! For God sake kaylangan ko parin namang matulog noh! Paano na ang beauty rest ko, paano na yung eyebags baka magkaroon pa ako nun! May God ayaw ko nang EYEBAGS! Huhuhuhu!
-After a plenty of hours-
Omygulay hindi parin ako nakakatulog, baka naman nakulam na ako or what? Baka naman may nagkaroon nang sama nang loob samin ni Mom sa Araneta nung pinagbubunggo at pinagtutulakan namin yung mga nakakasalubong namin na mukha nang dugyot sa kakaintay nang bus na masasakyan. Hala! Mygod! Paano nalang kung isang ingkanto yung naitulak ko at para makaganti... I-isinumpaniya ako! Huhuhu! Baka sa susunod papangit na ako! Baka mukha ko na ang puntiryahin niya! Huhuhu! Help me mame!
Pero anong kunek non sa nakakatrauma kong panaginip?
Ginawa din kaya yun nang kumulam sakin if ever na may kumulam nga sakin?
Paano ko naman matatanggal yung kulam?
Huhuhu!
What if kapag nakatulog na ako, isumpa niya ako na hindi na magising? Huhuhu! Magiging si sleeping Beauty/princess Aurora ba ako? Sino naman ang Prince charming ko! Wala mamamatay na talaga ako!
Eh kung kapag baliktad naman, paano kung di niya na ako makatulog dahil isinumpa niya na akong mulat Forever! Hala nakakapagod naman ata yun! Baka maging hagard Forever din ang peg ko!
Huhuhu! Help me God! Ikaw nalang ang masasandalan ko if ever nakulam nga ako nang kungsino mang nagkaroon nang hinanakit sakin.
Alam mo naman siguro God na napakarami kong kaaway sa dati kong school, baka yung iba pinakulam na ako. Di ko rin naman sila masisising mainsecure sila sakin, sa ganda kong to, kapag napapadaan ako sa harapan nang mga kababaihan at kalalakihang nagdedate kuno sa may quadrangle nang dati kong school na pinapasukan, sakin napupunta ang atensyon nang mga boyfriend nila, but duh! Hindi ko kasalanan yun noh! Kasalanan ko bang napakaganda ko? Huhuhu!
Yun na siguro ang dahilan kung bakit may nagpakulam sakin.
Pero what if di naman talaga ako nakulam kundi nagkaroon lang ako nang phobia sa pagtulog? Kasi naman diba... sino ba namang tao ang di magkakaphobia kung muntik ka nang makain nang mga halimaw, okay sana kung yung cute na tumitig lang sakin nung sumilip muli ako sa siwang nang pinto e, kaso buong pamilya nang mga Aswang! Duh! Its a big No! No!
Bakit ba kasi ganun yung napanaginipan ko? Nakakastress! Paano na ang gala namin ni Mom dis hul wik if ganito ang kalagayan ko, paano kung di na ako makatulog dis hul wik, sayang ang bakasyon! Huhuhu!
At ang nakakapagtaka pa sa panaginip na to, why bakit sobro nan atang makatotohanan yung panaginip ko, sobrang clear as in para talaga akong nandoon sa panaginip na yun, at yung flowervase, bakit, bakit parang totoong too ang pagkabasag nun? Bakit parang nandoon talaga ako? At bakit ako nasugatan at nasaktan nang hawakan ko yung basag na mga parte nung vase dahil sa taranta?
Hinawakan ko ang kamay na pinanghawak ko dun sa vase at may naramdaman, b-bakit, ma-mahapdi ang dulo nang daliri ko? Tanong ko sa sarili ko nang makaramdam nang hapdi. Tinignan ko pa ang aking daliri at nanginig nang makitang may maliit itong hiwa sa dulo.
Dyos ko! What is the meaning of this?
Napatayo ako sa pagkakahiga at saka inilapit nang husto sa lampshade sa may tabi nang kama ko ang akin daliring kinakitaan nang maliit na sugat. T-totoo ba to? P-pero... Paano? I mean nasa panaginip ko ako nang mangyari ang aksedenteng pagkahulog nang vase so paano mapupunta sa reality ang sugat na to? Hala di kaya... Totoo ang mga nangyari? Haysss! Ang gulo bakit naman ganon, nasa panaginip talaga ako nun e! Nasa panaginip ako nun! Nagising na nga ako kaya naman di ako naging desert nang hapag nang mga carnivals nayun? Kaya naman paano magiging totoo ang mga nangyari dun, paano mapupunta ang isang sugat na nakuha ko sa may panaginip sa reality?
Hala, naguguluhan na talaga ako!
Umalis ako sa kama hawak hawak parin ang daliri kong may konting sugat, sugat na nakuha ko sa panaginip, at naglakad patungo sa pinto nang aking kwarto. Lalabas sana ako para magpahangin at uminom nang tubig, nawalan na kasi ata ako nang laway sa sobrang takot at kaba na naramdaman, need ko narin talaga nang fresh na hangin, baka kasi binabangungot na ako nang gising dahil sa mga iniisip ko.
-Tomorrow-
"Aya! Gumising ka na, nagiintay ang Mom mo sa baba!" Sigaw ni Dad sa labas nang kwarto ko. Hanu ba naman yan Dad, kakatulog ko palang ata ginigising na ako!
"But Dad! Tell mom to wait untill eleven! I just get sleep a while!" Sigaw ko bilang sagot, husky pa ang boses dahil inaantok pa talaga ang dyosang kaharap niyo, hahahaha! Charot!
"Okay, I will tell your mom about that! I dont think she will wait, or even okay about that!" Sigaw niya din sakin. Tsk! Bhala na si Mom, kakatulog ko lang e, gigisingin agad!
"Bahala na Dad! I need to sleep pa talaga! Told mom she can go to the mall first if she's get bored but tell her also na mga eleven niya na ako balikan, I'm really sleepy pa talaga e!" Sigaw ko ulit habang nagiinat inat, at saka itinalukbong sa mukha ang unan, di ko na talaga kayang sumagot pa kay Dad, kaylangan ko nang panindigan ang pagtulog ko para naman kahit papano ay may energy ako.
"Okay! I'll tell her!" Sigaw niya at narinig ko na ang mga yapag nang sapatos niya palayo mang aking kwarto. Hayyyy... Buti nalang at umalis narin siya, sana naman mapakiusapan si Mom, kung hindi... kailangan kong bumaon kahit na antok na antok pa ako at need ko pang matulog, knowing her baka hirqmin niya pa kay Dad ang duplicate nang susi nang kwarto ko at buhusan ako nang malamig na tubig Just to make sure na maisasama niya ako sa gala niya. Tsk! Sana naman wag nang mangyari yun dahil baka mawala talaga ako sa mood buong araw.