Chereads / Fall Inlove with Clerion Collins / Chapter 5 - Chapter 3 Vacation turned to hell Pt. 2

Chapter 5 - Chapter 3 Vacation turned to hell Pt. 2

Alyana's PoV

Nandito na kami ngayon ni Mom sa isang spa dito sa loob nang SM City Cebu, inaya na kasi agad ako ni Mom nang makita niya akong bumaba na mula sa aking kwarto na nasa second floor nang bahay ni Dad, nasa kitchen sya nun nagluluto siya nang kakainin namin sa tanghalian, pinipigilan na nga siya nang mga kasambahay ni Dad pero ayaw niya paring papigil. Napailing nalang ako, ganyan talaga si Mom, kahit sa bahay namin sa manila, ayaw niyang may naglulutong iba sa kanyang kusina, diba Wow, hahahah! Nagkasambahay pa siya, minsan nga pati gawaing bahay siya pa gumagawa, kaya ayun ang mga kasambahay namin feeling awkward na kasi nga sila nakaupo yung amo nila, naglilinis at masayang masaya sa ginagawa niya.

Mapapailing ka nalang talaga kay Mom e.

Ayun nga pinagluto niya kami nang paburitong putahe ni Dad na paburito niya ring lutuin sa Maynila. Tsk! My samteng fishy guys! Hahahha chorlang! Nagluto lang si Mom nang sweet and sour pork with pineapple, naging paburito ko na nga rin yun sa dalas lutuin ni Mom e.

By the way mabalik na tayo sa spa, yun nanga okay narin naman dito sa napiling puntahan ni Mom at makakapagrelax relax pa kami, kaysa sa Ktv or sa Tom's World, na kaylangan mo pang magpagod, dito sa spa, nakahiga kalang at chillax hahahha! Parang double ment lang ang peg a! Lakas maka chillax hahahaha!

Pagkatapos namin magchillax sa may spa, well di ko na imemention yung pangalan nang spa kasi di naman siya ganun kasikat, pero okay naman yung pagiispa nila, mabilis at masarap nga din sa pakiramdam like sa mga Premium Spa na lagi naming pinupuntahan sa SM MOA sa manila e, tsk! Namiss ko tuloy yung mga ganung gala namin ni Mom, ngayon ko nanga lang ulit nagawa to with her e, lagi kasi sila ni Tito Frankie na umaalis kaya ako nalang lagi at ang mga yaya ang naiiwan, minsan naman siya ang nasa bahay at ako ang nasa school, napakabusy kasi lalo pa't isa akong representative nang section namin kaya dapat lagi akong kasama sa mga meeting na may kinalaman sa school, yun tuliy late na akong umuuwi maaga pa akobg pumapasok nitong nakaraang school year, tsk! Ito na siguro ang time para magsaya ulit kami ni Mom.

Inaya naman ako ngayon ni Mom na magshopping, like what expected to mom, ayun kasi ang paburito niyang part, ako kasi ang paburito kong part sa mga gala gala namin is yung pagkain namin sa ibat ibang resto, ayun ang gusto kong part, wala naman akong pakialam kung madami akobg kainin kasi naman hindi talaga ako tumataba, sabi nga ni Mom and dad dati baka daw may bulate lang ako sa tyan kaya ang payat ko, pero nang lumaki na ako ayun Sexy na ako sa paningin nila, di nila kasi kayang aminin na petite lang talaga ang anak nila nung bata kaya mapayat, akala kasi nila malnourished ako noon. Tsk!

So yun nanga, buti nalang talaga at nasa probinsya kami kung hindi baka nanakawan na kami ni Mom sa dami naming biniling mga mamahaling mga gamit at damit.

Ako bumili lang ako nang isang Luis Vitton shoulderbag na maid in Paris, samantalang si Mom naman bumili nang sandamakmak na Channel brand na shoulder bag na akala mo hindi na ulit siya makakaulit kaya naman binili na niya ang lahat nang gusto niya na nakalagay sa tindahan nang mamahaling brand nang bag nayun. Grabe! Tinamaan nanaman ata siya nang topak niya. Tsk! Daig pa niya si lola Dionisya sa paggasta nang pera!

"O anak san mo pa gustong pumunta? Kain na ba tayo?" Tanong niya sakin habang inaayos ang mga paperbag na dala dala niya sa mga braso at kamay niya.

"I think we should eat now?" Patanong ko ring sagot sa kanya, malay mo kasi gusto niya pang limasin lahat nang Gucci dito sa SM diba?

Tumango naman siya at saka itinuro yung malapit na fastfood resto na lagi naming pinupuntahan pagkatapos magshopping, ang jollibebes ko! Huhuhu namis ko to! Lagi nalang kasing sa mga mamahaling restaurant kami dinadala ni tito e, nakita ko din na kumislap ang mata ni mom habang nakatingin rin sa Fastfood resto nayun.

"Let's go?" Tanong ko kay Mom. Tumango ulit siya at saka gumora na kami papuntang sa Jollibee.

Nang makarating na kami sa harap nang Jollibebes ko ay ako na ang tomoka sa paghahanap nang mauupuan, alam naman na ni Mom kung anong paburito kong Order dito sa Jollibee e kaya naman sure akong kaya na niya yung pagorder nayun.

Nang makaalis na yung naunang kumakain sa pwestong nagustuhan ko ay pinalinisan ko sa waiter yung lamesa at saka doon na inilagay ang mga gamit namin sa mga upuang vacant pa, may dalawa pa namang magkaharap na upuan na wala pang nakaupo sa tabi nung pinaglagyan ko nang mga gamit kaya naman dun nalang kami umupo.

Umupo na ako sa upuan at saka nag intay sa pagbabalik ni Mom, nang mabored na sa tagal ay kinuha ko sa Luis Vitton kong string bag ang aking IPhone, mag pepestbook muna ako mga besh!

Nag sign in ako nang Fb account ko at saka tumingin tingin nalang sa aking news feed kung saan pero mga post lang nang mga dati kong kaklase at school mates ang makikita, maging yung mga nakasama kong mga tiga ibang school sa seminar na mga pinagpupuntahan ko kasi ako din ang Ambassador nang school namin sa usaping pang kabataan, mmp!

Most hated girl sa school namin pero Ambassador nang usaping pangkabataan nang school, hahahha! Napaka Ironic e no! Parang joke lang na Super corny.

Nakita kong madami nanaman akong friend request sa Fb ko, may mga notifications din na sa sobrang dami ay 99+ nalang ang nakasulat sa icon nang notification nang Fb ko, na curious na tuloy ako kaya naman tiningnan ko kung anong makikita ko dun, baka kasi may importanter e! Hahahaha!

Hala! Ang daming mentions! Bakit naman ganito!

May nakita pa akong mga kung ano ano pang notification pero may bahala nalang yun ang nakaakit kasi nang atensyon ko ay yung menention sakin nang isa sa pinakamay malaking galit sakin sa school. Si Catrina, bakit kaya ako namention nang loka loka nayun.

Pero isa pang tanong, bakit naman kaya ang tagal ni Mom bumalik, di naman malawak tong fastfood nato kaya bakit naman ang tagal niya, ano siya naligaw ganurns!

Pinindot ko na ang icon kung saan ko makikita yung post na menention sakin ni Catrina.

Nung una binabasa ko yung caption sa ilalim nung picture na di ko naman makita dahil mahina ang signal dito sa loob nang mall, naka 4G naman ako, tsk!

Ito ang nakalagay sa caption niya pero di ko naman magets.

"She is the girl who we envying, but look at her in this photo... She's fake!"

Waw inemphasise niya pa talaga yung she's fake nayun, at bakit naman kaya ako nakamention dito, di naman ako fake a, totoo to no, walang halong gluta walang retoretoke.

Napairap nalang ako at saka isasign out na sana ang Fb account nang makita kong nagchat sakin si Mica isa sa mga classmate kong nagfefeeling close, ano nanaman kayang pangungulit ang gagawin nito. Wala naman siyang paramdam sakin nung umalis ako bgayon lang ulit.

As if namang may care talaga ako kung magpaparamdam siya or hindi no!

Anyway binuksan ko parin ang chat niya at saka binasa, baka kasi importante e, o kaya naman sasabihin narin niya sakin na i Hate you narin kasama na ako sa mga haters mo, ganur, siya nalang ata kasi ang babaeng humahanga at rumeresperto sakin sa school ko dati, fan niya daw ako, kaya naman sa lahat ata nang semenar na pupuntahan ko pagkabalik ko may pa welcome tarpoline pa siya.

Binasa ko na ang chat niya.

[Mica Sarezza]

Idol!!!!!!

Nakita mo na ba yung nagbaviral mong photos na pinost ni Catrina? My God Idol, she acuse you as retokada! I can't believe her! Totoo ba yung sinasabi niya? My God tell me!

~Seen~

What? Anong picture yun? Pinost ni Catrina?

Bakit parang kinabahan ako dun?

Sinamaan ko muna nang tingin yung cellphone ko at saka nag isip kung bakit ganun kahyperbole ang pagkakaintindi ko sa chat ni Mica. Bakit parang hindi siya makapaniwala sa nakita niya.

Binuksan ko ulit yung Fb account ko at saka hinanap sa notif yung menention sakin ni Catrina baka kung ano na kasi yun kaya naman binilisan ko na ang pagpindot. I wonder kung ano mang pinost na yun ni Catrina at ganun nalang ang pagtatanong sakin ni Mica.

Nang makarating sa post ay wala nanaman akong makita dahil sa hina nang signal, what the hell!

H+ lang yung data connection ko, tsk! Hanu ba yan.

Napagalaman ko rin na ilang oras niya palang yun napost at mahigit 150k na yung reaction at may 40k comment na at 113k shares, kinabahan ako nang makitang kalat na, grabe ang bilis naman kumalat nito, ano kayang picture to.

Di na alo mapakali at napapalinga linga nalang sa paligid, baka kasi hanggang dito may makakilala sakin, sa dami kasi nang nakakita na ang post nayun seguradong kahit saang lupalop man ako nang muno mahahanap at makakanap nila ako.

My God! Why  Am I feeling so embarrassed without knowing what picture she  post on Fb, my gut feeling says something bad happened. My God ano ba naman to!

May maya lang ay biglang dumating si Mom, dala dala ang mga pagkain namin, may maya lang pagkalapag nang pagkain namin ay nilabas niya ang cellphone niya at saka aligagang may ipinakita sakin sa IPhone niya.

Dun ko nalaman yung picture na sinasabi nila.

Anak nang tokwat baboy!!!!